Chapter Sixteen

THAT double celebration ended smoothly. A week after that, we passed our last and final papers for this semester. The next week, our grades were announced. I was smiling the whole time our professors announced the highlights of our graduation after announcing our grades. When the professor left, I excused myself and went to the comfort room. Doon ay umiyak ako ng umiyak.

I've never been so proud of myself for doing good. Not until this.

Panay ang singhot ko habang nakaupo sa isa sa mga cubicle. I wanted to laugh at myself for crying out of happiness. All the hardships that I went through started appearing. Waves of memories came back. Bawat iyak at hikbi ay dala ang puot at hinagpis sa mga nagdaang taon.

Huminto ako saglit nang marinig ang pagbukas ng pintuan sa comfort room.

"Rayzeah? Nandito ka ba?"

Boses iyon ni Chelsea. I choke on myself. Mas lalo akong nakaramdam ng hinanakit. Bumalik sa akin ang kung paano ako abutan ng tulong ni Chelsea sa tuwing gipit ako. How painful it was and how thankful I am. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Silang lahat.

"Uy, magsalita ka naman. Tumatae ka?"

Sa gitna ng mga hikbi ay ang pagtawa ko. Chelsea found me in the last cubicle. Sa kaniyang likuran ay ang tatlo pang kaibigan. Akala ko ay tatawa si Chelsea pero pumalahaw siya ng iyak nang makita ang kalagayan ko.

"Hoy, bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Ngumiwi siya ngunit umaagos pa rin ang luha sa mga mata. Suminghot-singhot at nanginginig na hinawakan ang kamay ko.

"Sinosolo mo naman e. Nandito naman kami."

I looked at them individually. Soleste and Mariko is wiping their tears, too. And Kiko's eyes is red. I can't help but cry even more.

"Bakit pumasok ka rito? Comfort room ito ng mga babae," iyak ni Mariko kay Kiko.

"Babae na rin ako ngayon, sismars."

Chelsea embraced me into a tight hug. Nanginig ang labi ko.

"Chelsea..." I uttered.

"Nakaka-proud ka, alam mo ba 'yon? Hindi pabor sa 'yo ang panahon pero nagpursigi ka pa rin." Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Congratulations, Rayzeah. Summa cum laude. My favorite girlie."

Tuluyan na akong humagulhol. Nagsimulang mag-ingay ang tatlo pa at nakiyakap na rin. Rayzeah Carangevill Alonzo. Summa Cum Laude. Grabe. Ang sarap banggitin. Ang sarap sa pandinig.

All of what I did paid off.

"Hindi ko inakalang aabot sa ganito. Akala ko hanggang high school lang. Iyon ang plano. High school lang at diretso na trabaho..." humikbi ako. "Hindi ko kaya mag-aral at magtrabaho."

Humigpit ang yakap ni Chelsea. Si Chelsea na kaibigan ko. Si Chelsea na laging nasa likod ko. Si Kiko na sa pagkain bumabawi. Si Soleste na nagpapasakit sa ulo ko at si Mariko na matabil ang dila. Mean girls na maaasim.

"I've cried countless times... thinking what would happen to me if I stop." I trailed off. "Kapag nakikita ko kayong lahat, gusto ko na ulit magpatuloy. Kapag ako lang mag-isa, gusto kong sumuko. Ang lungkot mag-isa. Hindi ako lumiliban sa klase para palagi ko kayong nakikita. In that way, I could push myself to continue..."

Chelsea hardly breathes. I could even barely see anything. All I could think of is how to tell them what I feel. The longing inside me is slowly lifting up. Hindi naman lahat ng barkada masama ang impluwensya.

"Salamat... sa inyo. I dedicate this award to the four of you. Chelsea, Mariko, Soleste, and of course, Kiko."

I closed my eyes and remembered the time when Chelsea first handed me with a money. Nagtatalo pa kami no'n dahil nalaman niyang wala akong balak pumasok sa college. I didn't show any interest on entering college. Wala akong balak tanggapin ang perang iyon kung hindi lang personal na lumapit si Tito at Tita sa akin.

