Chapter Ten
NAGPALAKPAKAN at naghiyawan ang mga kaklase namin matapos ang defense namin. Thesis defended. Dito lang sa room ginanap ang defense at ang mga kaklase namin ay naghihintay sa labas.
"Ang galing!"
"Baka Alonzo namin 'yan!"
"Ikaw na, Rayzeah!"
"Itabi niyo, si Rayzeah na!"
"Manahimik nga kayo!" sigaw iyon ng class representative namin na si Aia. Matalino si Aia, maganda at may kaya sa buhay. Nababayaran ang tuition fee ng paaralan, hindi katulad ko na scholar lang.
"Kontrabida spotted," ngisi ni Chelsea.
Ramdam kong mainit ang dugo ni Aia sa 'kin, mula first day of school pa lang. Hindi naman kami magka-klase noong high school, hindi ko nga 'yan kilala. Sino ba 'yan?
"Slap niyo nga si Aia, nawawala ako sa mood," maarteng sabi ni Soleste at ipinalibot ang braso sa braso ko. Octupos siguro 'to sa past life niya.
"Magsi-upo na tayo," blankong sabi ko at bumalik sa upuan.
Nang dumating ang break time ay sabay-sabay kaming nagsikainan ng snacks sa cafeteria ng school. Magk-klase kaming lahat sa nag-iisang subject kahit iba-iba ang course kaya nagawa namin iyong defend ng sabay-sabay. Wala namang problema sa akin, mas komportable rin kasi ako sa kanila. Syempre, kakilala ko na e. Panatag na talaga ang loob, wala nang ilangan moments.
"Tignan niyo si Aia, ang sama ng tingin sa 'tin," may kalakasang bulong ni Mariko.
"Kaya walang kaibigan e, may lahi kasing angry birds," irap ni Chelsea.
"Huwag niyong ginaganyan 'yong tao, ang hirap kaya na walang kaibigan," ani ko.
"Tama!" sang-ayon ni Kiko.
Sinamaan siya ng tingin ni Chelsea. Ang init ng dugo nila sa isa't isa, baka sila na magkatuluyan niyan.
"Sipsip amp! Amin na nga 'yan, bakit naka-milktea ka tapos kami wala? Bawal 'to ah!" singhal ni Chelsea kay Kiko. Nagsisimula na naman sila.
"Para-paraan lang 'yan. Akin na ''an! Hindi na nga ako bumili ng snacks," reklamo ni Kiko.
Ang ingay punyeta.
"Atsaka may Japanese food pa ang gago. Hoy, pa'no mo pinuslit sa school 'to?" tanong ni Mariko.
"Ano ba guys, you know Kiko naman e, he's maparaan kaya," sabat ni Soleste na sinang-ayunan ko naman.
"Isumbong kaya kita sa professors natin? Tignan natin kung hindi ka magtanda," banta ni Chelsea.
Aso't pusa. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay magkaaway rin ang mga magiging anak nito. It's either kawawa ang anak ni Kiko or anak ni Chelsea. No one knows.
"Sa inyo na nga 'yan, mga babae talaga," iiling-iling na sabi ni Kiko at parang pinagsisihan na nagdala pa ng sariling snack sa school.
Bawal ang mga pagkain na binili sa labas dito sa loob ng school. Bawal lumabas ang mga estudyante, kasi may cafeteria naman dito kung gustong bumili ng pagkain. E ang kaso pasaway ang ibang estudyante dito at isa na doon si Kiko, kaya nagdadala ng sariling snack sa loob ng school. Hindi rin naman nahuhuli. Galawang hapon daw.
"Hoy saan mo 'to binili? Ang sarap," sabi ni Chelsea habang sinisipsip ang milktea ni Kiko.
"Sa amin 'yan. I made it personally from our ingredients. Bibili ka? Gawan kita. Libre shipping fee, ako maghahatid," sagot ni Kiko.
"Patikim!" inagaw ni Mario iyong milktea at tumikim rin sabay tango. "Ang sarap nga, in fairness!"
