Chapter Four

DUMATING ako sa pinagt-trabahuan mas maaga kaysa sa inaasahan. Nagulat nga si Miss Megan nang makita akong nagbibihis sa locker room. Palagi naman akong on time pero maaga lang talaga ako ngayon.

"Nandito na 'yong nagpa-renta para sa event. Ikaw muna ang umasikaso sa kaniya, Rayzeah," marahang sabi ni Miss Megan na tinanguan ko naman. "Nagulat ako dahil maaga ka ngayon pero mabuti na rin 'yon dahil maaga rin ang customer natin."

"Opo."

Lumabas ako ng locker room at pumunta sa kung nasaan ang costumer namin.

"Hi, good afternoon. I'm Rayzeah and I am the chosen one to assist you this whole afternoon until evening, Sir. Do you need anything?" magalang na tanong ko sa customer namin.

Nakakagulat. Si Alzien ang nakaupo ngayon sa harap ko at blanko lang ang mukha nito. Naka-kwelyo ito at slacks na itim, naka-reading glasses din ito na bumagay naman sa kaniya. Halatang hindi galing sa eskwelahan.

"I'll take one espresso."

"Is that... all, Sir?"

He nodded. Nag-bow ako saka umalis sa harap nito. Lumapit ako sa bar counter at sinabi sa kasamahan ko ang order ni Alzien. Ah, that familiar feeling. Why am I feeling this again?

"Ang poging bata 'di ba, Rayzeah?" bulong niya habang ginagawa iyong order ni Alzien.

Nagkibit balikat ako. May itsura naman talaga si Alzien, halata mong desente. Ang kaso lang ay parang walang pakialam sa paligid. Parang may sariling mundo.

"Hindi mo type?" nakangisi niyang tanong.

Umiling ako. "I'm not into kids... or someone younger. At wala pa sa plano ko ang ganiyan. Crush lang muna. Saka na 'yong... ganiyan."

"Mukha bang kid sa 'yo 'yan? Gaga! Sabagay, may soft features e kaya mahahalata mong bata. Siguro kung may balbas 'yan tapos ganiyang naka-reading glasses, masasabi mong isa siyang high school professor. Ang gwapo ng tindig, matipuno rin ang katawan," litanya niya.

Napangisi ako sa tinuran nito. Kung type niya si Alzien, hindi mo rin masasabing pedophile. Nasa legal na edad na si Alzien e. Nineteen? If I'm not wrong. Twenty-one debut ng mga lalaki 'di ba? Kung type niya, hintayin niyang mag-debut.

"Gusto mo?" tanong ko.

"Maryosep! Magtigil ka nga, may anak ako," kinakabahang sita niya na nagpa-tahimik sa akin.

Malay ko ba. Hindi naman ako mausisa sa mga talambuhay nila. Close kami pero iba pa rin 'yong personal or private life nila, confidential. We don't talk a lot since work is work. We don't talk after our shift either, diretso uwi na agad.

"Ah. Pakilala mo sa 'kin. Nabinyagan na?"

Gusto ko maging Ninang. Wala akong inaanak. Wala akong maibibigay financially, pero hindi naman iyon tungkol sa pera.

"Swerte mo hindi pa. Saka na, gusto kasi namin ng husband ko na engrande 'yong binyag ni baby para memorable, sa ngayon nag-iipon pa kami," nakangiting kwento niya.

Depende naman sa magulang 'yon kung gusto niyang espesyal ang binyag ng anak niya o hindi. Kung gusto nila ng engrade, then it's fine. Sino ba naman tayo para umepal, 'di ba? Desisyon nila 'yan, sila 'yong magulang. Ang blessed naman ng baby nila, alagang-alaga ng Mommy at Daddy.

"Ninang ako ha."

"Sure." Nakangiti niyang turan. "Heto na ang order ni pogi."

Naglakad ako pabalik sa table ni Alzien at inilapag roon ang order niya.

"I'll be at the counter, Sir. Please raise your hand if you need something. Excuse me," I bowed my head and left immediately.

Bumalik ako sa counter at umupo sa tabi ng katrabaho. Walang ibang customer bukod kay Alzien. Intimate event siguro? Family dinner? Or date? Baka.

"Pang-ilang beses ko na 'yan nakita dito," kulbit niya sa 'kin.

"Since when? Baka paborito lang ang restau kaya napapalagi dito."

"Matagal-tagal ko ng minamanmanan 'yan. Hindi mo talaga magagawang hindi mapansin kasi hindi common ang mukha. Siguro mga ilang buwan na rin. Hindi ko makakalimutan mukha ng batang 'yan, masyadong pogi."

"Talas naman ng utak mo."

"Syempre naman, mga ex nga ng asawa ko natatandaan ko pa e," mayabang na ngisi niya.

Napailing na lang ako at nakinig sa mga sinasabi ng kasamahan ko. Wala rin naman akong magandang sasabihin kaya mas mabuting manahimik nalang.

"Kailangan ka yata ulit," kulbit ng kasama ko.