And then I met the other tree when first day started. Pare-pareho kaming freshman at naligaw. We found hope and solace in each other.We talk a lot, fought a lot, and have fun... a lot, too. We always got each other's back.

"Thank you for giving me the familial love I didn't know I needed. I hope we stay together as whole until death."

I thought I could do everything alone. Before. And I was proven wrong and I am guilty.

"We love love love you, Rayzeah. Always kaming proud sa 'yo. Alam naming independent ka sa mga bagay-bagay but that doesn't mean we won't help. Whenever we find a chance, please expect that we will," Soleste said.

"Palagi kaming nasa likod, handang tulungan ka sa kahit ano, Alonzo. Walang pagdadalawang isip, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang," Mariko then added.

"We're always available for you, Rayzeah. You shouldn't think and feel like you are neglected. Palagi kaming nasa tabi mo." Ginulo ni Kiko ang buhok ko.

"We were meant to be best friends, Rayzeah. Sabi ni Lord kailangan ko ng kaibigan dahil wala ako no'n at maarte rin ako pagdating sa mga tao. Lord knew I needed to have you in my life. I prayed for you, you know. I asked him to give me the kind of friend who loves one another the same I do. He placed you in that school to be my friend. Wala ni isang araw na pinagsisihan kong nakilala kita. You're always my favorite girlypop."

We cried to our hearts content. Natigil lang iyon nang magsalita si Kiko.

"Tama na ang iyakan. Pumuslit ako ng pagkain sa school, tara na," Kiko announced.

"Ikaw na talaga, Ishikawa. Kaya paborito kita, e. Let's go y'all!" Mariko went on.

We fixed ourselves first and stepped out. Pare-pareho kaming mugto at namumula ang mga mata. Kahit si Kiko ay walang takas, nawala tuloy ang mata. Tawa ng tawa si Chelsea at Mariko sa kaniya, nakayapos naman si Soleste sa akin at pinagmasdan namin ang tatlong nagkukulitan.

I guess I can finally admit and tell myself that I am not an orphan anymore. Mayroon akong sila. My little chaotic family.

Our day ended with so much fun. I went to work with a full blast energy and went home with a smile.

"THIS is it!" iyak ni Chelsea habang nakatingala sa gymnasium kung saan gaganapin ang program.

Ngayon ang araw na aakyat kami sa stage, bilang graduate students ng college. I'm glad I made it. I am so... glad.

"Pasok na tayo sa loob," aya ni Soleste.

First was the Processional. Sunod naman and Prayer, National Anthem at School Hymn. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak sa tuwa. Ilang beses naman na akong nakaiyak. Sa unang araw ng practice, tuwing gabi, at sa huling araw ng practice. Ganoon nga siguro kapag sobrang natutuwa.

"Sure na ba sina Ma'am na ig-graduate talaga si Ishikawa? Baka pwede pa magbago desisyon nila." Kulbit ni Chelsea sa 'kin at nginuso si Kiko doon sa upuan ng mga boys.

Katulad noong graduation nila Cielo ay hindi rin kami nakasunod sa attendance. Napag-praktisan naman namin lahat at ang sinunod nalang ay ang sitting arrangement namin sa room. Si Chelsea at Soleste, nag-request na sumabay sa aming mga business ad para tumabi sa 'kin. Hindi naman talaga pwede, ang kaso ay mapilit.

"Huwag ka ngang ano, Chels. Pero what if, right? Pwede pa naman," tawa ni Soleste.

Sobrang ganda nila sa make up nila. Hindi ko ikakailang maganda din ako, ang nag-make up kasi sa aming lahat ay si Soleste, since professional siya sa gano'n.

"Isusumbong ko kayo kay Kiko mamaya, mga hunghang," ngisi ni Mariko.

