Chapter Twenty Four
WE stayed at the hospital for a few weeks. Hindi pwedeng ma-excuse si Alzien kaya pumapasok pa rin ito. May bantay naman ako dahil halos sa ospital na natutulog ang mga kaibigan ko. They're fond of our little angel. Malusog na malusog ang bata at malakas rin kung dumede. Hindi na ako buntis pero emosyonal pa rin ako, lalo na kapag hawak ko si baby.
"Ano ba talagang pangalan ni baby? Ang pangit mo ayaw mo sabihin," pangungulit ni Chelsea habang nagpapa-breastfeed ako.
Nasa school si Alzien, hindi nga papasok kung hindi ko pinilit. We just came home and he can't seem to leave his son. Iba na ang schedule niya ngayong second semester na nila. Mas maaga na ang pasok at maaga rin ang uwi. May schedule rin itong isang subject lang sa isang araw at paborito niya 'yon sa lahat ng subject niya.
"Ang cute-cute naman ng baby na 'yan, ang lusog-lusog pa," kumento ni Mariko.
Ang singkit na mata nito bumukas. Hindi naman iyakain kapag maraming tao pero nas-stress ako dahil bumabawi sa madaling araw. Hindi ko alam kung saan galing ang pagiging singkit dahil hindi naman ako singkit.
"Nasaan si Kiko at Soleste?" tanong ko.
The two is nowhere to be found and it's new. Palagi rin kasing nandito ang dalawang iyon.
"Si Kiko bumalik sa Japan, may kukunin daw. Iba talaga kapag sobrang yaman 'no? Ginawang probinsiya ang Japan, hayop," sagot ni Mariko.
"On the way na si Soleste, tatlo na kaming mangungulit sa 'yo, ayaw mo kasi sabihin madamot ka," sagot naman ni Chelsea.
His name was supposed to be Asher which means "happy and blessed", or Adiel which means "blessing from God". But we ended up with Jacob Shiobe Matthew. Jacob means "supplanter" while Matthew means "gift of God". Dinagdag lang ang Shiobe dahil gusto ni Alzien. Jacob Shiobe Matthew Alonzo Dela Rama. Alzien wants to put it that way.
"Jacob nga," salubong ang kilay na sabi ko.
Umawang ang kaniyang labi at nanlaki ang mga mata.
"Oh, my God! Jacob? Ang gwapo na nga ng anak mo ang gwapo ng pangalan! Maawa ka naman sa mga babae!" sigaw ni Chelsea na ikinaiyak ng anak ko.
Very OA. I tapped the baby's leg lightly. When our neighbors found out that I already gave birth, I was bombarded with advice which I wholeheartedly accepted. Huwag kong sanayin na sinasayaw dahil kapag nasanay ay hindi na matutulog kapag hindi nasasayaw. That I should just tap itss legs lightly while feeding so it would fall asleep that way.
"Isang sigaw mo pa lalagyan ko ng zonrox 'yang bibig mo," mariin na sabi ko.
Ngumiwi siya pero napalitan rin iyon agad ng ngisi. Hinaplos-haplos niya ang mukha ni Jacob.
"Sorry na nga. Sleep na ang baby na 'yan, oo sleep na."
Lumapit si Mariko sa amin at tinampal ang kamay ni Chelsea. Chelsea reacted violently because of that and gave Mariko a death glare.
"Bawal 'yan ah," alma ni Mariko.
Chelsea frowned, not getting what Mariko meant. Iyon sigurong paghaplos niya sa mukha ni Jacob. Some of my neighbors said it's not allowed because the baby's skin is sensitive. Ang sabi rin naman ng iba ay ayos lang.
"Alin ang bawal?" she innocently asked.
Hinipan ko ang medyo makapal na buhok ni Jacob. He has a lot of hair for a baby.
"Iyang paghaplos, bawal pa 'yan kasi sensitive pa ang mukha ng baby. Huwag mo ginaganyan, anak mo ba 'yan?" mataray na sabi ni Mariko.
"Saan mo naman nakuha 'yan?" Chelsea fired back.
Mariko scrolled through her phone.
"Sa social media, dumaan lang naman tapos binasa ko."
"Grabe, daig mo na si Rayzeah mag-desisyon ah. Pwede ka na kunin ni Lord."
"Paduguin ko tagiliran mo e."
Nang sabihin 'yon ni Mariko ay nagsimula silang maghabulan. Napailing ako habang tinatanaw sila. Hindi nabanggit ni Chelsea ni isang beses kung alam ba nila Tito at Tita 'yong kalagayan ko. But I'm pretty sure they know, si Chelsea pa, e wala namang nase-sekreto 'yan basta tsismis. Kapag naman sinabihan mong sekreto lang, after ilang weeks niyan makakalimutan niya na 'yong sekreto mo na sinabi mo sa kaniya. Kaya safe talaga siya pagtaguan ng sekreto.
