Chapter One

NGAYON ay nandito ako sa bahay ng mga magulang ni Chelsea. Sabay naming gagawin 'yong sa reports. Hindi niya daw kayang gawin kapag wala ako. Ginawa pa akong tutor. Pinindot ko ang doorbell ng gate nila. Mayamaya pa ay nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Cielo palapit sa gate. Cielo's face resembles a lot like Chelsea's, hindi talaga maipagkakailang magkapatid.

"Hi, Ate Rayzeah!" umaliwalas ang mukha nito nang makita ako.

"Hello. Si Ate mo?" tanong ko.

"Pasok ka, Ate. Nasa loob, ngumangawa kasi sunog 'yong binake niyang cupcakes."

"Cupcakes? Para kanino?"

"Nandito kasi mga kaibigan ko, Ate. Gumagawa rin kami ng project namin. Sabi ni Ate ib-bake niya kami ng cupcakes e, ayon itim paglabas," tumatawang sabi niya.

I grinned. Chelsea's the worst when it comes to baking. Matagal na kaming magkaibigan kaya alam na alam ko na ang mga kahinaan nito. Ayaw niya sa recitation kasi madali niyang makalimutan 'yong mga words sa libro o notebooks. Chelsea is one of those what we call auditory learners. Mas madali niyang naiintindihan at naaalala kung maririnig niya. Kaya siguro pinapunta niya ako rito. Well, hindi naman ako magdadalawang-isip na tulungan siya. I'm returning the favor, she helps me a lot with everything. Auditory learner si Chelsea, ako naman ay auditory at visual learner. Naiintindihan ko lahat. Kapag naguguluhan ay babasahin ko iyon ng paulit-ulit, words by words at may kasamang presence of mind.

"May libro siyang pinagbabasehan?" tanong ko.

Tumango si Cielo bilang sagot sa tanong ko. Just like Chelsea, I also don't know how to cook. Cooking is a weakness of mine. Ang pinakaunang trabaho ko ay ang pagiging katulong sa mag-asawang walang anak. I was honest, letting them know that I don't have the skills to cook and I might burn their kitchen. Before I got my job as a waitress which is my current work, I worked part time as a maid. Scholar ako sa high school at ang mga binabayaran ko lang ay iyong mga ambagan. I worked for them in exchange of giving me a comfortable bed to sleep on. Wala naman akong ibang pinaggagastusan ngayon kaya nakakaipon ako ng paunti-unti at nakakapagpadala rin sa foundation kung saan ako nakatira noon, kaunting tulong para sa mga batang nando'n at para sa mga madre na nag-alaga sa 'kin.

Nabalik lang ako sa sarili nang magsalita si Cielo. I didn't even realize that we're already inside. Nagkalat sa sala nila ang mga papel at iba't-ibang materyales na hinuha ko ay para sa project na ginagawa nila. May dalawang mukha na pamilyar sa 'kin. Iyong interview ko at in-interview ni Chelsea, nandito. Dalawa lang silang namumukhaan ko. Iyong sa akin ay si Alzien, 'yong panghuling binatilyo na na-interview ko noong nakaraan.

"Guys, si Ate Rayzeah nga pala, kaibigan ni Ate," pakilala ni Cielo. "Huwag kayong magulo, mahiya naman kayo. Pasensya ka na sa kalat, Ate, ha? Nagmamadali na rin kasi kami dahil ipapasa na 'to. Panay gala kasi ang isa riyan kaya nakalimutan na na may pending project pa pala kaming gagawin."

Nagpalitan ng tingin si Cielo at iyong mga kaibigan niya. Mayamaya pa ay sa akin naman ito bumaling. Natigil ang paningin ko sa isang kaibigan ni Cielo. Itim ang balat nito. Not totally, black beauty siya kung tatawagin. Ang ganda niya. Blue din 'yong mata, halatang hindi Pinay. Tapos mukhang mamahalin 'yong damit. Para siyang model kung titingnan. Soleste na Soleste ang dating.

"Hi po. Pasensya na sa kalat, mahilig po kasing magkalat ang mga teenagers," bati ng isa.

"Pero malinis naman po kami," bawi agad ng katabi nito.

Ngumiti lang ako at bumati rin. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang magsalita iyong lalaking kaibigan ni Cielo. Singkit ang mata, halatang may lahi. Katulad ni Kiko. Branded ba ang lahat ng kaibigan ni Cielo?

