Chapter Twenty Three

ANG planong pagpapa-ultrasound ay tuluyan ng nawala. It was another morning with my five month tummy. Nagising ako na nagkukumahog at nasusuka. Araw-araw ganito and it gets worst everyday.

I reached for the bathroom's doorknob and immediately entered. Itinutok ko agad sa bowl ang mukha at doon nagsuka ng nagsuka. Hindi ko na yata kaya pang magbuntis ulit kung palaging ganito rin.

Naramdaman ko na lang ang paghimas ng kung sino sa aking likuran. Alzien's presence calms me down at ngayon nga ay nasa tabi ko na siya. He scoop my hair and gave me the freedom to puke more.

"This is the reason why I want to share the same bed as you. Pero ayaw mo. Natataranta ako kapag naririnig kong nagsusuka ka at nasa kabilang kwarto ako."

Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. I probably look worst right now but I don't care. I'm carrying his baby and he has no choice but to see me like this.

"Paanong nagigising ka agad?"

Inilagay niya sa likod ng aking tainga ang mga takas na buhok na nasa aking mukha.

"Naririnig kita."

Binigyan ko siya ng tingin na nagdududa. I know what he is up to. I've been aware about his late working hours. Agad akong nagigising kapag bumubukas ang pintuan ng kwarto ko tuwing madaling araw. And I would see him check if I'm awake or not.

"Naririnig o pinapatay mo na ang sarili sa pagt-trabaho?"

"Rayzeah-"

I didn't let him finish nor utter any more words.

"Alzien, don't lie in my face. I know what you've been doing the past months. Hindi ka natutulog tuwing pumapasok sa kwarto mo. You barely even get some sleep. At trabaho pa rin ang inaatupag tuwing madaling araw."

Natahimik ito. Mariing napalunok at hindi ako matitigan sa mga mata. Tumayo ako at nagmumog.

"Maghanda ka na, may pasok ka pa," malamig kong turan at iniwan siya roon.

I climbed up to the bed and fell asleep fast. The moment I opened my eyes again, I felt something heavy around my body. Hindi nga ako nagkamali dahil nang lingonin ay si Alzien nga iyon na mahimbing ang pagkakatulog. He must be so tired. The dark circles under his eyes are the proof of it. At nakanganga pa ito.

Humikab ako at inabot ang cellphone. It's ten in the morning. Nararamdaman ko na naman ang kagustuhang kumain ng strawberry. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa akin at lumabas ng kwarto. I opened the huge curtains in the living room first before making my way to the kitchen. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang paboritong pagkain. I screamed in surprise when I saw Alzien standing right in frontt of me, gulo-gulo pa ang buhok at pagod ang mga mata.

"Strawberries and cravings mo, tama? Bakit inilihim mo sa 'kin?"

Namewang siya sa harap ko. I was caught in the act, alright?

"Hindi. Nagkataon lang na ano..."

"What? Lying to your baby daddy? Ayaw mong sabihin dahil alam mong bibili ako ng marami?"

Hindi ako umimik kasi tama naman. Kinuha niya ang mga iyon sa kamay ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako. How dare he punish me? Anak niya itong dinadala ko at... at...

"Sit here. I'll wash this for you. Huwag ka ng umiyak, huhugasan ko lang, hindi ko kakainin."

Sumunod ako sa gusto niya. So, this is not a punishment?

Sinundan ko ng tingin ang paghuhugas niya. After washing the strawberries, he cut it in half. Kumuha siya ng bowl at niligo iyon ng syrup. My mouth instantly watered at that sight. Nang ibigay iyon sa 'kin ay agad kong nilantakan.

He was watching me intently. Nanatili akong tahimik sa pagkain niyon. Now that I am caught, hindi ko na siya mapipigilan kapag bibili ng marami. I guess I should stop telling Chelsea to buy me bunch of these.

"Hindi... hindi ka papasok?" mahinang tanong ko.

"Babawi ako ng tulog. Hindi ko kayang nagagalit ka sa 'kin ng gano'n. Baka hindi mo ako pansinin."

Sumimangot ako. Talagang hindi. Pumayag akong hindi magtrabaho dahil gusto niya pero kung palaging gano'n ay mapipilitan ako.

I told him to go to sleep while I walk around the neighborhood. Kilala na nila ako dahil paminsan-minsan ay ginagawa ko talaga ang paglalakad sa labas. Alam ko na agad na hindi siya papayag kaya ang ending ay dalawa kaming naglalakad sa labas. Few of our neighbors greeted us and they were surprised because Alzien is with me.

"Naku, ang laki na ng tiyan mo, Rayzeah. Ilang buwan na ito?" marahang haplos ng ginang na nakasalubong namin sa daan.

"Lima na po, Tita Jones," sagot ko.

"At ito ba ang tatay? Kay gwapong bata naman ere. Nakakatuwa at magkasama kayo ngayon."

Hindi madalas kung sumama sa 'kin sa paglalakad si Alzien kaya nasosorpresa ang iba. Mga kaibigan ko kasi ang palaging kasama. We would always talk about nonsense things.

"Opo. Si Alzien nga po pala. Al, si Tita Jones," pakilala ko sa dalawa.

Nagmano si Alzien. Wala ang ngiti sa labi pero may kakaibang kislap ang mga mata. Tumawa si Tita Jones dahil sa pagiging timid nito. We continued walking ad Alzien's hands is firm on my back.

