CHAPTER 5
They say a mother's love is the purest of them all. A love that shields and nurtures, a love that is soft like a lullaby on restless nights. I stood at the bottom of the stairs leading up to the stage, my small hands are gripping the fabric of my uniform. My classmate from pre-school, who's in front of me, giggled as her mother knelt to fix the ribbon in her hair.
"Napakagaling mo talaga, anak! Honor student ka na naman! Dahil diyan, kakain tayo kung saan mo gusto!" her mother said in a glee.
"Talaga, Nay?! Excited na po ako!"
I lowered my gaze, the scene in front of me made my chest tightened. I could hear the joy in my classmate's voice and the pride of her mother about her achievements. The soft, encouraging words they exchanged only reminded me of what I had never experienced.
Ngayon ang recognition namin, at isa ako sa mga estudyanteng aktibo sa klase. I felt the nervousness in my chest as I waited for my name to be called for the awards. All the parents were there, sitting and watching their children with joy and pride, while busy taking photos and videos, catching the precious moments.
Ako, sa kabilang banda, ay nakatayo sa gilid at mag-isa. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko, kung darating pa ba ang araw na makakasama ko ang nanay ko sa pagdiriwang ko. Pero hindi. Kahit libutin ko ng tingin ang buong gymnasium ay hindi ko maramdaman ang presensya niya.
"Sevilla, Camilla. With Highest Honor."
Dahan-dahan akong humakbang papunta sa gitna, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Habang inaabot ko ang sertipiko mula sa aming punong guro, ay pilit kong pinapakalma ang puso ko sa katotohanang wala si Mama para makita ang araw na ito.
Sa gilid ng aking paningin, ay may isang pigura akong nahagip—isang pamilyar na anyo.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi... imposible.
Napahigpit ang hawak ko sa diploma. Nanginginig ang aking mga kamay.
Siya ba talaga iyon?
"Wala bang mag-sasabit ng medalya mo, anak?" mahinang bulong sa akin ng punong guro habang inililibot ang paningin. Naghihintay kung may kasama ako.
"Ako lang po ang mag-isang nandito," sabi ko.
Napangiti siya, ngunit may lungkot sa kaniyang mga mata. Marahan siyang tumango bago isinabit sa akin ang mga medalya. "Napakagaling mong bata," aniya, bahagyang pinisil ang aking balikat bago ako pinakawalan.
Pilit kong pinanatiling tuwid ang likod ko habang bumababa ng entablado. Bawat hakbang ay parang mabigat, hindi dahil sa mga medalyang natanggap ko, kundi dahil sa kawalan ng taong dapat ay nandoon upang ipagmalaki ako.
Umupo ako sa dulong bahagi ng gymnasium, hawak ang diploma at medalya, habang hinihintay na matapos ang seremonya. Nang matapos ay umuwi agad ako. Dala ang mga sertipiko at medalya ay nakangiti akong naglakad pauwi.
Pilit kong pinapalakas ang loob ko—siguro kaya hindi siya nakapunta ay dahil abala siya. Baka may trabaho o may inasikaso. Ganon siguro. Sana lang, kahit ngayon, madatnan ko siyang nakangiti at masaya sa mga natamo ko sa skwelahan.
Agad napawi ang ngiti ko nang mapansin ang mga sasakyang pang-pulis na nakaparada sa harap ng bahay. Biglang bumigat ang dibdib ko, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang dahan-dahang lumapit.
May ilang pulis na napalingon sa akin, kita sa mukha nila ang lungkot at pag-aalinlangan. Para bang may gusto silang sabihin pero hindi nila alam kung paano sisimulan.
Humakbang ako palapit sa pintuan, nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ang mga medalya na kanina lang ay ipinagmamalaki ko. Ngayon, ay bigla itong nawalan ng halaga.
"You must be Carmina's daughter," napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. Malamig ang boses niya, at puno ng pag-aalala.
"Ano pong meron? Bakit may mga pulis at ambulansya dito?" nanginginig ang tinig ko. Ayaw kong marinig ang sagot. Ayaw kong marinig kung anuman ang sasabihin nila. Pero, hindi ko rin kayang tumalikod.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki bago siya nagsalita.
"I'm Detective Martinez," seryoso ngunit maingat niyang pagpapakilala. "Ikinalulungkot kong sabihin ito, pero may nangyari sa iyong ina."