"Ilang taon ka na, Ate Ray?"

Wow, first name basis.

"Twenty-four. Magt-twenty-five," sagot ko.

"Nineteen pa ako, Ate," nahihiyang ngiti nito.

Hindi ko naman tinatanong.

"Con-con! Mag-focus ka nga sa ginagawa mo, malandi ka ah!" reklamo no'ng babaeng blonde ang buhok.

Mapapansin sa mukha nito ang pagiging mataray. May accent din ang pananalita nito. Hindi rin Pinay. Dumadami na talaga sila.

"Hayaan mo na si Con-con, Ate, tarantado talaga 'yan. Sampalin ko mukha mo, Con-con. May boyfriend na si Ate Rayzeah, for your fucking information," sikmat ni Cielo na ikina-awang ng labi ko. "At asa ka namang papatulan ni Ate 'yang pagiging flirt mo! Ang harot-harot mo. Iyang pagiging maharot mo walang pinipiling lugar o edad. Kadiri, ha. So unethical."

Boyfriend? Hindi ko alam na may boyfriend pala ako.

"Language, Cielo Myrtle!" Lumabas mula sa kusina si Chelsea, may bitbit itong tray na may nakalagay na orange juice.

"Alonzo my friend!" tili ni Chelsea na dali-daling nilapag ang tray at nagtatakbo sa 'kin.

In my opinion, mas mukha pang matured si Cielo na eighteen years old kaysa kay Chelsea na twenty-three years old. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa past life ko o may nilabag akong importanteng kautusan upang biyayaan ako ng Panginoon ng ganitong kaibigan.

"Cadavid."

"The best ka talaga! Akala ko may work ka ngayon, sorry na Rayzeah," ngumuso ito, nagpapa-cute mukha namang pato.

"Mayro'n nga. Saglit lang ako rito, babasahin ko lang para marinig mo. Kapag hindi ako nakarating on time, overtime ako mamaya," blankong ani ko.

Mabait naman ang mga boss ko pero rules kasi iyon. Kung late ka, overtime. Kung absent ka, overtime.

"Yay! Let's go na para makahabol ka sa work mo!" Hinila ako nito paakyat.

Sumalubong sa 'kin ang magulong kwarto ni Chelsea. May mga teddy bears sa lapag na nagkalat, may unan din. Maraming gamit dito sa kwarto ni Chelsea, at halatang hindi siya marunong maglinis. Unethical din e.

"Maglinis ka rin minsan, Chels," puna ko. "Dugyot ah. Kilalang-kilala na kita pero may side ka pa rin pala talagang naitago. Surprising."

"Malinis 'yan kanina ah! Nakalat lang kasi kinalkal ni Cielo mga gamit ko, hinahanap 'yong extra materials para sa project nila. Ipapalinis ko 'yan sa kaniya mamaya. Hindi ko naman pwedeng pagbawalan kasi sissy ko 'yon at kahit loka-loka siya ay mahal na mahal ko pa rin."

Tumango lang ako at hindi na umimik. Nilabas niya iyong folders niya at binigay sa 'kin ang iilang papel. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama niya at binasa 'yong papel na binigay niya sa 'kin. Hindi ko muna binasa sa harap niya, pinag-aaralan ko pa kung tama ba nilagay niya. Mahirap na, baka hindi kami maka-graduate.

"Magsimula na tayo. Hindi ako pwedeng magtagal."

Umayos siya ng upo sa kama niya. Pumunta ako sa harap niya at nagsimulang basahin 'yong nasa papel. Tumatango-tango lang siya at nakikinig sa mga sinasabi ko. Nang matapos basahin ay binigyan ako nito ng malawak na ngiti. The kind of smile that makes my eyes hurt. Kapag ngumingiti siya ng ganiyan, it's either may masamang balak o may sasabihing walang kwenta.

"Kung lalaki ka lang, Rayzeah, siguro nahulog na ako sa 'yo."

Sabi ko na e may lalabas na namang nonsense sa bibig ng babaeng ito.

"Kung lalaki lang ako, hindi kita papatulan. Feeler."

Sumimangot ito sa sinabi ko. I was just kidding though. Maganda si Chelsea, maarte rin minsan sa katawan. Hindi mahirap mahalin kasi mabait naman at may respeto, ang kaso lang ay kalog, lutang at maingay ito. Ayaw ko sa mga maiingay.

