Prologue
THE wind is caressing my face and the green scenery is giving the surroundings a calm vibe. Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw at tahimik ang paligid. The atmosphere is calm and that's what makes my heavy heart light.
"Rayzeah!"
Or not.
I sighed and turned my head. Chelsea is now running towards me with envelopes and folders in hand. Malakas na bumuntonghininga ito nang tuluyang makalapit sa 'kin at mahinang pinukpok sa ulo ko ang bitbit nitong folders.
"Mal-late na tayo!"
"I know." Nalukot ang mukha ko.
We were tasked to do a research and we are on our final part. Ang topic sa thesis ay tungkol sa mga high school students at kung ano-ano 'yong mga struggles nila. It's a qualitative type of research. We need to interview twenty to twenty-five students to have our report. Lima kami sa iisang grupo.
"Tara na! Baka maunahan pa tayo ng ibang grupo, ang hirap pa naman humanap ng matitinong estudyante sa high school." Nalukot rin ang mukha nito.
"Prestigious school 'yon 'di ba?" We started walking out of the campus. "Meaning matitino lahat ng estudyante doon."
Our professor gave us a couple of months to ready our thesis and for our defense also. Luckily, Chelsea's sister is studying at that school at may naka-assigned students na daw para sa aming dalawa. Still, kabado pa rin dahil depende sa estudyante iyon kung kanino siya magpapa-interview, kung sa amin ba o sa ibang grupo.
"Hindi naman maiiwasan ang mga barumbadong estudyante sa isang school, Rayzeah."
I nodded. "Tama."
"Kaya hindi malayong may ganoon rin sa school na 'yon," she added.
We graduated in that same school. Ang batch namin noon ay talaga namang ang gulo at ang ingay. Few subject teachers told us we were the worst section they had handled. Hindi pa masyadong tanyag ang school na 'yon noong kapanahonan pa namin, marami ng nagbago.
"Hindi mo natanong?" nilingon ko ito. "Matitino naman siguro ang sa atin."
"Hindi. Mas nag-focus kasi ako kahapon sa mga questions na ibibigay natin sa students."
Napatingin ako sa folder at iilang papel na hawak nito saka tumingin sa dala kong brown envelope kung saan ang mga papel na gagamitin ko.
"Dean's lister ka na, Chels," biro ko.
Natatawang hinampas ako nito na ikinalukot ng mukha ko. Kung tatawa, tawa lang, walang hampasan.
"Ay sorry! Ikaw kasi e! Alam naman nating hindi ako aabot sa gano'n. Ayos na sa 'kin kahit hindi masali sa dean's list, basta ba makapasa lang at maka-graduate solve na solve na ako," anito. Ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up. "Hindi na ako mangangarap ng ganoon, Rayzeah, kasi ako lang din naman ang uuwing disappointed."
"Tamad ka lang talaga."
"Aminado ako banda diyan. Hindi naman kasi ako katulad mo na kayang pagsabayin lahat. Grabe ka, Rayzeah. Tao ka pa ba?"
Isa ako sa mga estudyante na palaban academically. Aminado akong mahirap, pero nae-enjoy ko naman. Sikat ang mga students na may ganoong potential sa campus namin, tinitilian pa nga at binabati tuwing makakasalubong. Gano'n rin naman ang mga estudyante sa 'kin tuwing nakikita o nakakasalubong ako. Nginingitian at binabati ko rin naman sila pabalik.
Mahinang kinurot ko ang braso nito na ikinatili niya. "Gaga. Anong tingin mo sa 'kin? Engkanto?"
"Joke lang," she chuckled.
"May kotse kang dala?" tanong ko kay Chelsea.
"Wala. Malapit lang naman. Twenty minutes na paglalakad ando'n na tayo." Kumibot ang kaniyang labi at ngumuso.
"Ayaw ko maglakad. Pagdating natin do'n pawis na pawis na tayo, mangangamoy tayo, dugyot tignan," iling ko. Pwede naman kaming sumakay na lang ng bus, may pamasahe pa naman ako. Atsaka, next week siguro ay matatanggap ko na ang sahod ko.
"Arte mo ah!" ngisi niya.
