Chapter Nineteen

"KUMUSTA ka, anak? Masaya ako't nagkita tayong muli. Akala ko nga ay hindi ka na babalik. Ang laki-laki mo na tlaga. Ibang-iba noong nandito ka pa." Yumakap si Mother sa akin nang makita ako.

"Surprise!"

Ipinakita ko sa kaniya iyong medals, certificate at diploma na naipon ko sa mga nagdaang taon. Umawang ang labi nito at napaiyak nang wala sa oras. Naiiyak na rin ako sa tuwa. I have been crying for a couple of weeks now and it's all because of joy.

"Graduate ka na!" magiliw na sabi nito.

Tumango-tango ako. Masaya akong makita ang tuwang-tuwa na mukha nito. Walang mapagsidlan ang kaniyang tuwa.

"Pinagpala ka talaga ng Diyos, anak. Masaya akong naka-graduate ka na. Ano na ang plano mo? Mananatili ka ba rito?" she hopefully asked.

Umiling ako. I like that, too. Though I have to be practical in life, I want to do that, too. Baka sa susunod na mga taon, kapag nakaluwag-luwag na, dito ako mamamalagi.

"Mangingibang bansa ako, Mother. Tinanggap ko iyong offer ng trabaho ko. May branch kasi sila sa ibang bansa at isa ako sa mga napili para magtrabaho doon. Malaki rin ang sweldo at makakapag-ipon ako para magtayo ng sariling negosyo," sagot ko.

Ang dami kong plano kahit na hindi ko alam kung saan magsisimula. At least I have a plan. Malayo pa naman pero dapat na talagang laanan ng oras at pagplanohan.

"Mabuti iyan, anak. Halika at pumasok sa loob. Nasa loob ang mga bata."

Sumunod ako sa pagpasok sa loob. Mother introduced me to them. Nagningning agad ang mga mata nila nang makilala ako at nang sabihin ko na may mga pasalubong akong dala para sa kanila.

I stayed there to watch them open their gifts and play with it. Nag-init ang puso ko dahil sunod-sunod nila akong niyakap at nagpasalamat. May iilang bata rin na gustong makipaglaro. Nakakaramdam na ako ng pagod dahil sa tuloy-tuloy na byahe pero hindi ko naman mahindian ang mga bata. They're so precious.

"Magpahinga ka muna, anak. Alam kong pagod ka sa mahabang byahe. Doon sa dati mong kwarto. Walang ibang gumamit dahil sa 'yo iyon."

Ngumiti ako at nagpaalam na aalis na. May sariling kwarto ako dito. Crafty kasi ako noon at hilig ko na talaga ang maglinis, kaya nilinis ko iyong bodega dito sa ampunan at doon na ang lungga ko. Sabi naman ni Mother ay sa akin pa rin ang kwartong iyon.

Pagpasok sa dati kong kwarto ay natuwa ako nang wala man lang nag-iba, bukod sa marami na itong alikabok. Inilabas ko ang kutson mula sa maliit na aparador at nilagay ito sa gitna. Naglabas din ako ng comforter at nilagay ito sa ibabaw ng kutson. Kumuha ako ng unan at humiga. Mamaya na ako maglilinis, parang bibigay na ang katawan ko. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog din ako agad.

Wala akong balak magtagal pero hindi ko na namalayan. I missed this place so much. The memory I have with this place is blurry and unsure. Sa unang linggo ay paglilibot at pakikipaglaro sa mga bata ang ginawa ko. My phone has been turned off, too, for a particular reason. I wanted to be happy with the kids. Lumayo muna ako sa city life habang nandito.

The following week is all about meditation and new discoveries. Tumutulong ako sa paglilinis sa kumbento. Nagbigay din ako ng maliit na tulog upang ipaayos ang isang parte ng kumbento na naging marupok na dahil sa mga panahong lumipas.

"Dito ka na ba palagi, Ate Rayzeah?" inosenteng tanong ng isang bata.

Hinaplos ko ang kaniyang itim na itim at unat na buhok. Paglaki nito ay siguradong sobrang ganda. Sana hindi mawalan ng pag-asa sa buhay ang batang ito.