"Kung ikaw lang din naman maghahatid, pass na lang, nababanas na ako sa mukha mo, araw-araw ko ba naman nakikita," nandidiring sabi ni Chelsea at nagpatuloy sa pag-inom.
Inom sabay lait. Tamang behavior.
"Can I taste it? Pakilagay na lang here." Inabot ni Soleste ang empty glass na nilagyan niya ng softdrinks kanina.
Sinalinan naman ito ni Chelsea no'ng milktea na iniinom. Malinis lang pero walang arte. Napatango-tango rin ito nang matikman iyon.
"Masarap. Order ako, Kiko. Kaya ba four?" tanong ni Soleste.
"Isang araw? Easy," mayabang na sagot ni Kiko.
"Yabang mukha namang tikbalang," bulong ni Mariko.
"Yes. Ibibigay ko sa little brother ko, tapos 'yong rest is ilalagay ko sa fridge. I really like it when my milktea is matigas, pati na"rin those tapiocca pearls," explain ni Soleste.
Napapantastikuhan kong tinitigan si Soleste. Kapag bumubuka na ang labi, masarap na sa pandinig lahat ng sinasabi niya. Straight ako, sinasabi ko lang kung gaano kalamyos ang boses na mayro'n si Soleste. Kahit saan tignan, ang sosyal ni Soleste. Mula ulo hanggang paa. Halatang galing sa respetadong pamilya. I always compliment Soleste whenever I can because she's just too classy and pretty.
"Kailan mo kailangan?"
"Anytime you're not busy. Pakihatid nalang din sa bahay, thank you so much Kiko, you're so mabait talaga," ngiti ni Soleste.
"Utuin mo na ang lahat, Alvarez, huwag lang ako," ngisi ni Kiko na ikinairap ng huli.
"Huwag ka na lang bumili, Soleste. Ang sama ng ugali oh," ani Chelsea.
"Truth!" sigaw ni Mariko.
"Oy, oy! Joke lang naman," agap ni Kiko.
Matapos kumain ay sabay-sabay kaming nagligpit at nilagay sa basurahan iyong pinagkainan. Private school ito, may mga staffs, at may mga naglilinis bawat table. Pero iba pa rin kapag ikaw mismo 'yong gumawa, ikaw mismo 'yong naglinis sa sarili mong kalat, that's respect.
"Dito na kami," kumaway si Chelsea at Soleste sa amin.
Hindi sabay si Soleste at Chelsea, pero magkatapat ang classroom nila. Ako naman ay sa fifth floor pa ng building at kaklase ko si Mariko at Kiko.
"Chels," tawag ko sa pansin nito bago pa ito makaalis.
"Yes?"
Hinila ko siya sa tabi at hinayaan muna ang tatlo sa usual bardagulan nila.
"Akala ko ba hindi ka magf-first move dahil ma-pride kang tao? Bakit nakuha mo agad iyong med-tech student?" ngisi ko.
Namula ito at hinampas ako. Humigpit ang hawak nito sa bag at ngumuso.
"Ano kasi, chinat ko pagka-gabi. Sabi ko buti nalang nabalik ko agad 'yong ID niya, nagpasalamat naman. Tapos napunta na sa late night talks. Oy, hindi ako 'yong nag-aya ng date ha! Hindi naman ako gano'n ka desperada. Siya nag-aya ng date. Hindi naman talaga 'yon date, treat niya lang ako ng foods as a thanks for returning his ID," litanya niya.
"E bakit no'ng tinanong kita sagot mo date?"
"Echos ko lang 'yon."
"Wow. Nakipag-date ka, Cadavid? Akalain mo nga namang may pumatol pa sa 'yo," umakbay ang magkabilaang braso ni Kiko sa aming dalawa ni Chelsea.
"Remove your hands or I'll rip it," banta ni Chelsea na ikinanguso ni Kiko.
Now I get it. Nasabi na sa akin ni Kiko minsan naa nakakatakot daw talaga si Chelsea, literal na nakakatakot. Ngayon ay nakikita ko na kung bakit iyon nasabi ni Kiko.
