Chapter Seventeen

PAGKATAPOS ng graduation ay plano kong umuwi muna sa apartment para magbihis. Nang sabihin ng emcee ang salitang recessional ay tumayo na kaming lahat at handa nang lumabas. Paglabas ay nagkalat agad ang mga estudyante, hinahanap ang mga magulang o 'di kaya ay kaibigan. Picture-picture at marami pang iba.

Nakatayo lang ako katabi ang pamilya ni Chelsea. We took a lot of photos, too. Chelsea and her parents, me and her parents, then the four of us. Sumali si Cielo pagkatapos.

"You did great, Rayzeah. We're so proud of you," ani ng Daddy ni Chelsea.

Natutuwang ngumiti ako.They attended this event not only for Chelsea but for me, too. Napupuno ang dibdib ko. Bumibigat na rin kaya huminga ako ng malalim upang kumalma.

"Thank you po, Tito."

Chelsea went in between Tito and I with a frown. Ngumisi siya sa 'kin at sinamaan naman ng tingin si Tito.

"Dad! What about me? Hindi ka ba proud sa 'kin?" nakasimangot na tanong ni Chelsea.

Inayos ni Tito ang damit ni Chelsea. I noticed the smiling faces of Cielo and Tita.

"Of course, Anak. Daddy's proud of you too."

Chelsea giggled. Pumulupot sa aking ang braso niya at malawak ang ngiti.

"Akalain mo nga namang nag-cum laude ka pa, Ate. E math problem nga ng grade three student hindi mo kayang sagutan," asar ni Cielo.

"Mommy oh!" sumbong ni Chelsea.

"Mahiya nga kayo. Ang daming tao oh," sita ni Tita.

The two went silent. It's my cue to say my goodbyes to them. Magkikita naman kami mamaya. And maybe by tomorrow, I'll start arranging things. Balak kong bumisita sa kinalakihang lugar bago umalis ng bansa.

"Aalis po muna ako, Tita, Tito. Kita-kita na lang tayo mamaya sa bahay ni Soleste, Chels. Bye, Cielo!" I waved.

"Ingat, Ate!" pahabol ni Cielo.

Bago ako makaalis ay may binigay pa si Tito at Tita na gift sa akin. A surprise gift and a bouquet of tulips. Ang cute. Wala naman akong inaasahang kahit ano kaya tuwang-tuwa ako nang tanggapin iyon.

I gathered my things and bid my goodbye for the second time. Pinuntahan ko muna ang room para tignan iyon sa huling pagkakataon. Wala sa plano ko ang bumalik bukas o sa susunod na araw. I'll be very busy for the following days.

I saw Aia in the corner fixing her things. Siya lang mag-isa. I wanted to leave but then I don't want to leave school without clearing things between Aia and I.

"Aia..."

Tumigil siya ngunit hindi ako nilingon. I realize she was crying when her shoulders shaken.

"Anong kailangan mo?" matigas niyang tanong.

"Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali but I am here to apologize for it. I am deeply sorry if I did something that made you hate me this way. That made you feeling like that. I have no hard feelings. I want to live free. Pasensya na."

Aia turned to me with red eyes and nose. Namilisbis ang luha sa kaniyang mga mata. She looked embarrassed. Nagbaba siya ng tingin.

"I'm sorry. Wala kang ginawa. I guess I was just jealous because you can pull off things I couldn't. Pasensya ka na sa pagiging immature ko... at salamat."

Ngumiti ako. I said a few comforting words and later on congratulated her for being a magna cum laude graduate. Aia is honestly smart and I have no doubt about that. Lumabas ako at nakahinga ng maluwag. I murmured 'finally' and started walking.

"Congratulations, Miss Summa Cum Laude," salubong ni Alzien sa akin nang papalabas na ako ng campus.

Sumikdo ang puso ko. I didn't expect him to be here nor to watch the entire event. At... ang gwapo niya sa suot niyang polo shirt na puti at itim na slacks.

"Thank you, Mr. With Highest Honor," natatawang sabi ko.

May dala itong boquet at dalawang gift paper bags. I stared at the flowers he's holding. White roses.

"For you," he winked. "On the second thought, I'll carry this for you. Uuwi ka na? What about celebration? I'm... free."

Tumango ako sa una niyang tanong.

"Thank you, nag-abala ka pa. Magbibihis ako sa apartment. Pupunta ako kila Soleste mamayang gabi, doon kasi kami magce-celebrate lahat."

Tumayo siya sa aking tabi at kinuha ang mga bitbit ko. Sinukbit niya ang bag ko sa isang balikat. His other hand is carrying my gifts and the flowers.

"You like tulips? Can I come? I don't have much to do..."

