Chapter Seven

HILA-HILA ako ni Soleste at nakasunod sa 'min si Mariko. Hindi ko alam kung nasaan si Kiko, si Chelsea naman hinihintay na raw kami sa gate. Napagdesisyonan naming hintayin na lang si Soleste kaya nandito ako sa sitwasyon na 'to.

"Tayong apat lang?" tanong ko.

"Oo. Hindi natin isasama si Ishikawa, lason ang mukha niya. Mukha siyang squid," nandidiring sagot ni Mariko.

Kung anong ikina-inosente ng mukha ni Mariko, siya namang ikina-pangit ng pag-uugali niya kay Kiko.

"Sasama si Cielo with us yata. Dadaanan daw natin later sabi ni Chels," sagot rin ni Soleste.

"O-M-G ka, Soleste. You're so conyo talaga," gaya ni Mariko sa paraan ng pagsasalita ni Soleste.

Grabeng hamon sa buhay ito.

"Wala akong care," irap ni Soleste.

Natagpuan namin si Chelsea na nakaupo malapit sa guard house, kung saan siya nakaupo kaninang umaga. May kinakalikot ito sa cellphone. Saka lang ito nagtaas ng tingin nang tawagin siya ni Soleste.

"Si Kiko?" tanong niya.

"Nando'n sa lab, may ginagawang kababalaghan," sagot ni Mariko.

Ano naman kayang ginagawa no'n?

"Let's go na? Let's use my car na lang," sabat ni Soleste sa dalawa.

"Dala ko kotse ko. Sabay na lang kayo ni Mariko, tapos kami ni Rayzeah," suggest ni Chelsea.

"Pwede rin. Tara na, conyo girl!" Hinila ni Mariko si Soleste papunta sa kotse nito. May kotse rin naman si Mariko, pero hindi niya pa gamay ang pagd-drive sa mga highway.

"Ikaw na magmaneho."

Tinanggap ko iyong susi na binigay niya sa 'kin. Nang makapasok sa kotse ay pinasibad ko na ito. Habang binabaybay ang highway ay walang tigil na naman sa pagsasalita si Chelsea.

"Alam ko na pangalan no'ng crush ko."

"Paano mo naman nalaman?" walang lingon na tanong ko.

"Sa kaklase ko, tapos nagkabanggan din kami kanina. Nahulog kasi 'yong ID niya. Ayon, binasa ko muna bago ko binalik. Mindset ba, mindset," ngisi niya.

I clicked my tongue. Tactics. Gumagana pa pala ang gano'n? O tanga si Jehovah na crush niya?

"Nagkabanggan o binangga mo?"

"Binangga ko," nguso niya.

"Nagalit?"

"Hindi. Nag-sorry pa nga, kahit kasalanan ko naman talaga. Guilty ako pero worth it naman 'yong ginawa ko. At least ngayon alam ko na ang pangalan niya, Facebook, Twitter, at Instagram. Mas-stalk ko na siya everyday."

"Jehovah Isaiah Hatzis, 'di ba?" tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at pabirong hinampas ako. Palagi na lang hampas. Hampas dito, hampas doon. Bugbog sarado talaga ako sa babaeng 'to. Kung si Ishikawa aping-api, ako nabubugbog.

"Saan mo nakuha pangalan niya?!" singhal niya.

Saglit na tinapunan ko siya ng tingin saka ibinalik ang tingin sa daan.

"Kaninang umaga, no'ng nakasalubong ko siya sa hallway. Nakita ko 'yong ID, med-tech 'yon 'no?" tanong ko.

"Yes. Matalino at gwapo. Grabe, bilis ng tibok ng puso ko, Rayzeahhh!"

"Pareho kayong four-year course ang kinuha."

"Oo nga. Huling taon na ngayon, hindi ko na siya makikita," ngumangawang sabi niya.

"Pwede mo naman araw-arawin sa kainan nila. Mas marami kang time after graduation."

Mukha namang seryoso si Chelsea sa lalaking 'to. He better treat her right and give her all his love. Ayaw ko pang maging criminal.

"Bachelor of Science in Medical Technology si Jehovah, Bachelor of Science in Information Technology ako. Malay ko ba kung saan siya pupunta after college, hindi naman kami same feild," mahinang sabi niya.

"I-first move mo na, parang ang sakit-sakit pa sa 'yo e."

"Char! Nagj-joke lang ako e! Crush ko lang 'yon. Isa pa, hindi ko nga rin alam kung anong mangyayari sa 'kin after college. Pwedeng sa ibang bansa ako or dito lang. Hindi natin alam."