"Naalala mo 'yong lalaki na humarang sa 'yo noong nakaraan, Rayzeah?" bumaling si Kiko sa akin.
Tumango ako. Iyong lalaking humarang sa akin at tinanong ako kung anong relasyon namin ni Chelsea. Sino ba 'yon?
"Si Miller. May crush sa 'yo iyon, Cadavid. Ayain ko ng shot puno 'yon mamaya, makakalibre pa ako ng alak," ngisi ni Kiko. Lasinggero.
"Hindi ko kilala. Ang ganda ko nga naman, may secret admirer pala ako," mayabang na sabi ni Chelsea at pinapayan pa kunyari ang sarili gamit ang kamay.
"Ang yabang," asik ni Kiko.
"Syempre, may maipagmamayabang ako e," ngisi ni Chelsea.
Pumagitna na ako sa kanilang dalawa dahil mamaya na naman iyan mattapos.
"Mauna na ako sa inyo. Sunod na lang kayo kung tapos na kayo sa session niyo. Bye."
Bago ako makaalis ay may tanong pa si Chelsea.
"Magk-klase kayo ni Aia 'di ba?" tanong ni Chelsea na tinanguan ko naman. "Mag-iingat ka sa babaeng 'yon, baliw 'yon e. Inggetera."
"Mag-i-isang taon ko nang kaklase iyon, Chelsea," pabalang na sabi ko.
"Ay, oo nga pala. Pero kahit na 'no! Mag-ingat ka pa rin, hindi natin alam ang tumatakbo sa utak ng babaeng 'yon everytime na nakikita ka niya."
Sumabad si Kiko sa usapan kasabay ng tango."May point si Chelsea, Rayzeah."
"Ayoko pang mawalan ng kaibigan, Rayzeah, kaya please mag-ingat ka. Be wary of your surroundings."
"Ako rin."
"Hindi ako mamamatay, mga punyeta kayo," inis kong turan na ikinatawa nila.
Nagpaalam na ako at umakyat. May elevator naman, pero ayoko. Mas gusto ko iyong inaakyat. Kapag napapagod na ay saka lang ako nage-elevator. Hindi ako mataba, hindi rin ako payat. Sakto lang. Matangkad rin ako at wavy ang mahabang buhok. Hindi singkit ang mata at maputi ang balat. Swerte na siguro ako kung maituturing kasi matangos ang ilong ko at natural pink ang kulay ng labi ko. Maldita raw ako tignan, lalo na kasi palaging blangko. Ngumingiti na lang ako ng pilit tuwing may nagsasabi sa akin ng gano'n.
Pumasok ako sa room dala ang bag at envelope. Umupo ako sa upuan ko at nilapag sa likod ko 'yong bag. Si Aia, kung titignan ay maayos naman siya. Kapag nakaupo mag-isa, tahimik at nagbabasa lang ay feeling ko ka-level niya na si Soleste na respetado. Pero kapag nagsimula nang bumuka ang bibig, magugulat ka na lang kasi hindi siya kung ano 'yong inaakala mo. Hindi ko alam kung may kaibigan ba o wala. Wala naman kasi sa kaniya 'yong focus ko, nasa pag-aaral.
"Alonzo."
Nag-angat ako ng tingin. Malditang mukha ni Aia ang bumungad sa 'kin. Nakataas ang isang kilay nito at nakahalukipkip.
"Bakit?" blangkong tanong ko.
"Masaya ka ba sa mga achievements mo?" tanong niya.
"Oo, bakit?"
Nagkibit ito ng balikat. "Wala naman."
"Ikaw? Masaya ka ba?" balik tanong ko.
"Hindi, paano ako sasaya e na sa 'yo na lahat? Nakakabwesit ka sa totoo lang. Hindi ka naman katalinuhan," direktang sagot nito.
Ibubuka ko pa sana ang labi ko nang padarag na umalis na ito sa harap ko. Achievements? Anong connect?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top