"Hindi ako nagi-inarte," irap ko. "At least naman maging presentable tayo sa harap ng mga estudyante. Tatahikin din nila ang landas natin soon. Kapag nakita nila tayo, iisipin nilang ayos lang maging dugyot tuwing may mga interview o events na gaganapin sa school," litanya ko na naging dahilan ng pag-ismid niya.
"Hindi uso ang pahinga sa ating mga college students, lalo na't graduating. Hindi tayo fresh everyday 'no! Tignan mo 'tong pimples ko, mas healthy pa sa 'kin. Private school naman 'yon, alam na nila ang mga ganito ganiyan."
Napailing ako. Ang dami talagang rason. Isang beses lang naman 'to, 'tsaka last part na 'to ng thesis namin. After nito, aralin na tapos defense. Still a long way but we are already halfway there.
"Private school din tayo kaya dapat alam din natin paano maging presentable," segunda ko.
Nalukot ang mukha niya pero agad din namang napalitan ng ngisi. Lumihis ako ng tingin at ang dinadaanan na lang namin ang binigyan ng pansin.
"Oo na nga! Iba talaga kapag matalino e, daming sinasabi!" humagalpak siya ng tawa.
Wala siyang hiya kaya kung maka-tawa akala mo kaming dalawa lang ang nandito. Napapalingon na rin ang ibang estudyante sa 'min kaya siniko ko si Chelsea. Napatahimik naman ito saka ngumisi na ulit. Paglabas ng campus ay dumiretso kami sa may waiting shed, kung saan kadalasang naghihintay ang mga estudyante ng taxi na masasakyan.
"Ayoko mag-taxi, wala akong pera," reklamo ko. May pera ako pero ang mahal ng taxi.
Sanay ako sa bus at affordable ang pamasahe, lahat kasi ng estudyante dito mayayaman. May sariling kotse, kapag wala ay nagt-taxi, kaya wala masyadong sumasakay na estudyante. Hindi rin siksikan kasi maraming bus naman ang dumadaan kaya kung sasakay ako doon ay less hassle, less money at hindi pa ako mangangamoy. Palagi namang bus sinasakyan ko.
"Palagi mo naman 'yan sinasabi! Ako na magbabayad."
"Talaga? Libre mo 'ko?" natutuwang tanong ko.
May kaya sa buhay ang pamilya ni Chelsea kaya paminsan-minsan ay nakaka-libre ako sa kaniya, lalo na tuwing uwian. May kotse kasi si Chelsea, hinahatid niya ako pauwi. Sumasakay ako ng bus sa umaga, kay Chelsea ako sumasabay sa hapon o kaya sa gabi kapag ginabihan na kaming mga estudyante. Natuto nga lang din ako mag-drive ng kotse dahil sa babaeng 'to, tinuruan niya ako gamit 'yong kotse niya, para daw kapag nakabili na ako ng akin ay marunong na ako. Ewan ko lang kung makakabili ba ako. May pangarap naman ako pero hindi ko sure kung maaabot ko ba, kapag kapos ka talaga sa pera maiisip mo talaga kung makakapag-tapos ka ba ng pag-aaral o hindi. Hindi ako mayaman.
"Oo nga! Dami mong tanong ah. Kapag gumanyan ako, naiinis ka," simangot nito.
"Sino ang hindi maiinis e paulit-ulit 'yong tanong mo. Mas maayos nga 'yong madaming tanong kaysa naman paulit-ulit," mataray na ani ko. "Alam mong nag-iinit ang ulo ko sa mga ganiyan, ginagawa mo pa."
"Sorry na nga," tawa ulit nito, bipolar ang bruha.
Magkatabi kaming umupo habang naghihintay ng masasakyan. Naglabas siya ng biscuit galing sa bag niya at inalok sa 'kin pero umiling ako. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Maya-maya lang din ay may naaninag na akong taxi.
"Oh, may taxi na!" winagayway nito ang kamay kaya tumigil ang taxi sa harap namin.
Nauna akong pumasok sa loob ng kotse, sumunod naman si Chelsea. Bumubulong si Chelsea habang tinitignan 'yong mga papel na dala-dala niya, mukhang pinag-aaralan kung paano magsalita ng pormal sa interview. Ako naman ay iniisip kung paano didepensahan ang thesis namin.
