Chapter Twenty
KINABUKASAN ay nagpahatid ako kay Alzien sa pinagtatrabahuan ko. Sasabihin ko kay Miss Megan na hindi ako makakasama. Maghahanap na lang ako ng trabaho na pwede kahit nasa bahay lang.
Alzien would immediately shut me off whenever I say things about my job. At ang mga gamit na inempake ko ay nilagay niya sa aparador. Nagising na nga lang ako at nasa kalagitnaan na siya sa pag-aayos.
"Dito ka lang, babalik ako agad."
He clicked his tongue. Masyado siyang extra. Wala namang mangyayari sa anak niya. Anak ko rin naman ito at alam ko kung paano alagaan ang sarili. I get that he's being protective pero huwag naman sanang to the point na gusto niyang bumuntot sa kung saan ako pumunta.
"Sasamahan kita. Paano nalang kung mabuwal ka diyan?"
Hinihiling ko sa Panginoon na sana ay bigyan niya pa ako ng mahabang pasensya para hindi magawan ng masama ang OA na 'to.
"Diyan ka lang, babalik din naman ako agad," irap ko.
Naiinis ako. Isa rin 'to sa mga sinabi ni Doc kahapon, magkakaroon daw talaga ako ng sudden change of mood, kumbaga emosyonal. Ganoon daw lahat ng buntis. Dapat daw habaan ang pasensya ng asawa ko. Wala ako no'n, Doc, wala ako no'n.
Sa backdoor ako dumaan. Palagi namang bukas iyon dahil doon dumadaan ang mga staff. Bumungad sa akin ang kusina ng resto. Ngumiti sa akin ang mga katrabaho at binati pa ako. Lumapit ako sa counter kung saan nakatayo si Miss Megan.
"Oh, Rayzeah, nandito ka? Nakahanda ka na ba sa flight mo?"
"Miss Megan, hindi ako makaka-sama."
Tumingin muna siya sa paligid at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. We entered her office and she made me sit in front of her.
"Bakit? Malaking opportunity 'to para sa 'yo, Rayzeah. At ako mismo ang nagrekomenda sa 'yo na mapadala roon. Alam ko ang kakayahan mo kaya sayang kung hindi ka sasama."
Alam ko naman 'yon. Pero sa tingin ko, ngayong buntis ako, hindi ako pwedeng tumayo ng matagal. Waitress ako at ganoon ang trabaho.
"Personal matters po kasi."
Miss Megan tried to hide her worry with a straight face that resembles mine. May pagkakapareha talaga kaming dalawa ni Miss Megan pagdating sa mga ekspresiyon. She's not as open as book but not hard to read either.
"Gano'n ba? Dito ka nalang magt-trabaho?"
Umiling ako, determinado na tumigil muna pansamantala.
"Hindi po. Hindi po muna ako magt-trabaho pansamantala. Kapag ayos na po ay baka maghanap ulit ako ng trabaho. May iba rin naman po akong katrabaho na deserving sa posisyon na 'yon kaya..."
Inabot ni Miss Megan ang kamay ko na nasa kaniyang mesa. Marahang hinaplos iyon at may ngiti sa labi.
"Okay sige, pero magtitira kami ng slot sa 'yo doon sa branch sa ibang bansa para kapag nagbago ang isip mo ay maaari kang lumapit ulit sa akin. Kapag may kailangan ka rin ay tawagan mo lang ako o si Cacai, may number ka naman naming dalawa, hindi ba?"
Tumango ako. Hindi ko gagawin iyon. I wouldn't take for granted their kindness. Sapat na na tinrato nila ako ng maayos sa loob ng higit limang taon kong pagt-trabaho sa kanila.
"Matatagalan pa po siguro bago ako makapagtrabaho ulit. Huwag na, Miss Megan."
I took a leave for a few weeks after the graduation. Pinayagan rin ako dahil never naman akong nag-request ng gano'n simula nang magtrabaho ako sa kanila. Pinaghahanda na rin ako para sa mga dadalhin ko sa ibang bansa pero ito nga, nangyari ito at kailangan kong huminto muna.
