Chapter Twenty One
ALZIEN started working under Kiko's dad. He once showed me his collection of cars thru cctv. Ang sabi niya ay isa-isa niya iyong kukunin. Madaling ibenta dahil maraming gustong bumili. It's limited edition cars, marami ang may habol.
"But it's your collection. Pwede rin akong magtrabaho rito lang din sa bahay at-"
"No. I am not going to let you work. Kapag namatay ako hindi ko naman madadala ang mga collection ko. And I can buy another in the future. Kayo muna ni baby. It's not hard for me to sell those cars, kahit galing ang mga iyon sa allowance ko."
Marami siyang papel na kaharap. He started a couple of weeks ago and school is coming too. Ilang linggo na lang din ay pasukan na. He's pretty occupied and here I am, just watching. The baby is nearly two months.
"Alzine kasi..."
"Hm? You need something? Tell me, I'll get It for you." Humarap siya sa 'kin at hinintay ang sagot ko.
"Huwag na lang kaya 'no? Magmo-model ako kasama si Soleste. Damit para sa mga buntis."
He narrowed his eyes. May kalayuan ang pwesto niya sa 'kin.
"And what? Bikinis for pregnant women? You really think I'd agree?"
Ngumiwi ako. May option naman siguro. Daster lang.
"Hindi naman siguro..."
"I'm exposed to things like that because of my Mom, Rayzeah. Hindi ako papayag."
I pursed my lips. Mabuburyo ako rito kapag walang ginagawa. Pwede naman akong magtrabaho ngayon at titigil kapag malaki na si baby. Dagdag income at para hindi ako umaasa sa kaniya. Hindi ako kumportable na may inaasahan. Me, living under his care, is already more than enough. Papakainin niya pa ako? At check ups? Mga gamit? We can split with everything. O kung pwede, ang baby lang. O sa kaniya ang bahay, ako sa mga grocery at check up.
"Masyado na akong nakakaabala at hindi ako kumportable sa isiping 'yon, Alzien. May ipon ako. Aabot 'yon hanggang pagkapanganak ko. Let's split everything in half."
Naibenta niya na ang isang kotse niya. It costs million. Ganoon siguro kapag limited edition? Kahit second hand ay milyones pa rin ang presyo.
Ang sabi ni Alzien pinoproseso na ang papel ng bahay na lilipatan namin. Tinanong ko siya kung anong klaseng bahay. Imagine my shock when he said he wanted a three-storey building. Kusa ngang gumalaw ang kamay ko para bigyan siya ng sapak.
In the end, we chose a small house with two bedrooms with bathroom in each room, a kitchen, and a wide living room. Ia-upgrade raw iyon kapag malaki na si baby. Anong akala niya, magli-live in kami habangbuhay? Hindi porque't may anak siya sa 'kin ay papayag na ako.
"Alright, if that's what you want, let's do that."
After that small talk, I left the room. Nandito pa rin naman kami sa apartment ko. Sa lapag siya natutulog at ako sa kama. Ayokong magtabi kami.
Sa kusina ako dumiretso. Binuksan ko ang ref at kumuha ng strawberry at chocolate syrup. I washed the strawberries and put it in a bowl. Niligo ko ang mga ito ng chocolate syrup at sinimulang kainin. Siguro babae, at kapag babae ay talaga namang papangalanan ko ng strawberry.
"Ray? Ray? Rayzeah!"
"Punyeta ano? Nandito ako!" naiinis na sigaw ko sa kaniya at bahagyang gumilid para makita siya.
Minsan nakakainis na rin ang pagiging praning niya. Natrauma yata sa pag-alis ko noon. Hindi rin naman ako umaalis ng apartment. Lumalabas lang tuwing umaga at naglalakad-lakad, para na rin mainitan. At kasama ko siya palagi.
"Oh, I was just checking on you. Ano iyang kinakain mo?" lumapit siya sa 'kin at tinitigan ang bowl.
Kumuha siya ng isa at sinubo sa 'kin. I opened my mouth and took half of it. Kinain niya naman ang kalahati.
"Hindi ako aalis," I flatly said.
"I know, I'm sorry." He brushed his hair using his fingers. "Paubos na ba ang strawberry at syrup? Bibili ako ng mas marami sa susunod. You like that?"
