Chapter Six

SABAY kaming lumabas ng apartment. Wala akong klase sa umaga kaya nagpa-late ako ng gising. Nagising siguro ako nang malapit na magtanghalian. Paglabas ko nga ng kwarto may nakahanda ng home-cooked dishes. Made by yours truly, the kid who solves rubik's cube in just three seconds.

"Pupunta ka na sa school niyo?" tanong ko habang naglalakad sa palabas ng gate.

"Hm."

I bit my lip. Bigla kasing pumasok sa utak ko iyong fresh look niya kanina na nadatnan ko. Ang gago naligo at ginamit ang gamit ko. Nataranta nga ako dahil baka may nakasabit pa na panty at bra doon. Buti naman wala no'ng tiningnan ko.

"Nabayaran mo na ba landlady namin?"

"Already did."

Napanguso ako sa tipid ng sagot nito. Ganito ako madalas. Nakakainis din pala.

"May sinabi ba? O tinanong?" tanong ko.

"Hm. Tinatanong niya kung nabuntis ba kita o boyfriend mo ako," salubong ang kilay na sagot niya.

Seriously? 'Tsaka halata namang mas bata itong si Alzien kaysa sa 'kin, at hindi ako pumapatol sa bata. Pumapatol ako kapag nag-iinit ang ulo at dugo ko sa kanila.

"Hindi ka naman daw nagpapapasok ng lalaki sa apartment mo ng kung sino. I was the first man she saw that had entered your apartment," dagdag niya.

Gano'n? Kapag nagpapapasok ng lalaki sa tinitirhan, nabuntis agad? Boyfriend agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang? Bakit ba napaka-malisyoso ng mga tao ngayon? Parang hindi na safe ang reputasyon mo tuwing may nakakasama kang lalaki. Iba agad ang iisipin. Is it a sin to befriend a man? A woman? Dapat lahat may malisya na? I don't get it.

"Huwag mo na pansinin. Magta-taxi ka?"

"Oo."

"Maghintay ka diyan. Magb-bus ako e, bye."

Naglakad na ako paalis, papunta sa terminal. Hindi naman gaano kalayo, mga three hundred steps lang, kidding.

"Sama ako."

Napahinto ako nang may humawak sa laylayan ng damit ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at winaksi ang kamay niya na nakahawak sa 'kin. Nakukusot pa ang damit ko e, pinaghirapan ko pa naamng i-plantsa 'to. Hiling ko na sana hindi niya muna ako gagohin ngayon dahil hindi ako magdadalawang isip na ihatid siya kay San Pedro.

"Sabi mo magta-taxi ka?"

"Akala ko kasi sasakay ka."

"Hindi ako ma-pera na kagaya mo," may bahid ng inis na sabi ko.

Nagulat siya do'n pero napalitan rin agad ng pagsisi ang mukha. He tried to hold my arms but I took a step back, preventing him from doing so.

"Sorry. Let's ride a taxi, ako na magbabayad para sa 'tin. Payment for letting me sleep on your home."

"Nagluto ka na kagabi. Tantanan mo na ako please, natulungan na kita."

"Ayaw."

Anong ayaw? Oh, my God. I don't want to be a babysitter.

"Fine. Tara na, baka ma-late ka pa. Last mo na 'to."

Hinila ko ang kamay nito at bumalik sa pwesto niya kanina. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang taxi na siyang sinakyan namin. Pagpasok ay nagbayad agad si Alzien. Unang hinatid ng taxi driver si Alzien since madadaanan lang naman namin ang school niya.

"Ihatid mo 'yan ng walang gasgas, Manong, ah. Kapag 'yan nagasgasan o may ginawa kang masama diyan, hahanapin kita at hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin."

Napalunok si Manong nang sabihin iyon ni Alzien. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito at may diin ang bawat katagang sinasabi. Nagulat ako nang tumingin ito sa 'kin at matamis na ngumiti. Winagayway pa nito ang kamay nang magsimula nang umandar ang taxi.

"Kyah! Naka-kotse ka, Rayzeah! Basta talaga naka-sahod ano?" salubong ni Chelsea habang papasok ako ng campus, nakaupo siya malapit sa guard house at mukhang hinihintay talaga ako.

Hindi ko pa nga natatanggap ang sahod ko e. Good mood siguro ako ngayon kung natanggap ko kagabi.

"Dami mong sinasabi," angil ko.

"Mall tayo mamaya? Libre ko! Binigyan kami ni Cielo ng extra allowance ni Daddy, syempre secret lang kay Mommy, uusok ilong no'n sa galit at malalagot kaming tatlo." Ikinawit nito ang braso niya sa braso ko.