"Magwo-work muna si Ate, pero babalik naman ako."

Masyado pang inosente. Tumango-tango siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Agad-agad po? Hihintayin ka po namin palagi at ipagdadasal na sana nasa maayos na kalagayan ka po."

Tumango rin ako at sinuklian ang kaniyang mahigpit na yakap.

"Hindi agad-agad pero babalik ako. Kapag nakabalik ako, bibilhan kita ng maraming-maraming laruan. Gusto mo ba 'yon?"

"Opo! Gusto ko po iyon, Ate!"

The third and fourth week of my stay is all about spending time with everyone. Ang nakakalungkot lang ay inampon rin agad iyong batang pinangakuan ko ng maraming laruan. I was happy for her. I even prayed for her the night after she was taken by her adoptive family.

"Maraming salamat sa pagbisita, Rayzeah, anak. Mag-iingat ka sa landas na iyong tatahakin. Ipagdadasal ka namin."

Hindi ko gustong umalis. Gusto ko ang kapayapaan sa probinsiyang ito.

"Babalik ako, Mother. Kapag nakauwi ako galing ibang bansa, babalik ako."

Napagdesisyunan kong umuwi matapos ang tatlong linggo. This week ire-ready ko na ang mga gamit ko dahil next week na rin agad ang alis ko. Tumagal ang byahe ng apat na oras. Pagdating sa apartment ay agaran kong binuksan ang cellphone ko. Nag-pop up agad ang messages nila Chelsea at ng iba pa. Balak ko sanang buksan at basahin iyon isa-isa pero nagpop up ang pangalan ni Alzien sa cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag nito.

"Hell—"

"Where are you? Bakit hindi ka ma-contact? Nasaan ka? Please, tell me."

Hindi man lang ako pinatapos.

He was catching his breath. Natahimik ako ng ilang segundo. I'm still thinking wether to tell him or not. Malakas ang kutob ko na pupuntahan niya agad ako.

"Where are you?" ulit nito.

"Sa apartment— hello? Hello? Bastos, may sinasabi pa ako e."

Ibinaba ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-empake ng mga gamit. Natigil ako nang may kumatok. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang front door ng apartment ko. Nandoon si Alzien, nakatayo at pangit. Oo, pangit.

"Hindi ka ba natulog?" tanong ko.

His blazing eyes met mine. Kumalma iyon at nagpakita ng senyales na pagod. Nanginig ang kaniyang labi.

"Iniwan mo ako."

Lumapit ito sa akin at niyapos ako ng mahigpit. Hinayaan ko siya hanggang sa siya na mismo ang humiwalay.

He looked worst than I expected. Well, I thought he'd look good when we meet.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

His eyes wandered around my face. I cleared my throat, wanting an answer from him. Hindi niya iyon ibinigay agad. He took his time memorizing every inch of my face.

"Akala ko umalis ka na ng bansa putangina nakakabaliw. Akala ko..."

I shut my eyes and opened the door wider.

"Matulog ka."

"Pwede bang... uh dito?"

Tumabi ako sa daraanan para makapasok siya. It's enough proof that I agree. Humiga naman ito agad nang makapasok. Pinagmasdan ko lang siya habang inaayos ang sarili sa pagkakahiga. Nang makaayos na ay dumapo ang tingin nito sa 'kin.

"Tulog na, ang pangit mo tignan," utos ko.

Ngumisi siya at humalukipkip. Parang kanina lang naiiyak, ngayon ay balik na ang ngisi sa labi.

"Hindi na ako gwapo?"

Kahit naman siguro magka-pimples siya at itim na itim ang ilalim ng mga mata ay gwapo pa rin. Disadvantage ng mga mapuputi na kapag kulang sa tulog ay napapansin agad ang dalang bagahe.

"To be honest, hindi. Ang laki ng eyebags mo, dugyot ka tignan."

Tumango-tango lang ito pero hindi pumikit. Nakatingin lang siya sa 'kin at ganoon rin naman ako sa kaniya. Bumuntong hininga ako.

"Matulog ka nga."

"Baka umalis ka..." he argued.

