Kabanata VIII
"Hearts that beat is the heart that bleeds."
NAGISING ako sa malakas na tunog ng ringtone ko. What the hell! Ang sakit-sakit ng ulo ko. I got wasted last night and all I want to do today is to sleep.
Kinapa ko ang cellphone ko kung saan nang hindi minumulat ang mga mata ko. I answered the call.
"Empress."
Awtomatiko akong napabangon at nandilat ang mga mata ko. I looked at the screen and I saw Drake's name on it. He's calling via Messenger.
"Uh, yes..." sagot ko.
"You were sleeping?"
"Yes. Nagising lang ako sa tawag mo. Why?"
Tinatanong pa ba 'yan? Dapat nga magpasalamat pa ako na tinawagan niya ako. Kinikilig na naman ako kahit kagabi sobra akong nasaktan sa nga ginagawa niya sa Taiwan. Gusto ko siyang kausapin tungkol dun kaso naisip ko, wala naman akong karapatang mag-react. Pero may deal kami! Hay, ayoko lang maging nagger sa kaniya saka ayokong kausapin siya ng nasa malayo siya. I will ask him kapag nakauwi na siya dito.
Narinig kong tumikhim siya. "Where?"
"Sa unit ko. Why?"
"Nothing."
I see. Antok na antok pa talaga ako. "Alright! I'll hang up. I need more sleep."
"Who's with you last night?"
I frowned. Akala ko puputululin na niya ang tawag pero may follow up question pa pala.
"Frey."
"And?"
"Wala na?"
"Really."
Ah, I remember that I met some guy last night. "And with—"
I looked at my screen and the call ended.
Babaan ba naman ako. My gosh! Mahal kita, Drake. Kumbaga Drake is life but tulog is lifer kaya hahayaan ko siya.
Binalewala ko na ang tawag kahit kinilig ako ng very light dahil chinecheck niya ako. Pero ang sakit sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko na nga matandaan kung naka-ilang bote ako ng alak kagabi. Muntik ko pang makalimutan na may nakilala akong hottie kagabi. Ugh.
Muling tumunog ang cellphone ko.
Napamulat naman ako ng mga mata ko dahil in-expect ko na si Drake ulit but no.
Jaxson Mateo Aguilar Abellano calling...
Oh my!
Mabilis kong sinagot ang tawag. "Hey, Jax! What's up!"
He is my best friend! A guy best friend! I met him at my father's reunion with his friends last year. And after that he added me on facebook then we talk, we always chat until we got close. Hanggang sa nakakausap ko siya tuwing gabi sa messenger, tungkol sa mga hinanaing ko about Drake. Yes, he's the only person na nakakaalam ng kalandian ko for Drake. Ang gaan gaan kasi ng loob ko sa kaniya because he's too kind and innocent.
But two months ago, bigla na lang siyang hindi nagparamdam at ngayon lang ulit! Kaya siguradong maguhulat siya kapag sinabi ko sa kaniya ang kagagahang ginawa ko na deal kay Drake.
"Araine."
He loves calling me by my second name. Gusyo daw niya para siya lang ang tumatawag sa akin ng gano'n. Special daw! Argh! Anyway, it was pronounced as 'areyn' like that.
"How dare you! Bigla ka na lang nawala tapos susulpot ka na para kang mushroom! I hate you!"
Isa siya sa mga taong hindi ko nakakalimutan ang pangalan. Well, of course. He's close to my heart. Pinagtatawanan ako dahil mabilis akong makalimot ng pangalan. Ewan ko ba. But to the people who are close to my heart, never kong nakalimutan ang mga names nila. Katulad ni Drake...
He chuckled. "Naging busy ako. Marami akong inayos na papel."
"Whatever! Akala ko ba best friend kita!"
"Yeah. That's why I came."
Kumunot ang noo ko. "Came?"
Biglang tumunog ang doorbell. At nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko.
"Oh my!"
Mabilis akong bumalikwas sa kama ko at mabilis akong tumakbo pababa para pagbuksan ng pinto si Jaxson. He's here!
Pagbukas ko ng pinto ay nalaglag ang panga ko nang ang mukha ni Drake ang sumalubong sa akin.
What the hell?
"Hey, Araine? What happened?" Naririnig ko si Jaxson sa kabilang linya pero ang atensyon ko ay nasa lalaking kaharap ko ngayon.
Napalunok ako.
"You look disappointed. Expecting someone?" Tanong niya saka dirediretsong pumasok sa loob.
Bakit kasi nag-doorbell pa siya! I gave him my passcode. Or wala siyang paki kaya hindi niya minemorize.
"Oh, it's him. Bye for now, Araine. I'm at the airport. I thought you could fetch me. But then, see you later."
Naputol na ang tawag. Iyong excitement ko na akala ko ay si Jaxson ang dumating... shit! Wala man lang pasabi si Drake na umuwi na siya? I thought he'll stay there for a week.