Ni hindi ko namalayang huminto na pala ang taxi sa harap ng iskwelahan. Kaharap na namin ngayon ang malaking gate ng school kung saan kami mang-i-interview ng mga estudyante. High school nga pero nakakalula ang laki at ganda ng eskwelahan.
"Salamat po," ngumiti ako sa driver.
Nang humarurot ito paalis ay naglakad na kami papasok.
"Tumatanggap pa kaya ng scholars ang school na 'to?" tanong ko kay Chelsea habang naglalakad.
Scholar ako sa school na 'to dati. Hindi lang ako updated kung tumatanggap pa ba sila hanggang ngayon, may haka-haka rin kasi noon na tumigil na sila sa scholarship program nila.
Pinapasok naman kami ng guard nang makita ang mga ID namin. Nasabihan na rin kasi ng ibang teachers sa campus namin ang tungkol sa pagdating ng iilang college students dito. Pagpasok sa loob ng school nila ay may iilang mga pamilyar na mukha agad akong nakita, 'yong iba doon ay kasama namin sa grupo.
"Hindi ko alam. Pero scholar ka dito noon, baka tumatanggap pa sila," sagot ni Chelsea.
We made our way to the other members of our group. Sinalubong kami ni Kiko at Soleste, ka-grupo namin. Wala si Mariko, baka nagsisimula na sa interview. We had different task, I was the one who assigned them.
"Nagsimula na kayo?" tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na umiling. Napakamot naman sa batok si Kiko at tipid na ngumiti. Itong hapon na 'to, nakakagigil. "Akala ko ba mauuna ka, Ishikawa?" tanong ko kay Kiko gamit ang apelyido nito.
"Sorry. Nakakahiya kasi lumapit sa mga estudyante rito," dahilan niya.
"Ikaw, Soleste? Nakapag-simula ka na?" baling ni Chelsea kay Soleste.
"Yup! Pero one pa lang. Wala pa raw masyadong students sa ganitong oras, hindi pa nag-arrive 'yong ibang naka-assign sa 'kin," sagot niya.
Napatango-tango ako. Tinapik-tapik ko ang likod ni Kiko. Hindi ko alam kung introverted kid ba itong si Kiko o sadyang nahihiya lang talaga siya makipaghalubilo. Pero wala namn sa karakter niya ang pagiging mahiyain, mas maingay pa 'yan sa aming mga babae e.
"Mas matanda ka sa kanila, Kiko. Balewalain mo 'yang hiya mo, hindi ka makaka-graduate kapag ganiyan. Interview lang naman, may ready-made questions ka na diyan, ang kailangan mo lang ay kumuha ng limang estudyante at sunod-sunod na tanungin. Kaya natin 'to, tayo pa ba," litanya ko sa kanila. I don't want to pressure my members. I want them to be motivated with their tasks so they can properly do it.
"Agree! Let's go na, Kiko. Maghanap na tayo, help kita. Wala pa kasi 'yong akin," aya ni Soleste.
"Sige. Kita na lang tayo sa gate mamaya, libre ko kayo," bilin ni Kiko.
Libre na naman. Iba talaga kapag may pera. Feeling ko tuloy blessed ako kasi mayayaman ang mga nakapalibot sa 'kin. Kidding. But I am sincerely grateful to have them.
"Balita ko may bagong tayo ng branch na naman ang business ng pamilya ni Kiko, lagong-lago business nila ah. Ano kayang sikreto?" biro ni Chelsea.
"Puro ka na lang ganiyan, Chelsea. Akala mo naman hindi lumalago 'yong inyo," ingos ko.
Tumawa lang ito ng bahagya at nanahimik na. Ang grupo namin ay may limang miyembro. Si Soleste, Kiko, Mariko, Chelsea at ako. Ako ang leader at members 'yong apat. Lahat ng reports nila ay id-demo nila sa 'kin para magawan ko ng defense at ma-instruct ko sa kanila kung paano ang magiging flow ng defense. All in all ay pagsasamahin rin naman namin lahat ng nakuha namin sa interview para mas madali. Isa-isa kaming magp-present sa harap at pagkatapos ay magtatanong si Professor Felisilda at ang iba pang panelists.