Nanlamig ang buo kong katawan. Napakapit ako sa medalya ko, na tila ba doon ako kumukuha ng lakas.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" mahina kong tanong, halos hindi na marinig ang boses ko.Nagpalitan ng tingin ang mga pulis bago muling nagsalita si Detective Martinez.
"Nakita siyang walang buhay sa loob ng bahay niyo kaninang tanghali,"
Parang tinanggalan ako ng hangin sa sinabi niya. "A-ano?"
"Hinihinalang pagka-overdose sa droga ang naging sanhi ng kanyang pagkawala."
Napatigil ako. Para bang huminto ang mundo ko sa sinabi ng pulis.
"Hindi. . . hindi totoo 'yan," mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sariling boses.
Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong inuunawa ang sinabi nila. Ang nanay ko? Droga? Paano? Kailan? Bakit?
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" pinilit kong itanong, kahit may nakabara sa lalamunan ko.Tiningnan ako ni Detective Martinez na para bang naghahanap ng tamang salita bago siya muling nagsalita.
"Nakita namin ang ilang ebidensya sa loob ng bahay ninyo, lalo na sa kwarto ng nanay mo. May nakasaksak pang syringe sa kanyang braso nang matagpuan siyang wala nang buhay. Ayon sa initial findings ng mga doktor, posibleng overdose ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay." At doon na tuluyang bumagsak ang mundo ko.
Napatunayang gumagamit ng droga ang nanay ko. Ayon kay Detective Martinez, may matagal na siyang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga, ngunit hindi ito kailanman lumabas sa kaalaman ko. Hindi ko alam. Wala akong alam.
Mahigpit kong hinawakan ang mga medalya—mga medalyang bunga ng lahat ng pagod at paghihirap ko. Pangarap kong ipakita ang mga ito sa kanya at makita siyang masaya kahit sa panandaliang pagkakataon. Pero ngayon, parang wala na itong halaga.
Nanginig ang mga kamay ko, kasabay ng pag bigat sa dibdib ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan. Bumagsak ang mga medalya sa sahig, kumalansing ito sa malamig na semento, at kasabay nito, tuluyang bumagsak ang mga luha ko.
Agad akong napabalikwas mula sa pagkahiga habang habol ang hininga. Ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko, para bang may kung anong mabigat na bumabagabag sa akin. Napapadalas na ang paggising ko ng ganito, nagigising na lamang ako na may kung anong kirot at bigat sa dibdib. Pero sa tuwing sinusubukan kong alalahanin kung ano ang dahilan, wala akong maalala. Sumasakit lang ang ulo ko.
Napahawak ako sa sentido ko, pilit iniinda ang kirot na unti-unting lumalalim. Pilit kong iniisip kung may masamang panaginip ba akong napanaginipan, pero kahit anong gawin ko, blangko ang isip ko. Para bang may bahagi ng alaala ko na hindi ko maabot.
Bumangon ako at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog ng alon mula sa labas ang naririnig ko. Napahinto ako saglit.
Lunes ngayon. Hindi ako nakapaghanda ng umagahan para kay Dominic.
Umalis na kaya siya? Galit din kaya siya sa akin?
Diretso akong nagtungo sa kusina at agad kong napansin ang nakahandang sinaing sa aming lumang kalan na de-semento. Muli akong napalunok.
Hindi niya ba ako ginising dahil galit din siya? Siya ba ang nag-asikaso ng sarili niya?
Dumiretso ako sa banyo at mabilis na naligo. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa aking balat at pilit pinapawi ang kung anumang bigat na bumabagabag sa akin. Pagkalabas, agad akong nagbihis, ngunit napatigil ako nang mapansin ang nakasabit na uniporme ni Dominic sa lumang cabinet.
Bago itong plantsa, at walang gusot.
Isa lang ang uniporme niya.
Ibig sabihin... hindi siya pumasok sa trabaho!
Napaigtad ako nang bumukas ang pinto, bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit hindi siya pumasok? Saan siya galing?
Nakatayo siya sa may pintuan at magulo ang kaniyang buhok. Nakasuot siya ng itim na sando dahilan para makita ko ang malalaki niyang braso.
"Dominic..."
"Lilah..." mahina ang boses niya at may alinlangan.
Napalunok ako, hindi sigurado kung anong dapat kong sabihin. "Bakit hindi ka pumasok?"
