Chapter Thirteen
DAYS passed by unexpectedly. Ang portfolio ni Cielo ay napasa na sa teacher niya at aprubado na rin ito. The portfolio contains details about her work immersion. Two weeks and then they're done. Just like that.
Ngayon nga ay kami sa loob ng malaking gymnasium ng school nila ni Cielo, sa harap pa mismo ng stage. Graduation nila ngayon at nandito kami para makitang maglakad si Cielo sa stage. Hindi naman ni-reveal ni Cielo kung with honors ba siya, with high honors or with highest honors.
"Matagal pa ba magsismula itong program?" reklamo ni Chelsea.
"She's your sister, enjoy mo dapat ang moment," sabi ni Soleste.
Gusto kong makihalubilo sa kanila pero busy ako sa page-edit sa final output ko. Next week na ang deadline. Akala ko rin maaga kong matatapos, nawalan ako ng time dahil aral sa umaga, trabaho sa gabi.
"Gusto ko na makitang rumampa sa stage si Cielo," nakasimangot na sabi ni Chelsea.
Excited, mas excited pa sa kapatid na ga-graduate. Mamaya pa yata magsisimula ang program. Nakita naming palapit na si Cielo sa kung saan kami nakaupo kaya umayos ako ng upo.
"Ate, magsisimula na ang program after five minutes. Wala pa ba sina Mommy?" tanong nito.
Si Chelsea ang nagsalita.
"Parating na daw. Ganda mo ah, pero ngayon lang," ngisi ni Chelsea.
"Araw-araw naman akong maganda, Ate, kung ayaw mong tanggapin, ako na lang ang tatanggap," irap ni Cielo na ikinahagikhik ni Chelsea.
Nagsimula na ang program kaya kinailagan na ni Cielo na bumalik kasama iyong nga kaklase niya. Maya-maya lang din ay dumating ang parents nila.
"Mauuna daw tawagin 'yong mga graduates tapos saka na isusunod 'yong mga honors," sabi ni Chelsea.
"Patingin." Kinuha ko sa kamay nito ang schedule ng buong program. Program lang ang nandito, wala 'yong pangalan ng mga high school graduates. May guide naman kung ano-ano ang uunahin. Sino kaya 'yong with highest honors?
"Hula ko walang award si Cielo," ngisi ni Chelsea."Ako rin kasi dati e."
"Ang sama mo naman sa kapatid mo," wika ni Mariko.
"Truth!" segunda ni Soleste.
Tumawa si Chelsea. Alam ko namang masaya siya para sa kapatid, with or without honors, ayaw niya lang talaga ipahalata. But we know her so we know what she feels.
"Hula nga lang. Kapag wala edi ayos lang, kapag mayro'n edi nice," nag-thumbs pa ito.
Tahimik na napangiti ako. I saw that coming.
"Kung ako lang nagkaroon ng kapatid na kagaya ni Chelsea, hihimlay nalang ako ng maaga," sabat ni Kiko.
"Gusto mo humimlay ka na e, ngayon na mismo," pabalang na sabi ni Chelsea kay Kiko.
Babawi na sana si Kiko nang may nagsalita. I saw how he stiffened and went back to sitting properly, maski si Chelsea ay ganoon rin dahil sa ma-awtoridad na boses na iyon.
"Chelsea."
Sabay-sabay kaming lima na napalingon nang marinig ang striktong boses ng Daddy ni Chelsea. Hindi naman nakakatakot tignan ang Daddy ni Chelsea, intimidating nga lang. May pagbabanta rin sa boses nito na ikinatuod ni Chelsea.
"Sorry, Dad."
Hindi na ulit umimik ang Daddy ni Chelsea, nanahimik na rin kami at nag-focus sa program hanggang sa isa-isa nang tinatawag ang mga estudyanteng graduates. Hindi nagtagal ay tinawag na ang section nila Cielo, tagal din naming nakaupo, tatayo lang kapag may guest speaker na ina-announce at papalakpak. Gano'n lang ang ginawa namin throughout the program.
"Pansin ko hindi sunod-sunod 'yong mga students, hindi alphabetical ba," sabi ni Mariko kay Chelsea.
"By seat yata sila sa classroom, hindi na alphabetical," sagot ni Chelsea.
Pwede ba 'yon? Hindi kaya magulo?
"Hindi alphabetical pero uniform silang lahat, ang weird," ani Kiko.
Nawalan ulit sila ng imik kaya nakinig na kami sa mga tinatawag na estudyante. Tinatamad ako magsalita kaya hindi ako nakikisali sa kanila.
"Felizer, Con-con Josiah S. With Honors."
Ito 'yong teenager na tumawag sa akin ng "Ate Ray". Naaalala ko pa, lalo na 'yong mukha. Cute siya. Inosente ang mukha. All smiles din.
"Rahim, Zeki. With high honors."
'Di ba ito 'yong SSG president nila? If I'm not mistaken. Wow. His looks is astonishing. Ang lakas ng dating.
"President 'yan ah! With highest honors dapat 'yan," nakaawang ang labi ni sabi ni Chelsea.
"President sa room?" tanong ni Kiko.
"No, you moron. That's the supreme student government president of the campus," irap ni Soleste kay Kiko.
I wanted to stop Soleste from sayying such thing. Nakakahiya. Ang daming tao. Hindi naman maingay kaya marami talaga ang nakakarinig. I get frustrated every time because of their savage chitchats.
"Nagd-depende naman kasi 'yan sa grades, kung gaano kataas ang grade na nakuha mo," kamot ni Kiko sa batok.
Sabagay, may point siya.
"Fuschia, Daphne Fennel J. With honors."