"Aalis na ako," imporma ko.

Tumayo rin siya mula sa pagkakaupo. "Hatid kita?"

Umiling ako. Mabait talaga si Chelsea at ayaw ko namang I-take for granted. Atsaka hindi pa naman ako late sa trabaho, malapit lang naman 'yon dito.

"Huwag na. Sasakay nalang ako ng bus."

"Saglit! Heto, bayad sa oras mo. Maraming salamat sa walang sawang pagse-serbisyo, my friend. Hiling ko na sana ay maging matagumpay ka sa iyong mga obhektibo sa buhay."

Lord, tama na 'to.

Nilagay niya sa palad ko ang susi ng kotse niya. Siya lang ang may kotse. Kahit eighteen na si Cielo ay hindi niya ito pinapayagang bumili o magmaneho ng kotse. Hatid sundo ni Chelsea iyong si Cielo araw-araw. Parang bonding time lang ng magkapatid kung titignan.

"Hindi na. Wala akong pera pang-gas."

Ang laking tipid pala talaga kapag wala kang pera.

"Gaga! Hindi ko sinabing ipa-gas mo 'yan, gagamitin mo lang! Balik mo din bukas ah? Ihahatid ko kasi si Cielo sa school niya. Ate duties."

"Ibabalik ko mamayang gabi. Pwede naman akong mag-commute pauwi, malapit lang naman apartment ko mula rito," sabi ko.

Ang gastos ng araw-araw na pagco-commute pero wala naman akong choice. Tipid-tipid muna kasi ginagago pa ako ng sanlibutan.

"Okay! Ingat sa pagmamaneho! Kapag nagasgasan 'yan libre mo 'ko ng burger at fries buong buhay ko!" sigaw niya.

Asa. Hindi ako over speeding sa pagmamaneho, moderate lang. Hindi ako katulad ni Chelsea na kaskasera. Feeling mo maiiwan 'yong kaluluwa mo kung saan kayo nanggaling e.

"Aalis ka na agad, Ate? Kain ka muna." tanong ni Cielo nang makasalubong ako.

"Oo. Papasok pa ako sa trabaho."

"Gano'n? Ingat po. Dito ka maghahapunan, Ate?"

Umiling ako. "Doon na sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, Cielo. Iuuwi ko lang 'yong kotse ni Ate Chelsea mo mamaya tapos uuwi rin agad. Busy rin bukas e."

"Sayang. Next time na lang po."

Tumango ako. Nadaanan ko pa 'yong mga kaibigan ni Cielo sa sala nila habang palabas. Mukhang stress na stress na sa project nila.

"Hanggang ngayon wala pa rin tayong naiisip na design, sa friday na ipapasa 'yan," sabi ni Cielo.

"Anong design?" tanong ko.

"Kahit ano, Ate. Dagdag design sa project, ang plain kasi tignan. Wala ring artistic sa amin, lalo naman 'yong creative. Hindi kami maka-generate ng ideas."

"Bakit hindi kayo manood sa YouTube? O kumuha ng inspo sa Pinterest?" suggest ko.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay na nanlaki ang mata.

"Putangina, Zeki! President ka pa man din tapos hindi mo naisip 'yon! Paano ka ba naging governor ng buong campus, ha?" sigaw no'ng Con-con na nagtanong sa akin kanina.

"Hindi ako katulad mo na maliit ang utak, iisang bagay lang iniisip. Marami akong iniisip, manahimik ka. Baka mapilipit ko 'yang leeg mo, makasuhan pa ako ng animal cruelty and abuse."

Iyon yata 'yong Zeki. His facial features are strong. He also has this bulky body. Hapit na hapit ang suot nitong puting tee-shirt. Flex na flex din ang muscle nito. May high school bang ganito? Or he loves going to the gym? Bakit mas mukha pa silang matured sa pangangatawan kaysa sa mga college students? Parang isang piga lang sa 'yo nitong lalaking Zeki ang pangalan ay tigok ka agad.

"Blessing ka talaga sa 'min ni Ate Chelsea, Ate Rayzeah! Thank you!" dinamba ako ni Cielo ng yakap.

