Chapter Thirty Two

"MOMMY, where's Daddy?" tanong ni Jacob.

"May pinuntahan si Daddy mo, babalik din 'yon mamaya."

When I woke up, Alzien was nowhere to be found, ang nakita ko nalang sa bed side table ay ang pagkain na nasa tray at maliit na note. Pupuntahan niya 'yong kapatid niyang Chase ang pangalan, may meeting daw sila ngayon. Hindi na ako nag-abalang tawagan pa si Alzien, pinaalam naman niya na kung saan siya pupunta.

"Naka-pack na 'yong things mo?" tanong ko sa anak ko.

"Yes po, Mommy. Daddy and I packed my things last night. Are we going to leave without Daddy? Daddy won't be with us again, Mommy? Mas important po ba ang work ni Daddy kaysa sa 'tin?" inosenteng tanong nito.

Tumigil ako sa pagtipa sa laptop at bumaling sa kaniya. Hinuli ko ang kamay niya at pinalapit siya sa 'kin. I nuzzled his cheeks and planted soft kisses.

"Sa tingin mo ba papayag si Daddy mo sa ganoon?" malambing na tanong ko.

Umiling naman ito agad bilang sagot.

"Exactly, anak. Alam mo naman kung gaano ka ka-love ni Daddy, right? Ayaw niya na malayo sa 'yo kasi baby ka niya at love na love ka niya."

"Okay, Mommy. I was scared last night. Nag-dream ako ng bad. May kukuha daw na ibang family kay Daddy kasi ayaw niya na sa 'tin," namuo ang luha sa magkabilang gilid ng mata nito.

Kinandong ko ito at pinunasan ang luha. Growing up without a father is kinda traumatic for him. Subukan lang gawin ni Alzien iyon, hahabulin ko siya ng latigo.

"Hindi gagawin ni Daddy 'yan, hindi niya tayo iiwan. Kapag ginawa ni Daddy 'yon, hindi niya na tayo makikita."

Tumigil din naman si Jacob sa pag-iyak. Pinagpatuloy ko ang ginagawa habang nakakandong pa rin siya sa 'kin. Ibinaba ko agad ito nang sabihin nitong gusto na bumaba.

We're leaving so soon. Alzien didn't tell me what are his plans. Ayos lang din naman kung hindi siya sasama, basta ba may update from time to time. Hindi nag-o-open si Jacob sa 'kin pero alam kong gustong-gusto niya rin makasama ang tatay niya. Ang bata-bata pa ng anak ko pero masyado nang secretive. Nag-aalala ako sa totoo lang. Hindi naman maiiwasan 'yon, lumalaki kasing tahimik si Jacob at hindi nagsasabi ng mga bagay-bagay.

Gusto ko rin maranasan 'yong sinasabihan ng problema kagaya ng ibang bata na open sa parents nila. Jacob is growing fast and I want him to know that I am always here to listen.

Bumaba ito sa kandungan ko at bumalik sa ginagawa. I watched him as he tried to solve one of Alzien's cubes. Ang hilig nilang dalawa sa mga mind games.

"Mommy! Look! I solved Daddy's cube!" Nagtatakbo ito palapit sa 'kin bitbit ang rubik's cube ng kaniyang ama.

Manang-mana kay Alzien.

"Ang galing-galing, baby. Saan mo nakuha 'yan? Binigay ni daddy mo?"

"Binigay ni Daddy last night. Bibigyan niya raw ako ng mas challenging kapag na-solve ko po. I solved it, nag-watch ako ng video sa YouTube," sagot niya.

"Ang galing naman ng mga baby ko. Hindi ko kaya 'yan, tinuruan ako ng tatay mo noon pero hindi talaga kaya."

Kung nandito si Alzien at narinig iyong sinabi ko baka makalimutan no'n na huminga.

"Ayos lang 'yan, Mommy. Pretty ka naman e. I love you, Mommy ko."

"Love love much much din, baby ko. Doon ka muna, magwo-work lang si Mommy para hindi hectic ang schedule ko sa work pag-uwi natin."

Nare-review ko ang mga partnership reports galing sa secretary ko. Few big companies wanted to have a partnership with mine. Titignan ko pa kung compatible at wala kaming magiging problema.

My business is still growing as of today. Hindi pa iyon gano'n ka tanyag pero halos pamilyar na sa lahat, especially Europe.