"Kung swimsuit lang din naman ang bibilhin mo para sa 'kin, pass na lang."

"Hindi! Ayoko sayangin ang pera ko sa gamit na alam ko namang hindi mo gagamitin 'no! Bibilhan kita ng mga anime tee shirts tapos summer shorts tapos mga libro, gustong-gusto mo ang mga gano'n e."

How I appreciate Chelsea for remembering all my liking. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang braso niya na nakakawit sa 'kin.

"Romance book ba 'yan?" tanong ko.

"Yeah, something like that. Bilhan na din kita ng cook book, para matuto ka naman ng mga basic recipe. Mga alam mo prito-prito lang e," maasim na ani niya.

"At least 'di ba may alam? Ikaw, anong alam mo?" I fired back.

"Hoy marunong ako magluto ah! Tinuruan kaya ako ni Mommy, gusto mo paturuan kita kay Mommy?"

"Nakakahiya pero pwede rin," kibit balikat na sagot ko.

"Sus, kunyari nahiya pa siya. Okay then, it's set. Sa Sunday, punta ka sa bahay. Walang work si Mommy no'n."

"Nakakahiya naman talaga pero sige."

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa room. Hindi kami magk-klase ni Chelsea pero halos araw-araw ay hinihintay niya ako sa gate para lang sumabay ng paglalakad sa kin hanggang sa school grounds. Naghihiwalay lang kami ng paglalakad kapag nasa grounds na. As usual, habang naglalakad ay kung ano-ano ang sinasabi ni Chelsea. Hindi talaga 'to nawawalan ng sasabihin.

"May crush na ako, Rayzeah!" parang batang tili niya.

"Linggo-linggo ka namang nagpapalit ng crush," blankong ani ko.

Sumimangot ito sa sinabi ko. I was just stating the fact though. Linggo-linggo at buwan-buwan 'yan nagpapalit ng crush. Basta makakita lang ng lalaking naka-mullet wolfcut ay automatic na crush niya na 'yan, kahit naka-mask pa 'yan basta gano'n hairstyle, automatic na talaga.

"Grabe ka ah, hindi kaya. Matagal ko nang crush 'to! Magt-tatlong buwan na, normal pa ba 'yon? Halos araw-araw na nga din ako sa kainan nila para lang makita siya," mangiyak-ngiyak na sumbong niya.

Punyeta. Hindi na 'yan normal. Hindi na 'yan basta-bastang crush lang.

"Anong araw-araw? E magkasama naman tayo araw-araw," nagtatakang sabi ko.

"Hindi! Tuwing lunch sa kanila ako kumakain. Ang sarap kasi tapos ang gwapo niya pa. Alam mo 'yon? Naka-wolfcut. Kamukha niya si Miyamura, Rayzeah!" tumili ito ng malakas na naging dahilan para lingunin kami ng iba pang estudyante.

"Kaka-anime mo 'yan," kaltok ko sa ulo nito.

"Three months ko na ngang gusto! Ang kaso hindi ko pa rin alam pangalan. Kaklase kaya 'yon ni Soleste, kaso ang gaga ayaw ibigay sa 'kin ang pangalan," nalukot ang mukha nito at inis na inis. "Pero ang gwapo niya talaga. Mukha siyang badass. Nagd-drums 'yong heart ko kapag nakikita ko siya."

"Tapos? Anong gagawin ko?"

"Pilitin si Soleste hanggang sa magsalita. Pipilitin o pipilipitin ang leeg."

Sinita ko agad ito at mahinang hinampas ang braso niya. Mga taong in love nga naman.

"Kantahan na ba kita ng Kiss It Better by Rihanna?" biro ko.

"Ah? Ano 'yon?" nguso niya.

"What are you willing to do? Oh, tell me what you're willing to do?" kanta ko sabay halakhak.

Tumatawang hinampas ako nito. Mayamaya pa ay napatigil ito at impit na tumili sabay hampas ng hampas na naman ulit sa 'kin. Abnormal. Baliw. Bipolar.

"Nakakasakit ka na, Chelsea," sinamaan ko siya ng tingin.

"Sorry. Kita mo 'yon? Siya 'yon!" nagtititili siya at sumayaw-sayaw pa.

Tumingin ako sa harap namin. May pasalubong na naglalakad, lalki at babae. Iyan na 'yon? Gwapo nga pero mukhang taken naman na. Ano 'yan? Payag siya maging kabit?