I took a deep breath saka sumunod sa salas.
"I thought you'll stay there for a week, Drake? Are you done with your business there?"
Tumango lamang siya. He's drinking beer. Galing sa fridge ko. Beer in can.
"It's too early to drink." Sabi ko.
Binalewala niya ang sinabi ko. He stared at me. "Are you expecting someone to come here? You look excited a while ago."
Galit ba siya? Hindi naman siguro? Nagtatanong lang siguro. Bawal kasing mag-expect!
"Uh, I just thought..."
"Who? Your new sexmate? Tell me, ilan kami?"
I gulped. Kumirot ang puso ko sa tanong niya. How dare him ask me that kind of question? Ilan sila? Alam naman niyang virgin pa ako nung may nangyari sa amin. Punyeta masakit pero kailangan pa ring ngumiti.
"What are you talking about?" Tanong ko pero may namumuong inis sa dibdib ko. I don't want to show him that I am affected. I want to act natural.
Ngumisi siya. "Telling me earlier that you were at the bar with Frey alone. Yet there was a photo she posted that you were with a guy. Oh, fucking great."
Bigla kong naalala ang ginawang kalokohan ni Frey kagabi. Sa sobrang pagkalasing ko kagabi hindi ko agad naalala kanina ang mga nangyari.
"Look, I forgot about it."
He stood up. "Never mind. I don't fucking care if you were with a guy. That's not new to you, Empress. I just came here to tell you that I broke the rule. I had sex with some hot girls at Taiwan."
Parang may nabiyak sa parte ng puso ko. Alam ko naman e. Nakita ko naman sa post niya kagabi. Mas masakit nga lang pala kapag nanggaling pa sa kaniya. At mukhang proud pa siya.
Nilakasan ko ang loob ko. Pinilit kong hindi umiyak. Pinilit kong ipakita na hindi ako affected. Pinilit kong kumalma.
Tumawa ako. "Well, that's normal, Drake. It's okay! No harm done. It was just a rule, afterall."
Pero deep inside, ang sakit sakit.
"Do you still want to continue the deal? Because if yes, I'll change the rule. I can fuck anyone I want."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Para saan pa ang deal? Our deal is for you to move on and—"
"Yeah. Moving on by letting you be my girlfriend and why? Anong connect kung makipag-sex man ako sa iba? As if you are my real girlfriend. This is just a deal, yeah, for you to fulfill your desire. We can fuck, for your satisfaction. But I can also satisfy my needs with other women."
This is bullshit.
Nanatili akong kalmado. Taas noo akong nakatingin sa kaniya sahil ayokong ipakita na malapit na akong bumigay dahil sa sakit ng mga sinasabi niya.
So parang sinasabi niya na hindi pa ako sapat sa kaniya. Wow naman pala, napakasakit.
"We can stop this." Dugtong pa niya.
Tumikhim ako. "No. We'll continue. I don't mind if you change the rule. Do what you want but stay as my boyfriend. Whenever I need you? You should come to me. And when you need me, I will come to you. You can do what you want but you still need to be my boyfriend. Are we clear?"
Saan ko nakuha ang lakas ng loob ko? Saan ko nakuha ang ka-desperadahan ko? Saan?!
Kapag talaga mahal mo, kaya mong tiisin ang sakit makasama lang siya.
"Are you crazy?"
Oo, baliw sa'yo. Baliw na baliw.
"Well, you know me! And hey, you took my virginity. You should be responsible for it!" Nakuha ko pang tumawa. Malala na ako.
Tinitigan niya ako. "I don't love you, Empress."
Matagal ko nang alam. Tanggap ko naman.
"I know." I answered na parang hindi ako apektado.
Grabe, ang strong strong ko.
"You still want to continue?"
"Of course! Duh! Ang yummy mo kaya! Don't worry, you can do what you want okay? Saka 'di ba isa sa rules natin ang bawal ma-fall? Kaya expected na 'yon! That you don't love me. My gosh, Drake!"
How can I act like it was nothing...?
"Fine." He answered saka umalis na.
Walang lingon lingon, walang paalam. Basta umalis na lang. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.
Napaupo ako sa sahig. My knees became weak. Kung kanina ang lakas lakas ko sa harap niya? Ngayon ay ramdam ko ang panghihina ko.
Kusang tumulo ang luha ko.
Ganito na ba talaga ako ka-desperada? Ganito ko ba siya kamahal para tanggapin pa rin siya ng buong buo kahit ang sakit sakit na?
Kahit ipamukha niya sa akin na hindi niya ako mahal, na wala siyang pakialam sa akin, bakit nakukuha ko pa ring magpaka-martir?
Punyetang puso 'to.
Ang sakit sakit... pero anong magagawa ko? Si Drake man ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko, siya rin naman ang nagpapasaya sa puso ko.
