Chapter Three
"PAPARATING na pasahan ah. Handa ka na ba, Alonzo?"
Nakaupo kami sa bench nang magtanong si Mariko sa 'kin. Sasagot na sana ako nang naunang sumagot si Kiko para sa 'kin.
"Kahit naman hindi mag-handa 'yan may maisasagot parin 'yan e. Si Alonzo pa."
"Ikaw na pala si Alonzo ngayon?" mataray na tanong ni Mariko.
Nagsisimula na naman sila. Panibagong araw, panibagong dog show.
"In behalf of Rayzeah Carangevill Alonzo, I, myself—"
"You're so maraming sinasabi, Ishikawa. Utal-utal naman" irap ni Soleste.
"E di sorry! Pasensya kung hindi ako katulad mong sa United States pinanganak. Kasalanan ko talaga e. Kasalanan kong sa Japan ako pinanganak," maasim na sabi ni Kiko.
"Out of topic ka na, leche ka," masamang tingin ang pinukol ni Chelsea kay Kiko. "And please, ang cringe ng mga sinasabi mo."
"Aping-api na talaga ako sa inyo."
"Talk to my hands, Ishikawa," maarteng sabi ni Soleste.
Patuloy lang ang bangayan nilang apat at talaga namang nakakairita iyon sa pandinig. People be testing me lately and I knew I had to interfere with their nonsense catfight.
"Napag-aralan niyo na parte niyo?" tanong ko na ikinatahimik nila.
Si Chelsea ang unang sumagot at nagtaas ng kamay. "Naman! Ni-record ko kaya no'ng binasa mo, Rayzeah."
Bumaling ako ng tingin sa tatlo. Kay Kiko, Soleste at Mariko. Sabay-sabay naman silang tumango at in-explain pa sa harap ko kung anong natutunan nila. Mga abnormal.
Hindi rin kami nagtagal sa pagtambay dahil kailangan rin naming bumalik sa kaniya-kaniyang klase. Si Mariko at Ishikawa ang kaklase ko sa lahat ng subject dahil pareho kami ng course.
"Huwag mo na ako ihatid mamaya, Chels."
Naglalakad na kaming dalawa pabalik sa room.
"Why? Anong sasakyan mo?"
Sapatos siguro.
"Didiretso ako sa work. Busy kami mamaya, may nag-renta kasi ng isang buong gabi. Hindi ko lang alam kung maraming bang tao o intimate ang magaganap na evet mamaya."
I wasn't even sure if it was an event. Walang ibang nasabi ang katrabaho ko sa 'kin bukod sa may nag-renta nga raw ng isang gabi sa restaurant.
"E 'di malaki na naman sahod mo niyan?" may kakaibang ngisi sa labi nito.
"Hindi ako manlilibre. Ipapadala ko sa foundation 'yong pera," pinaningkitan ko siya ng mata.
I wasn't able to visit the place where I used to live for the past few years. Magmula nang mapunta ako sa lugar na ito ay hindi na ako nakabalik pa doon. Bukod sa hassle ang byahe ay wala rin akong sapat na pera panggastos.
"Wala naman akong sinabi, advance ka. Itatanong ko nga lang kung sasama ka sa outing next week since magkakasahod ka naman."
"May outing next week?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ko alam 'yon. Imposible rin na in-announce 'yon tapos hindi ko narinig. O baka in-announce nga, hindi ko lang maalala. I'm too occupied with life responsibilities, too. May mga bagay talaga akong nakakaligtaan minsan.
"Oo. Remembrance raw ng buong klase. No need to worry about the expenses, libre lahat ni Professor. Ang babayaran mo lang 'yong mga bibilhin mo. Sama ka sa 'kin, bumili tayo two piece bikini," lumiwanag ang mukha niya na ikinaawang ng labi ko.
"Mukha ba akong nagsusuot ng gano'n?" pinaningkitan ko siya ng mata. "At Chels, nakakalimutan mo yatang hindi tayo magkaklase."