"Ayos lang, Rayzeah. Take your time. Congratulations nga pala. At... ito." May kinuha siyang envelope sa ilalim ng kaniyang mesa. "Huling sweldo mo."
Pero hindi ako pumasok noong nakaraan? At nakataggap rin ako ng sweldo before graduation kaya...
"Miss Megan-"
"Tanggapin mo, please. Pasasalamat ko iyan sa 'yo. Hihintayin ko ang tawag mo, ha? Huwag mong kakalimutan. Sa kontrata mo naman, sa susunod na buwan pa iyon matatapos pero ako na ang bahala. Mag-renew ka na lang ulit kapag ayos na at gusto mo ng bumalik."
The urge to hug her is getting stronger. Bago ko pa magawa iyon ay tumayo na ako.
"Salamat po at pasensya na sa biglaang desisyon. Aalis na po ako."
Sa labas ay nakatayo si Alzien at nakamasid lang dito sa loob. Binuksan ko ang glass door ng resto at nang mamataan ako ay agad siyang lumapit sa 'kin. He held my hand and examined my body. Labanan ng mga OA pero si Alzien ang kalaban.
"Uwi na tayo," aya ko.
Sa loob ng kotse ay tahimik lang kami. Nakaramdam ako ng pagkabigla nang dumapo ang malaking kamay ni Alzien sa tiyan ko. Hinayaan ko lang siya at tumingin na lang sa bintana. Ang hina niya magpatakbo, praning. Napalingon ako sa kaniya nang huminto kami.
"Bakit tayo huminto? Nasaan tayo?" tanong ko.
He took off his seat-belt. Dumukwang ito at hinalikan ako sa noo. Okay, that was a very sweet gesture.
"Stay here, I'll buy something."
Nag-text ako kay Chelsea at sinabing pupunta ako sa kanila. Papuntahin niya na rin 'yong iba. Sasabihin ko sa kanila. No lies daw sa pagkakaibigan namin e. I'm sure they would freak out.
Namataan ko si Alzien sa hindi kalayuan at may dalang plastic. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa kotse. He opened the door and put the plastic in his lap.
"What's that?" puna ko sa bitbit na plastic ni Alzien pagbalik niya.
He opened the plastic and my mouth instantly watered. The thought of eating that makes me excited.
"Mangga. Nag-research ako kagabi. Kalimitang gusto daw ng mga buntis ay mangga, that's why I bought some."
Kagabi pa talaga ako naghahanap ng mangga pero hindi ko lang sinasabi, nakakahiya kasi. At gabi na rin kaya saan pa maghahanap.
"Uh... Salamat."
He flashed a sweet and proud smile. Nagtagal pa ang tingin niya sa 'kin. Pinaandar niya ang kotse na may nakausling ngiti sa labi.
"Anything for you. Uuwi na tayo?"
"Hindi, diretso tayo sa bahay nila Chelsea," sagot ko.
May nakapark na agad na mga kotse sa labas ng bahay ni Chelsea pagdating namin. Big time talaga mga kaibigan ko, lalo na si Ishikawa na dugyot tignan pero ang laki ng maibubuga. Magaling siya sa mga dessert at gustong kong tikman ang mga gawa niya one of this days.
"Anong mayro'n? Bakit mo kami pinatawag, Master?" tanong ni Chelsea.
Ang tatlong babae ay magkatabing nakaupo sa sofa at si Kiko naman ay sa one-seater nakaupo. Nagsisimula na akong kabahan dahil sa mga ngiti nila. Hindi na siguro sila makakangiti ng ganiyan kalawak kung wala na silang ngipin.
"Ang pretty mo, Rayzeah," ngiti ni Soleste.
Lumapit ako sa kanila. Umupo ako sa lapag malapit sa mesa at ibinaba roon ang bitbit ko.
"Don't freak out, okay? Bago kayo magsalita ng kung ano, hayaan niyo muna akong mag-explain, okay?"
Mariko moved her feet up on the sofa. I watched as Chelsea do the same and Soleste watching them weirdly.
"Ready na ang stamina ko. Ito na ba ang exciting part?" ngisi ni Mariko.
