Chapter Twenty Two
THE next few weeks were a blast to us. Natanggap si Alzien sa scholarship. Ang unang ginawa niya ay ang pag-ayos sa schedule niya. Ang oras na pinili niya ay hindi masyadong maaga. He said he wants to always cook breakfast for me. Wala siyang tiwala sa cooking skills ko.
Class officially started and I didn't even realize that my womb is in it's third month now. Kahit mag-tee shirt ako ay halata na siya. And Alzien loves cuddling with it before or after school.
"Kumusta?"
May dalang isang plastic ng putting strawberries at chocolate syrup si Chelsea nang pagbuksan ko. Madalas ang pagbisita niya sa tuwing wala si Alzien sa bahay. Papalit-palit silang apat at minsan naman ay sabay-sabay.
"Bump still intact. Bakit marami ang binili mo? Wala akong pera, Chels."
Itinaas niya ang plastic na dala.
"Ito? Hindi ko naman sinabing babayaran mo. Para ito sa inaanak ko 'no."
Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Kakalipat lang namin noong nakaraan kaya nagkalat pa ang mga gamit sa sala. Paunti-unti ko namang pinapasok sa kwarto ang mga gamit ko kapag walang ginagawa.
"Kahit isang palapag lang ang bagong bahay niyo ang laki pa rin. At may chandelier pa, ha?"
Pinaupo ko siya sa couch. I was already eating a few leftovers of strawberries before she came. Ngayon na nandito siya ay pinagtuunan ko agad ng pansin ang binili.
"Nag-aalala ako sa bayarin. Kahit marami ang collection niya ng kotse ay madali naman iyong maubos."
"Malaki naman ang sahod niya sa trabaho. Tutulungan rin kitang maghanap kapag lumabas na si baby at pwede ka na ulit magtrabaho," ngumiti ito. "Saan mo ba nilalagay itong mga gamit mo at mukhang nasa kalagitnaan ka pa sa pag-aayos?"
Bumuntonghininga ako. Tinatamad na naman akong tapusin. Ang mangyayari ay hihilata na naman ako buong maghapon.
"Nilalagay ko sa kwarto ko. Ang ibang gamit dito ay kay Alzien."
Nagsisimula ng nine AM ang klase ni Alzien at kadalasan ay nakakauwi na siya bandang ala sais. By that time, it's either nagluluto ako o tulog. Gano'n palagi ang nadadatnan niya. Ang mga gamit naman, malaki ang progress ng paglilinis kapag wala siyang klase.
"Tutulungan na kita. Hindi pwede sa 'yo ang magbuhat ng mabibigat."
Ngumiwi ako. It's just a few boxes of clothes. Hindi masyadong marami ang damit ko dahil outfit repeater naman ako.
"Nag-lunch ka na?" tanong ko.
"Yep!"
Hinahalungkat niya na ang mga gamit ko. Chelsea is always glowing. Palagi ring masaya na parang walang problema. Gusto ko siyang tanungin sa mga bagay-bagay pero gusto ko rin siyang bigyan ng privacy.
"Buti hindi nagtatampo si Jehovah, nandito ka araw-araw e," ani ko habang pumapapak ng strawberry.
Hindi alam ni Alzien na kinakahiligan ko ito. Patago ako kung kumain. At naka-plastic kapag nasa ref para hindi niya mapansin.
"Sa kaniya naman ang uwi ko gabi-gabi, 'tsaka may trabaho rin naman siya. Hindi katulad ko na tambay lang, pabigat pa rin sa buhay ng Mommy at Daddy," ngisi niya.
"Umayos-ayos ka, Chelsea ah, kung ayaw mong mabaril si Jehovah ni Tito"
Huminto siya sa ginagawa at nanlaki ang mga mata, slowly realizing what I meant. Hindi naman siguro nila ginagawa ang bagay na 'yon. Malisosya lang talaga ako.
"Gaga joke lang naman. Hindi naman ako nagtatagal dito, saktong pag-uwi ni Jehovah naghihintay na ako sa sala. Understanding naman si Jehovah, naiintindihan niya kung bakit palagi kitang pinupuntahan," litanya niya.
Her boyfriend does look like a soft boy.
"Ah. Baka may pinagkakaabalahan ka ah, magsabi ka lang."
"Ano ka ba, free ako this whole year. Next year na ako maghahanap ng trabaho, tinatamad pa ako."
I know she's just joking. Madalas siyang nandito kaya napapansin ko rin ang pagtingin-tingin niya palagi sa cellphone niya, minsan nga ay may dala pa itong laptop kaya alam kong nagt-trabaho nga rin ito. Hindi ko lang alam kung ano.
"Alam ko 'yang mukhang 'yan. Ano ka ba, hindi ka nga abala. Mas magtatampo ako kung pagbabawalan mo akong pumunta."
Nanginig na naman ang labi ko dahil sa mga naiisip. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.
"Naku ikaw na buntis ka. Magsasabi naman ako kung busy ako o hindi. Kapag busy ako ay hindi naman ako makakapunta kaya kapag nandito ako, ibig sabihin wala akong ginagawa. Huwag kang umiyak, baka sabihin pa ni Alzien inaaway ko ang mag-ina niya."
Hindi naman. OA si Alzien pero naiintindihan niya naman na emosyonal ako kahit sa mga maliliit na bagay. There are times that I'd cry out of nowhere too.
Buong araw na nandito si Chelsea at tinutulungan ako. Tuwang-tuwa naman ako na buntis sa mga katarantaduhang ginagawa niya para lang hindi ako ma-bored. We removed a lot of things in the living room. Hindi ko nga namalayan dahil sa dami ng tsismis namin.