Napakunot ang noo ko habang tinitignan siya. Hindi siya mukhang galit, sa halip ay may kung anong kislap sa kanyang mga mata.
"Bakit hindi ka pumasok?" tanong kong muli, ngunit sa pagkakataong ito ay may halong pagtataka ang aking boses.
Ngumiti siya, isang kakaibang ngiti na lalong nagpa-curious sa akin. Lumapit siya at inilapag ang hawak niyang lambat sa mesa bago tumingin sa akin nang diretso.
"May kailangan tayong puntahan," aniya na puno ng pananabik ang tinig.
"Saan tayo pupunta? Hindi ba't may trabaho ka ngayon?" tanong ko, bakas ang pagtataka sa aking boses.
Ngumiti siya at umiling. "Nagpaalam ako ngayon."
Napakunot ang noo ko. "Bakit ka nagpaalam? Ano bang meron, Dominic?"
Sa halip na sumagot, lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Ramdam ko ang init ng palad niya sa balat ko, at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya ng diretso.
"Basta, may pupuntahan tayo, just trust me, hmm?" bulong niya bago dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin. "I'll wait for you outside, Mahal ko."
Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng pagtataka ko, ay parang may excitement na bumalot sa dibdib ko.
Kaya imbes na kumontra, napabuntong-hininga na lang ako at tumango. "Sige na nga."
Agad akong naghanap ng isusuot at nag-ayos ng sarili. I wore a white off-shoulder dress. As I looked at myself in the mirror, I tucked a few loose strands of hair behind my ear and took a deep breath.
Pagkalabas ng bahay ay agad hinanap ng mga mata ko si Dominic. I found Dominic leaning against the coconut tree, arms crossed over his broad chest. His eyes immediately found mine, it was dark and intense. He scanned me from head to toe, a slow, appreciative smile playing on his lips.
"You look beautiful," he murmured.
Napayuko ako, naramdaman ko ang init na namuo sa aking pisngi.
"Bolero," sagot ko, pilit na pinipigilan ang ngiting sumilay sa labi ko.
Lumapit siya nang dahan-dahan habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nang makarating siya sa harapan ko, marahan niyang inabot ang kamay ko. "Hindi ako nambobola, Ga. You're beautiful," aniya, sabay pisil sa kamay ko.
Natahimik ako, pero ramdam kong tumalon ang puso ko sa mga salita niya.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko, pilit binabago ang usapan para itago ang kaba sa dibdib ko.
"A little surprise," sagot niya, nakangiti habang hinihila ako patungo sa bangkang nakadaong malapit sa dalampasigan.
Nagulat ako nang bigla niyang ipulupot ang isang braso sa baywang ko at binuhat ako. Binuhat niya ako pa bridal style. Napakapit ako sa balikat niya, gulat at nahihiya.
"D-Dominic! Anong ginagawa mo?" bulong ko.
"Mababasa ka, Mahal," aniya, may pilyang ngiti sa labi habang tinitignan ako. Dahil may kalayuan ang bangka, malamang mababasa talaga ang suot ko.
Ramdam ko ang init ng katawan niya laban sa akin, at kahit malamig ang simoy ng hangin, parang nag-aapoy ang balat ko sa pagkakalapit namin.
He carefully helped me sit inside the boat. As he began to maneuver it, I noticed every movement of his body. He pulled the rope, and with each stretch of his arms, I couldn't help but notice the strength in his actions. Then, he started the engine, and the sound of it became the only thing I heard as we slowly drifted away from the shore.
The wind brushed through my hair as we drifted further from the shore. The gentle rocking of the boat and the sound of water lapping against its sides were the only things I could hear. The air felt cool, carrying the salty scent of the sea.
We eventually stopped near a small turquoise house sitting on a rocky cliff by the water. It has wooden accents around the windows and a porch made of tree branches. Potted plants were scattered around, some are hanging from the porch. And it has a wooden ladder leading down to the sea water.
I looked around, taking in the beauty of the place—the plants scattered around, the gentle waves of the sea, and the peaceful, quiet atmosphere. It felt like a simple escape from the world.
Dominic squeezed my hand and gave a small smile. "I was thinking that you'd like it here," he said quietly, his voice is calm and sincere.
My heart fluttered in my chest. "I love it here," I whispered back, unable to hide the warmth spreading through me.