Napahilot ako sa sentido. Mukhang magsisimula na namang manakit ang ulo ko sa kaniya.

"Hindi ako aalis."

Sa wakas ay pumikit din ito. Hindi pa nakakaraan ang limang minuto ay mabigat na ang paghinga nito, senyales na tulog na nga. Bumalik ako sa kwarto at pinagpatuloy ang pag-empake nang may sumidhing sakit sa tiyan ko. Bahagyang umawang ang labi ko at napaupo bigla sa kama. Nang mawala ang sakit ay tumayo ako at nagbihis agad. Paglabas ay nakita ko si Alzien na natutulog pa rin.

Umalis ako ng apartment at pumunta sa malapit na ospital. I need to confirm something. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos. Pagdating ay nagtanong agad ako sa front desk kung may available bang gynecologist. Sakto namang may dumaang doctor sa likod ko at narinig iyon kaya dinala ako nito sa office niya.

"Nangyari lang po 'to kani-kanina lang, Doc. Sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi ko pa alam kung buntis nga ako o ano kaya nag-rush na agad ako dito," nanlalamig na sabi ko.

May binigay siya sa 'kin na tatlong pregnancy test kit. Napalunok ako habang nakatitig sa mga iyon. Kinakabahan ako at... hindi mapakali. Paano kung mayroon? Paano na ang mga plano ko? Ang pangarap ko?

"Subukan mo ang mga ito para malaman natin."

Pumunta ako sa tinuro niyang comfort room ng office niya. Pagbalik ay hinintay namin ang resulta. I held my hand tightly. Hindi ko mapigilan ang aking binti sa paggalaw habang naghihintay. If it's positive then... I have to keep the baby. If not...

Napatakip ako sa bibig nang magdalawang linya lahat. D-did I harm the baby? Naging pabaya na naman ba ako? Oh, God.

"Kailan ang huling menstruation mo? At dinugo ka ba sa buwan na ito?"

Huminga ako ng malalim at umiling. My period didn't arrive this month. At hindi ako nabahala roon dahil irregular ang menstruation ko. Minsan ay hindi ako dinadatnan ng isa hanggang tatlong buwan.

"It shows here that you are indeed pregnant, pero misis, kailangan mong ingatan ang pagbubuntis mo at iwasan muna ang mga gawaing mabibigat. Kumain ng healthy foods at iwasan ang stress. Kung puwede ay huwag ka rin munang gumalaw ng gumalaw para hindi mabigla si baby. I'll give you a list of vitamins to drink para lumakas ang kapit ni baby. Nevertheless, congratulations."

I swallowed hard. Alzien and I... magkakaanak kami? This never crossed my mind before. Hindi ito kasama sa plano ko. Ano na ang susunod kong gagawin? Should I tell him or not? I don't know.

"Hindi ka nagbibiro, Doc?" paninigurado ko.

Ayaw kong paniwalaan ngunit hindi rin naman magsisinungaling ang doctor sa akin.

"Gusto mo bang i-vaginal ultrasound kita just to make sure? The heart of an embryo starts beating at about five weeks of pregnancy. Possible na ma-detect natin ang heartbeat nito using vaginal ultrasound."

"Naging pabaya na naman ako," naiiyak kong sabi.

"Hindi ka naging pabaya, hindi mo lang nalaman agad. Bumawi ka rin ng tulog dahil kalimitang cause ng stress ay ang pagiging kulang sa tulog. First time?" she asked.

Tumango ako bilang sagot. Iniisip ko na ang magiging kalagayan ng batang nasa sinapupunan ko. Ayokong mabaon sa utang at baka rin hindi ko siya mapalaki ng maayos. The fear that I felt awhile ago aroused.

"Give extra care to your body. Kapag may naramdamang uncomfortable sa katawan throughout your pregnancy journey, trust your instincts and go to your doctor."

Matapos akong resetahan nito ay umuwi ako sa apartment. Pinadala din nito sa '=akin iyong tatlong pregnancy test kit na may tigda-dalawang red lines para daw may maipakita ako sa pamilya ko lalo na sa asawa ko. I don't have any of those.