Hindi pa ako nakakasuot ng bikini. More on tee shirt at slacks kasi ako e. Kapag nasa bahay naman ay jogger pants at sando. Kapag nagbe-beach ay loose shirt at denim shorts na two inch above the knee. Hindi naman sa conservative, hindi ko lang talaga trip ang gano'ng mga damit.
Napanguso siya. "Oo nga pala. Pero pwede naman kitang isama para masubukan mo ring magsuot ng gano'n. Hindi ka bumabata, Rayzeah, hindi panghabang buhay ang ganiyang katawan. Embrace it while you still have it. Conquer your fear nga 'di ba? Go ka na sa bikini."
"Honestly, hindi kita nage-gets. Hindi ako takot magsuot ng bikini, ayoko lang magsuot ng gano'n."
"Hindi ka naman pala takot e! Lika na! Bili na tayo, ngayon din!"
Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero agad ko ring winaksi iyon.
"Ang lala mo na."
"I know. Thank you sa compliment."
"Pass ako. Wala akong pera. Kapag natanggap ko sweldo ko, hindi pa rin ako bibili ng gano'n. Marami akong damit sa bahay na tingin ko babagay sa 'kin at kumportable ako, ayoko gumastos," litanya ko.
"Ang pangit mo, gaga!" sigaw niya. Mayamaya ay tumawa na naman ito. Bipolar. Nanatili akong walang imik nang magsimula na naman itong magsalita at mag-kwento tungkol sa mga tsismis na nakalap. "Preggy daw si Professor Felisilda! Hindi ko lang alam kung totoo o hindi, hina kasi ng source ko ayaw sabihin kung kaninong bibig niya narinig 'yon."
"Paano magiging buntis e wala namang asawa 'yon, at wala ring boyfriend. Matandang dalaga si Professor Felisilda, imposible," agap ko.
"Tsismis nga lang 'yon! May nakakita daw kay Prof., nagsusuka sa girls comfort room."
I clicked my tongue. Mga tao nga naman.
"Ang lala niyong lahat. Baka naman may nakain lang na nakakadiri."
Tumango-tango si Chelsea.
"Pero ang bait ni Professor Felisilda 'no? Hindi katulad no'ng teacher natin sa high school. Binagsak kaya ako no'n sa isang subject! Muntikan pa akong hindi maka-moving up," lukot na lukot ang mukha nito habang sinasabi iyon.
Truth. Magk-klase kami no'ng fourth-year high school kami. May isa kaming subject teacher na sobrang— hindi ko alam kung may galit ba sa amin or strikto lang in her own ways. Tamad na talaga itong si Chelsea noon pa man kaya hindi na ako magtataka kung bumagsak man siya. Terror teacher 'yon sabi nila. Sa akin naman ayos lang, naiintindihan ko ang gano'n. Kapag ang mga matatandang dalaga nagme-menopause, normal na 'yan.
"Fourth-year high school ka lang no'n, ngayon fourth-year college ka na. Hindi parin maka-move on?"
"No! Mom grounded me the whole vacation! Tuwang-tuwa si Cielo sa labas, tapos ako nasa loob. Bawal gadgets pati TV. The only thing Mom wants me to do is to study the whole vacation!" naiinis na sigaw niya.
"Mas maganda nga 'yon. At least advance ka na pagtungtong ng school year," pampalubag loob ko kahit matagal nang nangyari iyon.
"Hindi naman ako kasing talino mo e!" mangiyak-ngiyak na hiyaw niya.
"Hindi naman talaga ako matalino. Nag-a-advance study at nagt-take down notes lang ako gabi-gabi para may guide na pagpasok," dahilan ko. "It's not that bad to study."
Kapag mahirap ka talaga at walang mga magulang na masasandalan ay hindi lang utak ang kailangan mong gamitin. Sweat, blood and tears. Well, I can say that because I had to work at a very young age. Mahilig ako mag-advance study noon. Nagpapa-connect lang kasi 'yong mag-asawang pinagt-trabahuan ko noon ng WiFi, libre pa. Kaya nakakapag-aral ako gabi-gabi. And they find me adorable, too, so they gave me enough time to study and rest. The world is not that cruel to me before... or maybe because I was just too innocent?
