Chapter Twenty Six

NAMAYANI ang katahimikan sa amin. Yes, that's right. I've already decided. Anak ko muna, bago kami. At kapag hindi siya nakapagdesisyon ay mapipilitan ako.

Bumukas ang pinto at pumasok ang ginang kasama ang tauhan. She snapped her fingers and the men she's with captured Alzien. Napaatras ako sa gulat at kaba. Pumalag si Alzien, pero wala ring nagawa. Nawalan ito ng malay dahil sa pinaamoy ditong kung ano.

"My son can be aggressive sometimes, his father raised him to be one. At ikaw, pwede ka ng lumayas dito kasama iyang anak mo. Don't try to get near my son or else. I don't bluff. It would be my pleasure if you leave right now because I'm taking this house, it's my son's anyways," she said.

Tinanaw ko ang mga ito nang lumabas. Sumunod ako at sinubukang hawakan si Alzien. Kumawal ang hikbi sa aking dibdib nang marahas na tinulak ako ng ginang. The urge to slap her is at its finest again.

"Why are you crying? Kasi hindi mo na mahuhuthutan ng pera ang anak ko? Mahiya ka naman! Ke-babae mong tao ganiyan ka! Pasalamat ka at natikman mo pa ang yaman ng anak ko. And I won't give you any money. Hinuthutan mo na nga ang anak ko tapos bibigyan pa kita ng pera? Aba! Masyado ka naman na yatang abuso. Learn to work for yourself, being a gold digger won't give you a peaceful and decent life. Remember that, dear."

Kalagitnaan ng gabi, lumuwas ako. I carried the important things to me. And of course, mine and Alzien's cards. Alam kong wala na, na hindi na babalik si Alzien. At kung makakabalik man, siguro ay matatagalan. I am such a bitch for this but I need to secure some cash with me to live.

Huminto kami ni Jacob sa may malapit na ATM machine. Inilabas ko lahat ng pera sa bawat cards na pagmamay-ari ko. I sat at the nearest waiting shed to call Chelsea.

Habol ko ang hininga nang makaupo. Carrying the sleeping Jacob and a lot of bags with me is too much. Ang bigat-bigat niyon sa pakiramdam at wala rin akong kain. I can't stay in that house. I can't risk it. Baka balikan kami at si Jacob, si Jacob ang inaalala ko. I need a shelter for tonight and maybe... I could compose myself tomorrow.

I dialed Chelsea's number. Imposibleng masagot niya dahil hatinggabi na. At baka rin dito na kami magpalipas ng gabi ni Jacob.

"Hello? Rayzeah?"

I opened my mouth, trying to speak but couldn't find the right words and the courage to do so.

"Hoy ano 'yon? Ginising-gising mo ako tapos hindi ka magsasalita?" ulit niya.

"Uh... pwede bang magpasundo? Ise-send ko sa 'yo ang location. Kasama ko si Jacob. Explain ko na lang mamaya. Pasensya na." I tried so hard not to break my voice.

Narinig ko ang iilang ingay sa kabilang linya.

"Sige, sandali, wait lang. Diyan ka lang ha? Huwag kang aalis."

"S-sige. Salamat."

Ibinaba ko ang tawag at sienend sa kaniya ang location. Huminga ako ng malalim at pinakatitigan ang natutulog na mukha ng anak. Suminghot ako dahil sa inosenteng mukha nito. I guess it's just me and him for now.

"What happened? Bakit kayo umalis? Sinaktan ka ba ni Alzien? Pinalayas ka ba? Ano?" nag-aalalang tanong ni Chelsea habang nasa loob kami ng kotse niya.

While we were on our way, I told her everything. Umiiyak lang ako habang kinu-kwento sa kaniya iyong nangyari. I couldn't hold back my tears while thinking about Jacob's future. Kahit magkalayo sila, kung lalapit si Alzien, hindi ko siya ipagkakait. I'm afraid Alzien would deny Jacob in the future. Ayokong umalis si Alzien, ayokong palakihin mag-isa si Jacob. I wasn't able to raise myself well, napuno ako ng utang, and now I'm doubting myself if I can even raise my son well.