"Isasampal ko kay Kiko 'yong diploma at certificate ko, akala niya ah," mataray na sabi ni Chelsea.

Tinapunan ko sila ng masasamang tingin. Nakuha pang magtsismisan sa kalagitnaan ng program.

"Makinig nga kayo sa emcee," sita ko.

Umismid lang si Chelsea ngunit umayos naman ng upo.

"Karaoke tayo mamaya ah? Sa bahay nila Soleste, ang laki-laki kasi ng bahay kasya tayong lahat," ngisi ni Chelsea.

It's not even a house, it's a mansion. Nakita ko na pero hindi pa ako nakapasok. It was very huge and the last time I saw it was a long time ago. I wonder if they changed the exterior...

"Maraming guest rooms sa house namin, pwede kayo mag-sleepover doon if you want."

"Buti nalang talaga kaibigan ka namin. Expensive things." Nag-make face si Chelsea na ikinatawa namin.

Hindi ko na rin naiwasang hindi matawa. Chelsea is being silly again.

"Inspirational message na may halong katarantaduhan. Sino nagsulat niyan yayakapin ko lang ng mahigpit sa leeg." Bahagyang tumayo si Mariko para tignan kung sino iyong nagsasalitang estudyante sa harap.

I wanted to grab her hand. She's taking too much attention. Ako ang nahihiya para sa kaniya.

"Magsasalita ka mamaya sa stage, Rayzeah. Summa cum laude ang ating kaibigan. Hindi na ako nagtaka, Rayzeah Carangevill Alonzo na 'yan e. Sisigaw talaga ako mamaya, makikita mo," impit na tili ni Chelsea at sinundot-sundot ako.

Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ko masasabing hindi ko 'to deserve kasi alam ko sa sarili ko na naghirap ako at binigay ko talaga ang best ko para dito. I deserve this, I know.

"Ready mo na ba speech mo?" tanong ni Mariko.

"Hm, hindi nga lang masyadong mahaba. Masabi ko lang saloobin ko at pasasalamat ay ayos na."

Chelsea sighed and held my hand tightly. Kinakabahan siya. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay. Hinaplos ko iyon ng marahan at binigyan siya ng sinserong ngiti.

"Ang bilis talaga ng panahon 'no? Nakakalungkot. Magkakahiwa-hiwalay na talaga tayo ng landas. We'll take different path starting tomorrow. Mami-miss ko 'yong kulitan nating lahat. Huwag niyo naman ako kalimutan kung saan man kayo pupunta, utang na loob. Sasaksakin ko talaga kayo sa tagiliran kapag kinalimutan niyo ako," humagulgol ng iyak si Chelsea na sinundan naman ni Mariko at Soleste.

Hindi na kami araw-araw magkasama. We have to follow our dreams. We were inclined with different life goals. Magkikita at magkikita pa rin naman, iyon nga lang ay madalang na. It makes me sad, too, but that's life.

"Mapapakanta ka na lang talaga ng just how fast the night changes," sumisinghot na biro ni Mariko.

Dalawa ang graduation song namin. Best Day of My Life at Today My Life Begins. Tama ang sinabi ni Chelsea. Mag-iiba na ang takbo ng buhay namin pagkatapos nito. Hindi na katulad ng usual naming ginagawa na gigising sa umaga, mag-aayos at papasok sa school. Next month din, aalis na ako ng bansa, kasali ako sa mga dadalhin ng trabaho ko doon sa ibang bansa para sa bagong branch nito. Doon ay mas malaki ang sweldo kaysa dito at thankful din ako dahil provided na kami ng titirahan for a year.

"Cry niyo lang 'yan, water proof naman ang make up niyo so it's fine," sabi ni Soleste.

"Bakit hindi ka umiiyak, Rayzeah? Pusong bato ka ba? Grabe ka na," baling ni Chelsea sa 'kin.

Umiling ako. Hindi naman. Iiyak ako mamaya. Pinagpahinga ko lang ang mata ko dahil galing ako sa iyak noong nakaraan. Tapos mamaya ay sasabak na naman ulit.