Punyeta, sobrang ganda. Ang galing pa maglakad, confident at nakataas ang noo. Siguro model.
"Model 'yan, barkada din 'yan ni Cielo," sundot ni Chelsea sa akin, mukhang nakita niyang nakatutok ako doon sa tinawag.
"Model? Bata pa ah," sabat ni Kiko.
"Bobo amp, may mga model nga na seven years old e, hampasin ko utak mo, Ishikawa," sinamaan ng tingin ni Mariko si Kiko na ikinatawa ko.
Gusto ko na lang talaga supalpalin ang mga bibig nila at tapalan.
"Sabi ko nga," sukong sabi ni Kiko.
May susunod ng tatawagin. Hinihintay namin ang pangalan. The face of the awardee flashed.
"Pati itong susunod, model din," sabi ulit ni Chelsea.
"Moreno, Anemone Hyacinth L. With high honors."
Iyong babaeng morena na sobrang ganda. Hindi lang basta-bastang morena, 'yong tipo ng morena na sobrang darken ang skin. Glass skin, matangos ang ilong, hazel-eyed at mahaba ang straight na buhok. Punyeta sobrang ganda rin.
"Kumabit lang yong pagiging dugong Pinoy diyan. African-American daw 'yan e sabi ni Cielo. Ako nga natulala no'ng nakita siya for the first time, sobrang ganda kasi," bulong ni Chelsea para hindi marinig ng parents niya.
"Miller, Calluna."
"Kapatid iyan ni Ckoa, 'yong may crush kay Chelsea," kulbit ni Kiko sa akin.
Tumango nalang ako at hindi nagsalita. Oo, naaalala ko. Iyong baliw na lumapit sa akin.
"Last section na ito 'di ba? Wala pa akong naririnig na estudyanteng tinawag na with highest honor. Baka walang with highest?" sabi ni Mariko.
Umiba ako ng upo dahil nangangalay na ang pwet ko. Pati ang laway ko nag-iiba na rin ang lasa.
"Malalaman natin pagkatapos nitong program," imik ko.
"Aurelia, Zavia M. With honors."
May entry na naman si Chelsea dahil bumuka na naman ang bibig nito.
"Mataray 'yan, mima ng grupo," ngisi ni Chelsea sa amin.
"What's mima?" tanong ni Soleste.
Napatampal si Chelsea sa kaniyang noo. That's what you get for being talkative.
"Parang leader ng grupo nila. Parang siya ang mother nila o mas nakakataas sa kanilang lahat, kahit kabarkada pa nila iyong SSG president," explain niya.
"Kapag inaway ko ba, hindi 'yan iiyak?" inosenteng tanong ni Mariko.
Kinurot siya ni Chelsea. At dahil nasa gitna ako ng dalawa, nasagi niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang ako pinansin.
"Gaga! Mima nga, leader. Kapag pinalagan mo 'yan, ikaw ang uuwing luhaan. Sadista nga din daw e, nananampal," Chelsea hissed.
"Makikipaglapit ako para may tiga-protekta ako galing sa pando-dog show niyo sa 'kin," masama ang hibla ng mukha na sabi ni Kiko. "Katapusan niyo na mga amazona."
"Subukan mo, Ishikawa. Friendship over agad," sabi ni Chelsea.
"Joke nga lang e. Hindi na mabiro 'to," nguso ni Kiko.
Zavia looks intimidating for real. With her small eyes and straight face. She carry herself well, too, and that adds up to her intimidating look.
"Cadavid, Cielo Myrtle Z. With high honors."
"Boom! With high honors," nakangising sabi ni Mariko kay Chelsea.
Ngumuso si Chelsea pero nanatiling maaliwalas ang mukha. Halata namang masaya para sa kapatid, gaga talaga.
"Na two choppers, two hundred shots ka, Chels," biro ko.
"Talo ka pala e. Wala kang honors noong grumaduate ka, Chelsea," nakangising sabi ni Kiko.
Inirapan lang siya ni Chelsea. Umakyat si Cielo kasama ang parents nila. Kumuha ito ng certificate at medal. Ang Daddy nito ang nagkabit ng medal kay Cielo at hawak naman ng Mommy niya ang certificate.
"Dela Rama, Alzein Xyder M. With highest honors."
Punyeta. Ito lang pala ang may hawak ng titulo na with highest honors. Bakit hindi ko alam? I gulped. I mean, we haven't talked to each other for a couple days. At hindi niya rin obligasyon na sabihin sa 'kin.
Nagpalakpakan kaming lahat. Mayamaya pa ay umakyat na ito sa stage, kinuha ang certificate at medal. Nakipagkamay ito sa mga teachers. Nakakapagtaka lang dahil walang parents na kasama.
"Bakit walang parents? Sino magsasabit ng medal diyan?" tanong ni Mariko.
Nasa gitna na si Alzien, mahigpit ang hawak sa certificate at medal. Blangko lang din ang mukha nito at walang kangiti-ngiti. I heaved a sigh and stood up. Nagtatakang tumingin sila sa akin. Ngumiti lang ako at naglakad na paakyat ng stage. Nang makalapit kay Alzien ay kinuha ko ang medal nito sa kamay at ako ang nagsabit ng medal sa kaniya.
"Ngumiti ka."
Humarap ako sa camera bitbit iyong certificate niya at ngumiti. Pagkababa ng stage ay doon lang ako nakaramdam ng kaba. Naghiwalay rin kami agad ni Alzien dahil sa kabila uupo ang mga estudyante at guests naman sa kabilang side.
"Ano 'yon? Ha?" malaki ang ngiti na tanong ni Chelsea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top