"Nag-text na 'yong kapatid ko. Kasama niya na raw 'yong i-interview-hin natin. Dalawa pa lang daw, tig-isa tayo. May klase pa raw 'yong iba," Chelsea informed.
Tumango ako. Mas binilisan namin ang paglalakad. Natagpuan namin ang kapatid ni Chelsea sa likurang bahagi ng malaking building. Nakaupo ito sa bench at may kasamang dalawa pang estudyante na sa tingin ko ay ang i-interview-hin namin ni Chelsea.
"Ate! Hi, Ate Rayzeah!" maaliwalas ang mukha na bati nito sa 'min.
"Kamusta school, Cielo?" mahinahong tanong ko.
"Ayos lang naman, Ate. Medyo hirap pero kaya!" Bahagya itong nagpakawala ng mahinang tawa. "Tight schedule na, Ate, e pero kaunti na lang makaka-graduate na rin."
"Mas mahihirapan ka pa sa college, Cielo. Kapag nasa college ka na tapos masyado ng mahirap para sa 'yo, lapit ka lang kay Rayzeah, wala kang mapapala sa 'kin," ani Chelsea na ikinatawa namin ni Cielo.
"Nga pala, sila 'yong interviewers niyo," baling ni Cielo sa mga kasama.
Bumati ang dalawa sa amin. Nagkatinginan kami ni Chelsea at nagtanguan. Sinimulan agad namin ang interview dahil may klase pa raw ang mga ito sa second period, siningit lang talaga nila 'tong interview. Medyo nakahinga na ako ng maluwag matapos ang interview na nangyari. Hindi naman nahirapan 'yong dalawang estudyante kasi basic lang naman 'yong mga questions, struggles nga lang e as a high school student.
"Mamaya pa ang klase mo, Cielo?" tanong ni Chelsea sa kapatid.
"Cutting ako, Ate."
Nagulat ako ng hilahin ni Chelsea ang buhok ni Cielo. Humaglpak ng tawa si Cielo dahil sa ginawa ng Ate niya. Magkapatid nga. Napailing ako at hinayaan na lang silang dalawa. I'm still busy with my papers.
"'Wag mo 'ko mabiro-biro ng gano'n, tatamaan ka sa 'kin," banta ni Chelsea.
"Ate naman! Kill joy," sumimangot si Cielo. "Ang hirap niyo talagang biruin. Mga twenty-one years old and up, mahirap na biruin. Seryoso na sa buhay e," agap niya.
"Oo. Kaya sagutin mo ako ng maayos, kurutin ko singit mo e! Sira ka talagang bata ka."
"Wala nga! Mamayang three PM pa, nasa faculty 'yong mga subject teachers namin, may meeting sila. Kita mo nga may pagala-galang mga estudyante, Ate, e," pilosopong sagot ni Cielo sa Ate niya.
Natawa ako sa usapan nila. Wala akong kapatid, o kung mayro'n man ay hindi ko alam. Lumaki ako na hindi alam kung sino ang mga magulang ko. I sighed and continued with my paperwork. I also renamed all of the recordings in the recorder.
"Saan dito crush mo?" Narinig kong tanong ni Chelsea. "Mamaya pa ba break no'ng ibang naka-assign sa 'min? Puntahan muna natin crush mo, gusto ko makita," ani Chelsea.
Maloko si Chelsea, pero mahal na mahal niya ang nag-iisa niyang bunsong kapatid. Kagaya ng ibang Ate, protective si Chelsea kay Cielo. Hindi naman niya pinagbabawalan magkaroon ng crush, pero bawal daw muna boyfriend. Saka na kapag nakatungtong na si Cielo sa stage ng college at may dalang diploma.
"Wala naman akong crush, ang papangit ng mga estudyante dito e," nakasimangot na sagot ni Cielo.
Napangisi si Chelsea. Magkapatid ngang talaga. Pareho ang ugali. Inoseteng mapanglait. Actually, most of the good looking boys and girls are here, this school is very well known as of today. Maganda rin kasi ang pamamalakad dito.
"Basta ha, no secrets, Cielo. Kapag nag-boyfriend ka, lalasunin ko kayo," biro ni Chelsea.
"Ate!" tumatawang sigaw ni Cielo.