Oo, gusto ko. Pero ako ang bibili.
"Ah, ngayon lang. Huwag ka ng bumili, ngayon lang naman 'to."
Bumalik ako sa kinatatayuan kanina at pinagpatuloy ang kinakain. I'm craving for this a lot instead of manggoes. Depende yata sa pagbubuntis. Hindi pa ulit ako nakakapagpa-check up. Baka sa pasukan na ni Alzien. Tapos malalaman niyang nagpa-check up ako mag-isa at magagalit siya.
"After two months uumbok na 'to, tapos lalaki ng lalaki hanggang sa lumabas na siya," aniya.
Uumbok naman kapag three months. Hindi nahahalata ang umbok ngayon dahil palagi akong naka-tee shirt, pero kapag nasa banyo ako at naliligo ay halata na siya. Kada pagligo ay hinahaplos ko ang umbok. Nakakatuwa dahil may buhay sa loob ko. I have a baby. It took long enough for me to realize that I'll be a mom now, at twenty-five.
"Matagal pa 'yon. Two weeks nalang pasukan niyo na 'di ba?" tanong ko.
Sa June siguro magsisimula, specifically one? Nakapag-take na siya ng entrance exam at interview, hinihintay na lang namin ang resulta. Gusto niyang mag-scholar para kahit papaano ay maka-less kami sa mga bayarin.
"Four, middle of June mags-start. Akala ko nga sa July. Pwede naman siguro modular at online class lang 'di ba? Ayaw talaga kita iwan mag-isa."
Kinunotan ko siya ng noo. He's being extra again. Bibisitahin naman ako ng mga kaibigan kaya hindi ako mabuburyo kapag wala siya. Ano na lang kaya ang gagawin ko kung wala ang mga kaibigan ko? Wala na ngang trabaho, wala pang kaibigan.
"Masyado ka na, Dela Rama. Mas maganda mag-aral face to face, mas maiintindihan mo 'yong lesson. At hindi uso sa college and modular."
Lumapit siya sa 'kin at malambing na yumakap. Marahang hinahaplos ang umbok ng tiyan ko. Gusto kong lumayo sa kaniya dahil hindi ako kumportable pero hindi ko ginawa. Baka sabihin niya pang pinagdadamotan ko siya.
"Ayoko pumasok. Pa'no nalang kapag—"
"Huwag kang futuristic. Think about the present before tomorrow. Kasi kung anong ginawa mo ngayong present, magre-reflect 'yan sa future. Do your best, Alzien, for a better future. Huwag mo akong alalahanin, papupuntahin ko si Chelsea rito," I calmed him down.
Ngumiwi ito at bahagyang lumayo sa akin. I took that opportunity to leave the kitchen and went to the living room. Nag-indian sit ako sa sofabed at pinapak ang strawberry. Alzien sat right next to me with no distance.
"Hindi pa nga ako enrolled."
Nilingon ko siya. Ang aking atensyon ay natuon sa kaniyang labi. Nag-angat ako ng tingin pero bumagsak pa rin iyon sa labi niya.
"Enroll kita gusto mo? Ako guardian para makapasok ka agad," ngisi ko.
He licked his lower lip. Nagbaba ako ng tingin sa kinakain.
"Hindi naman kita guardian. Sa anak na lang natin."
"You and your sweet tongue. Matulog ka muna, kagabi ka pa nakaharap sa monitor, baka sumakit 'yang mata mo."
Ang gago, humiga sa hita ko. Napaayos tuloy ako ng upo para kumportable siya.
"Hm. Gisingin mo agad ako kapag nangalay ka, okay?"
I clicked the remote to open the TV.
"Sure would, now sleep."
Nagpatuloy ako sa panonood habang siya naman ay natutulog sa hita ko. Hindi ko namalayang nakatulog na rin ako. Nang nagising ay nasa kama na ako ng kwarto at katabi ang natutulog na si Alzien. Siguro nagising siya kanina tapos binuhat ako. Bumibigat na ako, puro ba naman ako kain ng kain nitong nakaraang araw. Wala ring pinipiling lugar ang antok ko. Kapag inaantok ako nakakatulog nalang ako bigla na hindi ko namamalayan.
