Chapter Fourteen

NAG-BOOK ng dinner sa mamahaling restaurant ang parents ni Chelsea para sa celebration ng graduation ni Cielo. Inaaya akong sumama. Ayaw ko mang tumanggi ay kinakailangan dahil may trabaho pa ako.

"Are you sure, Rayzeah, hija? We really want you to come," paniniguradong tanong ng Daddy ni Chelsea.

The sincerity in Tito's voice is making me feel like I am part of their family. Ngumiti ako. Tita's face is still hopeful.

"Yes po, Tito. May trabaho kasi ako. Pasensya na po."

Tito brushed it off with a warm smile. Umamba ito yayakap kaya natuod ako. They both embraced me into a tight hug.

"No, it's fine. Sunday bukas, mag late celebration kayong tatlo ni Chelsea at Cielo."

Malaki ang ngiti ng magkapatid sa akin. Ngayon ko lang napansin na suot ni Chelsea ang toga ni Cielo at hawak niya rin ang bouquet nito. She even went to wearing Cielo's silver medal.

"Sige po, aalis na ako. Congrats, Cielo. Text na lang, Chels."

Kumaway si Cielo, hindi pa rin nawawala ang malaking ngiti sa labi.

"Thank you po, Ate! Thank you rin sa pagpunta," ngiti ni Cielo.

Naglakad na ako palabas ng campus. Punong-puno ng ilaw ang paligid. Paglabas ng campus ay ini-on ko ang flashlight ng cellphone na bitbit. Hindi naman ako nagp-planong maglakad all the way sa restaurant, hahanap lang ako ng masasakyan sa unahan banda.

Napahinto ako nang may pamilyar na kotseng tumigil sa tabi ko. Bumaba ang may-ari at tama nga ako, si Alzien iyon. Hindi na ito nakasuot ng toga, pormal na ang suot nito.

"Bakit?" tanong ko nang lumapit ito sa akin.

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang yumakap ito sa akin ng mahigpit. He smell good.

"Thank you. God! Thank you so much," bulong nito.

Natigilan ako sa binanggit niya. Nakaramdam ako ng lamig sa bandang balikat kaya bahagyang lumingon ako. Suminghot-singhot ito at doon ko napagtantong umiiyak nga ito.

"You're welcome. Tumigil ka na kakasinghot, baka sipon mo na ang bumabasa sa balikat ko," biro ko.

Mahinang tumawa ito at bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin. Nagpunas ito ng mukha at ngumiti. It's a bright smile. He must've been in good mood.

"Saan ka? Ihahatid kita," tanong niya.

"Magt-trabaho," sagot ko.

Lumapit si Alzien sa passenger seat ng kotse at binuksan iyon. I frowned, not wanting to. Hindi ako nanghihingi ng kabayaran sa ginawa ko kanina.

"Ihahatid kita. Gabi na at... mas mabuting ihatid kita."

Nawalan ako ng imik. Gusto ko pang magpa-choosy pero tama siya, gabi na at mas mabuti sigurong sasakay ako. My feet moved on its own. Nagtatalo pa ang utak ko pero ang katawan ko ay sumakay na sa kotse.

"Wala ang parents mo kanina," panimula ko.

"Hm. Ayaw kasi nila sa course na kukunin ko, that's why they didn't bother attending my graduation," sabi niya.

I clicked my tongue, unable to process what he said. It's graduation and it's... important.

"So tuloy ang plano mo?"

"Something like that," tango niya.

He chuckled nervously. He's unsure with everything.

"Hindi ka magce-celebrate? Graduate ka na sa high school. At least celebrate it, kahit ikaw lang mag-isa," suggest ko.

Hindi muna siya nagsalita. There was a deafening silence between us. Akala ko ay hindi niya sasagutin kaya nagulat ako ng magsalita siya.

"Busy ka bukas?"

Late celebration kasama si Cielo at Chelsea. Dinner siguro, ewan ko. Wala pa naman akong natatatanggap na text galing kay Chelsea. Bukas pa siguro.

"Wala naman akong lalakarin bukas ng umaga, baka may late celebration kami nila Cielo at Chelsea sa bukas ng gabi. Bakit?"