"Maganda rin ang dulot ng hindi ko pagpasok. I should do this more often," pagpaparinig niya.

Doon ko nga siya nasapok. Bagsak si Alzien pag-uwi. It wasn't even a long walk but I guess he's just really tired. Naaawa ako pero wala naman akong magawa dahil ayaw nitong tumulong ako.

My friends constantly visits me and we always have fun whenever Alzien is not around. Naging busy na rin ito sa school dahil sa dami ng gawain. Walang araw na nababakante dahil na rin sa trabaho. The fridge is always full of white strawberries as I expected before when he found out.

"Ilang months na, Rayzeah?" tanong ni Soleste nang minsang mapabisita.

Kiko buys a lot of plants for me. Ayon nga siya at sine-set up iyon sa tabi ng sofa.

"Seven na, Soleste. Ang trabaho mo?"

Soleste rarely visits because of her work. Pero may mga pagkakataon namang nakakasama siya. She pursued modeling and is always out of the country. Lalo na dahil super model. Nakikita ko siya sa TV dahil sa mga interviews oh guesting.

"I'm doing good. Packed pa ang schedule ko but I'm clear for two weeks so I decided to visit you. Mabigat na ba?"

Hinaplos ko ang malaking tiyan. Mabigat at palagi na akong may back pain. Hindi ko na nga makita ang paa ko at iniiyakan ko iyon sa tuwing naliligo.

"Mabigat pero worth it naman."

All of them was present when I gave birth. And Soleste cried so hard while I was in the delivery room. Siya ang kasama ko dahil nasa school si Alzien. I was having a hard time because the baby wouldn't come out. Nang pumalit si Alzien kay Soleste, naging smooth ang paglabas ni baby. The poor Alzien lost his consciousness after hearing the baby's cry.

"I was in Japan because of our business. Nilayasan ko ang meeting namin dahil umiiyak ito at sinabing nasa ospital ka. Kinabahan ako, akala ko kung anong nangyari," turo ni Kiko kay Soleste na hindi pa rin matigil ang iyak at namumula na ang mukha.

Sa kanilang lahat ay siya itong sobrang natakot. I appreciate her bravery though for staying with me. Siya iyong kasama ko dahil busy si Mariko at Chelsea nang mangyari iyon.

"Sorry, pinag-alala kita. At salamat dahil inalalayan mo pa rin ako hanggang napanganak ko si baby." I embraced Soleste tightly.

Doon kumawala ang kaniyang hikbi. I kept tapping her back to calm her down. Dinaluhan na rin siya ni Kiko at halata ring nag-aalala ito ng husto sa kaibigan.

"Tahan na, Soleste. Tapos na, nandito na sa mundo si baby," pagpapakalma ni Chelsea.

Nagkalat ang mga balloon sa kwarto ko. Alzien Is still sleeping at the bed next to mine. Ang sabi nila ay sabay kaming inilipat dito at hindi pa ito nagigising mula pa kanina.

"I was scared," hikbi ni Soleste.

Hinaplos ni Mariko ang kaniyang buhok.

"Tumahan ka na. Bilhan kita ng ice cream sa labas?" anito.

Soleste nodded. "Okay."

The four of them went out for me to rest. Babalik din naman sila agad, sasamahan lang si Soleste na kumain ng ice cream. I was just staring at Alzien's peaceful sleeping face. Ang mahaba niyang pilikmata ang una kong napansin. Makapal iyon at kumukurba pataas. Sunod naman ay ang kaniyang maliit ngunit matangos na ilong. I guess the strongest feature he has is his brows because it's thick and straight. Ang gwapo niya palagi sa paningin ko kapag nagsasalubong ang kilay.

The baby is a boy. And we already had a name for him. Pinagplanuhan na namin ito ni Alzien nang pagdesisyunan na hindi muna alamin ang gender ni baby. It drawn to me. My first born is a boy. I'm a mom and I now have a responsibility. I don't have any regrets for keeping the baby. The only regret that I have is that I wasn't financially stable and I'm scared I won't be able to give the baby its needs.

Gumalaw si Alzien at nagmulat ng mga mata. Akala ko ay sasanayin niya muna ang paningin pero nagulat ako ng agad siyang tumayo. When he noticed that I was lying on a bed next to his, he immediately went to me and went to his knees. Ang una niyang ginawa ay I-check ang mukha ko.

"May masakit ba sa 'yo? I passed out and... that was embarrassing. Ayos ka lang ba? Do you feel uncomfortable?"

Hinawakan ko ang kaniyang kamay sa aking mukha at umiling. I smiled at him, tears forming in my eyes. I am not alone in this world now. I have a family, someone who is related to me, and it's all thanks to this human being in front of me.

"Ayos lang ako."

Nakahinga siya ng maluwag. I sighed in contentment. Hindi ko pa nakikita ang anak. My friends told me they saw the baby at the nursery. Hazel eyed, mana kay Alzien. It's a good genes so it's okay. And he's my baby so it's more than okay.

Alzien took my hand and brought it to his lips. A kiss followed and he started crying.

"Thank you so much. For sacrificing and everything. I saw your pain and you were so brave. Thank you, thank you for giving birth to our blessing."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top