Dahan-dahan ay tinanggal ko ang braso ni Alzien na nakapulupot sa 'kin at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng hapunan. Bukod sa strawberry ay wala na akong ibang kakaibang pagkain na gusto. Pero araw-araw walang palya ang pagsuka ko, tuwing umaga kapag nagigising ako. The internet says it's normal. I watch a lot of videos about pregnant women. It's a must, especially because it's my first time.
At dahil hindi naman ako chef, feeling chef lang, nagprito nalang ako para sa hapunan. Kailangan ko na matuto paano magluto, magkakaanak na ako't lahat hindi pa rin marunong magluto, hindi rin naman ako mayaman para kumuha ng cook. Dapat talaga mag-aral na ako kung paano.
"You should've woke me up, baka mapaso ka pa."
I nearly jump because of that. Lumingon ako at nakita ko si Alzien na nakahilig sa dingding ng kusina. He's watching me intently.
"Palagi ka nalang nag-aalala. Umupo ka na at maghahain na ako," ngumiti nalang ako sa kaniya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. He made his way towards me and snatched the spatula in my hand.
"Masama sa 'yo ang tumayo ng matagal. Sit and I'll do the rest. Thanks for cooking by the way." Dumukwang ito at hinalikan ako sa noo.
Umupo ako at hinintay na matapos siya sa paghain ng pagkain. Nang matapos ay nagdasal kami saka nagsimulang kumain.
"Trabaho ka ulit mamaya?" maya-maya ay tanong ko.
"Hm, pero hindi late. As what you've said, masama magbabad sa monitor ng matagal."
Pursigido siya sa trabaho. Talagang binibigyan ng focus ang ginagawa. Sinisita ko nga siya minsan dahil nakakalimutan ng kumain at ang oras. Mabuti na lang ay nagf-function pa ng maayos ang tainga niya at nakakasagot agad isang tawag ko lang.
"Rayzeah," he softly called.
Umangat ang daawang kilay ko para itanong kung bakit.
"Thank you."
"Para saan?" nagtataka kong tanong.
"For telling me about our child. For not keeping it a secret from me."
Karapatan niya namang malaman. Pero naisip ko rin naman kung sana hindi ko sinabi. Everything would be the total opposite. Kung hindi ko sinabi, baka nasa ibang bansa na ako ngayon namumuhay mag-isa. At ngat-trabaho.
"You deserve to know the truth. Isa pa, hiding isn't my cup of tea. Bakit ko itatago? Kung umayaw ka no'ng una tapos hindi mo tinanggap ang bata, ayos lang din naman."
I took a spoonful of rice. I'm craving for strawberry with syrup again. May natira pa pero baka bumili ng marami si Alzien kapag nakita niya akong kumakain ng gano'n. Pasikreto pa naman ako kung kumain. White strawberries is kinda expensive. It's just cravings and I can buy it on my own.
"Papanagutan nga kita kahit hindi ka buntis, ngayon pa kayang may laman na nga."
Most of the rich guys from televisions would rather run away from the responsibility. Others give child support. Sa TV naman iyon pero may iilan rin akong kakilala na gano'n. Alzien gave me shelter and took full responsibility.
Kapag nagkaroon na kami ng kaaniya-kaniyang pamilya, sa akin titira ang bata. Papayag ako sa sustento pero sa akin ang bata hanggang sa pagtanda. Sure he can visit but the child is mine.
"Ang weird mo rin. Kung ibang lalaki 'yon siguro nagtatakbo na," echos ko.
Nagmamalaki ang kaniyang ngiti. Maya-maya pa ay namula ang kaniyang leeg at mukha.
"Instincts. Alam kong magkakalaman, sharp shooter yata ako. Kidding. It was my fault, hindi ako nakapagpigil. Kahit pareho tayong wala sa sarili, hindi dapat ako nagpadala."
There he is with that again. Wala kami sa tamang katinoan no'n. Hindi naman aabot sa ganito kung hindi kami uminom. O kung ako ang hindi uminom. Ang laki pala talaga ng pagkakaiba. Dahil lang sa alak ang lahat ng ito.
"Palagi mo nalang sinisisi sarili mo. Wala ka naman talagang kasalanan."
"But it was—"
Aangal pa sana pero itinaas ko ang hawak na tinidor.