Tumawa ako at ginulo ang buhok ni Cielo. Matangkad si Cielo, pero mas matangkad ako sa kaniya. Long legged nga daw ako sabi ni Chelsea. Hindi ko naman pansin kaya binalewala ko na lang.

"Aalis na ako, Cielo," paalam ko ulit.

"Bye, Ate! Salamat po ulit."

Kumaway ako at tuluyang lumabas sa bahay nila. Sumakay ako sa driver's seat ng sasakyan ni Chelsea at pinasibad na ito palabas ng nakabukas nilang garahe. Pagdating sa pinagt-trabahuan ay nagbihis agad ako. Puting long sleeve at itim na slacks ang suot ng mga waiter at waitress dito. Sa manager naman ay puting long sleeve at itim na skirt, two inch above the knee. Ang may-ari ay palaging wala rito, ang naiiwan ay ang kapatid nitong babae. Close niya kaming lahat dito, mabait kasi at palangiti. Hindi strikta at nakaka-vibes din namin.

"Kakarating mo lang, Rayzeah?"

Nasa locker ako ng restaurant, sa likurang bahagi kung saan nagbibihis ang mga staffs, nang may magsalita sa likuran ko. Umayos ako ng tayo at hinarap ang tao na 'yon.

"Yes, Ma'am."

Ang kaharap ko ay si Megan Ozuna, ang kapatid ng may-ari nitong three star restaurant na ito. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit three star lang ito. Ang ganda kasi ng serbisyo naming lahat at sobrang sarap ng mga sine-serve na pagkain. For me, this is already five star.

"Commute?"

Kapag ngumingiti si Miss Megan ay nakakadala. Comforting ito at nag-iinit ang puso ko sa tuwing ngumingiti siya sa 'kin. I consider it as an act of kindness and I guess... respect.

"Hindi ho, pinahiram ako ng kotse ng kaibigan ko."

"Mabuti naman. Hindi ka nga pala overtime ngayon. Nag-bilin si Cacai na huwag ka munang pag-overtime-in dahil busy ka sa school. Sa wakas ay makaka-graduate ka na, Rayzeah. Sinong aattend sa graduation mo?"

Hindi na ako nagulat sa sinabi nito. Magd-dalawang taon na akong impleyado dito. Sobrang bait ng may-ari nito na kapatid ni Miss Megan, si Miss Cacai.

"Wala ho, solo lang ho ako. Mahirap na rin kung magb-byahe pa iyong mga nagpalaking madre sa akin noon. Uuwian ko na lang ho sila ng toga at diploma."

"Gusto mong samahan kita? Hindi naman ako busy sa susunod na mga buwan dahil naka-leave ako sa trabaho ko. Balita ko hindi raw pwede ang walang kasamang guardian?"

"Sinabi ho siguro ni Kiko sa inyo," buntonghininga ko.

Close si Miss Cacai at Kiko, pati narin si Miss Megan ay close niya, pareho kasi silang tatlo na may dugong hapon kaya siguro vibes.

"Huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo ha, Rayzeah. Ayos lang naman kung hihingi ka ng day-off dahil sa busy schedule mo. Kaunti na lang," lumabi ito.

"Hindi na ho, sayang din kasi ang sweldo kung magd-day off ako."

Kailangan ko ng maraming pera. Kapag nakagraduate na ako, maga-apply pa ako ng trabaho. It requires a lot of money, time, and effort. Looking for a job is hard and stressing. Walang kasiguraduhan kung makakahanap ba ako agad o hindi. For the mean time, kapag hindi pa nakakahanap ay dito muna ako. Ire-renew ko ang kontrata ng isang taon o mahigit kung sakali man.

"Napaka-sipag mo talagang bata." Hinaplos ni Miss Megan ang buhok ko at malamlam ang mga mata nito sa akin.

"Sure ho ako magiging gano'n din ang anak niyo, mana sa inyo, masipag," ngiti ko.

Ngumiti ito pabalik at nagpaalam na aalis muna. Ang alam ko ay may anak si Miss Megan, hindi ko nga lang kilala. Hindi naman ako mahilig mang-usisa ng mga bagay-bagay. Kapag curious ako ay hinahayaan ko nalang. Hindi ko pa nakikita ang anak ni Miss Megan at malaking palaisipan iyon sa mga katrabaho ko na mahilig mang-usisa ng buhay ng ibang tao. No one even knew if it was a boy... or probably a girl.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top