Chapter Twenty Nine
SUMAMA si Alzien sa amin. I never thought I could afford an executive suite and it is also very luxurious. Dumating din 'yong araw na hindi ko na iisipin ang gastos.
"Ang laki ng pinagbago mo ha? Nagwo-workout ka?" kunyari ay tanong ko.
Parang lumiliit ng lumiliit ang espasyo naming dalawa sa tuwing magkatabi kami. Si Alzien na ang nagbukas ng pintuan sa hotel room namin gamit ang card ko dahil karga ko si Jacob. Ayaw bumaba at ayaw magpabuhat kay Alzien. Naglalambing na naman at mamaya ay hyper na naman 'to. Pagkapasok ay kusang bumaba si Jacob at lumapit agad sa ama. Dinamba niya ito ng yakap at tumatawang binuhat naman siya ni Alzien.
"Love..."
Wala sa sariling napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakamasid sa 'kin. Ngumuso ako at nilihis ang tingin.
"Tumigil ka nga."
"Anong gusto mo? Honey? Babe? Mahal ko? Buhay ko? Sweetheart? Pick one... or we can do all of it," nakangising sabi niya.
Umirap ako at umiling. The attitude is still the same over the past years. Only that, he speaks more free and broad now than before.
"Huwag mo po aagawin si Mommy ko sa 'kin, Daddy. I'll be sad po," ani Jacob.
Alzien was quick to answer his son. Bulong iyon. Hindi ko alam kung sadya o hindi pero narinig ko pa rin.
"Share tayo kay mommy, pero mas malaki ang share ko ha? Ako naman ang nauna kay mommy mo. At hindi ko siya nakasama, miss na miss ko, baby. Araw-araw, gabi-gabi," sabi ni Alzien.
My face heated. Damn this smart ass.
"Ayaw po, Daddy ko. Twenty-five percent po sa 'yo tapos sa akin po seventy-five percent," inosenteng iling ni Jacob.
Alzien's lips parted. Nag-angat ng tingin si Alzien sa 'kin.
"Tatalunin yata ako nito sa negosyo kapag nagkataon," hindi makapaniwalang sabi niya sa 'kin.
Ngayon pa lang ay nakikitaan ko na ng interes sa pagbibilang at paghahati-hati ng mga bagay-bagay. Hindi ko papangunahan dahil alam ko namang marami pa itong madidiskubre habang lumalaki.
"Smart and handsome." I winked at the smiling Jacob.
"Saan pa ba magmamana? Syempre sa Daddy," proud na sabi ni Alzien.
Napailing ako at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos magpalit at maghilamos ay tinuyo ko ang mukha ko at lumabas. Natagpuan ko silang naglalaro ng mga laruan ni Jacob. Hindi palalaro si Jacob sa ibang bata at mas prefer niya maglaro mag-isa. Katulad din ni Alzien ay mahilig siya sa mga puzzle.
"May damit ka ba, Al? Magbihis ka na," nakapikit na sabi ko habang dinadampi ang pamunas sa mukha ko.
Pagbukas ng mata ko ay napasigaw ako sa gulat dahil nasa harap ko na ito. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha sa 'kin. That quick?
"Come on, let me embrace you for a moment while Jacob's playing, baka hindi ko 'to magawa mamaya."
Hindi ako umangal sa sunod niyang ginawa. He encircled his arms around my waist and pulled me. He sniffed my hair and planted small kisses. My heart started acting weird and beating rapidly. Na-miss ko rin. Gumanti ako ng yakap at halos maupo na ito sa sofa para paupuin akosa kandungan.
"Gusto kitang halikan. At kapag ginawa ko 'yon, sa tingin ko hindi lang halik ang magagawa ko."
I pursed my lips because I want that too. Pero halik lang. Ayos lang sa 'kin ang halik. Sa susunod na ang kapatid ni Jacob. Mahal niya pa rin ako? Hindi ko pa naririnig pero sa tingin ko... oo. Hindi naman kaya ako delusional? Pero action speaks louder than words? Punyeta.
He lowered his face, leveled to mine. He planted small kisses on my nose and at the corner of my lips. He crashed his lips to mine and moved slowly. He held the back of my head and deepened the kiss. Kusa akong lumayo nang hindi na makahinga.
"Mommy, I'm hungry na po!"
Lumayo ako kay Alzien at pinulot ang nalaglag na pamunas.
"Magluluto na po. Magpalit ka na rin ng damit, pa-help ka kay Daddy," sambit ko.
We kissed. We damn... kissed.
"Okay, Mommy."
Bumaling ako ng tingin kay Alzien na nakamasid lang sa amin ng anak niya at malaki ang ngiti.
"Tulungan mo na, magbihis ka na rin. Tatawagin ko na lang kayo mamaya kapag nakahain na ako."
"Okay, I'll help after we're done changing. Love you," pahabol niya.
I stayed there unmoving for a moment after they went inside the room to change. Mahal ako e. Sinabi na. My heart is going to burst at this moment. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Gusto kong tumili pero parang tanga naman.
Malawak ang ngiti na nagsimula ako sa pagluluto. Hindi ko na namalayan na kumakanta na pala ako at nakangiti na habang nagsasandok ng kanin.
"Si Jacob?" tanong ko kay Alzien nang makita ko itong palapit.
"He fell asleep after changing his clothes. You need help?"
Umiling ako at hindi siya matingnan ng maayos. Naalala ko ang ginawa namin. Kung hindi ako kinapos sa hangin ay mas malala pa doon ang magagawa namin. Uhaw na uhaw?
"Hinihintay ko na lang maluto ang ulam."
"I'll get the plates then."