♤♡◇♧
NAMAMAGA ang mga mata ko kaya hindi ako makalabas ng unit ko. Kung kaninang umaga gustong gusto kong matulog, pwes nawala ang antok ko sa lakas ng impact ng sakit ma binigay ni Drake.
Ang desperada ko kasi.
My phone beeps and nagpop-up ang pangalan ni Jaxson. I almost forgot that he came here at the Philippines galing states.
From: Jax 💋
I'm here.
Tumayo ako saka pinagbuksan ng pinto si Jaxson. Kahit papaano ay tapos na ako sa pag-iyak. Para namamg hindi ko pa iyon expected. E alam ko namang sa pinasok ko, masasaktan lang ako ako.
"Araine."
Mabilis akong yumakap kay Jaxson. He hugged me back and chuckles. "Miss me?"
Bumitaw ako sa kaniya saka pinitik ang tungki ng ilong niya.
Grabe, mula nang makilala ko siya last year, mas lalo siyang gumwapo ngayon.
"What happened to your eyes? Inaway ka ba? Suntukin ko na ba?"
I pouted my lips saka kinuha ang dala niyang box ng pizza. I closed the door saka sinabayan siya papuntang living room.
"As if naman kaya mong manuntok." Sabi ko. E sobrnag bait kaya ng lalaking 'yan.
Tumawa siya. "Oh yeah. Masama ang makipag-away, Araine."
See? Hindi ko nga alam kung paano ko siya nakasundo. E santa santita ako. Then imagine he's too innocent tapos ako, bitch ako.
Umupo siya sa sofa. Kumuha ako ng beer-in-can sa fridge saka inabot aa kaniya ang isa.
"Tell me why." Aniya.
My adviser. He's been very nice to me kahit gaga ako sa pag-ibig.
"I proposed a deal to Drake."
"A deal?"
Tumango ako. "I asked him to be my boyfriend."
"What the fu...dge."
"But I never told him about my feelings. Duh! As if naman ipapaalam ko. I just want to be with him syempre. Desperada na ako 'no?"
Napailing siya. "Maganda ka, Empress. Hindi la mahirap mahalin. Malsita ka pero mabuti ang puso mo. Pero bakit kailangan mong magpakatanga sa lalaki na 'yon? Why settle for less?"
That hits me.
"E, mahal ko kasi."
"Pumayag siya?"
Tumango ako. "Para kaming magjowa slash fuck buddy. May nangyari na nga sa amin. He was my first kaya masaya ako!" Proud pa ako. Well, kay Jaxson lang naman ako nagiging totoo. I can act for who I really am.
"Seriously, Araine." He massaged his temple. "At least respect yourself."
I bit my lower lip. "Mahal ko nga kasi."
"Tang inan—hell, kung pwede lang kitang iuntog sa ABS ko para matauhan ka."
Nginisian ko siya. "Talaga ba? May ABS ka na?" Biro ko.
He's a perfect guy sana. Yes, bukod sa pagiging gwapo. Lahi na nila ang pagiging gwapo e. It runs in their blood. Mabait pa siya, responsable, bihirang magmura, inosente, thoughtful, to the rescue lagi tapos good adviser pa, pero hindi ba't nobody's perfect naman? Well, pinagpala siya sa mukha pero hindi siya biniyayaan ng ABS. Meron siyang one pack-AB. Isa lang.
He laughed. "I'm working for it. Maybe it runs in our blood?"
Tumawa ako lalo. "Gwapo ka naman e."
"But seriously, Araine. If you chose to do that, wala akong magagawa because you're a brat but I'll be here. I can be your back up anytime. But please, kapag dumating sa punto na hindi mo na kaya, huwag mo nang pilitin pa. Magtira ka kahit kaunting pagmamahal para sa sarili mo."
Na-touch naman ako. Ang swerte swerte ko sa lalaking 'to. Kung sana siya na lang ang minahal ko 'di ba? Kaso bwisit na puso e. Kung sino pa iyong nananakit iyon pa ang minamahal.
"Ikaw na lang kaya ang boyfriend ko, Jax?" Biro ko.
"Uminom kana lang, Araine. Baka mahimatay ang nanay ko. Hindi pa 'yon ready saka bata pa ako, marami pa akong pangarap sa buhay."
Iba din! Huwarang anak! "Whatever!" I rolled my eyes. E successful na nga siya kasi siya na ang namamahala ng company nila.
"Can I stay here for a night? Pero huwag mo akong pagnanasahan. Kasalanan 'yon."
Humagalpak lang ako ng tawa. It's so great that he's here. "Of course! Saka na kita pagnanasahan kapag may ABS ka na."
Umiling lang siya saka binigyan ako ng slice ng pizza. We cheers our beer and smiled at each other.
Ang gaan gaan sa pakiramdam. Yes, ang best friend natin para talaga silang band aid e, sa panandaliang oras nababawasan nila ang sakit na nararamdaman natin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top