"Hintayin kita hanggang matapos shift mo. Tapos celebrate tayo sa apartment mo hanggang bukas. Game?" may saya sa boses nito habang sina-suggest ang bagay na iyon.

Napaisip ako. Ibig sabihin sa apartment ko na naman siya tutuloy. Hindi ko matanggihan, araw niya ngayon. At... kawawa naman.

"Pwede rin. Bumili ka ng mga lulutuin natin sa labas habang nagt-trabaho ako."

Inihinto niya ang kotse sa labas ng restaurant. Lumabas ako at iniwan nalang ang bag sa kotse niya.

"Stay close. Huwag kang pumunta kung saan-saan kung ayaw mong mapagtripan ng mga lasing," banta ko.

He gave me a smug look. He wouldn't take me seriously, really. Mas marunong pa sa 'kin.

"Trust me, I'm more worst than them."

Umirap nalang ako at umiling. Pumasok na ako sa trabaho at nagsimula na sa shift. Maraming costumer, karamihan ay galing sa iba't-ibang skwelahan dahil naka-toga pa iyong iba. Nakakapagod man ay kinaya parin. Bandang eleven-thirty na natapos ang shift ko. Paglabas ay nakaabang agad si Alzien sa akin, nakabukas ang trunk ng kotse nito at maraming plastic bags.

Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang mga iyon. Hindi ko siya maaasahan sa ganitong bagay. Ang dami ng binili. Hindi ito magkakasya sa maliit kong refrigerator.

"Ang dami. Alam mo naman sigurong hindi ako marunong magluto 'di ba?"

"Ako ang magluluto. I'll cook my secret recipe, exclusive for you only."

I rolled my eyes. Nakuha niya pang kindatan ako, akala siguro ay natutuwa ako sa kaniya.

"Hindi ako uto-uto."

Binuksan nito ang front seat ng sasakyan at pinapasok ako. Umikot siya at pumasok.

"No, seriously. You're the only one I offered for this exclusive free secret recipe of mine, aren't you happy about it?"

"Hindi," honest kong sagot.

Minsan ang sakit ko raw kasi ang honest ko sumagot. Lumaki kasi akong mabait. Pinalaki kong mabait ang sarili ko.

"You're actually hurting me right now."

"I know, but at least I'm honest," pagtatanggol ko sa sarili ko.

Wala kaming masyadong pinag-usapan habang pauwi. Ngayon na lang ulit siya makakabalik.

Pagdating sa apartment ay siya ang nagbitbit sa lahat ng plastic, ako naman sa mga bag namin. Nauuna ako sa kaniya dahil pinagalitan niya ako noong sinubukan kong pumwesto sa kaniyang likod. Ang gago, akala mo kung sino. Binuksan ko ang apartment at niluwagan ang pinto. Just like before, he moved around comfortably.

"Magbihis ka muna bago ka magluto, tutulungan din kita maya-maya," sabi ko.

Tumingin siya sa aking at ngumiti. Unti-unting hinubad ang pormal na damit. Tumalikod ako agad dahil sa kahihiyan. Hindi ko siya binobosohan.

"Okay. Thanks by the way."

Tumango ako kahit nakatalikod. "As always."

"Nah, not about the graduation. Thank you for treating me like this, kahit wala tayong alam sa isa't-isa, pinapasok mo pa rin ako sa bahay mo."

I didn't bother to look. Bago pumasok sa kwarto ay nagbitiw muna ako ng salita.

"Mabait ako, ilang beses na rin naman na nangyari ito at ramdam ko namang mapagkakatiwalaan ka."

Matapos magbihis ng pambahay ay lumabas ako at natagpuan siyang nagluluto na sa kusina. Nakasuot na ito ng malaking tee shirt na puti at itim na short na hanggang tuhod. Naka-crocs pa ito with matching medyas. May sakit lang?

Nab-bother ako sa putting tee shirt na suot niya. Baka madumihan lalo na't maraming ingredients sa mesa.

"Anong lulutuin mo?" puna ko at lumapit sa kaniya.

"I don't know. Wala pa akong matawag sa recipe na 'to."

Unti-unti akong tumango. Sarili niyang recipe? Gawa niya?

"Gawa mo? Seryoso? O imbento mo lang?" sunod-snod kong tanong.