When afternoon came, it's a cue for Chelsea to go home. We bid goodbye to each other and I entered the house. I went back to cleaning while waiting for Alzien's arrival.
The door opened while I was in the middle of fixing Alzien's clothes. His eyes wandered in the dining area first, hoping to find me there.
"Kamusta ang school?"
Ang madilim na mukha nito ay nagliwanag nang makita ako. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa 'kin at yumakap.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
Tinapik ko ang kaniyang likod. His hands found its way under my shirt to caress my growing tummy.
"Hm, pagod lang sa activities sa school."
Iba na naman ang amoy niya. He stopped using the perfume that he uses because of my sensitive smell. Hindi ko siya hinahayaang lapitan ako kapag nababahuan ako sa kaniya. Strong scent makes me wanna puke. I advised him to use my cologne whenever he wants to stay close to me. Ang gago, iyon na ang ginamit.
"Sa kwarto ka na, atsaka maligo na rin, ang baho mo e. Ang mga damit mo, nasa closet na inayos ko. Tumulong naman si Chelsea kaya hindi rin ako nahirapan."
Mahinang tumawa siya at lumuhod, hinalik-halikan ang tiyan ko sabay haplos. Para siyang obsessed sa tiyan ko. Palagi niya kasi 'yang ginagawa tuwing umuuwi. Minsan kapag tulog niya akong madadatnan, magigising nalang ako na kinakausap niya ang tiyan ko. Normal naman siguro 'yon? I mean, he's the Dad so yeah? Ewan ko.
"Ligo na, nasusuka ako sa amoy mo," sinamaan ko siya ng tingin.
"Maliligo na po."
Nang makapasok siya sa kwarto ay bumalik ako sa ginagawa. Mga bagong bili na halaman naman ang pinagdiskitahan ko. Nilalagay ko ang mga iyon sa bintana para maarawan. We also bought artificial flowers for table design.
"Saan ka?" tanong ko nang makita siyang lumabas ng kwarto at nakatapis lang ng tuwalya.
"I forgot something. I'll go get it in the car."
Nagsalubong ang kilay ko. I don't like the idea of him walking outside with just a towel. Masyado siyang show off sa mga kapitbahay.
"Na walang suot?" as a matter of fact na tanong ko.
Walang imik na pumasok siya sa kwarto at paglabas ay may suot na siyang shorts at shirt.
"Sorry na po. Hindi na po uulit."
Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Iritado akong lumayo. Amoy baby na naman siya .
Tumatawang lumayo siya sa 'kin at labas ng bahay. Pagbalik ay may dala itong shopping bag na ang laman ay—
"What the hell, Alzien? Bakit ka bumili ng mga ganito?" I hissed.
Unisex baby clothes. Diyos ko, masyadong excited. Hindi pa nga ako nakakapag-ultrasound kaya hindi pa namin alam ang gender ng baby. At matagal pa naman ang five months.
"It's cute. Nakita ko kanina sa mall. Paano kung kambal 'to? E di may damit na sila agad paglabas. At para hindi na rin tayo bili ng bili kapag lumabas na. Labas na baby, excited na si daddy."
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan agad ang tiyan. Marahan ang kaniyang haplos at puno ng pag-iingat. It's a good thing that he's not busy with work. Nakikita ko kasi ang pasimple niyang paghagod sa mga mata kapag natatagalang nakatitig sa monitor.
Silence enveloped us. I feel awkward pero siya mukhang hindi naman. He was enjoying himself. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha habang ginagawa niya iyon. I can still see the teenager him whenever I look at his face. The youth that I stole from him.
Kung ibabalik ko siya sa mga magulang niya... hay nakakabaliw isipin.
"Paano kapag nalaman ng parents mo, Alzien? Tingin mo matatanggap nila ito? Alzien, masyado ka pang bata."
"Here we go again. Look, wala na silang pakialam sa 'kin at ganoon din ako sa kanila. You don't have to worry about anything, hindi ko kailangan ang opinyon nila tungkol dito."
How can he casually say it? At walang pakialam? God, he's still a kid and in the process of being an adult.
"Don't talk about them like that. Mahirap na walang magulang, Al. Kahit gaano pa kalaki ang galit mo sa kanila, huwag mo pa rin silang pagsalitaan ng ganiyan. Trust me, been there, done that. Mahal ka naman talaga nila, napapakita nga lang nila iyon sa maling paraan. Sige nga, imagine this baby turning its back on you and saying those horrible things behind you? Gusto mo 'yon?"
Umuling lang siya bilang sagot. Worry is visible in his eyes.
"That's what exactly you're doing to your parents right now. Pwede naman kayo mag-usap na hindi nagsisigawan o nagkakasakitan, explain mo sa kanila 'yong side mo at ipaintindi mo ng mabuti para maintindihan nila. Para wala na kayong away. Para makuha mo na rin ang kursong gusto mo na may suporta galing sa kanila."
May munting ngiti sa kaniyang labi. Hindi na naman ito nakikinig sa mga sinabi ko. At kapag ganiyan siya ay alam ko ng may kakaiba na naman itong narinig o naiisip.
"Al. I like it."
Sinasabi ko na nga ba. Narinig niya ang sinabi ko pero naka-highlight iyon. He's distracted because of his name?
"Hindi ka ba nakikinig?"
Sumandal siya sa sofa habang nakamasid sa reaksiyon ko. He may be physically fit, but the way he thinks is just... hindi pa handa sa mga responsibilidad. But look at him doing his best to survive. Kahit pagod, kayod pa rin.
"Nakikinig ako. Narinig ko lahat. Hindi ko na uulitin. Hindi na uulit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top