"Alin? 'Yong may kasamang babae?" turo ko.

"Hindi, gaga. 'Yong nasa likod, iyong may hawak ng bag na itim. Kapag may lumapit na babae diyan, sasabunutan ko."

Iyon ang true definition ng badboy na gwapo. Gwapo nga.

"Nakakadiri ka, eskandalosa. Kilala ko 'yan."

"Oh, my God! Tell me! Anong pangalan?!"

"Joke lang," huling sabi ko at iniwan siya roon.

Nakasalubong ko iyong sinasabi niyang crush niya. May nakasabit na ID sa leeg nito. Pasimpleng nagbaba ako ng tingin at lihim na napangisi nang mabasa ko ang pangalan nito. Red flag 'yong pangalan, nagsisimula sa letter 'J'. Just kidding. Jehovah. Nice name.

"Oh? Muntik ka na ma-late ah, kadalasan naman mas nauuna ka pa sa 'kin. May nangyari ba?" Umupo si Kiko sa harap ko nang umupo na ako sa upuan ko.

"Hindi ba pwedeng na-late lang ng gising?" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Nagbibiro ka ba? Mas nauuna ka pa nga sa tilaok ng manok. At afternoon class lang tayo ngayon, napaka-imposible talaga. May nangyari nga?" pangungulit niya.

People is really testing my patience.

"Mangulit ka pa, Ishikawa, ihahampas ko sa 'yo itong bag ko."

"Aping-api na talaga ako sa inyong mga babae. Hindi ko alam kung bakit kayo ang kaibigan ko e," may bahid ng tampo na sabi niya at umalis sa harap ko

Ang arte. Mayamaya niyan mag-iingay na naman 'yan, vibes sila ni Chelsea, ang kaso lang ay mas lamang ang away sa kanilang dalawa. Si Mariko naman mahilig mag-live sa Facebook 'yon, kaya minsan lang sila kung mag-inisan ni Kiko. May pagka-streamer din kasi 'yon, minsan vloggerist. Si Soleste naman palaging nakasampay ang braso sa braso ko tuwing magkasama kaming apat, pinag-aagawan nga ako minsan ni Chelsea at Soleste, hindi ko rin alam kung bakit. Matured kaunti ang mindset ni Soleste, pormal din siya at hindi pumapatol sa isip bata na kagaya no'ng tatlo, well, minsan. Magkakasagutan sila ni Ishikawa, limang beses sa isang taon. Tapos heto ako, ako na walang pakialam sa mga pinaggagagawa nila.

"Ang haba ng nguso ni Ishikawa, he looks like pato," si Soleste naman ang pumalit sa pwesto ni Kiko kanina.

"Wala kang klase?"

Sa kanilang lahat, si Soleste lang ang medyo matino kausap. Medyo lang. Nak-conyo-han kasi ako sa pananalita nito. Anak mayaman kasi, isa pa sa ibang bansa lumaki, kaya medyo conyo talaga siya.

"Later at three pa. Hanggang five PM ang class ko today. But no need to worry, Kiko is going to wait for me even though hanggang four lang ang class niyo today."

Yep, Kiko is that caring for all of us.

"Hayaan mo siyang magmukhang pato diyan."

"Got it. Shopping daw tayo later with Chelsea and Mariko. Huwag na natin isama si Ishikawa, he's so dugyot kasi and just plain nakakadiri na alien," maarteng sabi niya. "Meet up na lang tayo sa mall."

"Narinig ko 'yon!" sigaw ni Ishikawa.

"Wala akong care! Wait, what's care in Tagalog again? Nevermind. Shut up ka diyan, Ishikawa. Nagte-tell lang naman ako ng totoo!" sigaw pabalik ni Soleste na ikinasakit ng ulo ko.

Ang conyo talaga, Soleste. Hindi ko siya masisisi, lumaki siyang ganiyan. As a friend, tanggap ko ang lahat sa kaniya. Sa kanilang lahat, tanggap ko ang kabaliwan nila. Pero talaga namang nakakasakit ng ulo kapag naririnig ko siyang magalita. Minsan hindi ko pa siya maintindihan.

"Libre ni Chelsea later, lusub-lusubin na natin, sometimes lang siya ganiyan."

"Lubus-lubusin," napahilot ako ng sentido.

"Iyon nga, lusub-lusubin," matamis na ngumiti ito sa 'kin.

Nararamdaman kong gusto kong i-stapler ang bibig niya. Napailing ako saka binuksan ang libro at nagsimulang magbasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top