Chapter Twenty Five

ABALA ako sa paglilinis nang makarinig ako ng sasakyan sa labas. Tinigil ko agad ang ginagawa at binuksan ang front door para tignan kung sino. Imposible namang si Alzien, whole day ang klase nila ngayong araw at mukhang mal-late pa nga siya ng uwi dahil sa dami ng gawain.

"Sino ho sila?" tanong ko nang makalapit sa kotse na sa harap mismo ng bahay namin huminto.

May lumabas na lalaking naka-black suit at shades. Akala ko ay siya na 'yon pero umikot ito at binuksan ang pintuan sa back seat ng kotse. Umawang ang labi ko nang makita ang nanay ni Alzien na lumabas galing sa loob. Alam ba nila? Akala ko ba hindi pinaalam ni Alzien? Shit! Nakakahiya, ganito ang ayos ko.

"Ikaw ba si Rayzeah? Ang kinakasama ng anak ko ngayon?" tumaas ang kilay ng Mommy ni Alzien.

I could only gasp in surprise. Pinasadahan ako nito ng tingin. The disgusted look in her face made my heart clench.

"Y-yes po," I answered, intimidated by her presence.

Hindi naman dapat ako natatakot. But the fact that binubuhay kami ni Alzien ay isang malaking sampal sa 'kin.

"I want you to leave this house immediately with your son."

Tigagal ako sa sinabi nito. Para akong nabingi. Kung sa akin ay ayos lang, pero may anak na ako ngayon at kapakanan niya ang iniisip ko.

"Ho?!" gulat na sabi ko.

"I don't want to repeat myself but for you gagawin ko. Leave this house with your goddamn son. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa anak ko at napunta pa sa isang skwater na kagaya mo. Hindi ka nababagay sa anak ko and you never will. Look at you, walang class. Pera lang naman ang habol mo sa anak ko, hindi ba? Kaya pinikot mo ang anak ko kahit hindi niya naman anak ang bastardong bata na 'yan," she clicked her tongue in annoyance. "Alzien deserves better. Hindi nababagay sa 'yo ang umangat dahil sa pera ng anak ko. Stop being a disappointment."

I gritted my teeth. Nilebel ko ang tingin sa kaniya at sinalubong ang mariing titig.

"I'm sorry but I think it's not necessary for you to decide that, Ma'am."

Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol niya sa 'kin.

"Look at this girl. Wala kang galang. I have the rights dahil ako ang ina ni Alzien."

I took a heavy sigh to expand my patience. Hindi ko alam kung paano matatapos ang usapang ito pero gustong-gusto ko na. Bigyan niya rin sana kami ng pagkakataong mag-usap ni Alzien.

"Kung gano'n ho ay anak niyo ang kausapin niyo, let's just look forward for what his decision will be."

Daig niya pa si Lord sa pagdedesisyon. I can just turn my back at her and slam the gate in her face but I didn't do it out of respect. Sa tuwing dumadaan sa isipan ko ang pagtawag niya ng bastardo kay Jacob ay kating-kati ako na gawin iyon.

This woman is the epitome of a destroyer. Kaya pala ganoon na lang si Alzien sa kaniya. And the fact na pinagtanggol ko pa siya? God, gusto kong kaltukan ang sarili.

"How dare you! If I say leave, then leave! Bumalik ka sa kung saang skwater ka man galing. Sagabal lang kayo sa buhay at sa pag-aaral ng anak ko. My son deserves better. Hindi sa katulad mong walang class at may anak, losyang!"

I chuckled. I wasn't even offended. Pero ang bigat sa loob-loob ko ay hindi nawala.

"Umalis na ho kayo dahil wala kayong mapapala kakangawa niyo diyan. At kung gusto niyong kausapin si Alzien tungkol dito, please feel free."

Taas noong tiningnan niya ako. Wala pa nga akong ginagawa mukhang nao-offend na siya.

"Babalik ako mamayang gabi. I'll take my son with me you little witch. Better think, you don't know how my mind works, dear. Baka bukas pagala-gala ka nalang sa lansangan. Adios."

Nakamasid lang ako at tikom ang bibig na tinanaw ang papalayo nitong kotse. Pumasok ako sa loob ng bahay at wala sa sariling napaiyak. I was trying to hold my tears, but I just couldn't. Hindi bastardo ang anak ko, at mas lalong hindi ako galing sa skwater.

Hindi ko alam kung gaano kayaman ang pamilya ni Alzien dahil hindi naman ako interesado sa business world noon. Base from Chelsea's research, sobrang yaman ng pamilya ni Alzien at may malawak na connections kahit saan. Natatakot ako na baka hindi ko mabigyan ng magandang buhay si Jacob dahil lang sa galit ng mga magulang ni Alzien, particularly his Mom. I don't know what they can do, what she can do. And I don't want to go further. Ano bang dapat gawin?