"Magsalita ka pa itatarak ko sa 'yo ito, sige," banta ko.
Tuluyan na siyang nanahimik at ngumuso. Hindi rin nagtagal kasi ngumiti siya sa akin at panay na ang kuwento sa mga bagay-bagay. He's really talkative when we're alone to keep me company.
Matapos kumain ay nagpresinta akong maghugas dahil may trabaho pa ito. Pumayag naman siya. Kapag hindi siya pumayag pipingutin ko siya, kaunti nga lang 'tong mga hugasin.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto at binuksan iyon, maliit lang dahil hindi naman ako papasok.
"Sa sala muna ako habang nagt-trabaho ka," paalam ko.
Baka magsisigaw na naman 'to. Gabi na at istorbo sa kapitbahay.
"Bakit ayaw mo rito?" nagsalubong ang makapal niyang kilay.
Manonood ako ng YouTube at baka maingayan lang siya. Ang kapal naman ng mukha ko. Siya na nga ang naghahanapbuhay at ako binubuhay.
"Nagt-trabaho ka, baka maistorbo pa kita.
I closed the door. Lumapit ako sa sofabed at inayos ang unan at kumot. Humilata ako at binuksan ang cellphone ko. Dumaan sa newsfeed ko ang mukha ni Chelsea kasama ang boyfriend niya. Ang sweet, nasa beach.
Kaniya-kaniyang diskarte sa buhay sina Mariko, Soleste at Kiko, habang itong si Chelsea naman ine-enjoy lang ang lahat. You only live once daw e sabi niya. 'Yan ang tamang behavior.
"What the— bakit nandito ka?" tanong ko kay Alzien nang makitang lumabas siya ng kwarto siya bitbit ang laptop.
He settled himself next to me. Maliit ang space pero nagkasya kami. Nakahiga ako at siya naman ay nakaupo.
"Hindi ako makapagtrabaho ng maayos."
Nilapag niya sa kama iyong bitbit niyang laptop. Nang makaayos ng upo sa tabi ko ay ngumiti siya at inabot ang tiyan ko. Binuksan niya ang laptop at nagpatuloy sa pagtipa gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nasa tiyan ko.
"Hindi nga ako doon para makapagtrabaho ka e," ngumuso ako.
He pouted a little, still focused on what he is doing.
"Mas gusto ko ganito."
I sighed in defeat. Hindi pa nga lumalabas si baby ay alagang-alaga niya na. Ang swerte naman ng baby na 'yan at may maalagan daddy.
"Saan ka tutulog?" tanong ko.
"Kung saan ka matutulog."
"Sa labas," biro ko.
"E 'di sa labas," ngisi niya.
Umawang ang labi ko. Ang marahan niyang haplos sa tiyan ko ay nagbibigay kuryente sa 'kin.
"Baliw ka."
A chuckle escaped his lips. Hindi na ako umimik upang makapagtrabaho siya ng maayos.
Nagpatuloy siya sa pagt-trabaho habang ako naman nagpatuloy sa pags-scroll sa Facebook. Wala akong ibang magawa, hinihintay ko lang dalawin ako ng antok. We stayed like that for an hour or so. Nagulat ako nang mawala sa paningin ko ang cellphone ko, 'yon pala ay kinuha ng snatcher na ang pangalan ay Alzien.
"Ano? Ibalik mo. Bakit ka nangunguha ng hindi sa 'yo?" tanong ko.
Nginuso niya ang wall clock. Usually at eight tulog na ako, pero hindi pa ako dinadalaw ng antok ngayon. Pregnancy hormones.
"Nine PM na."
Hindi pa ako inaantok.
"Tapos?" pabalang na tanong ko.
"Let's sleep."
Bago pa ako makaalma ay tumayo na siya. He leaned in and dropped few kisses in my belly. Sunod naman ay sa noo ko. He carried me bridal style and carried me all the way to our room. Ang kama ko ay hindi makalat dahil nililinis niya. Tamarin ako simula nang magbuntis. He mostly do all the cleaning.
Dahan-dahan niya akong nilapag. Umupo siya sa paanan at inaayos ang kumot sa katawan ko.
"Goodnight, Ray."
"G-goodnight."
He smirked. Tumayo siya at pinatay ang ilaw.
"Sleep tight, baby momma."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top