Chapter Two
MINSAN tinatanong ko rin ang sarili ko kung sino nga ba ang ka-endgame ko sa buhay. Tuwing may nakikita akong lalaki na pasok sa taste ko ay maiisip ko agad kung siya na ba o hindi. Kahit gano'n ay hindi ko naisip na makipag-close sa kanila. Good looking guys are everywhere, but good looking guys with good heart is rare.
"Nakatulala ka, Rayzeah. May problema ba? Masyado kang secretive sa nararamdaman mo at isa talaga 'yon sa mga bagay na kinaiinisan ko. Kaibigan mo ako kaya pwede kang maging honest sa 'kin. But it's still your choice so I'd let you do what you want." Naramdaman ko ang pag-upo ni Chelsea sa tabi ko. Pumalibot ang braso niya sa 'kin kaya binalingan ko siya ng tingin. "So, ano? May problema ka ba?"
"Wala naman."
I was thinking about nonsense things. Kapag sinabi ko iyon kay Chelsea ay tudyo lang ang aabutin ko sa kaniya, maiirita pa ako.
"Talaga? No secrets ha? Ayoko ng gano'n. Magsabi ka ng totoo."
"Nag-iisip lang tungkol sa mga hindi importanteng... bagay," kibit balikat ko.
"Tulad ng?"
Ito 'yong curious na tao na hindi matatahimik hanggat hindi nakakakuha ng eksaktong sagot. Chelsea is the epitome of it. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang mga tao. Siguro naghahanap ng thrill sa buhay nila kaya gano'n. Magulo rin ang utak ko. Tinatanong ko kung bakit gano'n ang mga tao e alam ko rin naman ang sagot. I mean, naiintindihan ko sila. Minsan kasi ang pagiging curious natin sa mga bagay ay nagbibigay ng tamang kasagutan sa 'tin at nakakapag-bigay ng peace of mind. Pero mostly ay harsh truth ang nakukuha natin o 'di kaya ay tsismis.
"Hindi nga importanteng bagay. Bakit ka nandito? May klase ka pa ah." Nagsalubong ang kilay ko.
"Cutting, minsan lang 'to. Wala rin naman akong nakukuha sa lessons ni Sir kasi panay siya English at hindi ko maintindihan. Alam mo kasi, 'yong mga English na gamit niya, ngayon ko pa lang na-meet. Strangers pa sila para sa 'kin."
"Kukurutin kita sa singit kapag hindi ka bumalik sa klase mo," pagbabanta ko.
"Babalik na nga! Bibili lang ng snack e, ang sama mo talaga sa 'kin. Minsan na nga lang makapag-cutting, ikaw pa nakahuli sa 'kin. Malas."
Umirap ako. "Kung nag-text ka nalang sana sa 'kin, e di ako na sana ang bumili at dinalhan ka ro'n."
Natawa siya sa sinabi ko, may kasabay pang hampas. Kapag tawa nga, tawa lang! Isasali pa hampas e, tsk.
"Tapos mapagkakamalan na naman nila tayong may ano, alam mo na," ngisi niya.
"Nae-enjoy mo naman ang atensyon, clout chaser. Nakakadiri ka. Hindi kita papatulan 'no," nadidiri kunyari na ani ko.
Madalas kaming mapagkamalang may relasyon. Ang hilig magbigay ng malisya ng mga tao sa panahon ngayon. Pati dalawang babaeng magkasama, binibigyan na rin ng malisya. Feeling ko sobra na. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang? Kaya nga tuwing may lakad ang isa sa 'min ay iisang grupo kami kung sumama. Kapag si Kiko naman ang nag-aya, hinahayaan lang namin. Aping-api siya sa 'ming mga babae. Ewan ko ba kung bakit pero ayaw niya makipag-close sa mga lalaki dito sa campus. Hindi rin naman siya maka-palag sa aming apat, samaan ko lang kasi ng tingin 'yon manginginig na agad. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ang mokong na 'yon sa 'kin. Nakakapikon.
Actually, halos lahat ng estudyante rito ay kilala ako at balita ko ay takot sa 'kin. I always keep a straight face and my friends says I look scary. Hindi ba pwedeng iyon na ang resting face ko? I don't want to keep smiling for no reason though, nakakapagod iyon.
"Sakit mo, Alonzo. Ah, grabe, nagdudugo na ang puso ko. A-aray."
"OA 'tsaka alam ko. Nabili mo na snack mo?"
"Hindi pa, ikaw kasi," nakasimangot na sagot niya. Aba't nanisi pa.
I pulled out my hand from my pocket. Itinapat ko sa dibdib niya ang palad ko.