"Mamaya na ako iiyak kapag nag-celebrate na tayo."

Matapos ang inspirational message na halata namang hindi nila pinakinggan ay sumunod na ang graduation song. Lahat ng estudyante ay tumayo na para kumanta.

Napaatras ako kaunti nang magsimulang kumanta ang mga estudyante at humagulgol naman ng iyak si Mariko at Chelsea. Hindi pa ba sila pagod?

"Umayos nga kayong dalawa, nakakahiya kayo," sita ko.

"Once in a lifetime experience lang 'to, ano! Lulubos-lubusin ko na pag-iyak. Lilibutin ko talaga itong buong campus bukas, promise 'yan," iyak ni Chelsea.

Hinayaan ko nalang sila at katulad ng iba ay kumanta. Ngumiti ako at dinamdam ang lyrics ng kanta. Pakiramdam ko may kulang na sa puso ko. It's filled with happiness mixed with sadness. School is worth it.

Umupo ulit ang lahat nang i-announce ng emcee na awarding of acedemic awards na. Namawis ang kamay ko lalo na nang tawagin ang pangalan ko.

"Rayzeah Carangevill Alonzo from the University of Carmel. Bachelor of Science in Business Administration - major in Entrepreneurship. Summa Cum Laude." I gasped and stood up. "Let us all give around of applause!"

Habang paakyat ng stage ay narinig ko pa ang sigaw ni Chelsea.

"Hooh! Baka friendship ko 'yan! You go girl!"

I placed the paper I was holding in the podium. I wandered around. Maraming tao. Libo-libo. And I am going to say this speech in front of this thousand people.

"Good day fellow students. College journey was never easy, but I'm glad to say we made it. Way back when I was in my first year, sobrang kaba ko unang apak pa lang sa loob ng gate. Iba't-ibang scenario agad ang pumasok sa isip ko. We tend to make things on our mind, at kadalasan ang mga nangyayari sa totoong buhay ay kabaliktaran ng iniisip natin. In the middle of the school year, I doubted myself if I can make it. Hindi talaga maiiwasan ang kagipitan, sobrang hirap kapag dumating ka sa point na 'yon. You'll start to overthink about your future.

"Some of you knows me, lalo na iyong mga naging blockmates ko. Nagtatrabaho ako sa gabi pero hindi pa rin maiiwasan ang kagipitan. But I was thankful I have friends, who helped me through my college journey. They helped me financially tuwing dumadating sa point na walang-wala na talaga ako. It is, indeed, hard to be a college student, at the same time masaya. First day of school, ang motto, "Never give up", sa kalagitnaan ng pag-aaral, iyong motto mo mag-iiba. From "never give up" to "makulay ang buhay kapag sumakabilang buhay" real quick," ani ko na ikinatawa naman ng lahat.

I let out sa nervous laugh. Naiiyak ako. Gusto nang kumawala ng hikbi sa aking bibig. I manage to compose myself to say the last paragraph that I have to say.

"To all the teachers, professors, thank you so much for all of the lessons. To the faculty and staffs, big thanks to all of you. To my fellow students, stand for the choice you choose. Good luck to your after college journey at magkita-kita tayong lahat sa reunion. I, Rayzeah Carangevill Alonzo, class of 2013 to 2014, Summa cum laude, from the University of Carmel, finally signing off as a college student." Pumiyok ako. "Thank you and congratulations!"

Nag-init ang bawat sulok ng aking mga mata nang tumugtog ang graduation song namin kasabay ang pagtayo ng mga estudyante. Palakpakan, sigawan at pagbato ng kani-kanilang toga sa ere.

I watched from the stage as the students beamed in joy. Kinuha ko ang aking toga at tinitigan iyon. Humikbi ako. Sunod-sunod. Nanlalabo na ang paningin. At niyakap iyon ng mahigpit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top