Just like the old times. Nang maluto ay sinalin ko sa lagayan at nilagay sa mesa. Nakaupo na siya at sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko. Habang inaayos ang mga pagkain sa mesa ay panay naman ang hawak niya sa baywang ko sa tuwing may pagkakataon. I would flinch in surprise but didn't complain.
"Gisingin ko muna si Jacob," ani ko.
"Sasama ako."
Pagpasok ng kwarto ay nakahilata si Jacob sa kama. Napangiti ako dahil sa hilik nito.
"You look cute," Alzien mumbled behind me.
"Hm? Ano 'yon?"
Napasinghap ako nang yumakap ang malaking braso nito sa baywang ko.
"Ang ganda mo palagi sa paningin ko. Even before, I always notice how pretty you are. Kahit simple ay agaw pansin pa rin. Crush lang naman kita dati pero ngayon... gusto ka ng asawahin. Thank you for coming back."
His little kisses in my shoulders gave butterflies to me. Hinaplos ko ang kaniyang braso na nakapalibot sa akin habang nakatingin sa humihilik na anak. This moment, I never knew this would happen.
"Magpasalamat ka kay Bella, pinuntahan niya kami. Nag-effort siyang hanapin kami just for your sake."
"I know and I already did. I was planning on doing what she did after graduation but I was surprised when a kid shouted my name. Thank you for everything, you raised our son alone and I know how hard it was. Babawi ako sa inyo. Babawi ako."
Hinarap ko ito at hinaplos ang kaniyang mukha. Kung magp-propose siya sa 'kin ngayon ay hindi ako magdadalawang isip na sagutin siya ng oo. Mahal ko siya. Matagal na matagal na. I wasn't denying that fact, I kept it to myself.
"It's my duty as his Mom. Sabi ko naman kasi sa 'yo, hindi ko siya ipagkakait. You're his Dad. Hindi mo kami inabandona kaya deserve niyang makilala ka."
"That makes me love you even more."
Gusto kong sagutin iyon pero nahihiya ako na kinakabahan. Hihingi pa ba ako ng sign?
Ginising ko si Jacob sa mahinang tapik sa kaniyang hita. Papungas-pungas na umupo ito sa kama at yumakap sa 'kin. Lumapit si Alzien sa amin. Napahiyaw ako sa gulat nang lumutang kami ni Jacob sa ere, iyon pala ay buhat-buhat na ako ni Alzien at hawak ko naman ang anak namin.
"B-baka malaglag kami!" kinakabahang singhal ko habang si Jacob naman ay tawa ng tawa.
"I lift weights, love. Hold Jacob, alright? And you need to eat a lot," sagot niya.
Hindi na ako umimik at hinigpitan nalang ang kapit kay Jacob na tuwang-tuwa. Makita ko lang ang anak ko na masaya ay naku-kumpleto na agad ang araw ko.
"Baby, I want to tell you something," bulong niya sa tainga ni Jacob na narinig ko naman.
Umirap ako sa katangahan nito. But not gonna lie I like all of his silly ways.
"What is it, Daddy?"
Bahagyang namula ang mukha ni Alzien at nahihiyang ngumiti. Nagbaba siya ng tingin sa akin at mas lalong namula.
"Bubulong na nga lang naririnig ko pa. Anong sasabihin mo? Sharing is caring kaya iparinig mo na rin sa 'kin," mataray na sabi ko.
"Alright, then. Gusto kong manligaw. I know it's late but I still want to do it. Hindi ko rin itatanong kasi gagawin ko pa rin naman sa ayaw at sa gusto mo. I'm just making you aware of my motives."
Nawalan ng kulay ang mukha ko at naging tahimik kami ng ilang minuto. Mayamaya pa ay humagalpak ako ng tawa. Hindi na uso sa panahon ngayon ang ligawan, kaya hindi ako makapaniwalang sasabihin niya ang bagay na 'yon. Sa panahon ngayon kasi ay kahit sa cellphone at internet ay may mag-jowa na kahit walang ligawan na nangyari.
"Nagbibiro ka ba? Hindi mo ba alam na hindi na 'yan uso ngayon? Outdated ka?" tawa ko.
He walked out of the room.
"E 'di ipapauso ko ulit. Look, I'm serious. Tingnan mo kung paano ako manligaw."
Ibinaba niya kami ni Jacob. He settled his son on the chair. Ginulo niya ang buhok nito at ang anak ay wala man lang angal.
"Ano po 'yong ligaw, Daddy?" inosenteng tanong ng anak.
"It's pursuing the girl you like, Jacob. In the future, you should do this too, of course with patience. If you want the girl you like to like you back then you have to please her with all your might. And that's what I'm about to do to mommy."
"Hindi po ba kayo together? Hindi niyo po ba love ang isa't-isa?" inosenteng tanong nito.
"You'll understand soon, son. So, is it a yes or is it a yes from you, Jacob?" nagtaas-baba ang kilay niya.
Jacob's face flattened. May kondisyon na naman ito. At hindi talaga ako nagkamali.
"I don't have a choice, Daddy! Okay, you can make ligaw to Mommy. You can have her attention fifty percent, the other fifty is mine!" Jacob possessively nodded.
Napakamot si Alzien ngunit may ngiti sa labi. Sa akin ulit ito bumaling at may kinuha sa likod. It was a small velvet box. Inside the velvet box contains a ring. My lips parted when he took the ring. His name was carved on the ring.
"It's a yes from our little business partner, is it a yes from you? A promise ring, love. Only for you."
I bit my lower lip and nodded. Gustong-gusto ko. Oo na oo.
"Sisiguraduhin kong sa akin ka matatali, Rayzeah. Brace yourself. I'm coming to get you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top