Parehong four-year course kaming dalawa. Mahirap mamuhay mag-isa. Tustusan ang sarili. Kailangang magtipid, maraming bayarin, maraming utang, kaya minsan lang ako gumastos. Dumadating pa sa point na kailangan kong tipirin ang sarili dahil sa kawalan ng sapat na income at sa dami ng bayarin. Nagpapasalamat nga ako dahil malaki-laki ang sahod na naibibigay ng pinagt-trabahuan ko sa 'kin, at thankful din ako dahil hindi mapangmataas ang naging landlady ko. Naiintindihan niya kung walang-wala ako, hindi niya pa tinutubuan kapag hindi ako nakakabayad agad. Palagi lang siyang galit pero mabait naman siya sa aming mga tenants niya.

"Pwede ka naman kasing umamin. Walang masama at mas lalong walang mawawala sa 'yo."

"Mayro'n! Pride! Ma-pride akong tao. Atsaka, takot ako ma-reject ano. Crush nga lang 'yon e, 'wag mo na kasi i-push."

"Sometimes, we have to lower our pride to get what we want," makahulugang sabi ko. "Isa pa, kasama na talaga ang rejection. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa hinaharap. It's either rejection or success. Ang gawin mo lang ay maging handa at tanggapin ang kung ano mang mangyayari."

Saglit na natahimik si Chelsea at bumaling ng tingin sa harapan.

"Still a no. Crush ko lang si Jehovah, okay? Ayoko." Kinagat nito ang pang-ibabang labi.

Bahala kang babae ka, sana lang ay huwag mong pagsisihan iyang mga sinasabi mo.

"Dadaanan ba natin si Cielo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Ah oo. Naghihintay na raw siya sa gate."

Naging tahimik ang byahe namin sa mga sumunod na minuto papunta sa school ni Cielo. Pagdating ay si Chelsea lang ang bumaba at tumawid para kunin ang kapatid. Mula sa kotse ay namataan ko ang naglalakad na si Alzien sa malayo, palabas na ito ng gate. Nagsalubong ang kilay ko nang pigilan nito sina Chelsea at kinausap. Mas lalo akong nagtaka nang ituro ni Chelsea ang kotse kung saan ko itinabi.

"Ano 'yon?" tanong ko kay Chelsea nang makapasok silang dalawa ni Cielo sa kotse. Sa likod nakaupo si Cielo, sa harap naman si Chelsea.

"Alin, Ate Rayzeah?" tanong ni Cielo.

"Si Alzien 'yon 'di ba? Bakit tinuro itong kotse? May problema ba? Flat o ano?" nababahalang tanong ko na ikinatawa nilang dalawa.

"Hindi, gaga. Sasama daw sa atin, mags-shopping din. Pinasama ko na, baka maka-libre din ako e," ngisi niya.

Kuripot. Libre niya nga ngayon e, magpapa-libre pa.

"Sasakay siya sa atin?" tanong ko.

"May kotse siya, Ate. Mayaman 'yon, naka-sports car," sagot ni Cielo.

Mayaman nga. Afford na afford niya ang renta sa amin. Sinampal na naman ako ng kahirapan dahil sa sports car na 'yan.

"Anong uri ng sports car?" tanong ko at pinasibad ang kotse.

"Marami, Ate. Dalawa nga lang naaalala ko. Ano 'yon e, saglit. Ah tama! Mazda tapos 'yong gamit niya ngayon, Toyota GR Supra," bumungisngis siya at natawa.

"Naka-sakay ka na?" tanong ni Chelsea.

"Hindi pa. Wala pa nga yatang ibang nakakasakay doon maliban sa kaniya. Lahat kasi ng estudyante sa school may sundo. Kung walang sundo, may kotse. Katulad ko, hatid sundo ni Ate Chelsea. Bakit kasi ayaw niyo pa ako pag-kotse-hin?" naiinis na tanong nito kay Chelsea.

Inabot ni Chelsea ang buhok ni Cielo at marahang hinila ito. Napaka-sadista sa kapatid. Si Cielo naman ay tinampal ang kamay ng kapatid. Kung ako 'yan, hindi lang tampal ang aabutin niyan sa 'kin e.

"Hindi pwede! Saka na nga, ang kulit-kulit mong bata ka."

"Bakit nga? Hindi naman ako katulad mo, Ate, na kaskasera," humaba ang nguso nito, katulad ng palaging ginagawa ni Chelsea tuwing magkasama kami.

"Basta. Huwag na maraming tanong."

Pagdating sa sinabing mall ni Chelsea ay nakaabang na sa entrance si Mariko at Soleste. Wala si Kiko. Syempre, red flag 'yon sa grupo e.

"Tignan mo, Ate Rayzeah. 'Di ba naka-sports car? Mukha lang dugyutin 'yang si Dela Rama pero sobrang yaman niyan," turo ni Cielo sa paparating na kumikinang na kotseng itim.