I heaved a huge sigh. May kung ano pang sinabi si Kiko pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. I cleared my throat, trying to move the reason why I can't swallow well.
"'Di ba uminom tayo sa bahay nina Soleste?" panimula ko.
I got Soleste's focus. Her face is now worried after I mentioned her name.
"Oh tapos?" tanong ni Chelsea.
Inilabas ko ang tatlong pregnancy test kit.
"Tapos may nangyari tapos ito na."
Tinitigan nila iyon ng ilang minuto. Lumaki ang kaba ko nang magsigawan sila at nagsilayo na parang nakakatakot na bagay 'yong pregnancy test kit. Si Ishikawa naman nagtatakbo palibot sa sala na parang baliw.
"A-ano 'yan?" tanong ni Chelsea.
The commotion went on. Soleste picking one of the PT, Mariko shouting on top of he rlungs, and Kiko running back and fort.
"Pregnancy test kit. Dalawang linya. Buntis ako," sagot ko.
Nagsigawan ulit sila, kasama na si Ishikawa. Bumukas ang front door ng bahay nila Chelsea at pumasok ang nag-aalalang si Alzien. Dumalo agad ito sa 'kin pagkakita na nakaupo ako.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya agad.
He squatted. Hinawakan niya ang braso ko at dahan-dahang inalalayan sa pagtayo. He supported my back as I stand.
"O-oo, ayos lang."
Si Chelsea ang unang nakabawi sa kanila. Umiiyak siya habang hawak rin ang isang PT. Nanginig din ang labi ko dahil hindi ko makitaan ng panghuhusga ang mga mata nito. She was just crying with her parted lips.
"Seryoso?! Umayos ka, Alonzo! Sasakalin kita! Sasakalin talaga kita!" banta ni Chelsea.
"Seryoso nga. Umupo nga muna kayo. Hayaan niyong mag-explain ako," mahinahong sabi ko.
Nagsiupo naman sila at binaba ang tingin sa pregnancy test. Pulang-pula ang mukha ni Mariko, Chelsea at Soleste habang si Kiko naman ay maputla. In-explain ko sa kanila 'yong nangyari, in detail. Maliban nalang doon sa part na nag-ano kami, masyadong sensitive topic na 'yon. Sinama ko rin pati 'yong pagpunta ko sa ampunan at kung paano ko nalaman na nagdadalang tao ako.
"Huminga kayo ng malalim at isa-isa lang ang tanong," sabi ko pagkatapos magkwento.
Pakiramdam ko ay hindi kami matitigil sa kakaiyak agad-agad. Emosyonal talaga ang mga babae.
Nagtulakan sila sa kung sino ang mauunang magtanong. Habang nag-aaway si Mariko, Chelsea, at Kiko ay nagsalita si Soleste.
"Aw, congratulations, Rayzeah. I'm so happy for you. This is surprising but I know you'll be a great mom. And I could be a great godmother, too!" she clapped.
I mouthed a silent thank you to her. Tinampal ni Chelsea ang kamay ni Mariko.
"Ako muna. 'Di ba nalaman mong preggy ka na? Naisip mo ba ipalaglag?" tanong ni Chelsea.
Hindi naman bata ang naghahanap ng magulang. I am responsible with this. And it didn't cross my mind. Hindi ko rin kaya gawin 'yon.
"Hindi. Delikado 'yon. Pwedeng ikamatay ko rin. Kasalanan sa Diyos ang bagay na 'yon," sagot ko.
"Ako naman. Masakit ba kapag may baby sa tiyan? O nakakaramdam ka ng kakaiba? Things like that?" inosenteng tanong ni Mariko.
"Hindi. Parang wala lang naman. Except sa part na conscious ka na sa katawan mo tapos dapat ka na rin mag-ingat," sagot ko.
Ang inosente ni Mariko, akala mo hindi bente-kwatro ang edad. I'll turn twenty-five in a few months, too. Ang bilis ng panahon.
"Dela Rama, malaki ba 'yang sa 'yo?" maangas na tanong ni Kiko kay Alzien.
Anong katarantaduhan ito?
"The what?" naguguluhang tanong ni Soleste.