Dominic nodded and gently guided me towards the ladder. As we reached the porch, he paused and turned to face me. His gaze was filled with warmth.
"I'm glad you're happy," he said, his voice was soft. "Wait."
Pumunta siya sa likod ko at dahan-dahang inilagay ang dalawang kamay sa aking mga mata, para takpan. Dahil sa kaniyang ginawa, hindi ko na napigilan ang paglaki ng ngiti ko.
"I have a surprise for you, Mahal," bulong niya sa malambing na tono.
Nagulat ako nang dahan-dahan niya akong iginiya papunta sa isang lugar at pina-upo. Ilang saglit ay inalis niya ang kamay niya sa aking mga mata, hindi ko napigilan ang gulat sa aking mukha sa nakita ko.
Sa harapan ko ay may nakahandang mga pagkain at juice, at sa gitna ay isang maliit na mamon na may nakasulat na mga salitang 'Sorry, Ga.' gamit ang puting icing.
Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Tahimik akong napatingin sa mga inihanda niya, sa mga pagkain, sa mamon. Sa lugar kung saan kita ang buong karagatan. Ginawa niya ba talaga lahat ito para sa akin?
Napalingon ako sa kanya, at doon ko siya nakitang naka-nguso, may paawa-effect pa. Halos matawa ako sa itsura niya, pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Dominic... did you prepared all of this?" napapaos kong tanong.
"Pinlano ko 'to kagabi pa," he murmured, rubbing the back of his neck. "I needed to make it up to you. Hindi ko kayang makita kang gano'n dahil sa'kin. I hated myself for it," his jaw clenched slightly before he added, "And I don't like it when you shut me out."
"Maaga akong pumunta rito para ipagluto ka ng agahan," he continued. "Pero natagalan ako... I had to clean up first. It's been a while since the last time I came here."
Napatingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin kung gaano ito kaayos, walang kalat, at halatang pinaghandaan niya ang lahat. Hindi lang basta pagkain ang inihanda niya, kundi ang buong lugar.
He did all of this... just because I shut him out last night? Just because I got jealous over him and America? Oh god. What did I do to deserve a man like this?
I swallowed hard, my throat tightening as the weight of everything hit me.
"Dom..."
But the words caught in my throat, tangled with emotions I couldn't quite name. Paano ko ba sasabihin ang kakaibang nararamdaman ko?
I took a deep, shaky breath, "Thank you..." I paused, meeting his gaze, letting him see everything I couldn't put into words. "Thank you for seeing me, for understanding me, even when I try to push you away. For making me feel like I'm enough, even when I don't believe it myself."
Inabot ko ang kamay niya, at marahang hinaplos. "Thank you for caring—about my feelings, about me—in ways I never knew I needed. I don't know how I got so lucky to have you, but. . . I'm so glad I do."
His eyes softened at my words, "You don't have to thank me," he said. "I care about you, Lilah. It's not something I have to think twice about."
I couldn't help but smile, a real, genuine smile that reached my eyes. My heart fluttered in my chest as I realized just how lucky I was to have someone like him by my side.
We enjoyed our brunch together. Masarap ang mga niluto ni Dominic kahit medyo malamig na ang ibang pagkain. Nabusog ako sa lahat ng inihanda niya.
Inakyat niya ang malapit na puno ng niyog nang mag-request ako ng buko juice. Habang nanonood ako sa kanya mula sa ilalim ng puno, ay amaze na amaze ako sa kung gaano siya kagaling sa mga bagay na 'to. Wala siyang takot na umakyat sa matataas na puno at kumuha ng buko para lang matugunan ang gusto ko. Nang makababa sa puno at nagawa ang hiling ko, ay buo ang ngiti niya habang inaabot sa akin ang nagawa niyang malamig na buko juice.
"Here you go, Mahal," he said.
We both laughed softly as we drank the refreshing juice. His simple gestures made my heart race in ways I never thought possible.
When the sun almost sets, we prepared to head back home. Kaya, habang may inaayos siya sa bangka, naglakad muna ako sa malapit na mga rock formations at naupo. Pinanood ko ang paglubog ng araw.
The sky turned into shades of orange and pink; a beautiful sight that felt almost unreal. I sat there, breathing in the fresh sea air, and for a moment, everything felt calm. I couldn't believe what had happened that day. I was so happy, happier than I'd been in a while, but at the same time, I couldn't shake the fear that this happiness would slip away.