"Akin na pera mo, ako na bibili para makabalik ka na sa klase mo. Makinig ka ng mabuti. That lesson has something to do with our thesis, it'll help you a lot especially for our upcoming defense. Sa defense nakasalalay kung gagraduate ka o hindi kaya umayos ka, Cadavid."
Napapadyak ito sa inis. "Alam ko pero wala ngang pumapasok na information sa utak ko. Storage full na. Atsaka nandito na ako e, ako na!"
"Kahit na. Bumalik ka na sa room mo. Akin na nga ang pera," I hissed.
"Galit na galit oh, ito na," ngumuso ito at inabot sa 'kin ang pera saka nagtatakbo palabas ng cafeteria.
Bumuntonghininga ako at tumayo. Pumunta sa counter saka pumili ng snacks para kay Chelsea. Binilhan ko na rin ng maiinom, para naman ma-digest niya itong mga snack niya. Ang bilis pa naman mabilaukan ng isang 'yon. Nang mabili ang mga snacks ni Chelsea ay lumakad na ako papunta sa classroom niya. Tilian agad ang mga babae nang makita ako sa pintuan. Parang lalaki lang na tinitilian, hindi ko alam kung anong mayro'n sa kanila. Siguro kasi hindi naman ako palalabas ng room namin kung hindi kinakailangan kaya minsan lang ako nakakasalamuha ng mga estudyante. It's weird for me because I don't really know what's the reason why students treat me like that.
Nagmamalaking tumayo si Chelsea at nag-model walk pa sa harapan ng mga kaklase. Clout chaser nga naman, uhaw sa atensyon. Kinaltukan ko agad ito nang makalapit sa 'kin. Bumadha ulit ang pagtataka ko nang tumili na naman ang mga babaeng kaklase ni Chelsea, pati ang mga lalaki ay napapalingon narin, maski ang professor nila. Hindi na nahiya si Cadavid. Ako ang nahihiya.
"Sa susunod kapag free time ko mag-text ka na lang. Walang hiya ka talagang babae ka, labas ka ng labas nandiyan pa professor niyo," bulong ko sa kaniya.
Lumawak naman ang ngisi nito na parang abnormal. "Alpha kid."
"Dami mong alam. Aalis na ako, may professor ako sa ganitong oras. Bye."
"Bye-bye! Salamat!" kumaway ito, tumango lang ako at naglakad na paalis.
Pinagtitinginan ako ng mga lalaki sa hallway habang naglalakad ako. May ibang bumabati na binabati ko rin naman pabalik. Kung hindi kaya ako matalino, ganito rin kaya ang trato nila sa 'kin? Silly me. Kung hindi ko ginagamit ang utak ko ay panigurado namang hindi ako makakakuha ng scholarship ko ngayon.
"Ikaw si Rayzeah Alonzo 'di ba?" may humarang sa dinadaanan ko.
Nakasuot siya ng kulay grey na polo at itim na slacks. Nakasukbit sa balikat niya ang tube na sa pagkakaalam ko ay ginagamit ng mga engineering students. Engineering... student?
"Oo, ako nga. Bakit?" wala sa sariling sagot ko.
"Anong relasyon mo kay Chelsea?" matigas ang boses na tanong niya sa 'kin. Ano bang problema ng taong 'to sa 'kin at bakit parang galit na galit?
"Bakit mo tinatanong? Sino ka ba? Hindi ako obligadong sagutin ang tanong mo na 'yan," may halong iritasyon ang boses ko.
"Hindi mo na kailangang malaman."
Naging mahinahon ang kaniyang boses na akala mo'y nahimasmasan bigla.
"Hindi mo na rin kailangang malaman kung anong relasyon ko kay Chelsea. Tabi."
Binangga ko ang balikat nito at naglakad na paalis. Naghahamon ba ng away 'yon? Sino ba 'yon?
"Si Miller 'yon ah!" sumabay ng paglalakad sa 'kin si Kiko.
Sulpot ng sulpot, pabigla-bigla na lang. Mabuti at sanay na ako sa kanila. Noon nagugulat ako, jumpscare kasi ang mga mukha nila, ngayon nasanay na lang din ako.
"Alin?"
"Iyong nakausap mo. Si Miller 'yon. Ckoa Miller. May kapatid 'yon na kaibigan ng kapatid ni Chelsea. Anong pinag-usapan niyo? 'Tsaka magkakilala kayo?"
Normal ba sa isang lalaki ang pagiging tsismoso?
"Nagtatanong kung anong relasyon namin ni Cadavid. Mukha ba kaming magka-relasyon?" I flatly asked. Bakit kaya ganito ang ibang tao? Mga malisyoso.