I have no specific favorite when it comes to flowers. I rarely receive them, too.

"Bawal outcast," biro ko.

Napahawak ito sa dibdib na parang nasasaktan. OA plus siguro ang blood type niya.

"Biro lang, arte nito. Sasama ka sa akin mamaya, para makatipid ako."

He went on with his drama.

"Ginagamit mo lang pala ako. I'm hurt."

Tinampal ko ang braso nito.

"Before that, let's take a picture. Hindi ako nakapagpa-picture sa 'yo kanina kasi masyado kang famous at maraming nagpapa-photograph sa 'yo," nagmamaktol niyang sabi.

It's not even true. Hay naku, bata nga naman. Inilabas nito ang cellphone na latest at itinutok sa amin ang front cam. Ngumiti ako at ganoon din siya. Nakailang click pa ito bago nakuntento.

"Full body shot tayo mamaya sa apartment mo, ayoko ng mukha lang."

"Arte," bulong ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Napansin kong ibang kotse na naman ito. Ilang kaya collection niya? Papalit-palit kasi. Nakita ko agad ang iba't-ibang uri ng rubik's cube sa dashboard ng sasakyan niya.

"So, you like tulips?"

I made myself comfortable in the passenger seat before giving him an answer. He's leaning against the car door frame, patiently waiting for my answer.

"No specific, but they're beautiful. Kahit anong uri naman ng bulaklak, naa-appreciate ko kapag binigyan ako."

He licked his lower lip with a smile. Nalulunod ako sa uri ng titig nito.

"Ang ganda mo."

Nag-angat ako ng tingin at pinakawalan ang malawak na ngiti. Kinikilig na talaga ako sa mga banat ng batang ito. And if this goes on, I'll be in a tight situation.

"Ngayon lang," ani ko.

Amusement dance in his eyes. The urge to hug and kiss him is- wait, what? Namula ako sa naisip. Humalakhak si Alzien sa reaksyon ko.

"Mas maganda ka kapag walang make up, pero bumagay naman sa 'yo ang make up mo. You're so pretty."

"Ah, salamat."

Mahinang tumawa na naman ito. Pagdating sa apartment ay ginawa nga namin ang whole body picture. Nang makapagpalit at mabura ang make up sa mukha ko ay lumabas ko ng kwarto. Natagpuan ko si Alzien na nakaupo sa sala at ginagawa ang rubik's cube niya.

"Tapos ka na?" nag-angat siya ng tingin sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Mula sa pagkakasandal ay umayos siya ng upo.

Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin kaya tumalikod ako at humarap sa salamin upang ayusin ang buhok. I tied my hair into a bun. Sa itaas ay may cabinet at nakalagay doon ang mga ginagamit ko sa katawan. It's not skin care. Just lotion, liptint and such. Naghihirap na nga ako bibili pa ako ng skin care? Ni wala nga akong sunscreen.

"Oo. Mamayang six pa ako pupunta, four pa naman. May bibilhin ako sa mall, sasama ka?" tanong ko.

Tumayo agad ito at lumapit sa pintuan. Binuksan ang pintuan at hinintay na maglakad ako palapit.

"Palagi naman," pabirong irap ko.

Balak kong pumunta sa orphanage bukas agad, kaya bibili ako ng ilang pasalubong para sa mga bata doon. Dadalhin ko rin iyong mga medals ko, pati diploma at certificate. Isasama ko na rin pati toga. I want to see the proud smile of the nuns who took care of me. Their smile matters to me, a lot.

Inabot kami ng halos isa't kalahating oras sa pamimili. Alzien insisted to pay, but I didn't let him. Pasalubong ko 'yon e, pera ko dapat ang gagamitin. And I saved for this day. Dumiretso na kami sa bahay ni Soleste after naming mabili lahat, hindi naman kasi masyadong marami, enough for the kids there in the orphanage.

"Woah, Dela Rama, nandito ka na naman," manghang sabi ni Cielo nang makita si Alzien.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.

May kung ano kasi itong hinahalo sa isang medium sized na icebox. Ang unang napansin ko ay mga gummy bears.

"Alak. Gusto mo tikman?" tanong ni Mariko.

We're drinking? It would be my first time and... sa tingin ko kaya ko naman. Ang kaso ay may pupuntahan ako bukas. Hindi ako pwedeng malasing.

"Pass, ayoko ng hangover bukas, may pupuntahan pa ako," iling ko.

I felt Alzien behind me, taking a peek at the icebox. Humawak siya sa baywang ko bilang suporta. Gusto ko siyang sitahin dahil baka makita ng iba pero nahihiya ako. I saw Mariko's eyes moved and pretended she didn't saw Alzien's hand in my waist. She cleared her throat but there's a ghost smile in her lips.