Mayamaya pa ay may humintong kotse sa harap ng bahay. Nilabas iyon ni Mariko at pagbalik ay kasama niya na si Kiko at Soleste. Si Soleste may dalang basket ng prutas, si Kiko naman may dalang dalawang cake box sa bawat kamay.
"Yo, kamusta?" tanong ni Kiko.
Tulog na ang baby kaya nilagay ko muna sa crib. Tinanggap ko ang mga dala nila at itinabi muna.
"Ayos lang. Galing kang Japan?" tanong ko.
Inayos ni Kiko ang uupuan ni Soleste, even put a pillow behind her so she's comfortable.
"Yes, bumili ako ng cake doon. Nandoon kasi ang favorite ko, binilhan din kita. Cake rin, favorite ko," tumawa siya.
I face palmed when Mariko opened the cake. Nagningning agad ang mga mata nito ng makita ang nasa loob.
"Ginawa mong kabilang kanto 'yong Japan, Ishikawa. Hindi ka na sana bumalik, hindi ka naman namin kailangan dito, sino ka ba?" irap ni Chelsea.
"Mga babae nga naman. Chelsea moments," iiling-iling na sabi ni Kiko.
"So, what's the name?" Soleste asked. "I've been overthinking about it. You didn't share kasi."
I was about to answer when Chelsea butt in first. Natawa na lang ako at hinayaan siya.
"Jacob daw e. 'Di ba ang pogi? At for sure naman walang tapon ang mukha paglaki. Genes pa lang ng isang almighty Alzien Dela Rama mapapa-wow ka talaga. Imagine this baby growing up with a super duper high IQ? Shuta!" sabi ni Chelsea. She went on to justify what she said. "Valedictorian ang Daddy, Summa cum laude ang Mommy. Ngayon mo sabihing hindi lalaki 'yan na mataas ang IQ level. Baka three years old pa lang kabisado na ang table of elements."
That made me think for a second. Pero hindi rin. Hindi ko masasabi hanggat sa hindi ko pa siya nakikitang magsulat, magbasa at magsagot. Pero kahit hindi matalino si baby, ano naman? That doesn't change the fact that he's my son. I'll always be his Mom, no matter what. At natuturuan naman 'yan.
Bumadha ang gulat sa mukha ko nang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang naka-unipormeng si Alzien. Alas tres pa ah, anong ginagawa nito dito? Nakaltukan ko ang sarili dahil iba na pala ang schedule nito noong first semester.
"Wala kang klase?" tanong ni Chelsea.
Sa akin dumiretso si Alzien. He dropped his bag on the floor and made himself comfortable next to me.
"Maaga ang uwian ngayon kaya umuwi na ako kaagad," he answered and turned to me. "Napagod ka ba? Ako muna kay baby mamaya para makapagpahinga ka. Hindi pa naman ako pagod."
Umiling ako. Hindi naman nakakapagod at gusto kong inaalagaan ang anak namin. Alam kong stressed siya sa school at trabaho kaya ayos lang na ako kay baby. Humilig si Alzien sa 'kin.
"Jacob talaga pangalan ng anak niyo? Need ko i-confirm, baka kasi binibiro lang kami ni Rayzeah," tanong ni Chelsea.
Ano namang point ng pagsisinungaling ko? Walang benefit kaya.
"Oh, that? Yeah, it's Jacob. Jacob Shiobe Matthew Alonzo Dela Rama," sagot ni Alzien.
Ang kaniyang kamay ay dumantay sa akin. Nakita ko ang pagsunod ng mga mata ni Mariko roon. Grabe talaga ang babaeng ito, lahat na lang napapansin.
"May Shiobe at Matthew pa pala. Ang pogi!" tili ni Chelsea.
Nag-angat ng tingin si Mariko at binigyan kami ng malawak na ngiti, animo'y kinikilig sa kung ano.
"Gawa na ba tayo Jacob starter pack?" tanong ni Mariko.
"Paano kayo gagawa e baby pa nga? Wala pa kayong malalagay sa starter pack niya," ani ko.
At bakit ba namin pinag-uusapan 'to? My son is not some kind of celebrity. Iniisip ko pa lang na lalaking kasing-gwapo ni Alzien ang anak ay sumasakit na ang ulo ko. Hindi naman babaero si Alzien pero malakas makahakot ng babae.
"Lagyan niyo nalang ng pogi sa bawat sentence. Jacob Shiobe Matthew alyas Pogi starter pack," suggest ni Kiko na ikinatawa ko.
Humigpit ang hawak ni Alzien sa kamay ko kaya nilingon ko siya. He's not even looking at me but his stares is dark.
"Tarantado, kaya ayaw namin sa 'yo e," malditang sabi ni Chelsea.
Alzien stood up and went to the crib to take a look at the baby. He squatted and played with it for a second.
"Sakit niyo. Rayzeah, tayo nalang magkakampi dito. Yakap mo nga ako," madramang sabi ni Kiko at akmang lalapit sa 'kin.
Bago pa siya makalapit sa 'kin ay pinigilan siya agad ni Mariko sabay nguso sa 'kin. O sa likod ko?