Pabalik-balik ang tingin ko sa ginagawa at sa magkapatid na nag-aasaran. I always wonder how would it feel having a sister... or a brother. Hanggang doon lang 'yon, wala naman kasi talaga akong magagawa kahit gustong-gusto ko maranasan.
Dumating ang lunch break nila. Sunod-sunod din ang naging interview namin. Naunang matapos si Chelsea dahil nandito na agad 'yong mga naka-assign sa kaniya. 'Yong akin naman, kulang na lang ng isa. Nagliliwaliw pa daw 'yong last na naka-assign sa 'kin, pero papunta na kung nasaan kami ngayon.
"Si Alzien 'yong panghuli mo, Ate Rayzeah." Humarap si Cielo sa 'kin at tinuro ang mga papel sa tabi ko. "Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, wala kasi siya sa room kanina no'ng umalis ako. 'Tsaka minsan ko lang po 'yon nakikita tuwing break, palaging missing in action."
Napatango ako. Hinanda ko narin 'yong voice recorder ko, papel at ballpen. May voice recorder kasi hindi ko naman maisusulat agad 'yong sasabihin ng mga estudyante. Pakikinggan ko mamayang pag-uwi, saka ko isusulat. Para pulido.
"Academic achievers nga naman," iiling-iling na ani ni Chelsea habang nakatingin sa 'kin.
"Pinagsasabi mo riyan?" tanong ko.
"Basta talaga achievers since primary school pulido ang gawa. Saludo na kaming lahat sa 'yo, Alonzo," tumatawang sabi ni Chelsea na binanggit ang apelyido na gamit ko.
Hindi ko alam kung kanino o kung saan kinuha ng mga madre ang apelyido ko, basta lumaki na lang ako na ang dala-dalang apelyido ay Alonzo. Umingos ako kay Chelsea at nagpatuloy sa ginagawang pagsusulat. Nire-review ko din 'yong sagot ng ibang estudyante. Short cuts kasi ng mga sinabi nila ang nilagay ko dito. Baka may mali, lalo na sa grammars. Matalino nga ako pero hindi naman perpekto, minsan nga napapatulala nalang ako habang tinitignan 'yong isang word na 'yon, kinu-kuwestiyon kung tama ba 'yon o mali. Sa huli ay pinapalitan ko na lang, nagtatalo na kasi utak ko.
"Nandito ka na pala, Alzien!" sigaw ni Cielo.
Sa harap namin ay isang maskuladong high school student na ang pangalan ay Alzien. May suot itong reading glasses at mas mukha siyang teacher kaysa sa estudyante. Matangkad din ito, mas matangkad pa nga yata sa amin ni Chelsea.
I composed myself and silently cleared my throat. Pull yourself together, Rayzeah. Ganito naman talaga lalo na kung lalaki, kadalasan ay mga matatangkad kahit high school pa lang, lalo na kung may... lahi.
"Ito na ang panghuli mo, Rayzeah," sabi ni Chelsea.
Tumango ako at bumaling doon sa Alzien na ngayon ay na sa 'kin na ang tingin. Blangko lang ang mukha nito at mukhang hinihintay na sabihin ko ang susunod niyang gagawin. Marahang napalunok ako at nagbaba ng tingin. Inabala ko ang sarili sa mga questionaires para hindi nila mahalata na ninenerbyos ako sa uri ng titig nito. And why am I even nervous? This is not the normal me.
"Ano ba, Alzien! Huwag mo namang takutin si Ate Rayzeah! Kapag ako napikon sa 'yo ah, sasapokin kita," sigaw ni Cielo.
"I'm not doing anything."
Nagpaulit-ulit sa utak ko ang baritonong boses nito. Kulang na lang ay batukan ko ang sarili para makapag-isip ng maayos. I easily get distracted, damn it.
Pero... talaga bang may ganitong high school student? Bakit parang mas mukha siyang teacher?
"Upo ka." Turo ko sa upuan na nasa harap ko.
Nakaupo ako sa bench, may mono-block chair naman sa harap ko, kung saan doon umuupo ang mga estudyante na ini-interview namin. Sumunod naman agad 'yong si estudyante at naupo sa harap ko. I stopped breathing for a moment when I saw him staring at me darkly. My, my, what is this?