"Ang kill joy naman nito. Safe tayo, tayo-tayo lang naman. Kapag may ginawang masama itong si Ishikawa ipapabaril natin sa bodyguard ng Daddy ni Soleste," asar na sabi ni Mariko.

Umalma agad si Kiko at tinanong kung bakit siya. It's not that I don't trust them. May lakad nga ako.

"Syempre, ikaw lang mukha manyak dito e. Tignan mo 'tong mukha ng dalawang 'to, mukha ba mga manyak?" turo ni Mariko kay Alzien at doon sa kapatid ni Soleste. "Hindi. Mas mukha ka pang manyak."

Lumalalim na gabi kaya gumawa na ng bonfire si Ishikawa sa bakuran ng bahay nina Soleste. Kumuha rin sila ng mga upuan at pinalibutan namin iyong apoy na gawa ni Ishikawa. Pinagtulungan pa ito ni Alzien at ng kapatid ni Soleste.

"Ayoko nga uminom," asik ko.

Nasa harap ko na ang shot glass. Naaamoy ko pa lang ay gusto ko ng masuka.

"Ano ka ba, live your life nga! Minsan lang 'to. Sige na," pilit ni Mariko.

"Ayaw," iling ko.

Hinalo-halo nila 'yong mga alak kanina, ano nalang mangyayari sa tiyan ko niyan? Baka iyan pa cause of death ko, no way.

"Ako na lang ang iinom sa shot niya," sabat ni Alzien.

Humalakhak si Mariko at binigyan ako ng malisosyang tingin.

"Kay Rayzeah na, tol. Safe naman 'yan. Proven and tested. Try mo na," Kiko pursued.

"Kita mo na, mukhang manyak," sabi ni Mariko.

Nawala tuloy ang ngisi ni Kiko. Sumimangot ito at may binubulong na kung ano-ano.

"Inom na, Alonzo. Ito naman, tayo-tayo lang e. Isa pa, dito naman tayo matutulog, bilis na! May gamot din para sa hangover si Soleste, magiging maayos din ang lahat," nakangisi din si Chelsea habang sinasabi niya iyon.

Bakit parang nagdududa ako?

Umirap ako at tinanggap iyong shot glass. Ngayon ay tig-iisa na kaming lahat ng baso, kasama pati si Alzien at iyong little brother ni Soleste. Ang alam ko isang shot glass lang kapag inuman?

"Ano ba 'yong pinaghahalo niyo?" tanong ko.

Masyadong marami ang nasa icebox at sa tingin ko ay aabutin kami hanggang madaling araw kung uubusin. Hindi naman siguro.

"Alak 'yon lahat. Sarap nga, hindi na kailangan ng chaser," ngisi ni Mariko.

Dumating si Soleste at sa kaniyang likuran ay mga kasambahay. They politely put the plates in the table and bowed to us.

"Here's the food you guys. Putulan."

"Pulutan 'yon, putulin ko dila mo e," maangas na sabi ni Mariko.

Akala mo good girl, iyon pala bad girl. Literal na don't judge the book by its cover. Sa huli mo talaga makikita ang tunay na pagkatao ng isang tao. Katulad ni Mariko.

"Tutal gabi na naman, at nandito tayo sa bakuran ng bahay nila Soleste, bakit hindi tayo mag-kwento about sa mga creepy experience na na-experience na natin?" suggest ni Kiko.

Tinitigan ko sila isa-isa, sinubukang baunin ang masasaya nilang ngiti.

"Mag-kwento ka mag-isa mo, gago— aray naman, Chelsea! Hindi ko na nga aawayin, simulan mo na, Ishikawa," naaiinis na sabi ni Mariko habang hinahaplos ang braso.

Kiko gulped his drink in just a snap. Ganito ba silang lahat kalakas uminom? I saw Chelsea sipping her drink. Chelsea drinks occasionally.

"Sa ano, doon sa abandoned building doon sa school, totoo nga na may babaeng umiiyak do'n. Punyeta e naranasan ko isang beses, pinaglinis ako ni Prof. doon tapos mayroon nga."

"Nakita mo?" kyuryusong tanong ni Soleste.

Ang bilis ma-attach ni Soleste sa story, kaya minsan rin nauuto.

"Hindi. Iba 'yong iyak e, creepy. Parang 'yong mga horror movies sa Japan. Nagwawalis ka lang tapos may biglang bubulong, kapag hindi mo naman pinansin bigla-bigla may gugulong na marble sa 'yo tapos susunod na iyak. Kingina akala ko kamatayan ko na 'yon!" nanginginig na sigaw ni Ishikawa at uminom.

Kiko then turned to me and asked. Sinasali na naman ako.

"Ikaw, Rayzeah? May experience kang gano'n?"

