Chapter Thirty One
THE next day, I found myself lying next to the sleeping face of Jacob and Alzien. Nasa gitna ako nilang dalawa. Nakatagilid ako ng higa kay Jacob at nasa likod ko naman si Alzien na nakadantay ang kamay sa baywang ko. Nanatili akong nakahiga pero gising ng ilang minuto bago napagdesisyunang tumayo. At dahil tinatamad ako magluto, as usual gano'n naman palagi, napadeliver nalang ako ng food service ng hotel.
Habang hinahanda ang pagkain sa mesa ay natagpuan ko si Jacob na papungaspungas at mahinang naglalakad. Kinusot-kusot ang mata at humikab. Mayamaya pa ay bigla nalang itong pumalahaw ng iyak na ikinatawa ko.
"Mommy's here, stop crying na," alo ko.
Binuhat ko ito at hinagod ang likod. Tumigil naman sa pag-iyak pero patulog pa rin sa pagsinghot. Ganito palagi si Jacob tuwing hindi ako nakikita paggising. Aalis sa kama tapos hahanapin ako sa buong bahay, kapag hindi nakita ay iiyak ng iiyak, hindi titigil hanggat hindi ako ang dumadalo at umaalo. Kapag bagong gising lang siya ganito.
"How's my ssweethearts?" narinig ko ang boses ni Alzien sa likod ko at ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. "Bakit umiiyak? Did you have a bad dream?" lambing ni Alzien sa anak.
"I thought Mommy left," Jacob murmured.
Alzien rested his chin on my shoulders and orbited his arms around my waist.
"Mommy would never do such thing. Akala ko ba big boy ka na? Bakit umiiyak pa rin ang big boy kapag wala na si Mommy sa bed?" I teased.
Umiling-iling lang ito at humilig sa kabilang balikat ko. Ang dalawang ito, ang aga kung manlambing.
Kinuha ni Alzien si Jacob sa 'kin at siya na ang nagbuhat. Jacob has some features from his father but with a very big difference. Ngayon ko lang napansin na parang pinaghalong mukha namin ni Alzien si Jacob. Mini version siya ni Alzien kapag magkasama sila, mini version ko naman siya kapag magkasama kami. Pero kung magkakasama kaming tatlo, people might point out kung gaano kahawig naming dalawa si Jacob.
"Wala kayong after party na magaganap kasama sina Bella?" tanong ko kay Alzien.
"Walang after party na magaganap. Busy kaming lahat. Dito lang ako," iling niya.
"Wow, busy ka? Patingin nga ng busy."
Ngumisi siya at binaba ang ulo para maging ka-level ang mukha ko. Dumapo ang tingin ko sa kamay niya nang takpan niya ang mukha ni Jacob gamit ang malaki niyang palad.
"Busy naman talaga ako, haranahin kita mamaya."
Matapos sabihin iyon ay dinampian niya ng tatlong beses na halik ang labi ko. Mas lumawak lalo ang ngisi nito nang makita ang pamumula ko. Nanliligaw pa peronakakahalik na.
"Daddy, I can't see anything."
Ang maliit na boses na 'yon ang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad.
"Let's eat. Shopping tayong tatlo mamaya. Do you want me to have the mall exclusive for us or..."
"No. This will be Jacob's first shopping experience. Hindi ko pa siya nadadala sa mga malls noon dahil sa trabaho. And he hates crowded places. Gusto ko ring ma-experience niya ang mall. Ano ba ang plano mo sa panliligaw sa 'kin?"
This spoiled man is really something unexpected. Hindi naman sa ginagawa kong biro 'yong panliligaw niya, pero hindi na kasi talaga uso 'yan sa panahon ngayon. Ayos lang din naman, pangarap ko din naman 'to noon, maligawan.
"Bilhin ulit 'yong bahay natin noon tapos ipa-renovate para mas lumawak at lumaki 'yong space. Kapag may mga kapatid na si Jacob, maluwag ang bahay natin para sa mga bata."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Talaga palang ginalaw ng mommy niya iyong bahay namin noon? At anong mga kapatid?
"Don't be confused, Ray. Wala kang balak dagdagan si Jacob? Ako... gustong-gusto ko. Pero kung hindi ka rin kumportable sa ganoon ay ayos lang din, nakaisa naman na tayo."
The amount of respect this man has for me.
I pursed my lips. Wala naman akong sinabi. At ayos lang sa akin na magkaroon ng kapatid si Jacob, pero hindi sunod-sunod.
"Binenta 'yong bahay?" tanong ko.
"Mom did. Kaya babawiin ko ulit. Marami tayong memories sa bahay na 'yon. Kung paano lumaki si Jacob sa sinapupunan mo, kulitan at marami pang iba. Bibilhin ko ulit para sa atin."