I signaled Chelsea to turn on the recorder. Mahigpit ang kapit ko sa bondpaper na hawak.
"Pangalan?" paunang tanong ko.
"Kumpleto?" mahinahong tanong nito.
Tumango ako, hindi na naibuka ang bibig dahil sa magkahalong nararamdaman. I don't even know how to acknowledge what I am feeling. Well, maybe because, his masculinity is really surprising.
"Alzien Xyder Dela Rama."
Napatango-tango ako at sinulat 'yon sa papel. Alzien Xyder. And Dela Rama? Familiar.
"Edad?"
Age is not really necessary, pero si Kiko kasi ang katulong ko sa paggawa ng mga narito sa papel at siya ang nag-suggest nito.
"Nineteen."
Napatigil ako saglit saka iyon sinulat sa papel. Sigurado ba siya? Nineteen? Tapos ganiyan ka— nevermind.
"School level?"
Maybe it's the hair? Or the sharp jawline? I can't name it. But I'm pretty sure it has something to do with his face appearance.
"Twelve."
Before I could even react, Cielo did it first.
"Medyo bobo kasi 'yan, Ate Rayzeah. College student na dapat 'yan kaso bumalik kasi kumuha ng panibagong strand," humagalpak ng tawa si Cielo.
"Huwag kang magulo, Cielo. Kita mong nag-i-interview si Ate Rayzeah mo e," sita ni Chelsea.
"Nasabihan ka na ba about sa objectives ng research na 'to? If not then-"
"I'm already aware."
Makailang beses akong tumango at napagdesisyonang ipagpatuloy ang ginagawa.
"Anong struggles mo sa as a high school student?" tanong ko dito.
Nagsalubong ang kilay nito nang magtama ang mata namin.
"Parents."
"Not outside the campus. As a student. Kumbaga 'yong sa subjects or teachers, gano'n," clarify ko.
"Wala. Studying is my habit, I enjoy everything about it. The process and... everything."
Hindi ko na pala kailangan ng recorder. Binaling ko ang paningin ko kay Chelsea. Mukha na gets niya naman kaagad at nag-thumbs up sa 'kin saka kinuha 'yong recorder. Hindi mahaba ang sinasagot niya sa 'kin, kaya nasusulat ko lang din.
"Sa teachers, wala rin?" tanong ko.
Iling lang ang sagot nito. He's one of the people who speaks less. Katulad ko, nakadepende lang ang pagiging maingay ko sa mga taong nakakasalamuha. Maybe he's somewhat like that.
"Okay. Outside the campus naman tayo. Any struggles? Peer influence? Parental desires? Social influence?"
"Parental pressure."
Wow. Choosing a career just to live up with the parents' expectation. Okay. Sinulat ko iyon.
"Care to tell me the reason why? Or you prefer not to tell me? Ayos lang naman," marahang ani ko.
"I choose the latter."
"Okay."
I bit my lower lip and started writing again. Hindi rin tumagal ang interview. Paper questionaires nga dapat ang gagamitin namin, ang kaso ay mukhang mas matatagalan kami sa ganoon. I only asked a few more questions and then ended the interview. Matapos ang interview ay dumating si Soleste, Kiko at Mariko.
"Siya na last mo?" turo ni Kiko kay Alzien.
"Ano ba! Huwag ka ngang turo ng turo, bastos ang gago," sita ni Chelsea.
"Anong bastos do'n?" umawang ang labi ni Kiko.
There they go again with their catfight.
"Masama 'yon. Magtu-turo, parang judgemental," segunda ni Mariko. Chelsea raised her brows as if proud that she's right. Chelsea's always right, at least that's what she said.
"Kayong mga babae talaga, ang hirap niyo intindihin," salubong ang kilay na sabi ni Kiko.
Natawa ako sa sinabi nito. Gets ko siya. Babae ako pero minsan hindi ko rin kaya maintindihan si Chelsea. Kaming dalawa ang palaging magkasama e.
"Ang mga babae, may tatlong ugali. Una, lagi silang tama. Pangalawa, tama sila palagi. Pangatlo, kung hindi sila tama, ikaw ang tatamaan."