Pero wala akong magawa. At ang kagustuhang isalba ang hinaharap ng dalawa, ama at anak, ay naisip ko ring ibalik na lang si Alzien kaya nasabi ko ang mga iyon kanina. And Jacob, I have to do everything to give all his whims. Ang daming kaguluhan.

"Ano na ang plano? Nag-iwan ba ng pera si Alzien? Or may natira siyang pera sa 'yo? Magagamit mo iyon para sa mga needs niyo Jacob. At kung kulang, nandito kami."

Nananakit na ang mga mata ko. Nararamdaman ko na ang pagiging mahapdi niyon.

"I have his ATM cards, but I'm planning on giving this back to him. I'll hand this to you and you'll hand this to him in behalf of me. Hindi ako pwedeng lumapit kay Alzien."

Napapikit ako at naalala ang mukha ng nanay ni Alzien.

"Ano? Gaga ka ba? Paano mo bubuhayin iyang anak mo?" she hissed.

Marahan kong hinaplos ang ulo ni Jacob. Mabuti at hindi nag-iiyak, mukhang napagod rin dahil habang inaayos ko ang mga gamit namin kanina ay puro siya iyak.

"I don't know. Plano kong kunin 'yong offer ni Miss Megan, she promised to leave a slot for me and I'm hoping it's still available. Sa inyo ako uutang kapag wala na," I joked.

Lumiko kami at pumasok sa village nila. Ang mga gwadiya ay hindi na nag-abalang I-check ang ID ni Chelsea dahil kakilala naman ito.

"Hindi. Keep the money, I'm sure Alzien's coming after you anytime soon. Don't lose hope. 'Yon pa e halos ayaw nga lumayo no'n sa 'yo."

"Pwede bang makitulog sa inyo ngayong gabi? Ayokong madatnan ng Mommy ni Alzien bukas doon sa bahay. Inaalala ko na baka paggising ko wala na sa 'kin si Jacob."

Ipinarada ni Chelsea ang kotse sa loob ng garahe nila. Hindi muna kami lumabas dahil pakiramdam ko nanghihina ako.

"Sure! Tabi ako ah? Gusto ko rin kasi makatabi si Jacob, and I'm pretty sure Mom and Dad and Cielo would love it too. They were looking forward to meeting baby Jacob. Ito naman si Cielo nags-summer class kaya hindi naka-bisita sa 'yo."

"Thank you, Chels. Sa lahat."

"You know you can always count on me, and I'm glad I was the person you called. Thank you rin."

Chealsea's parents was in awe when they saw my son. They couldn't take their eyes off from him and even played with him until he falls asleep last night. Gising ang mga ito nang dumating kami dahil nasabi ni Chelsea na susunduin niya ako. Sa sobrang gusto nila sa anak ko ay sa iisang kwarto kaming lahat natulog. Ang nangyari ay tinabi ni Tito 'yong kama na nasa gitna ng kwarto at kumuha ng malaking kutson para magkasya kaming lahat. Pinagigitnaan namin ni Tita si Jacob habang nasa tabi ko naman si Chelsea. Katabi ni Chelsea si Cielo at katabi naman ni Tita si Tito. We fall asleep and I was thankful that Jacob didn't wake us all up and we had a quite and peaceful sleep. I was so drained and tired.

"Good morning! Good morning, Jake baby!" pinanggigilan ni Cielo ang pisngi ni Jacob.

Binigyan nila ng palayaw si Jacob at 'yon nga ay Jake. Si Chelsea ang nagbigay ng palayaw na 'yon.

"May gagawin ka ngayon?" tanong ni Chelsea sa 'kin.

Tumango ako.

"Susubukan kong puntahan si Miss Megan kung available pa ang trabaho sa ibang bansa. At kung hindi na, baka pwede akong magtrabaho doon lang din sa resto. Imposible na hanapin kami ni Alzien, daig pa ang cctv sa mga mata ng mommy niya.

