Chapter Thirty
"PUPUNTA kami mamaya sa bahay nina Chelsea for celebration, sasama ka?" tanong ko kay Alzien.
He was sitting in the couch while Jacob is sitting in his lap. They were watching Netflix on Alzien's tablet. Hula ko ay funny videos ang pinapanood nila, tawa kasi ng tawa.
"Syempre, kahit saan naman kayo pumunta susunod at susunod ako e. Ganiyan ko kayo kamahal."
Napairap ako dahil sa kakaibang kiliti na naramdaman.
"So wala kang balak magtrabaho, gano'n?" tanong ko.
Hindi kami maaaring magtagal ni Jacob dito. Ie-enroll ko na siya sa kindergarten at may naiwan din akong trabaho. Maybe a month will do? But we can't stay here. If Alzien wants to visit every once in awhile then I guess that's fine.
At wala sa plano ko ang tumira ulit dito. Wala pa. Kapag pabigla-bigla ay baka ma-culture shock si Jacob.
"I do. But just like before, work from home will do."
Hindi pa nga nagsisimula pero iyon na ang iniisip.
"Nga pala, hindi kami magtatagal ni Jacob dito. Naka-leave lang ako sa trabaho at balak ko na ring i-enroll si Jacob doon. Maybe a few weeks. Short vacation lang."
Ibinaba niya si Jacob sa couch at hinaplos ang buhok nito.
"Hm, alright. I'll do everything quickly."
Anong ibig niyang sasabihin? Tatapusin dahil?
"What do you mean?"
"Chase's planning on giving me the entire business, he hates responsibilities. Sa tingin mo talaga magpapaiwan ako rito?" he chuckled. "Give me a few weeks to adjust."
Sasama siya sa amin?
"No, it's okay. You can take your time. Hihintayin ka na lang namin doon o kaya ay bumisita ka na lang paminsan-minsan."
Nandito ang buhay niya. At mahihirapan din siya na mag-adjust doon.
Sa pagkakaalam ko, malaki at malawak ang koneksyon ng mga Dela Rama. Hindi lang sa Pilipinas ang negosyo na pag-aari. Hindi ko alam kung hanggang saan ang scope pero bali-balita na marami iyon.
"Chase wants to have a carefree life as a pilot, not as a businessman. Wala sa amin ang gustong mag-business. Chase rebelled on Mom and Dad and chose Aviation. Bella also chose modeling over business. Mom and Dad was cool about it because they have me, the only one left. After Mom got me, she threatened both Chase and Bella not to help me or else she'll ruin their careers. Dad got ill and passed the business to Chase, Mom also did. Chase waited for me to graduate and told me he'll hand the business to me because I was the one who graduated business among us."
Ibig sabihin ay matagal na proseso iyon. I know business, alright? That would take a couple of months. At ayos lang naman sa akin. I would miss him but it's work. Maiintindihan ko.
"Then... you have to stay here... to take care of your business."
Umiling ito at mahinang tumawa. He brushed his chin using his fingers while staring intently at me.
"Work from home. O kung hindi mo gusto ang set up na gano'n, bibisita ako sa trabaho paminsan-minsan."
Ngumiwi ako. Baliktad yata. Pwedeng kami ang bisitahin niya paminsan-minsan at kapag pwede na at nakaka-adjust na siya ay magbakasyon ng mas matagal pa. At baka rin, sagutin ko siya sa panliligaw niya.
Namula ako sa naiisip. Kapag sinagot ko siya, magiging kami na. We could hold hands in public, go out together and even date. And we can do more than that. Mas lalo akong namula at nahiya. Baka sa sobrang kaharutan ay masundan si Jacob.
"Bakit ka namumula? Anong iniisip mo?" tanong niya.
Umiling ako at sumandal sa inuupuan. Kanina ko pa pinagmamasdan ang kulitan ng dalawa. Hindi ko mahiwalay si Jacob sa daddy niya.
"And he meetings, maybe I'll hold most of it virtually."
"Si Mommy kasi hindi virtual po," sabi bigla ni Jacob.
"Anak, I told you not to interfere with adults, right? Not unless you're the one being asked," mahinahong kastigo ko.
"Sorry, Mommy ko, hindi na po uulit."
Napangiti ako. Jacob understands well, pero hindi ako naniniwalang hindi na 'to mauulit. Matalino si Jacob at naiintindihan niya ako, pero katulad lang din ng ibang bata ay matigas ang ulo niya. Hindi ko sinasaktan si Jacob physically just to discipline him. I would just talk to him about the wrong thing he did and will make him understand that. I would never lay hands on my son, not unless he rebels on me. Papaluin ko talaga siya ng tsinelas kapag nagkataon.
"What do you mean not virtual, baby?" baling ni Alzien sa anak.
Bumaling si Jacob sa akin, humihingi ng pahintulot. I nodded. He then turned to his dad.
"Kapag may meeting po si Mommy, palagi silang nagkikita, Daddy. Mommy's not letting me go with her, though. I hate crowded places, too, so it's okay."
"Mommy has business?" kitang-kita ko ang naglalarong ngisi sa labi ni Alzien at saglit na sumulyap sa 'kin saka binalik sa anak ang tingin.
Jacob dropped Alzien's ipad and jumped multiple times. Hinawakan ni Alziang damit nito para hindi matumba.
"Opo! Mommy's company is big, and she's the boss. Everyone follows her order, Daddy, and Mommy would use her formal voice every time she talks. She's amazing Daddy, right? Right?"
Natawa ako sa bibo ni Jacob habang nagk-kwento.
"And Mommy's gorgeous in her business attire. Very very pretty and bossy," habol pa nito.