"Source of sperm. Mga babae nga naman. Babae moments," iling ni Kiko.
I heard Alzien chuckled. Naramdaman ko ang kaniyang marahang haplos sa aking likod.
"Yeah, it's pretty big."
Saka ko lang nagets nang tumuon ang mata ni Kiko sa private part ni Alzien. I moved out of Alzien's hold to get a pillow. Binato ko siya ng unan na ikinahalakhak niya.
"Halika nga dito gaga ka! Kaka-graduate mo lang buntis ka na agad!" sigaw ni Chelsea.
I sobbed and stepped in front of them. Niyakap nila akong tatlo na ikinaiyak ko. Hindi naman judgemental ang mga babaeng ito kaya alam kong safe sa kanila kapag sinabi ko ang kalagayan ko ngayon.
"Bruha ka! Kung hindi ka lang buntis kanina pa kita sinabunutan... pero bakit naman kita sasabunutan kung hindi ka buntis?" pumalahaw ng iyak si Chelsea.
The heavy burden in my heart instantly vanished. Th emotional support I got from this group is overflowing. I would return all of the kindness someday. Babawi ako sa kanila sa paraang kaya ko.
"Basta ha, if you need anything, Rayzeah, always remember na we're here for you. Willing kami mag-help, okay? Don't forget that. We always have your back. Love you, Rayzeah," sabi ni Soleste.
"Ninang ako. Spoil ko si baby mo," sabi ni Mariko.
"Ako rin! Rich tita ng future inaanak!" sigaw ni Chelsea.
Mariko made me sit and the rest followed. She gave me a warm smile and put something behind my back. I realized it was a pillow. Sa harap namin ay si Ishikawa at Alzien.
"Anong plano? Hindi ka pwede magtrabaho, Rayzeah," sabi ni Kiko.
Si Alzien ang sumagot. Hindi niya inaalis sa akin ang tingin. I saw his eyes moved down to my body and then back to my face again. Ngumiwi ako dahil para niya na akong hinuhubaran sa pagkakatitig niya. Gusto ko siyang irapan pero wala sa mga mata ko ang tingin niya.
"I'll sell my car collections. Tapos bibili ako ng bahay. Bibili muna, saka na ang pagpapagawa. It's a lot of work so I need to earn as much to secure a huge amount of money."
Bakit hindi niya pag-iponan ang pag-aaral niya? The apartment is good enough. And if he really wants to buy a house then, I guess, that's okay, too. But I want him to prioritize his studies first. After I gave birth, babalik ako sa trabaho at pwede naming pag-usapan ang... co-parenting.
"That's my man. Tamang behavior, Dela Rama," ngisi ni Kiko.
"Live in? Hindi niyo napag-usapan ang co-parenting?" tanong ni Chelsea.
Nangunot ang noo ni Alzien at bumaling ng tingin kay Chelsea. His eyes went darker.
"What co-parenting? Rayzeah is under my care and... I don't like co-parenting."
Umawang ang labi ng lahat. Ngumuso ako at nagbaba ng tingin. Ganiyan katigas ang kaniyang ulo.
"I'll work and study. Nakaya ng iba, kaya ko rin. It's a lot but worth it. Lalo na kasi... sa mag-ina ko naman ibibigay," sabi ni Alzien.
Tangina. Ang puso ko.
Narinig ko ang impit na tili ni Mariko at Chelsea. Formal as she really is, nakangiti lang si Soleste. And Kiko is all smiles, too.
"Nag-aaral ka— wait, alam ba ng parents mo ang sitwasyon niyo ngayon?" umawang ang labi ni Chelsea.
"They don't have to know. Kapag nalaman nila, malalayo ako kay Rayzeah. Hindi pwede. I want to see my child growing inside her womb, and I'll do whatever it takes to see it," seryosong sagot ni Alzien.
Nalingat ako roon. Hindi ko naisip kung ano ang mararamdaman ng mga magulang nito. Ang bunso nila, nakabuntis. And worst, sa akin pa. Hindi na nga mayaman, wala pang gandang maipagmamalaki. I probably don't suit their taste. And by the looks of it, mukhang mahihirapan si Alzien na paamuin ang mga magulang niya.