"Hindi naman. Siguro kasi clingy si Chelsea sa 'yo, tapos ikaw boring na boring na sa buhay mo."
Totoo 'yan. Hindi ko nga alam kung anong objectives ng buhay na 'to e at kung bakit grabe naman ang challenges each level.
"Anong connect?"
"Hindi ko rin alam," kibit balikat niya.
"Bakit ka nandito? Don't tell me nag-cutting classes ka rin?" nanliliit ang mga matang tanong ko.
He looked so shock. Isa pa 'tong OA. Ang pagiging OA ay wala talagang pinipiling sexual orientation.
"Hindi ah! Gusto ko nga masali sa dean's list ba't ako magc-cutting?!" defensive niyang sabi.
"Bakit ka ba sumisigaw? Napaka-defensive mp, tinatanong lang naman kita," kalmadong sabi ko.
Lumabi ito at pinaningkitan ako ng mata. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sinasabi ko lang ang kung ano sa tingin ko ang tama.
"Babae ka ba talaga, Rayzeah? Hindi kaya lalaki ka tapos pinanganak lang sa maling katawan? Tapos ang plot twist is babalik ka sa totoo mong katawan tapos makakalimutan mong naging babae ka."
Ano na namang issue ng isang 'to sa 'kin? Ginagago na ako ng mundo, please lang huwag ka ng dumagdag pa, Kiko.
"Saan mo na naman napulot 'yan?"
"Para kang lalaki umasta. Cold ba, gano'n. Sure kang babae ka?"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at maya-maya ay tumango rin. "As far as I can remember, dinudugo pa rin naman ako buwan-buwan."
Namula ang mukha nito at basta na lang umalis. Honestly, hindi ko alam kung bakit napaka-sensitive ng topic na 'yon para sa mga lalaki. Normal lang naman 'yon e. Nile-lesson pa nga minsan, lalo na kung ang subject ay science o biology. Ang hind normal ay 'yong iba na ang lumalabas tapos kine-kwento mo pa sa iba. TMI. Too much information. Bastos. Iniwan na lang ako bigla.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang mapansing nasa harap na ako ng room ko. Sumalubong sa 'kin ang maingay at makalat na room. Akala mo hindi college students kung umasta. May nagbabatuhan pa ng paper planes. Seriously? I bet na stock sa high school ang utak ng mga 'to. Low-key judgement ang ginagawa ko, hindi pa ako matatawag na judgemental person.
"Bakit nasa white board pangalan ko?" puna ko nang makitang nakasulat sa white board ang pangalan ko gamit ang temporary marker. "Sinong nagsulat?" dagdag tanong ko.
Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong binibiro ako, lalo na kung hindi ko masyadong close. Kahit kaklase ko pa, kung hindi tayo close, hindi kita binibigyan ng karapatang biruin ako. It's either you shut your mouth or you damn shut your mouth.
"Hoy! Sinong nagsulat niyan? Kapag si Alonzo nagalit humanda kayo!" sigaw ni Mariko.
Minsan lang naman ako magalit. Kapag nainis ako ng todo. Wala namang nakakagalit diyan, pero ayaw ko lang na kapag naglalaro sila ay nadadawit ako. Nagtataka lang ako sino nagsulat ng buong pangalan ko sa white board at kung bakit.
"Jan Wayne! Erase mo 'yan gago ka! Crush na crush mo talaga si Alonzo 'no? Tarantado!" sigawan nila.
Napuno ng tukso ang buong room. Blankong binalingan ko iyong si Jan Wayne na kumakamot sa batok at namumulang ini-erase ang pangalan ko sa white board.
"Wala namang nakakagalit do'n. Huwag niyo lang ulitin, magagalit na talaga ako. Baka makita ni Professor, pagsasapakin ko kayo," banta ko.
Natigil naman silang lahat at natahimik. Mayamaya pa ay pumasok na si Professor Felisilda at may dalang libro sa kamay. Inilabas ko na rin ang akin at nakinig sa lesson. Buong maghapon ay gano'n lang ang nangyari. Nang uwian na ay hinatid ako ni Chelsea sa apartment. Review ulit ako ngayon. Pinasa na ni Kiko at Mariko 'yong sa kanila via email. Kay Soleste na lang ang hinihintay ko. Ayos narin kasi 'yong kay Chelsea, nabasa ko na e. Nakahingi na din ako ng copy para mapag-aralan mag-isa.
Magkakasama kami sa iisang thesis kahit hindi kami magkaklase. Magka-batch kasi kaming lahat at suggestion rin ng mga prof. Namin na makipag-collab sa ibang department. Sabay-sabay naman kaming gagraduate at ayos lang na hindi namin kaklase ang kagrupo namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top