"Oh, oh, sige. May nakatingin sa 'yo. Umayos ka Ishikawa, kapag ikaw nakatikim diyan hindi ka namin kakampihan," Mariko grinned widely.
Hindi pala sa 'kin nakatingin, sa likod ko. Lumingon ako sa likod ko at nandoon si Alzien na salubong ang kilay at mukhang galit na.
"Off limits na talaga ang Rayzeah namin. Hindi ka na namin madadala sa bar," madramang sabi ulit ni Kiko at kunyari pang umiiyak.
Pwede naman, pero hindi pa sa ngayon. Priorities first.
"Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ko.
"Etsosera ka, don't play dumb nga. Alam mo naman what they mean," sabi ni Soleste.
Ang kanina ay tahimik na si Chelsea ay biglang tumayo.
"Hala, saan mo nakuha 'yong word na etsosera? Gosh sino nagturo sa 'yo?" tanong ni Chelsea.
Tinuro ni Soleste si Kiko at doon na rin nagsimula ang habulan ni Kiko, Mariko at Chelsea. This is one of the reason why we don't get bored if we're all together. Bardagulan kasi silang tatlo ni Mariko, Chelsea at Kiko. Syempre paminsan-minsan lang pumapatol si Soleste, nasa dugo niya kasi ang pagiging pormal.
Nang gumabi ay isa-isa na silang nagpaalam at nagsiuwian. Nagising na rin si baby kaya kinuha ko ito sa crib. Si Alzien naman nasa loob ng kwarto at nagt-trabaho. 'Yan na ang bagong routine niya. Pag-uwi galing school ay diretso trabaho hanggang eight PM, tapos makikipaglaro kay Jacob pagkatapos. Palagi ring gising si Jacob kapag gabi, kaya sa umaga lang talaga ako bumabawi ng tulog. Hindi ko rin pwedeng iasa kay Alzien si Jacob kapag nagigising ng hating gabi, syempre may school pa kinabukasan si Alzien e.
"Gutom ka na? A-huh, gutom na ang baby ni Mommy?" pangb-baby talk ko kay Jacob.
I lifted my shirt to feed him. Nasa kabilang kwarto si Alzien habang kami naman ay nandito rin sa kabila. May dalawang crib kasi si baby, sa sala tapos dito sa loob ng kwarto. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpapa-dede kay Jacob nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Alzien na bitbit ang laptop.
"Tapos ka na?" tanong ko.
Tumango naman siya bilang sagot at lumapit sa amin ng anak niya. Lumuhod siya sa paanan ng kama at pinagmasdan ang anak na dumedede. Normal na gawain ko na 'to, ano pa ba maitatago ko 'di ba? Noong unang pagpapadede ko sa hospital, syempre nahiya pa ako. Kaso pinilit ni Doc kaya nagawa kong padedein si Jacob na nakamasid si Alzien.
"Ray," mahinang tawag niya.
Tiningnan ko siya. Nakahalukipkip at nakatingin sa anak.
"Hm?"
"Naiinis ako."
Nagtatakang tinignan ko siya. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at ngumuso.
"Saan?"
It took him awhile to answer.
"Kay Kiko. Naiinis ako kay Kiko."
"Ha? Bakit? May ginawa ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ko.
Umiling ito bilang sagot. Hindi naman siguro sumobra si Kiko sa mga biro niya. O baka na-offend si Alzien? Pagsasabihan ko 'yon.
"Naiinis ako kapag lumalapit siya sa 'yo," mahinang sabi niya, sakto lang para marinig ko.
"Bakit ka naman maiinis? E normal na gawain naman 'yon ni Kiko noon pa man. Lumalapit naman talaga siya sa 'ming lahat," nagtatakang sabi ko.
"I don't like it. Hindi ako kumportable at... nagseselos ako," amin niya. "I hate it. Watching you close with him. Feels like he'll snatch you away from us. Hindi mo naman kami iiwan 'di ba? O ako? Hindi mo... iiwan?"
Hindi ko alam kung bakit pagdating sa 'kin ang bilis mag-breakdown ni Alzien. Hindi naman siya ganiyan umasta kapag sa iba. More on tough figure kasi siya kapag sa iba, tapos sa 'kin kaunting kembot lang umiiyak agad.
"Tanga, hindi. Bakit ka naman magseselos sa taong 'yon? He's just being himself, Al. Ganoon na talaga iyon noon pa man," mahinahong sabi ko. I gulped because of his intense stares. "Pero kung ayaw mo talaga, sige, pagsasabihan ko."
"Don't stay close to him. At kanina rin, I'm glad I was able to hold back. The idea of him hugging you is just... making my blood boil."
Napalunok ako. This is bad. For me and for my whole being.
"Hintayin mo 'ko ah? Ga-graduate rin ako tapos mapapagawan ko kayo ng malaking bahay."
It doesn't really matter to me, as long as we have a place to live.
"Focus on your studies, okay? Huwag ka gumawa ng mga bagay na pagsisisihan mo sa huli. Think first before you act," paalala ko.
"Promise me, you'll wait."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top