I can't leave. Jacob needs his Dad, so as Alzien needs his son. Kapag hindi ko naman sinunod ang nanay ni Alzien, pwede niyang gamitin ang koneksiyon niya para masira kami and worst malugmok sa kahirapan. I want Jacob to experience a happy and complete family, but I also want Jacob to experience a peaceful life. Hindi na tungkol sa 'kin ang lahat. My life is already dedicated to my son and his happiness is the only thing that matters to me now. Unhappy but complete family or peaceful life without Alzien? My goodness. I can't just choose and decide, Alzien also needs to. Kailangan kong makausap si Alzien tungkol dito.

"Tinapos ko ng maaga lahat ng activities ko para makauwi agad. Hey, what happened? Bakit ka umiiyak?"

When the clock strikes at six in the evening, Alzien already came back from school. Sa kwarto ako nito natagpuan na umiiyak. Pinahid ko iyong luha sa pisngi ko at ngumiti sa kaniya.

"Magbihis ka muna, after that we'll talk."

Kinuha ko si baby sa crib dahil nagsisimula na naman itong umiyak at dinala sa likod ng bahay. May maliit na balkonahe doon at maraming bulaklak na makikita, it's very relaxing and it is also my favorite spot. Inayos ko ang pagkaka-karga kay baby saka umupo. Wala pang sampung minuto ay nasa harap ko na si Alzien.

"What's up? May problema ba tayo? Tell me so I can do something..."

Nahihimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses. Umupo siya sa aking tapat.

"Sinabi mo ba sa parents mo na nakabuntis ka... o may anak?" seryosong tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya.

Nakakaramdam ako ng pangamba sa mga maaaring mangyari.

"I didn't."

Napahinga ako ng malalim. Mas nadagdagan pa ang pangambang nararamdaman dahil doon. I feel like this is all a mistake. And being with him is a mistake too.

"Well, your Mom found out and she came here awhile ago."

Shock, confusion, anger and many more was plastered on his face. Hindi ko siya masisisi, kasi ako rin nagulat. I decided to go further when he stayed silent.

"She wants me to leave with Jacob, and even called your son a bastard. I'm pissed, Alzien. Gusto ko sumbatan at sigawan 'yong Mommy mo, but I stayed calm despite of having this urge to do something. I'm still pissed and hurt. Kukunin ka na daw niya dahil wala naman daw kaming magandang dulot sa 'yo." Mapakla akong natawa. "I know that. I am still guilty over the fact that I ruined your youth. At kung ano man ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko-"

"No! Why does it sound like you're going to leave?! Pupuntahan ko si Mom—"

Tumayo ito. He let out a frustrated sigh and is about to go.

"Sit and let's talk. At huwag kang sumigaw sa harap ni baby. Babalik ang Mommy mo mamaya. I understand her point. Gusto niya lang na secured ang future mo. Makapagtapos ka ng pag-aaral na walang sabit. I truly understand that. But the part where she called my son a bastard, hindi ko naintindihan. Why? Pwede naman niyang sabihin ang pinu-punto niya without degrading my son. I said sit!" sigaw ko kay Alzien nang akmang aalis na naman ito.

Nang maka-upo ito ay ako ang tumayo at dinala si Jacob sa kwarto. Nilagay ko siya sa crib at bumalik sa balkonahe sa likod ng bahay. Nagtatambol ang dibdib ko at pakiramdam ko ilang minuto na lang ay maiiyak na ako dahil sa pressure.

"Listen, Alzien. You need to make a decision, so do I. It's either we separate or—"

Uminit ang pisngi ko sa pinaghalong irita at sakit.

"No! You are not leaving me. Kung aalis kayo sasama ako. Hindi ako sasama kay Mommy. I am not a puppet that she can control. This is my life and it's my choice."

Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga. Hinawakan niya ang kamay ko at panay ang iling.

Kung aalis kami, matutunton din agad. Hindi pwedeng palagi kaming tatakbo. At hindi kami mag-asawa para gawin iyon. Ang ugnayan lang na mayroon kami ay ang bata. And if Alzien is going to choose his mom, hindi ko pa rin ipagkakait si Jacob sa kaniya. Pero ang anak ko, kailangan niya ang kalinga ng isang ama.

"Your family has lots of connections, kahit saan tayo pumunta makakagawa at makakagawa pa rin sila ng paraan para matunton tayo! I don't want to sound bad but they can do worse, Al. I don't have anyone except Jacob, please, and I'll do everyting for my son. I'll give him the peaceful life that he deserves, at hindi magiging peaceful 'yon kung— kung hinahabol nila tayo," tuluyan na akong napahagulhol.

Hinuhuli ni Alzien ang mga mata ko pero pilit akong lumilihis ng tingin. Mahigpit ang hawak niya sa nanginginig kong mga kamay. He's young and has no power over anything. At ako... anong laban ko roon? I don't even have a job!