Bahay bakasyonan? O temporary? Hindi pa ako handa. Siguro. Ewan.
"Naaalala mo pa pala 'yon? Akala ko wala kang pakialam sa mga bagay na 'yon," iling ko.
Hindi kasi si Alzien 'yong tipo ng tao na mahilig mag-keep ng memories. Lahat nga ng videos sa cellphone niya noon dinelete. Pinigilan ko kasi for keeps na rin sa pagiging teenager niya, kaso ayon deleted pa rin ang ending. Pati pictures at audio recordings. Alzien talks less but not the typical cold guy.
"I may look like I don't, but I treasure those moments. Marami akong picture sa 'yo noon, mostly tulog. I can freely take photos and videos of you if you're sleeping, you're a mad cat when you're awake. Naiintindihan ko 'yo. According to the research I did way back, pregnant woman tends to be emotional and moody."
"Deleted na?"
"No, love. Stored in my laptop. Kahit tulog mantika mong pictures hindi ko kayang i-delete."
Pagkatapos kumain ay naghanda na kami para umalis. Pag-alis sa hotel ay wala kaming sinayang na oras at dumiretso sa mall. Si Alzien iyong tagabitbit, wala naman siyang reklamo, parang nag e-enjoy pa nga. Weird. Ang alam ko kasi ayaw ng mga lalaki na pinagbibitbit ng shopping bags, pero itong si Alzien go na go at tuwang-tuwa pa. Adik ba siya?
"Iwan mo muna sa counter 'yang mga shopping bags. Pumunta ka sa men's clothing section, isama mo si Jacob. Bonding niyong dalawa," suggest ko.
"Nope. Today is family day. I can spend a lot of time with Jacob but today is family day."
"Bibili ako ng mga damit pambabae, alangan namang dito lang kayo. Sige na, bumili ka rin ng mga damit ni Jacob. Maganda naman fashion sense mo iaaasa ko na sa 'yo ang anak natin. Ingat!" nag-wave ako at humalik kay Jacob bilang paalam.
Pumasok ako sa isang botique na puro formal clothes and mayroon. Hindi designer clothes ang mga damit ko sa trabaho, binibili ko lang din sa mall at minsan ay sa mga online shops. Malaki-laki naman ang nakukuha kong pera sa sarili kong negosyo, but that doesn't mean gagastos na ako ng gagastos. Kapag may anak ka na kasi hindi mo na maiisip ang sarili mo. Lahat na ng ginagawa mo para na sa anak mo. Hindi na ako masyadong bumibili ng mga bagay-bagay para sa sarili ko, pina-prioritize ko kasi si Jacob.
Parang noon lang umiiyak pa ako sa dami ng utang ko kay Chelsea, Kiko at Soleste. Masama ugali ni Mariko, hindi niya ako pinapautang. Kidding. Independent din kasi si Mariko katulad ko, ang kaibahan lang ay may parents siyang mapupuntuhan kapag nagkagipitan. Maldita si Mariko kung titignan, pero softy talaga ang isang 'yon at mahiyain. Naging independent kasi nahihiya manghingi ng pera sa magulang. Supportive naman ang parents niya kaya hinayaan nilang mag-work si Mariko at mag-provide para sa sarili niya.
Habang pumipili ng damit ay may nakabanggaan ako, at bilang isang good citizen ay nag-sorry agad ako. It was partly my fault, hindi kasi ako nakatingin.
"Rayzeah Alonzo?"
Nag-angat ako ng tingin. Ilang minutong nablanko ang utak ko habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko ngayon. Her name is in the tip of my tongue but I can't say it. Sino nga ba ito?
"I'm Zavia, one of Cielo and Alzien's colleagues," pakilala niya.
"Oh, hi. Nagkita na ba tayo? You looked familiar," tanong ko.
Tumaas ang isang kilay niya at tumango.
"Yeah, six years ago, on Cielo's house. Before graduation, remember?"
Natulala ako at inalala kung totoo ba 'yong sinasabi niya. Napatitig ulit ako sa kaniya.
"Hindi ko na maalala, sorry. Well, nice to meet you again, then. Shopping for clothes din?" pag-iiba ko sa topic.
"Ah no, I have my own designer. I don't really wear clothes from malls, marami nang humawak dito and it's making my skin itch just by thinking of wearing them," sagot niya.
Wow. Good for her then.
"Ano palang ginagawa mo dito kung ganoon?" blangkong tanong ko.
"Sinamahan 'yong friend ko. She buys clothes here, it's not that bad though. But the prices are cheap," maarteng sagot niya.
I don't like talking to unfamiliar people so I excused myself. Pumunta ako sa kabilang section upang doon mamili ng damit.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawang pamimili ng damit. Nang makakuha ng iilang damit ay nagbayad agad ako sa counter. Hinintay ko si Alzien at Jacob sa counter at mayamaya lang din ay dumating sila, may dalang iilang shopping bags at pareho pang nakasuot ng shades.