"Tawag ako kay Daddy, Mommy ko." Lumapit siya sa akin at naglalambing na pinalibot ang maliit na braso sa baywang ko.

"May work si Daddy, hindi natin siya puwedeng istorbohin. Babalik naman mamaya ang Daddy, you can just wait for him instead."

Ngumuso ito pero tumango rin naman.

"Okay po."

Nagtatakbo siya at sinundan ko naman ng tingin. Kinuha niya 'yong tablet ng Daddy niya at nag-indian sit sa mismong harap ng nakasaradong pintuan. Napahalukipkip ako at tumitig sa anak.

Hindi masyadong exposed si Jacob sa gadgets, mas prefer din kasi niya ang magbasa ng mga books like books about animals, mga libro na nakapupulutan niya ng aral. Ayaw niya sa mga educational books katulad ng books sa school. Mas gusto niya 'yong mga libro na mac-curious siya. Lumalapit nga sa akin kapag hindi niya maintindihan o kaya ay hindi niya alam ang sagot ng binabasa niya. Ayaw niya mag-solve ng mathematics problems, gusto niyang gumawa ng mga bagay-bagay na parang isang scientist.

Ayaw niya sa coloring book, mas gusto niyang gumuhit. Kalimitang ginuguhit niya mga bundok at araw, parang iyong sa mga probinsiya. Creative ang utak ni Jacob, ganoon na rin ang kamay niya. At dahil sa bata pa siya, hindi niya masyadong gamay ang pagguhit.

Hindi ko alam kung anong pangarap niya paglaki niya, hindi ko rin kasi tinatanong. Saka ko na tatanungin kung nandoon na siya sa phase na 'yon. Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang i-explore ang mga bagay-bagay. Roam around free and decide later.

Kinahapunan ay hindi nakabalik agad si Alzien. Nagkaayaan daw kasi silang magkapatid kasama ang mga kaibigan nito na kasosyo rin sa negosyo. Hindi nakatiis si Jacob at tinawagan ang ama kaya nalaman ko.

"Drink your milk na para makapagpahinga ka na," sabi ko kay Jacob matapos nitong kumain.

"Hintayin ko si Daddy po," iling niya.

"Mamaya pa uuwi si Daddy, bawal ka magpuyat. Sige ka, baka hindi ka na lumaki katulad ni Daddy."

Humikab ito at tumango. He idolizes his dad that much.

"Drink na po ako milk, Mommy." Pagtingin ko ay hawak na nito ang baso ng gatas na siyang ikinatawa ko.

Matapos niyang inumin ang gatas niya ay pinagsipilyo ko na saka pinatulog. Nanatili akong gising dahil sa trabaho na ginagawa ko, pinapasa kasi iyon ng secretary ko via email.

Mayamaya pa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto na inuukupa namin. Napatingin ako sa oras at nakitang alas dose na. Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa 'kin ang inaantok na mukha ni Alzien. Nasa kaniya naman ang card ng hotel room.

"Uminom ka?" unang tanong ko.

"Nope. Gusto ko pa kayong makasama kaya hindi ako uminom para iwas disgrasya"

Nilakihan ko ang siwang ng pinto at pumasok naman siya agad.

"Sa bar kayo?" tanong ko ulit.

"Sa kompanya lang, may kaniya-kaniyang asawa kami kaya hindi na nangahas na pumunta sa bar. Kahit ako naman, kapag nag-aya sila sa bar hindi ako sasama, maliban nalang kung nandoon ka," ngumisi siya at nagtaas baba ang kilay.

Asawa. Thinking about that makes my heart quiver.

"Ang harot mo. Pwede ka naman uminom, tapos doon ka nalang matulog."

"Hm? I couldn't even last a day without you. At gusto kong umuwi. Kasi may uuwian na ako."

"Anong nangyari sa meeting niyo?" tanong ko.

Bumuntong hininga ito at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Hinuli niya ang braso ko at hinapit palapit sa kaniya. Yumakap sa likod ko ang malaki niyang braso at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"I need to be there tomorrow to attend the meeting with the investors. Chase will officially announce me as the legit owner and CEO of the company. Mabubuhay ko na talaga kayo, pwede na dagdagan si Jacob."

Mahinang hinampas ko ang kaniyang likod. I earned a groan from him and it was damn sexy.