"It's my specialty. I like wandering around the kitchen and mixing this with that and all that stuff," winagayway niya sa harap ko ang spatula.

Naglaway ako agad nang maamoy ang amoy nito. Punyeta, ang sarap ng amoy. Amoy palang 'yan ah.

"Help me make a name."

Dinungaw ko ang niluluto niya. Mukhang masarap.

"Para dito? Pass. Wala akong alam sa name-name na 'yan," iling ko.

Suminghap siya at natawa. Bahagyang sumandal sa mesa habang nakatingin sa 'kin. Distracted agad ako sa dimples niya kaya minabuti ko ng isa-isang ilagay ang mga pinamili sa ref.

"Isusunod ko nalang sa pangalan mo, sige."

Umiling ako, hindi payag. It's weird. Hindi ko magugustuhan.

"Tarantado kang bata ka. Congrats nga pala, with highest honor ka," palakpak ko.

Tinapik-tapik niya ang mesa. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. Sa tuwing nag-uusap kami ay madalas siyang ngumiti.

"Akala ko nga hindi, muntik na hindi matanggap iyong portfolio na pinasa ko. Makalat daw kasi at late na."

"Bakit hindi ka lumapit sa 'kin at nagpatulong?"

He hummed.

"Masyado na akong maraming atraso sa 'yo, hindi ko nga alam paano makakabayad."

I sighed but didn't say anything. I'm not expecting or wanting anything in return with all of this. Seryoso na siya at hinihintay ang sasabihin ko. Umiling ako dahil wala na akong ibang sasabihin. And maybe it's my way of telling him that... it doesn't matter.

Matapos maluto ay hinain na nito sa hapag ang niluto niya. Inamoy-amoy ko ulit iyong ulam na niluto niya. Maraming cheese, masarap siguro 'to.

"Movie marathon hanggang bukas?" ngisi niya.

"Hindi kita aatrasan diyan."

Matapos nga kumain ay nagluto siya ng maraming popcorn, fries at kumuha ng softdrinks. Lahat binili niya. Ang daming pera. Ang napili naming panoorin ay 'yong animated movie na Abominable. Pagkaupo ko sa hapag kung saan kami naglatag ng malaking comforter at mga unan ay nakita kong may hawak na namang rubik's cube si Alzien at sino-solve ito. Mabagal lang ang galaw ng kamay nito at parang beginner lang kung maglaro.

"What's your comfort food? So I'll know what to cook the next time. Anything."

Napalingon ako sa kaniya nang magsalita ito. Hindi ito nakatutok sa 'kin, bagkus ay nasa hawak parin niya ang atensyon.

"Wala. Kahit ano naman kinakain ko, basta edible," sagot ko.

"Do you drink? Like wine? Or bar drinks?"

I glanced at him. Bakit niya tinatanong?

"Hindi. Never pa ako nakainom at nalasing. Softdrinks lang ako."

"Kapag inaya kitang uminom, iinom ka?" nag-angat ito ng tingin sa akin at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Hindi. Manahimik ka na, nagsisimula na 'yong movie."

As if that few words would stop him. At tama nga ako dahil may kasunod pa siyangg tanong.

"Bakit ayaw mo uminom?" pangungulit niya.

"Nag-aaral pa ako e. Saka na kapag nakaluwag-luwag na ako sa buhay. Gusto mo libre pa kita," maangas na sabi ko na ikinangisi niya.

Marahang tumawa ito at kumuha ng popcorn na nasa harap. Hindi kami masyadong malapit sa isa't-isa, hindi rin malayo. Sakto lang, may space lang sa gitna.

"Ako manlilibre sa 'yo, kahit successful ka na't lahat-lahat. I'll be your... provider."

"Manahimik ka na nga! Hindi ako makapag-focus sa movie."

Tumango siya pero ramdam ko pa rin na hindi pa tapos. A sly smile is plastered in his lips. Nagtaas pa ito ng dalawang kamay na parang sumusuko.

"Okay, okay. By the way, sasama ako sa celebration niyo bukas."

"Bakit?"

"Makiki-celebrate lang."

Mukhang ayos ang planong 'yon.

"Pwede, double late celebration."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top