Hindi ko naman sila magiging biyenan. Bata lang ang koneksyon namin. Co-parenting is a must topic for the both of us. Kung ayaw niya ngayon, sige, after na lang ng panganganak ko.
"Dapat malaki ang sahod mo sa trabaho kung gano'n. Kasi tatlo kayo sa iisang bahay, si Rayzeah, ikaw, at si baby. Hindi lang pagkain ang aalalahanin niyo niyan. Pagkain at mga bayarin, mga kailangan ni buntis at ang pag-aaral mo pa," sabi ni Mariko.
I shut my eyes. Nas-stress na ako ngayon pa lang. Ang hirap naman ng kalagayan namin ngayon. Kung wala akong mga kaibigan, saan na lang ako pupulutin. Ang pera na natira sa 'kin, hanggang pagkapanganak ko lang siguro. At baka aabot kung hindi ko gagalawin.
"May mapapasukan ka na?" tanong ni Kiko.
Nagbukas ako ng mga mata at nakita ko ang pag-iling nito. Ano naman ang papasukin niyang trabaho? Construction? Nag-aaral pa 'yan at hindi pa nga nakakatungtong sa college. Kapag nalaman ng mga magulang, ano na lang ang gagawin?
"Wala pa. Saka na, may pera pa ako. Tatapos muna siguro ng first year tapos hihinto saglit."
Ano? Hindi pwede.
"Pwede ka mag-work under sa company ni Mommy as a part-time model," suggest ni Soleste.
Nahuli ko na naman siyang nakatingin sa 'kin. Umiling siya na ikinataka ko. Pwede 'yon. Malaki ang sahod at tiyak na makakapag-aral siya. Pwedeng ma-adjust ang working schedule niya kapag nakakuha na ng schedule sa first semester sa college.
"Hindi iisang lugar lang ang shoot ng mga models. Ayaw kong maiwan ang buntis. Hindi ko rin puwedeng isama. It takes a few days shooting so I can't..."
Pero ayos lang naman sa 'kin. Sanay na ako mag-isa at kaya ko naman. I can still move around. Hindi pa malaki ang tiyan ko.
"Huwag niyo kasi pilitin, ayaw nga lumayo no'ng tao kay Rayzeah e. Parang tanga kayo," ngisi ni Chelsea.
Gusto kong sumabat pero naunahan na ako ni Kiko. Sinamaan ko na lang si Chelsea ng tingin. Tumatak sa isipan ko ang mapang-asar na ngisi ni Mariko.
"Sa amin. Pwede ka doon, Dela Rama. Graduate ka naman ng grade twelve, isa sa mga requirements 'yon. Map-process din 'yan agad kapag ako nagsabi sa tatay ko. I got your back, Pare. Pwede ka maging encoder lang ng kompanya tapos work from home, para palagi mong nakikita si Rayzeah. Ano bang pinakain mo dito, Alonzo, at ayaw humiwalay sa 'yo?" baling ni Kiko sa 'kin.
Ano namang akala niya sa 'kin? Mangkukulam? Alzien is just in awe of the idea that he's responsible now and he has to take care of his baby momma.
"Wala akong alam sa sinasabi mo," blangkong sagot ko.
"Galaw-galaw, Mariko at Soleste. Itong isa buntis na, ako may jowa na, e kayo?" pang-aasar ni Chelsea.
I'm not sure with Mariko's relationship. Papalit-palit naman at wala yatang balak magseryoso. And Soleste? She's not allowed, I guess. She's a celebrity.
"Atleast buhay," kibit balikat ni Soleste.
"As long as humihinga ako, ayos lang ako," sagot ni Mariko.
"Ikaw Ishikawa, huwag ka na mag-jowa, wala rin namang papatol sa 'yo," irap ni Chelsea.
Ngumisi lang si Kiko at sumipol-sipol. Natawa ako sa kakulitan nila. I kept a lot of secrets that they didn't know, pero nandito pa rin sila, handang tumulong at damayan ako. Ang motto daw kasi ng friendship na 'to, "til death do us apart" sabi ni Chelsea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top