"Ay bahala ka, ikaw manganak. Hirap na hirap ako kay Jacob tapos may plano ka pa dagdagan? Mag-anak ka mag-isa mo," mataray na sabi ko.

Humalakhak siya dahil doon. Hinalikhalikan niya ang leeg ko kaya napahalinghing ako dahil sa kiliti na naidudulot no'n.

"Ang swerte mo namang manliligaw, nakakahalik ka na sa 'kin kahit hindi pa kita sinasagot," biro ko.

"Binili ko na 'yong bahay," paos niyang sabi.

"Hm? Saan ka kumuha ng pera?"

Hinila ako nito at nagpatianod naman ako. He sat on the couch and made me sit in his lap. He immediately wrapped his arms around me with a smirk.

"I saved my allowance for that house."

"Wow, parang history repeats itself lang ah."

I cupped his face. We couldn't do things like this especially when Jacob is around. It might be weird for him to see us very intimate. At hindi rin puwede sa mga mata niya ang makita kaming ganito.

"I'll build a lot of house. Iba't-ibang parte ng Pilipinas. Nagtabi naman ako ng pera para sa anak natin. I saved a lot from that hellish four years of my life. And I have work now, too."

I nodded. We stayed like that for a couple of minutes. Nakayakap ako sa kaniya at nakasuporta naman sa aking likuran ang kaniyang braso. Humikab ako at naramdaman ang pamamasa ng mga mata dahil sa ginawang paghikab.

"Halika na. Anong plano mo the day after tomorrow? Ihahatid mo ba kami sa airport?"

I heared him sigh and I felt his lips on my head. Ilang beses niya ginawa ang paghalik sa tuktok ng ulo ko. I stood up and he immediately did the same.

"I hope everything will be done the next day, I really want to come with you."

"Dahan-dahan sa trabaho."

We walked towards our room and found our son sleeping peacefully. Nilapitan niya ang anak at hinalikan ang noo. Humiga siya sa tabi ng anak habang ako naman ay sa kabilang side ni Jacob. Gumalaw-galaw si Jacob kaya tinapik-tapik ito ni Alzien.

"Ihahatid ko kayo. I'll finish everything and will be with you in no time."

"Let's sleep then, babalik ka pa sa trabaho niyo bukas," I mumbled and closed my eyes.

Napadilat ulit ako nang umuga ang kama. Nakaupo na si Alzien sa kama at tina-transfer ang anak sa kabiland side, kung saan siya nakahiga kanina.

"Anong ginagawa mo?" asik ko.

"Cuddle."

Cuddle? What?

"Anong cuddle? Bakit diyan mo nilagay si Jacob? Paano kung mahulog 'yan?" inis na tanong ko.

"He won't, trust me."

Inayos niya ang pagkakahiga ni Jacob at nilagyan ng malaking unan sa side ng anak. Malaki ang kama, kasya ang limang tao pero baka maglikot si Jacob.

Ngumisi siya ng malaki sa akin at nahiga sa gitna namin ng anak niya. Tumagilid siya paharap sa 'kin at hinapit ako palapit.

"Huwag mong talikuran, baka mahulog nga!" impit na sabi ko.

"Malaki ang space ng anak natin, hindi rin naman siya malikot matulog."

Inangat niya ang ulo ko at pinaunan sa braso niya. He's too close, and it's making my heart beat crazy. Nalalanghap ko rin ang pabango niya.

"Akala ko galit ka sa 'kin noong graduation, umalis ka kasi," paos niyang bulong.

"Hindi ah, pinuntahan ko lang si Jhovi para i-congratulate. Ang hilig mo talaga magbigay malisya."

Hinuli niya ang braso ko sa ilalim ng kumot at dinantay sa baywang niya. Dinantay niya naman ang braso niya sa baywang ko at mas lalo akong hinapit palapit, parang gigil na gigil pa. Saya ka na niyan?

"Kapag ngumingiti ka sa 'kin, pakiramdam ko mahal mo na nga ako e," he chuckled.

"Delusional."

Pero totoo. Mahal ko.

"Hayaan mo na ako sa pagiging delusyonal, Misis. Mahal na mahal ka e."

"Tulog na." Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ko.

Wala na, nakangiti na naman ako. Pang-ilan na ba 'to? Hayop na 'yan, kinikilig ako.

"Goodnight."

"Night," I replied.

"I love you," he whispered. "No need to say it. I' not pressuring you, I just wanted you to know what I want to say."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top