Pagdating ay gising na si Alzien at hinahalughog ang buong apartment. Gulo-gulo rin ang buhok nito at parang paiyak na.

"A-anong ginagawa mo?" gulat kong tanong.

Lumingon agad ito at malalaki ang hakbang na naglakad palapit sa 'kin.

"Bakit ba palagi ka nalang umaalis? At least inform me if you're going out. Hindi 'yong palagi akong mababaliw kakahanap sa 'yo kung saan-saan. Maawa ka naman sa 'kin," iyak niya.

Ngumuso ako, hindi alam kung anong kinakagalit niya at kung bakit siya umiiyak.

"Lumabas lang naman ako saglit," lumabi ko.

Inalalayan niya akong umupo sa sofa. Inilibot ko ang tingin sa maliit na sala at parang gusto ko na siyang palayasin. This will be a lot of work for me. And I shouldn't work a lot. Ibig sabihin kailangan kong humanap ng tutulong pansamantala? At babayaran? Pera na naman.

"Saan?" kyuryosong tanong niya.

Imbes na sagutin ay tinawag ko ang pangalan niya. He's attentive to why I was calling him. Tignan mo ang daddy mo, baby, parang tanga.

"Buntis ako."

Umawang ang labi nito at napatayo nang wala sa oras. Hinintay ko ang reaksiyon niya. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nanlalaki ang mga mata. He walked back and fort. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Lumuhod ito at pinagsiklop ang dalawang kamay. Nagulat ako nang mag-unahan sa pagtulo ang luha nito at mayamaya ay nagpagulong-gulong na sa sahig. Tuluyan na sigurong mababaliw. Hindi ko na dapat sinabi.

"Anong gagawin ko? Flight ko na next week. Hindi pwedeng hindi ako maka-sama, hindi ganoon kalaki ang ipon ko," nagbaba ako ng tingin.

Kumawala ang singhap sa aking bibig nang tumayo siya at namewang. He glared at me, displeased with what I said.

"Hindi. Hindi ka pwedeng umalis. Tangina ano? Matapos mo sabihing buntis ka gano'n na lang? Hindi pwede 'yon. We are going to raise the baby together. Together."

Lumuhod si Alzien sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Gamit ang kaliwang kamay ay inangat nito ang mukha ko kaya nagkasalubong kami ng tingin.

"Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga? Alzien, hindi madali magpalaki ng bata, sana alam mo 'yan," humihikbi kong sabi.

Akala niya ba bahay-bahayan lang 'to? Responsibilidad ito. Malaking responsibilidad. We can talk about this matter thoroughly. Hindi dapat basta-basta ang pagdedesisyon.

"Sino ba kasing nagsabi na pababayaan kita? In the first place gusto nga kita panagutan. Magt-trabaho ako."

Nag-init ang ulo ko. I want us to talk. Ayaw ko na isang bagsakan lang ng opinyon at iyon na ang masusunod.

"Huwag kang tanga. Nag-aaral ka pa, Alzien. Sana pala hindi ko na lang sinabi sa 'yo."

He went from cool to mad. Ngumiwi ako dahil sa bilis ng pagbabago ng reaksiyon niya. I could easily go and leave this place. He hold no power. If that's the only thing I can do to secure his future and not to ruin whatever he has in mind. I can leave so he can reach his dreams.

"Don't be selfish, anak ko rin 'yang dinadala mo."

Nasasabi niya lang ang mga bagay na ito dahil hindi niya pa nararamdaman ang kahirapan. I guess I can say that I am afraid of what will happen to the three of us if I decide to stay. My mind is starting to get chaotic.

"Anak mo nga, pero kinabukasan mo nakasalalay dito, Alzien. Hindi ko naman ipagkakait sa 'yo si baby, pero ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Kaya kong magtrabaho—"

"You think I will agree with that? Hell no. You're carrying my child, Rayzeah. Hindi kita hahayaang magtrabaho. We will raise this baby together."