This place felt like a dream, and the fact that Dominic knew about it and brought me here made it even more special. I smiled to myself. I never expected a day like this—simple, peaceful, and meaningful.
It was as if he showed me something I didn't know I needed, and it made me wonder just how much more he had to offer. It felt like everything I had ever wanted, and more than I could ever ask for.
"Hey..." aniya, at tumabi ng upo sa akin. Mukhang handa na ang bangka.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Wala siyang sinabi, pero may kung anong lambing sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Dahan-dahan niyang iniakbay ang braso niya sa akin, hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya, at ang pag-tibok ng puso niya. We watched the sunset together, both silent, with only the sound of the waves filling the space between us.
He took a slow breath, before breaking the silence. "This place..." he paused, "My father built this. My mother was pregnant with me when my father decided to create this as their sanctuary. They wanted me to live here, or at least visit. This place means everything to me."
"When they left me at a very young age, I was lost. . . I couldn't cope with my grief. Wala akong gustong lapitan, sila lang ang mayroon ako. I was a mess for years. Hindi ko matanggap ang lahat, ang katotohanang wala na sila. . ."
I was stunned, not sure how to respond. The heaviness in his voice—it was almost too much to process.
"Dito, sila mayroong maraming ala-ala—ala-alang pinanghahawakan ko hanggang ngayon. Sa totoo lang, ayokong bumalik dito. It's too full of memories of them, and it hurts me."
His eyes softened; the usual intensity is now mixed with something gentler, more vulnerable. "But I brought you here because you're special to me, Lilah. I want you to know how much you mean to me."
Napaawang ang bibig ko, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Dominic..."
He stared at me, then he reached for my face. He softly wiped away my tears. His eyes were filled with a mixture of tenderness and something deeper—something that I couldn't quite name.
"I..." he clenched his jaw, then sighed. "I love you..."
My heart felt like exploding. The rawness in his voice, the vulnerability that flickered in his eyes—it was unlike anything I had ever seen. He wasn't just saying those words; it felt like he was laying himself bare, exposing every part of him to me. And I could see it, in the way his fingers lingered on my skin, in the way his body slightly trembled as if he was afraid of what might happen next.
He stepped closer, his face is so close to mine, I could feel the heat of his breath. His hand gently cupped my cheek, as if afraid that if he held me too tight, I would slip away.
"I've been holding this in for so long, Lilah. I've never let anyone get this close... and I didn't think I could feel like this again. But you... you made me believe in things I thought I'd lost. I love you, and it scares me. . . but it also feels like the realest thing that happened in my life."
There was a quiet desperation in his words, a longing that seemed to hang between us. He wasn't just confessing his love; he was offering me his heart, with all its scars, its fears, its imperfections. He was standing there, so raw, so vulnerable, and all I could do was look at him, feeling my own heart beat in rhythm with his.
"I'm not perfect, and I'm not asking for anything coming from you," he continued, his voice was low and filled with something almost fragile. "But I need you to know that... this, us, it's real. And I will fight for it, for you, no matter what."
I took a shaky breath, my chest tightened by the weight of his words. I could feel the sincerity in every syllable, and it made my heart swell. With a trembling hand, I reached up to touch his face, my thumb gently traced the sharp line of his jaw.
"Dominic..." I whispered, my voice is barely audible, yet filled with so much emotion. "I'm not asking for perfection either. I just want you... all of you, with everything you've got. And I'll fight for us too —"
But before I could finish, he closed the small gap between us. I felt his hot lips pressing on mine, and everything around me seemed to disappear. The world faded, leaving only the soft warmth of his kiss.
I could feel the electricity between us, igniting something deep within me. His hand slid gently to the back of my neck, pulling me closer as if to make sure I wouldn't slip away.
The kiss was slow at first, tender, but as his fingers traced the curve of my jaw, something shifted. The tenderness deepened into something fiercer, more urgent, as if he couldn't hold back anymore, as if this kiss was everything he'd been keeping inside. I let myself fall into it, feeling my heart race in response to his touch, to the rawness and honesty in that single moment.
It felt like the world had paused, just for that moment, and all that mattered was just the two of us, under the setting sun, and our hearts beating in unison.
I was caught in a wave as he kissed me, the intensity pulled me under, yet I didn't want to fight back. I let myself be carried away by the surge of emotions, the warmth of his lips, and the way everything else faded into nothingness, leaving only us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top