"Wala, mahilig ako magdasal, palagi rin akong present sa simbahan," sagot ko.

"Ay wow, banal," palakpak ni Mariko.

Paunti-unti ay umiinom ako sa inumin ko. Hindi naman pala masama. Masarap tapos kapag nalunok na mapait. Naintriga ako no'ng makita ko si Kiko na diretso lagok kaya ginaya ko iyon. Agad ko ring pinagsisihan kasi ang pait tapos ang init pa sa lalamunan. Bwesit! Umulit ako ng dalawang beses, sinusubukang sanayin ang sarili. Sumubok pa ng isa na agad ko ring pinagsisihan dahil mapait pa rin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Alzien na katabi ko.

Wala sa sariling tumango ako kahit ang totoo ay hindi.

"Pahingi pa," inosenteng sabi ko.

Agad din naman nila akong binigyan na parang normal na gawain na nila 'yon. Masarap e, lubus-lubusin ko na. Minsan lang 'to. Matagal na ulit bago ko ma-experience ito.

Nang makaramdam ng pagkahilo ay nagpaalam na ako sa kanila na papasok at magpapahinga na.

"Grabe naman, Rayzeah, kulang pa 'yon. Anim na shot lang 'yon!" sigaw ni Mariko.

"M-mapait sa lalamunan," papikit-pikit kong sagot, nakakaramdam na rin ng antok.

Hindi na rin naman nila ako pinilit. Humikab ako at tumayo. Dumadalawa sa paningin ko ang apoy na nasa harapan.

"Baka maligaw ka, Rayzeah. 'Yong first door na makikita mo sa second floor, that's the guestroom," sabi ni Soleste.

May humawak sa kamay ko. Ibabalya ko sana pero mahigpit.

"Hatid ko na," rinig kong sabi ng katabi ko.

"Lasing ka na rin, Dela Rama. Kaya mo ba?"

"Kaya, sobrang liit lang naman nito kumpara sa akin."

Hambog! I wanted to shout it to him.

Para akong hinihele habang buhat ng kung sino. Pamilyar ang amoy. Si Alzien. Gustong-gusto ko talaga ang amoy niya. Inaantok ako.

"S-saan mo ako dadalhin?" inaantok na tanong ko.

"Sa guestroom, huwag ka malikot..."

Nalalasahan ko pa rin ang alak sa bibig ko. Gusto ko pa sana pero mapait. Sa susunod lagyan nila ng maraming asukal.

"Uwi... ako."

"Uuwi tayo bukas. Hindi ako pwedeng magmaneho, baka madisgrasya tayo sa daan."

Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at naramdaman ko na lang ang malambot na kutson sa likuran ko.

"B-babalik ka d-doon?" tanong ko.

"Oo. I'll stay if you don't want me to go back."

Ang gwapo ni stranger.

"Hm, s-salamat."

Tumahimik ang paligid. Pinaypayan ko ang sarili.

"Naiinitan ka?"

Akala ko ay umalis na ito pero hindi pa pala. Umiikot man ang paningin at masakit ang ulo ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Nakita ko siyang naka-upo sa kama na kinahihigaan ko.

"M-medyo. Bumalik ka na d-doon, ayos na ako dito."

Inabot ko ang katawan nito para itulak ito pero dumulas lang iyon pababa sa tiyan niya. Ano ba 'yan? Ang tanga naman ng kamay na 'to.

"Kita mo 'yon? Ang tanga ng kamay oh." Tumawa ako sabay turo sa kamay ko na tatanga-tanga.

Napanguso ako nang hindi ito umimik. Nakatitig lang ito sa 'kin. Nanghihina ako sa ganiyang tingin. I get so weak talaga. Haliparot ako ngayong gabi.

"B-balik ka na nga do'n, a-ayoko sa tingin mo na 'yan."

Umawang ang labi ko nang lumapit ang ulo nito sa 'kin at inamoy-amoy ako. Tinulak ko ang ulo nito palayo pero dumulas lang ulit iyon kaya mas lalo itong napasubsob sa 'kin.

"Mabaho ako," halinghing ko.

He breathes hard, inhaling my scent.

"Lavender . . . perfume. Mabango. Amoy baby... ko."

Wala sa sariling napahagikhik ako nang hindi masundan ang kamay nito na nagiging malikot sa katawan ko. Nakikiliti ako, hindi niya ba 'yon alam?

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Mainit. Naiinitan rin ako, Rayzeah."

Pumikit ako at tuluyan na sanang dalawin ng antok nang makaramdaman ako ng kung anong bagay na nasa bibig ko. Hindi ko iyon pinansin at tuluyan na ngang nilamon ng antok. Something's tickling me and I'm liking it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top