Nagsi-lingunan ang mga babae kay Kiko dahil sa sinabi nito. Maski si Chelsea at ako ay napalingon rin sa kaniya. Maya-maya pa ay humihiyaw na tumatakbo si Kiko papalayo sa 'min habang hinahabol ni Soleste at Mariko.
"Tinamaan tuloy," iling ni Chelsea.
"Abnormal kasi," iiling-iling na ani ko.
"Lunch na ah, 'di ba libre tayo ni Kiko ngayon?" nanlaki ang mga mata ni Chelsea.
"Salamat sa oras, Mr. Dela Rama. Salamat din, Cielo. Aalis na kami," paalam ko. "Mag-lunch na rin kayo para makabalik na sa klase. Maraming salamat ulit." Tumuwid ako ng tayo.
"Always welcome, Ate Rayzeah!"
Tinulungan ko si Chelsea sa pagliligpit ng mga gamit namin. Cielo and Alzien also helped and I appreciated it a lot. Matapos magligpit ay umalis na rin ang dalawa at naiwan kami ni Chelsea. Nagkukumahog na pinulot niya ang mga gamit namin.
"Oh, my God! Baka nauna na sila sa 'tin, bilisan mo, Alonzo!" sigaw ni Chelsea na hinahatak ako at patakbong umalis doon.
Walang lingon na tumakbo rin ako kasabay ni Chelsea. Sabay na kaming tumatakbo ngayon bitbit ang mga gamit namin.
"Wait, hindi na ako makahinga!" reklamo ko.
Binitawan ni Chelsea ang braso ko at sabay kaming tumigil. Habol ang hininga na naglakad na lang kami. Nasa labas na ng campus si Mariko, Soleste at Kiko. Namumula ang tainga ni Kiko, at mukhan alam ko na ang ginawa ng dalawa.
"Hala, piningot niyo 'no?" natatawang tanong ni Chelse. "Deserve."
Tumango ang dalawa at ngumisi. I remained stoic.
"Tarantado ka kasi. Ayan! Deserve talaga, super deserve!" sigaw ni Chelsea.
Lukot na lukot ang mukha ni Kiko. Hindi talaga nagustuhan ang pambu-bully ng mga kasama. He's always bullied in this group.
"Punta tayo sa mamahaling kainan, libre naman ni Ishikawa e! Lubus-lubusin na natin!" anunsyo ni Chelsea.
"I hate you," Kiko murmured. "I hate all of you. Except, of course, my dear Rayzeah. I idolize you so you're exempted. The rest, ayoko sa inyong lahat."
Napailing ako sa katarantaduhan nito. The girls walking ahead of us gave him an evil sid eye and continued walking like a freaking supermodels. Kahit kailan talaga ay ang aarte ng mga ito.
"Expensive ang mga kaibigan mo, Ishikawa. Goodluck sa wallet mo," tapik ko sa balikat nito.
He's rich so... not really a goodluck.
"Sana pala ikaw nalang mag-isa naging kaibigan ko. Mabubutas yata bulsa ko sa tatlong 'yon. I'm hurt, I'm wounded, ouch," madramang sabi nito.
Tumawa ako at sumunod sa kanila. Before I could walk far from him, Kiko stopped me by pulling my shirt.
"Akin na 'yan, sumabay ka na sa kanila."
Kinuha ni Kiko sa 'kin ang bitbit ko. Pati na 'yong shoulder bag ko. Binigay ko na rin dahil susunod ako sa tatlong babaeng nauuna sa 'min. Isa pa, libre naman ni Kiko, hindi ko na kailangang magdala ng pera.
"Nasa kotse ko 'yong gamit ni Soleste at Mariko, bahala na si Chelsea sa gamit niya," masama ang timpla ng mukha niya nang sabihin niya iyon.
""alaga? Hindi mo kukunin 'yong kay Chelsea?" tudyo ko.
Napabuntong hininga siya at naiinis na bumaling sa 'kin. Napangisi ako dahil doon. Ang sarap talaga pag-tripan ang lalaking 'to. Nag-iisang lalaki sa barkada namin itong si Kiko. He's our driver, food truck, personal punching bag, etcetera. Overall, nagagamit namin siya ng maayos.