"Pa'no naman kaming mga bobo?"
"Walang bobo kung masipag ka at mataas ang pasensya mo. Kung nag-aral ka sana at isinantabi muna 'yang pagiging tamad mo, e di wala sanang problema sa moving up mo, with high honors ka pa nga sana e. Pasalamat ka na round up pa 'yong grades mo, ahead sana ako ngayon sa 'yo," litanya ko.
Apat na sana 'yon. Use 'sana' in a hugot. Kidding.
"Blessed talaga ako kasi naging kaibigan kita, Rayzeah. Libre mo na ako."
Walang imik na nilayasan ko ito at mabilis na naglakad. Ngumangawa at sinisigaw nito ang pangalan ko. Huminto ako sa paglalakad at blankong tiningnan si Chelsea.
"Tumigil ka nga kakangawa. Mag-aral ka ng mabuti at huwag mo akong galitin," sambit ko saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nasa labas pa lang ako ng room namin ay naririnig ko na ang ingay. Ang pagiging maingay ay walang pinipiling edad.
"Si Cadavid?" tanong ni Kiko nang makasalubong ako papasok ng room, mukhang lalabas yata.
"Nando'n, ngumangawa. Damayan mo," matapos sabihin 'yon ay nilagpasan ko ito at pumunta sa upuan ko.
"Heyyyy!" malakas ang boses ni Soleste at umupo sa silya sa harap ko. Bakit nandito 'to?
Ang iingay.
"Si Mariko?" sa halip ay tanong ko.
"Excused siya ngayon. May pinapagawa 'yong professors sa kaniya. Kailangan daw for graduation designs," sagot niya.
Hm, artistic at creative si Mariko, kadalasan ay siya ang kinukuha para mag-design and such for school events. Aesthetic masyado ang babaeng 'yon at palaging high quality ang gawa.
"Anong kailangan mo?"
"True nga 'yong balita! Magkaka-baby na si Prof. Felisilda!" impit na tili niya.
Kaya ba siya nandito para makipagkuwentuhan sa 'kin tungkol sa bagay na 'yan? Sabagay, curious din ako e.
"Sinong Tatay no'ng baby?" kunyari ay walang pakialam kong tanong kahit na sa loob-loob ko ay nagbubunyi na.
Masaya ako para kay Miss Felisilda kung gano 'n. Na-kwento niya sa'kin once na gustong-gusto niya magka-baby at maging Mommy. Deserve niya 'to. Sobrang bait niya sa 'ming mga estudyante niya kahit na matandang dalaga siya. Hindi naman siya gano'n katanda, siguro nasa mid-thirties lang.
"I don't know. But I'm happy for her! I volunteer as Ninang for her baby soon!" tili niya.
"Keep it up," bored kong sabi.
Hindi ko pa nakikita si prof. Pero hindi ko naman siya ichichika kapag nagkita kami. Ico-congratulate ko lang.
"Iniwan mo naman ako, Rayzeah!" kakapasok pa lang ni Chelsea at Kiko sa room. Isa pa 'to. Wala ba silang mga klase? At sinundo siya ni Kiko?
"Ang ingay mo kasi," ani ko.
"Papasama sana ako sa 'yo mamaya kaso may work ka pala."
"Saan na naman?" tanong ko. "Ikaw, puro ka lakwatsa. Isusumbong na talaga kita kay tita para grounded ka ulit."
"Hoy, hindi! Sa school ni Cielo. Honor 'yong sister ko! Libre ko siya mamaya kasi 95.6 for this grading. I'm so proud. Itlog kasi ako noon."
"Pasabi congrats," mahinahong sabi ko.
"Oh, my gosh! Congratulations kay Cielo," sigaw ni Soleste at dinamba ng yakap si Chelsea.
"Congrats sa kapatid mo," ngiti ni Kiko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top