"What do you want me to do? Do whatever Mom wants and leave you alone? I need you both, Ray, please. I can convince Mom to leave us alone. I'll do anything for both of you, please, I'm willing to do anything. Just don't leave," he begged.

Natigil kami nang makarinig ng ugong ng sasakyan sa labas. Akala ko mamaya pa babalik, gustong-gusto na yata makuha ang anak.

Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Alzien. Sumunod pa ang kamay niya para humawak ulit pero umatras ako. He clenched his jaw.

"That's your Mom," I informed.

Tumayo ako pumunta sa harap ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Alzien sa 'kin. The middle aged woman smiled sweetly when I opened the door.

"Good thing you're here, Alzien. Sasama ka sa akin at iiwan mo ang babaeng iyan. Aren't you ashamed of yourself, Alzien? I raised you well. I don't want you to end up with just somebody! Nakikipag-live in ka na at ano? Pera ko rin ang gamit ninyo? What a disgrace!"

Iyon agad ang bungad ng Mommy ni Alzien sa 'min. I kept my mouth shut and waited for Alzien to talk. This is between him and his mom. Labas ako rito pero kapag nasali si Jacob ay hindi ko na palalagpasin.

"Aren't you ashamed of yourself, Mom? It's evident that you disowned me. At hindi mo pera ang binubuhay ko sa pamilya ko. To hell with your money! Hindi namin kailangan ang maruming pera na 'yan!"

Lumambot ang tingin ng ina ni Alzien.

"Dala lang iyon ng galit ko, anak. Come on, be with mommy. I'll give you anything you want, any girl you want. Those sophisticated and rich ones. Iyong may class at talagang bagay sa 'yo."

Hindi ko maintindihan kung bakit may ganitong mga tao na kayang tumapak ng iba dahil lang sa mas mataas sila. Just because they are higher than me doesn't mean they're always right. Mga taong sakim sa kapangyarihan at gustong tinitingala ng iba.

"I want you to leave my house, Mom. Leave me alone."

Nanlisik ang mga mata ng ginang sa 'kin.

Ang mga kapitbahay namin ay nagsilabasan na at nakikiosyoso sa mga nangyayari. Nakakahiya. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanilang lahat. We were so peaceful and then this.

"Tignan mo na kung anong tinuro mo sa anak ko!"

Dinuro-duro ako nito. Alzien was quick to pull me and put me behind his back.

"Mom, leave."

Hindi ko na alam kung ang nangyayari. Para akong nawawala sa sarili. Maingay ang paligid. Hinawakan ko ang damit ni Alzien.

"No! I am not leaving until you come with me. I didn't raise you to be like this, anak. You can still change your mind and choose better. Don't settle for a life like this. I can give you better."

"It's my life, Mom! I have the rights to decide what to do with it! At ang anak ko... na kadugo mo rin... hindi ko iiwan. Hindi ko sila iiwan. Please, umalis ka na. Umalis ka na, Mommy, bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisihan ko."

Tumahimik ang paligid saglit. I tried to take a step in front but Alzien's strong hands held my arms.

"Corden, get my son, and drag that woman out of the house with her child."

Alzien who was holding my arms pulled me inside the house. He brushed his hair out of frustration. I kept quiet and let him think for seconds. Ang desisyon ko ay magdedepende sa desisyon niya.

Kung gusto niyang umalis kami ngayon, pakiramdam ko papayag at sasama ako.

"Don't try me, Alzien, alam mo kung hanggang saan ang kaya kong gawin. I can ruin your life in just a snap. Why are you so eager to protect that woman and her child? Hindi mo nga sigurado kung anak mo ba talaga ang batang 'yon o hindi."

Humikbi ako sa insultong natanggap. My heart is clenching in pain. Panay ang hikbi ko at panay punas din ito sa mukha ko.

"What should I do? I can't leave you, I don't want to."

Alzien grow up being babied, that's why I understand how his mind works even if he's in his twenties. Matalino si Alzien pagdating sa school, pero sa mga ganitong problema nalilito siya at nab-blanko. As far as I know, he's the youngest, and youngest tends to be babied a lot.

"I am not deciding for anything, Alzien. I'm just waiting for your settlement before I make mine. Your decision reflects mine."

"I don't want to leave," he started wiping his tears.

Nasasaktan ako na makita siyang ganito. Anong magagawa ko? Wala. Si Alzien, kailangan namin ni baby. Kailangan din siya ng mga magulaang niya bilang anak. At hindi payag ang mga ito na may sabit ang anak habang nag-aaral. Hindi nila kami tanggap. O kahit si baby lang. Pwede naman 'yon. Tanggapin nila si baby.

"Your Mom plays dirty, hindi tayo basta-bastang makakaalis dahil matutunton niya tayo agad. Gusto kong lumaki ng payapa ang anak ko, Al. I don't want to be selfish but I just can't stand thinking about your Mom ruining his life."

"You want me to go with Mom," mapait niyang sabi nang maisip kung ano ang gusto kong gawin niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top