Iniisip ko pa lang na bibili na naman ako ng bagong apartment at ang mga gastusin ay sumasakit na ang ulo ko. Mag-isa lang ako noon pero nagkandakuba na ako sa pagt-trabaho, ngayon na may anak na ay kailangan pang magpursigi.

"Gaga iiwan mo talaga si Alzien? Pursigido? Sure na sure na? Bakit hindi mo ipaglaban?"

Mapaklang tumawa ako at napailing. Ano bang ipaglaban sinasabi niya? Hindi naman kami ni Alzien in the first place. May anak lang kami.

"Wala naman kaming relasyon. Atsaka, hindi ko naman ipagdadamot si Jacob nga. If he finds a way to contact me, us, then I would gladly show Jacob to him."

"Grabe, hindi ka nahulog sa almost one year niyong pagsasama? Sa sweet gestures niya? Sa genuine happiness? Sa care? Bato ka ba?"

Anong hindi? I tried hard. Sinubukan ko ring hindi pansinin. Sinubukan ko naman.

"Napapansin ko rin naman 'yong mga gestures niya pero, ewan ko. Kahit naman mayroon, hindi rin pwede. Diring-diri nga 'yong nanay sa "kin," sagot ko.

Nagbihis ako ng maayos para harapin si Miss Megan. Si Chelsea ulit ang naghatid sa 'kin. Busy ang resto at napansin kong maraming bago ang mukha.

"Rayzeah! Grabe, ang laki ng pinagbago mo sa isang taong hindi ka namin nakita," pansin ng dating katrabaho.

"Si Miss Megan? Pasensya na, nagmamadali kasi ako."

"Sa loob, Razyeah. Magt-trabaho ka ba ulit?"

"Susubok," sagot ko.

Kumatok ako sa office ni Miss Megan. She was surprised when she saw me. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ang gustong sabihin. The slot was taken but she said she'll try to find a slot for me. Hintayon ko na lang daw ang tawag niya.

I feel hopeless even after we went back to Chelsea's house. Kapag hindi ako natanggap sa trabaho ay mababaon ako sa utang. At ang perang na sa akin ay hindi aabot ng isang taon para sa amin ni Jacob.

It was another night when my phone vibrated. Hindi ko sana papansinin dahil akala ko notification lang iyon sa mga social media accounts ko. Umilaw ulit iyon at nang tignan ko ay message ni Miss Megan. Dali-dali kong binuksan at binasa.

Kumalabog ang aking dibdib matapos mabasa ang mensahe. Naabutan ako ni Chelsea na tahimik na umiiyak na naman. Palagi na lang iyak. Ang bigat sa dibdib ko ay unti-unting nawawala.

"Iiwan mo na talaga si Alzien? Talagang-talaga?" tanong niya.

"Ilang beses mo na tinanong 'yan," natatawa na nalulungkot kong sabi.

Tanggap ako sa trabaho. Binigyan ako ng ilang araw para mag-empake dahil aalis din agad. Wala akong sinayang na panahon. I quickly replied and went on to arrange mine and Jacob's things.

May kung ano sa loob ko na ayaw umalis. I really wanted to stay. Pero kung dito lang ako, saan ako hahanap ng source of income? I need to earn for me and my son. Malaki ang benefits doon sa ibang bansa. At kapag nakaipon din ako, nagp-plano rin akong magpatayo ng business kahit maliit lang.

"I know he's into you, Rayzeah. Baliw na baliw nga sa 'yo. Alam mo ba? Hindi ko 'to nasabi sa 'yo kasi nawaglit sa utak ko. After no'ng graduation 'di ba pumunta ka sa bahay ampunan? Nilapitan at tinanong niya kami isa-isa para lang malaman kung nasaan ka. He even cried and begged and knelt just to know your whereabouts. My gosh, anong pinakain mo doon? He's crazy for you, Alonzo! He loves you. I know you can feel it too, but you're convincing yourself not to believe your instincts!" litanya niya.

Sa tingin niya ba papayag ako sa live in ng gano'n-gano'n lang? Kahit anong pilit, kung ayaw ko, ayaw ko talaga. Pero kay Alzien, bumigay ako. Kasi gusto ko rin.