"Kukunin na nga! Cadavid! Akin na 'yang mga gamit mo!" iritadong sigaw nito kay Chelsea.
"Oh heto!" patakbong bumalik si Chelsea sa 'min.
Binigay niya ang mga gamit kay Kiko. Sinabit niya rin ang tote bag niya sa balikat ni Kiko saka hinuli ang palapulushan ko. Hinila ako nito at patakbo kaming lumpait kila Soleste. Naiwang mag-isa at lugong-lugo roon si Kiko. Gusto ko rin sanang samahan ang taong 'yon pero tiyak naman na maiinis si Chelsea.
"Kinawawa niyo naman si Ishikawa," tawa ni Mariko.
"Punishment niya 'yan, bida-bida kasi siya last week. Siya raw mauunang matapos sa interview e second to the last naman siya!" ungot ni Chelsea.
"Correct. Nauna ako matapos, then sumunod si Mariko pati ikaw Chels, I thought nga mahuhuli si Kiko. Si Miss Leader pala ang mahuhuli," natatawang ani naman ni Soleste.
Ang expensive tignan ni Soleste, pero nasa loob din pala ang katarantaduhan. I sighed but didn't say anything. She's right though. I was the last one to finish the interview.
"Kaunting twerk na lang graduate na tayo!" kinikilig na sigaw ni Mariko. "Noong una duda ako na makaka-graduate ako e, tinatarantado kasi ako ng lahat. Maraming activities, assignments, pati mga projects. Tapos ito pang thesis! Ay ewan!"
"Hindot!" hampas ni Chelsea sa kaniya.
Nagpahuli sa paglalakad si Soleste at tumabi sa 'kin. Ikinawit nito ang braso niya sa braso ko. Ayaw ko pa naman ng gano'n pero nasanay na rin. Clingy kasi ang tatlo at akala mo ay mga ahas kung pumulupot sa 'kin.
"Kilala ko 'yong panghuling in-interview mo."
"Ako hindi," malamig kong turan.
"Ang rich no'n ah! Kilala sa business world ang family no'n! Dela Rama 'yon right?"
Tumango ako. Alzien Xyder Dela Rama. Ang witty ng second name niya, unique. Xyder. Katunog ng apple cider.
"Bunso yata 'yon ng mga Dela Rama. Bakit hindi mo kilala?" tanong niya. "His family is quite famous, and I think he is, too. Marami akong nakikita sa social media about sa kaniya. A lot of girls flock after him, you know. Gwapo kasi at rich ang family."
"Wala akong business at hindi ako kasali sa business world," sagot ko.
"Sabagay, may point ka. Any plans after graduation?" tanong niya.
"Hindi ko pa alam. Siguro maghahanap ng trabaho tapos magtatayo ng sariling business."
That's my goal. I need to strive hard to achieve that goal. Ang pagiging mayaman naman talaga ang hinahangad ko simula't sapol. I am financially unstable ever since and my only goal in life is to get rich.
"Gusto ko maging investor mo! Contact mo 'ko ah."
"Pwede rin," tango ko. She will be a good asset for my business.
Lumawak ang ngiti nito. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay. Mayaman ang pamilya na kinabibilangan ni Soleste. Dating artista ang Mommy niya at kasali naman sa politiko ang Daddy niya. Famous din naman ang isang Soleste Alvarez sa social media. Mukhang susunod nga sa yapak ng Mommy niya. Maganda si Soleste, marunong din siya sa modeling, kanta at sayaw. Hindi ko pa siya nakita umarte, pero nasisiguro ko magaling din. She has a lot of talent and I'm glad that she's embracing all of it.
"Si Kiko kaya?" tanong niya na ikinataka ko.
"Bakit?"
"Ayain natin! Papayag 'yon. Kung ano naman gusto nating apat, payag 'yon e. Kapag sinabi mong mag-twerk, magt-twerk 'yon. Siraulo lang."
I chuckled. "Try mo ayain, baka pumayag."
"Okay! I'll try later. Let's go na nga, I'm hungry na!" reklamo niya at hinila ako palapit sa dalawang nauna sa 'min.
Ahhh, this will be a long ride for me. I'm struggling to pass the bumpy rough road but I'm determined so I will and I believe I could.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top