"Yeah, even before, mommy is very bossy. Walang palag si daddy, 'nak. Mahal na mahal ni daddy e," bulong ni Alzien at hinalikan sa pisngi ang anak.
Humagikhik si Jacob. Napairap ako. Hindi naman ako bossy. Paladesisyon ako but I was never bossy.
"Tama na 'yan. Magbihis na kayo, pupunta na tayo sa bahay nila Chelsea," anunsyo ko.
Binuhat ni Alzien si Jacob at nilapag ang tablet sa table. Pumasok silang dalawa sa kwarto habang ako naman ay nililigpit ang nagkalat na papel na kinukulayan kanina ni Jacob bago ito nanood. Ini-off ko rin ang tablet ni Alzien. Umilaw ito ulit nang ilapag ko at 'yong picture naming tatlo na kuha ni Chelsea ang lockscreen niya. Napangiti ako at ini-off iyon pabalik.
"Done?" I asked when they stepped out.
Bumida agad si Jacob sa harap ko. Yumuko ako at hinalikan ito sa magkabilang pisngi. This is how I pictured a family. Pamilyang hindi ko naranasan kaya sisiguraduhin kong mabibigyan ko ng kumpletong pamilya ang anak ko.
"Ang gwapo naman ng mag-ama ko," ngiti ko.
Natuod si Alzien sa kinatatayuan at parang hindi na humihinga. He touched his chest and breathes hardly.
"Ayos ka lang?" tapik ko sa mukha nito.
"Damn. That made my heart stop for a moment," he hissed. "Nakalimutan ng puso ko na tumibok."
Mahinang hinampas ko ang balikat niya. Puro na lang biro.
His car was parked outside, in the hotel's parking lot. It's already dark when we reached Chelsea's house. May mga kotse na sa labas nila and I'm guessing nandito si Kiko at Soleste. Pagpasok ay sinalubong kami ng party lights at iilang mga tao.
Dumapo ang tingin ko sa kamay namin nang hawakan niya ang kamay ko. Hawak niya si Jacob sa kabilang braso at nakahawak naman sa akin ang kabilang kamay. Hindi pa yata nakuntento at pinalibot ang braso sa baywang ko.
Pumasok kami sa loob ng bahay at natagpuan doon sina Chelsea. Walang ibang tao sa loob maliban kay Cielo, Mariko at ang isang hindi pamilyar na lalaki.
"Ang ating hinihintay ay dumating din!" sigaw ni Chelsea at naglakad palapit sa amin. "Ang tagal ha, baka sa susunod niyan may kapatid na si Jacob."
Hinampas ko ang braso ni Chelsea. She has a point though. Kapag patuloy akong hinarot ni Alzien ay bibigay na ako.
"That's Miko, Mariko's brother," she introduced.
Singkit at gwapo.
"Gwapo naman pala at disente tignan. Approved," tango ko.
"Same, nanliligaw na nga," Chelsea giggled. "Nag-iinoman sina Kiko doon sa likod. Kasama iyong kapatid ni Soleste at si daddy."
Bumaling ako sa mag-ama. Alzien is already staring at me.
"Akin na si Jacob, puntahan mo muna sila. It's your night tonight, Mr. Graduate. And you can drink 'til you pass out," ani ko.
Kinuha ko muna si Jacob mula sa pagkakahawak niya. He sighed but the leaned in to give me a kiss in the forehead. Gano'n rin ang ginawa niya sa anak.
"Iinom ka?" tanong ni Mariko nang makaupo ako.
"Hindi, kasama ko anak ko, hindi ko naman pwede iwan sa hotel mag-isa. Makikikain lang ako," sagot ko.
Mula sa kusina ng bahay nila Chelsea ay lumabas si Soleste na may bitbit na alak. Nag-usap-usap kami habang sila umiinom. Makalipas ang ilang oras ay nakatulog si Jacob. Ang iba sa kanila ay nag-pass out na rin dahil sa dami ng nainom, including Chelsea and Mariko. Hindi gaanong nalasing si Soleste since she only drank three glass.
"Dito na kayo matulog, Ate," sabi ni Cielo. "Lumalalim na po ang gabi at delikado na magbyahe ng ganito."
"It;s fine, kasama namin si Alzien," iling ko.
Hindi ko alam kung uminom ba iyon o hindi. Pero kung uminom nga siya, dito kami matutulog.
"Ang swerte ni Alzien sa 'yo, Ate. Matalino ka tapos mabait, responsable rin at maganda."
"Hindi naman," nahihiya kong turan.
Habang lumalalim ang gabi ay nanatili ako sa loob at hinintay na pumasok si Alzien. Inaantok na ako.
"Inaantok ka na 'no?" pumasok si Kiko sa loob ng bahay at natagpuan ako.
Hindi mukhang lasing si Kiko. I know Kiko can hold his drink well kaya kahit hindi halata ay alam kong marami rin ang nainom nito.
"Oo, pakitawag naman si Alzien please."
"No need, I'm here."
Mula sa likod ni Kiko ay nagpakita si Alzien. He's still collected and in one peace. Hindi rin pasuray-suray at mukhang matino naman. Hindi siya uminom?
"Uminom ka?" tanong ko.
"Nope. Iwas disgrasya.Uuwi na tayo?"
Impit na napatili ako nang buhatin niya ako kasama si Jacob. Parang ang dali-dali lang para sa kaniya na buhatin kami ng anak niya. Kapatid yata ni Hulk.
Kay Kiko na lang kami nagpaalam na uuwi.
"Ang bango mo. Amoy baby pa rin," sabi niya habang naglalakad kami palabas. "Sana baby ko na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top