"Too bad it's late. Mas mabuti na rin siguro 'yon. Tama ang mommy niya, magkakaroon siya ng magandang future kapag nandoon siya," mapait akong ngumiti.

"Paano si Jacob? Paano ka?"

"Alangan namang ipilit ko, 'di ba? Alam kong magiging mahirap kay Jacob ang lumaking walang ama, lalo na kay Alzien dahil hindi niya makikitang lumaki si Jacob. Pero anong magagawa ko? Pinili ko lang din kung ano sa tingin ko ang tama. Kapag nagsama kaming tatlo, magagalit nga ang pamilya ni Alzien at ha-hunting-in kami kahit saan, they will ruin our future, Jacob's future. Kapag nasa kanila si Alzien, hindi nila kami gagalawin ni Jacob. They will set us free at mabibigyan ko ng tahimik na buhay si Jacob. Alam kong mas magiging mahirap 'to kay Alzien, pero maski siya ay walang magawa. We're better this way. I just wish Alzien a good life with a bright future."

Chelsea's eyes watered as she heard what I said. Nagkukumahog na yumakap siya sa 'kin at humagulhol ng iyak. I gently tapped her back, trying to comfort her. Hindi na ako makaiyak. Pagod na ang mga mata sa walang tigil na iyak.

"Manifesting for a better future for the three of you. Huwag kayong magtatagal ni baby Jake doon ah? Balik kayo agad. My God! I didn't think of you leaving me, but look at you now, actually leaving me! How could you!" pabirong sigaw nito na ikinatawa ko.

The others came over to Chelsea's house when the next day came. We all gathered to the garden and had a heart to heart talk, maski sina Tito at Tita ay nakisalo na rin. Napuno ng iyakan nang malaman nilang aalis na ako, lalo na si Mariko, Chelsea, Tito, Tita at Cielo. Walang kaso kay Kiko at Soleste, ginagawa lang naman kasi nilang probinsiya ang ibang bansa. They said they would visit me and Jacob from time to time for updates.

We waited for almost a week until the time finally arrived.

"Mag-iingat kayo doon, ah? Call me when you get there. Bumalik ka rin agad. Hindi ka pa umaalis nami-miss na kita. Huwag ka nalang kaya umalis?" patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ni Chelsea.

Sagot ko ang flight na ito. I have little money left in me. Magsisimula agad ako sa trabaho para makapag-ipon. Walang hanggang ipon na 'to.

"Hindi nga pwede. Kailangan kong gawin 'to. Huwag ka ngang ganiyan, tatawag naman ako palagi. Skype pa nga," tawa ko at pinunasan ang luha na umaagos sa pisngi ko.

Si Tita naman ngayon ang yumakap sa akin.

"Tumawag kapag may kailangan, anak, ha? Hihintayin ka namin," nakangiting sabi ni Tita.

"Opo, maraming maraming salamat po sa lahat," emosyonal na sabi ko.

Cielo embraced me for the last time.

"Ate ha? Pasalubong pag-uwi. Ingat kayo roon," ngiti ni Cielo.

"Mag-iingat kayo, Rayzeah. Kapag may business trips kami, pupuntahan ka namin. Nandito lang kaming lahat para sa inyo. You're a great Mom, Rayzeah," nakangiting sabi ni Tito na nagpaluha sa 'kin.

I was doubting myself, not until those words came out from Tito. I really appreciated all those comforting words from them.

"Huwag niyo ako kalimutan, ano ba! Pwede sumama?"

Natawa ako nang makita ko si Mariko na tumatakbo papunta sa amin, kasunod niya ay sina Kiko at Soleste. Nagawa pa nilang humabol despite their busy schedules.

"Ingat, Rayzeah. Puntahan ka namin doon next week," ngisi ni Kiko na parang normal na gawain lang 'yon at nasa kabilang kanto lang ang pupuntahan ko.

It's always him and Soleste.

"I'll be visiting you soon, too, Rayzeah. I love you and baby Jacob!" kaway ni Soleste.

Hinawakan ko ang handle ng maleta, hudyat na papasok na.