Hindi ako nakaimik. Why is he that persistent? Binuksan niya 'yong plastic na dala ko. Nasa loob no'n iyong tatlong pregnancy test kit at ang mga nireseta ng doctor. He picked all three of it and stared at it for a few seconds. Sumunod niyang kinuha ang reseta ng doctor at tahimik na binasa iyon. Nagsisimula nang mamasa ang kamay ko, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"You went to the doctor?"

Tumango ako.

"Anong sinabi? Lalaki nag-check up sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Babae. Pumunta ako kanina kasi— kasi sumakit 'yong tiyan ko kaya akala ko, punyeta tama nga hinala ko," hirap na lumunok ako. "Hindi pa raw maririnig ang heartbeat hanggang five weeks siguro at... vitamins iyan para malakas ang kapit ni baby. Nagpabaya ako kasi akala ko wala kasi i-isang beses lang naman 'yon. Pasensya na..."

Hindi ako makatingin sa kaniya. Ilang beses akong napalunok dahil pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Akala ko magagalit siya, pero hindi. Niyakap niya lang ako ng mahigpit at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"Hindi ka naging pabaya. Shh, stop crying. Stress is not good for you. Come on, smile."

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ko.

Humiwalay siya ng yakap at sinikop ang kamay ko. Tinitigan ko 'yong pregnancy test kit. Parang kahapon lang graduate pa ako, tapos ngayon bigla-bigla magkaka-baby na. Parang... ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam paano sasabihin sa mga kaibigan ko. At ang magiging reaksiyon nila, natatakot ako.

"Mag-isip muna tayo ng pangalan."

Sinapak ko siya. Sa lahat ng sasabihin, iyon talaga. I wan a serious talk.

"Ibebenta ko lahat ng sasakyan ko, tapos bibili ako ng bahay. Hindi pwedeng dito dahil kaya ko namang bigyan kayo ng gano'n."

Hindi ko mahimigan ang pagbibiro sa boses niya. If he's serious with it then what can I do? I'm not asking for anything comfortable. Ayos na ako dito at sanay naman na. Baka ma-culture shock din ako sa malaking bahay.

"Bakit mo naman gagawin 'yon? Sayang. Isa pa, ayos na itong apartment sa 'kin," iling ko.

"Gagawin ko 'yon para sa inyo. Hindi naman kawalan 'yon. I will give up everything to give you a and the baby a shelter. I'll be the provider in this little family. Hindi ikaw. You'll stay at home and take care of yourself for me and for the baby inside you."

Gusto kong kiligin pero hindi ko magawa. Paano ang pag-aaral niya kung gano'n? He should save up for his studies, too.

"Save money for your studies, Alzien."

Lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa 'kin.

"Ikaw nga papahawakin ko sa pera para ikaw na mag-budget, baka magastos ko lahat e," napakamot ito sa batok.

I hissed. Pwede rin naman pero nagdadalawang isip pa ako. Gusto ko ring magtrabaho.

"Kailangan kong magtrabaho. Hindi pwedeng umasa lang ako sa 'yo."

"No, and why not? Ako Daddy nito, anak ko 'to." Ang malaki at mainit na palad nito ay dumapo sa tiyan ko.

"Paano 'yan? Nakapag-empake na ako. Gusto ko sumama."

Tumayo ako na ikina-alarma niya. Tumayo rin siya agad.

"Tumayo lang e. Praning," irap ko.

"Where are you going?"

"Hihiga, babawi ng tulog. Masakit ang likod ko," ani ko at pumasok ng kwarto.

Humilata ako sa kama at tumagilid. Niyakap ko iyong malaking unan at pumikit para umidlip. Pagod na pagod ang isip ko. Hindi kayang i-proseso lahat nang sabay-sabay. Honestly, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. In this state of mine, hindi ako makakapagtrabaho. Baka maselan ang pagbubuntis ko, bunga nga ng pagkakamali 'to pero ayoko naman makunan. Baby ko 'to, nananalaytay rin sa dugo niya ang dugo na mayroon ako.

I don't know what to do with Alzien. Kung pursigido siya baka... baka pumayag ako sa gusto niya. Does that mean... we have to live in the same house? Or sleep at the same bed? Pero pwede naman sigurong mag-request na hindi na. It's uncomfortable... at ayoko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top