"What about me? Hindi niyo ako binilhan ng shades?" kunyari ay nagtatampong sabi ko.
"We bought one for you, too, Mommy!" bibong sagot ng anak ko.
"Yes, here. Suot mo kay Mommy, 'nak." Binigay ni Alzien kay Jacob 'yong shades na tinanggap naman agad ng anak at sinuot sa 'kin.
Ngumiti ako at hinalik-halikan ang amoy baby na leeg ng anak ko. I only use baby powder for Jacob, ang bango kasi. Saka ko na siya ie-expose sa perfume kapag tumuntong na sa grade school. Sa ngayon powder-powder muna, for natural scent na rin.
"May kaibigan kang Zavia?" tanong ko kay Alzien habang naglalakad kami sa loob ng mall.
"Zavia? Kakilala pero hindi kaibigan. I don't really make friends with girls."
"Hindi mo kaibigan si Cielo?" tanong ko.
"Hindi, kakilala lang," sagot niya agad.
Gusto ko pa sanang biruin pero baka humirit na naman 'to kaya ibang bagay na lang ang tinanong ko.
"So, sino nga si Zavia?" tanong ko.
"Selos ka?"
Hinampas ko ang likod niya na ikinatawa niya.
"Zavia Aurelia, dating kaklase ko. Huwag kang maglalalapit do'o, hindi mo alam ang totoong kulay ng babaeng iyon," instead, he said.
Honestly speaking, Zavia is very pretty. Lalo na kasi hindi purong Pilipina, kulay asul 'yong mata e. Matangkad at makinis. Ang ganda-ganda niya to be exact. I'm not insecure by her beauty, I'm just stating the fact.
"Maganda si Zavia," sambit ko.
Hindi siya umimik kaya inulit ko.
"Hoy, ang sabi ko maganda si Zavia?"
He looked puzzled when he looked at me.
"And?"
"Hindi ka nagagandahan?"
"Paanong maganda e sa 'yo lang nakatitig ang mga mata ko simula six years ago," sagot niya na ikinagulat ko
Napaisip ako saglit sa sinabi niya. Kinakalkula ng utak ko 'yong sinabi niya. Six years ago? Meaning, before his grade twelve graduation?
"Grade twelve?" tanong ko.
"Yup. Unang kita ko sa 'yo doon sa bahay nila Cielo. Sa sobrang ganda mo hindi ka na natanggal sa isip ko."
Naguluhan ako. Maaalala ko siguro ang mukha niya.
"Wait, ano? Hindi ko gets."
"Hindi sa school ang unang kita ko sa 'yo, hindi doon sa interview. Palagi ka sa bahay nila noon, 'di ba? Tapos paminsan-minsan nando'n din kami dahil sa mga group works or projects. Doon kita unang nakita. Ilang linggo rin akong binabagabag dahil sa ganda mo, ang ganda mo kasi."
"Weh? Hindi kita nakita," tanggi ko.
Lumihis siya ng tingin. He clenched his jaw and wrinkled his nose. Halatang naiinis sa hindi malamang dahilan.
"Probably because you have a boyfriend that time, Cielo told us. I was mad you know. Ikaw lang nagparamdam sa 'kin ng ganoon tapos naunahan pa akong pormahan ka."
"Hindi ako nagka-boyfriend ah! Diretso anak na agad," iling ko.
He held my hand. We hold hands while walking. Nasa kabilang kamay ko si Jacob at ang mga paperbags namin ay inilagay niya sa kabilang kamay.
"Anim na taon kitang minahal at patuloy na mamahalin."
I stared at our intertwined hands and then back at him.
"Paano kung na-fall out of love ka sa kalagitnaan ng panliligaw mo? Tapos na-realize mo hindi mo naman pala talaga ako minahal?"
Alzien chuckled.
"Patuloy pa rin kitang susuyuin. Hindi man sa lahat ng araw mahal kita, araw-araw naman pipiliin kita. If I fall out of love, I won't stop because I believe that it's true love. You're my first love and my one and only true love."
Punyeta. Kinikilig ako. Parang sasabog 'yong dibdib ko. Gusto kong sumayaw at magtitili sa tuwa pero nakakahiya naman.
"Hindi ka ba nahihiya? Ilang taon akong mas matanda sa 'yo."
"Ikaw? Ikakahiya ko? Goodness. If only I can tell the world how much I love you, I would gladly do. Ano namang masama kung mas matanda ka sa 'kin? And it's just age. Hindi rin halata dahil mas mukha pa akong matanda," humalakhak siya.
"Sira."
Mahinang tumawa siya at hinapit ako palapit sa kaniya.
"Mahal na mahal kita. At sa inyo lang uuwi. Palagi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top