"Thank you sa inyo. Pagbalik ko dito sisiguraduhin kong successful na ako," tawa ko sa kanila.

After those goodbyes and heart warming messages, all of them left. Magpapaiwan pa sana si Chelsea at Mariko pero hinila na sila ng mga kasama. I watched them leave and just smiled sadly. I'll miss them. I was about to enter when someone grabbed my hand.

"Why? Why are you leaving me?"

My body went cold and I stood there for a couple of seconds, unable to move. Sa harap ko ay ang umiiyak na mukha ni Alzien. Nakapambahay lang din ito at halatang rush ang pagpunta dito.

"A-anong ginagawa mo dito? 'Yong Mommy mo baka—"

"I love you. Please, don't leave. I love you so much. Please... please."

Nagulat man ay umiling ako. Not those simple words can stop me. I need to do this. And in time, kung kami talaga, magtatagpo at magtatagpo kami.

"You need to understand our situation. I already explained everything to you, right? Hindi ko ipagkakait si baby sa 'yo. You can come to us anytime you want. For now, you have to follow your parents. Save us, Alzien. Our future is in your hands."

He hugged my knees. Few people were taking a video of us. The situation just becomes worst. Any moment now, pakiramdam ko ay dadating ang nanay niya.

"Don't leave. We can think of any other solutions. Please, don't leave. Dito lang kayo."

I reached for his face. His eyes were pleading and pain was also visible too. He was clenching his fists and just keep on mumbling the words 'please'.

"Pwede mo kaming puntahan, pwede mo akong tawagan. We'll be away, but I won't keep Jacob away from you. You're his Dad, remember? Kapag hindi ako umalis, pareho tayong masisira. Kapag hindi rin ako umalis, wala akong pagkukuhanan ng pera para kay Jacob. Your cards... binigay ko kay Chelsea para iabot sa 'yo. Hinding-hindi magugustuhan ng mommy mo kapag nalaman niyang na sa 'kin lahat ng cards mo. Hindi ko tinatanggihan ang pera mo dahil alam kong kapakanan lang din ng anak natin ang iniisip mo. But we're in critical condition right now, I need to have my own income."

Baka ma-trace ng mommy niya kapag ni-withdraw ko lahat ng pera sa cards. Of course, I know she knows Alzien's assets. Ako ang may hawak ng lahat ng iyon.

"Paano naman ako? Ako lang mag-isa? Don't you think it's unfair? Mahal kita at..." umiling siya.

"Hindi kami mawawala, Al. We will always be at your back. Hihintayin kita. Go back to your parents house and manifest for a bright future. You can come after us anytime you want. We'll wait for your arrival, Daddy. We'll wait,""ngumiti ako saka nagsiunahan sa pagtulo ang luha ko.

His first confession was in the airport.

"I promise, I'll do good and will have you back. Take those cards with you, hindi malalaman ni Mommy 'yon. Those cards were mine, walang connection si Mommy at Daddy doon. Take it, at least that's the only thing I can give right now. Babawi ako. Pangako, babawi si Daddy kay mommy at baby. Hintayin niyo ako."

The determination in his face also gave me the strength to do better.

"We will. Ingat ka dito ha? At mag-aral ng mabuti."

I pulled him up. Hinalikan niya ang aking noo at maging ang anak ay ganoon din.

"Take care there too. I love you. Don't forget about that. I love you.

My flight was called so I have to go. He sensed that I was already called there. He embraced me. Tears were swelling from his eyes to his cheeks. He buried his face on my neck for a few seconds before finally letting go.

"I'll call. Tatawag ako sa inyo. Be sure to answer it, okay? Gagawa ako ng paraan para magkausap tayo. Pakiusap, hintayin niyo ako. I'll take you back."

I nodded and wiped his tears. I couldn't answer him. Ayoko pa. Hindi muna sa ngayon.

"Mahal kita."

Tumalikod ako pagkarinig ng mga katagang iyon at naglakad palayo sa kaniya. I want to go back and hug him. Ilang beses akong napalunok. Ang kagustuhang lingonin siya ay mas lalong lumalakas.

"Mahal rin kita..." bulong ko sa hangin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top