"Bakit siya sasama?"

"Huwag kang desisyon, Rayzeah. Parang ayaw mong sumama 'yong tao ah? Ikaw may-ari ng mall?" pabalang na sabi ni Chelsea.

"Sabi ko nga, hindi. Tara na."

Nauna akong maglakad papunta kay Mariko at Soleste.

"Magpalit naman tayo, mga kamag-anak ni satanas. Joke! Si Rayzeah, kay Soleste sasama. Ikaw, Chelsea at ang iyong cute na sister, Cielo, sasama kayong dalawa sa 'kin. Let's go!" hyper na sabi ni Mariko at hinila iyong dalawa papasok.

If I know, gusto niya lang lumayo kay Soleste dahil katulad ko, sumasakit din ang ulo niya sa mga pinagsasasabi ni Soleste. Mahinhin nga at malamyos ang boses niya pero ang ka-conyo-han nagbibigay naman ng migraine.

"Wait! Brother ko 'yan ah!" turo niya sa likod ko na ikina-lingon ko.

"Sino?"

"That one! Iyong kasama ni ano, I forgot his name basta siya 'yong last na na-interview mo noon. Brother ko nga 'yan!" she screamed.

"Magkaibigan sila ni Alzien?" bulong ko.

Mahina lang iyon pero narinig pa rin ni Soleste. Talas ng pandinig e.

"Alzien pala name? Okay whatever. I don't know, hindi naman pala-labas ang little brother ko. Atsaka ang weird ha? Hindi naman magka-schoolmate 'yong sister ni Chelsea at brother ko kaya impossible talaga na naging friends sila no'ng Alzien," litanya niya.

"Baka classmates no'ng grade school," ani ko.

"Gaga! Sa states nag-aral si Jhovi, ngayong high school lang 'yan here. Let's wait for them nga, I'll ask him."

My patience is not that long, at pagabi na rin. May trabaho pa ako mamaya, hindi ako pwedeng magtagal dito.

"Mags-shopping ba tayo o hindi? Mauuuna na ako kung ayaw mo, libre pa naman ni Chelsea ngayon," nayayamot na sabi ko.

"Wait lang a little, ask ko lang si Jhovi."

Napabuntong hininga ako at tumango. Tumakbo iyong kapatid ni Soleste palapit sa 'min. Katulad ni Soleste, halata rin ang sosyal na fashion sense ng kapatid nito. Ang linis tignan. Expensive looking din. Parang si Soleste lang.

"What are you doing here, Jhovi? Akala ko nasa bahay ka na?" wow, first time na walang ka-conyo-han, Soleste.

"I'll go home later, or I'll go with you."

"What are you doing here nga?"

"I'll buy another Xbox. Nasira ko 'yong akin, it was an accident though," mahinang tumawa ito.

Pati paraan ng pagtawa yayamanin din tignan. Magkapatid nga. Nakatitig lang ako doon sa kapatid ni Soleste nang may sumundot sa 'kin sa tagiliran.

"B-Bakit?" tanong ko kay Soleste.

"Para mo ng hinuhubaran si baby brother ko, stop it nga, Rayzeah! Ang creepy ha? Do you have something for younger guys?"

Last mo na 'to, Soleste.

"Anong pinagsasabi mo? Imbento ka," marring angil ko sa paratang nito.

I don't have a thing for younger guys, eew. That;s just disgusting. Para sa 'kin. It's unethical for me. I don't like the idea. I don't... damn it.

"Nakatingin ka kaya sa brother ko."

"Masama tumingin? Tinitignan ko lang kung magkapatid ba talaga kayo. Ang layo. 'Yong kapatid mo ang linis tignan, ikaw? Nevermind."

Napangisi ako at saka naglakad paalis. Nagsimula akong pumasok sa mga botique. Get all you can daw sabi ni Chelsea. Wala naman ako masyadong gusto kaya ang kukunin ko lang ay mga tee shirt at iba pang gamit na kakailanganin ko sa apartment.

Napunta ako sa rubik's cube section. May iba't-ibang uri ng cubes doon. Kukuha sana ako kaso naalala kong hindi nga pala ako marunong no'n kaya dumiretso ako sa may mga damitan. Doon ay kumuha ako ng iilang piraso ng damit na pwede kong gamitin sa bahay, pati na rin mga formal na damit.

Kapag naka-graduate na ako, maghahanap agad ako ng pang-long term na trabaho. Gusto kong magpatayo ng sarili kong bahay. That's the first plan. After that, magpapadala na ako ng pera buwan-buwan sa bahay ampunan. Nakakapag-padala lang kasi ako tuwing malaki ang sahod. I will be successful soon. Alam ko. I will be.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top