Napatingin ako sa gawi ni Alzien. Nakataas ang kaliwang kamay nito. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Can you accompany me for awhile?"

"Sir?" paninigurado ko. Parang hindi naman 'yon parte ng serbisyo ko bilang waitress.

"Sit down."

Nagtataka man ay umupo ako sa harap nito. Na sa akin na ang atensyon nito ngayon.

"Stay still."

Tumango lang ako at hindi umimik.

"Bakit?" tanong ko nang hindi makatiis. Shit. Hindi ako 'to. Rayzeah, ano ba.

"Ayokong umupo mag-isa."

"Bakit?"

His brows furrowed. Parang nagdadalawang isip pa kung sasagot o hindi. Naiinis ba siya sa dami ng tanong ko? Pero puro 'bakit' naman 'yon. At dalawang beses lang.

"I just simply don't want to."

"Ah."

Katahimikan ang bumalot sa 'min. Nanatili akong naka-upo sa harap niya. Pinagtitinginan narin kami ng mga kasama kong unti-unti nang nagsisidatingan.

"They'll be here soon," imik niya.

"Sir?"

Napanguso siya. Nagsalubong ulit ang kilay na animo'y batang hindi nabigyan ng kendi.

"Iyong kasama ko, dadating din maya-maya."

"Girlfriend mo?"

I should really stop myself from sticking into someone's business.

"I don't have a girlfriend. Gusto mong mag-apply?"

Aba'y gago?

"Hindi. Pamilya mo."

Nakangisi na siya ngayon at binigyan ako ng tango bilang sagot.

"Celebration?" tanong ko ulit.

"Hm."

"With honors ka?"

"Oo."

"Wow. Congratulations. For sure proud sa 'yo ang mga magulang mo."

"Thanks."

No'ng nasa fourth-year ako sa high school, ako lang ang nag-iisang with highest honor sa buong junior high. Noong nag-senior high naman, with high honor lang. Walang with highest noon sa senior high namin.

"Nakita ko 'yong yearbook niyo ni... Ate Chelsea," umalon ang adams apple nito at titig na titig sa 'kin.

May nararamdaman talaga akong weird sa batang ito.

"Talaga? Mayro'n kami no'n?"

Tamango ito at inilabas ang cellphone. 'Yong klase ng cellphone na mamahalin at mukhang kakalabas lang. Iba talaga kapag mapera. Nagiging hampas lupa na naman ako sa lagay na 'to.

"Here."

Tinanggap ko ang cellphone nito. Mayro'n nga. Yearbook ng section namin. May picture ng first page kung saan nakalagay kung anong section ang yearbook na 'yon. Sa second photo naman ay ang nakangiting mukha ni Chelsea at blankong mukha ko. Hindi naman pala ako pangit sa yearbook namin. Akala ko wala kaming ganito, wala kasi silang sinabi. 'Tsaka ito yata 'yong dahilan kung bakit hiningan kami ng quote noon.

"Sinong nakakita?" tanong ko.

"Si Cielo. Pinaglinis daw sila. Nakita nila 'yan."

"Pwede makita 'yong libro?"

I don't have a lot of photos kaya nae-excite ako na makita.

"Nasa school." Nangalumbaba siya at tumiim ang titig niya sa'kin.

"Ah. Puntahan ko na lang kapag may oras."

Hindi rin nagtagal ay dumating ang parents ni Alzien. Agad naman akong tumayo nang makita ang papalapit na kotse nito sa parking area. Pa'no ko nalaman? Sinabi ni Alzien no'ng nakita niya 'yong kotse na paparating. Muntik pa ako masubsob sa pagmamadali.

"Huwag tatanga-tanga, Rayzeah. Sayang ganda mo kapag nagkapasa ka," biro ng katrabaho ko.

Ngumiti lang ako at umiling saka binaling ang atensyon sa parents ni Alzien na kakapasok lang. Sa uri ng pananamit ng mga ito ay masasabi mo talagang may kaya sa buhay. Kumikinang pa ang kwintas at earrings na suot ng Mommy niya. Hapit naman ang suot nitong black dress at gumagawa ng ingay ang suot na heels. Maliit lang ang bag na bitbit nito at sa likuran ay lalaking kamukha ni Alzien. Naka-three piece pa ito at intimidating ang dating. This couple screams power.

Napangiwi ako nang hindi inaasahan dahil sa sumunod na nangyari. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Alzien na ikinagulat naming lahat, maski si Miss Megan na nandito. Hindi man lang nag-iba ang mukha ni Alzien. Inaasahan niya ba ang sampal na 'yon? Dumilim lang ang mukha nito at napatiim bagang. Dinuro pa siya ng Daddy niya at pinagsasalitaan. Hindi namin marinig dahil may kalayuan ang pwesto ni Alzien sa 'min.

"Kawawa naman. Awatin niyo," sabi ng katabi ko na kasamahan ko rin.

"Madadamay kayo kapag ginawa niyo 'yan," imik ko.

"Kahit na. Bata lang 'yan. Hindi tama ang ginagawa nila."

"Gusto niyo bang mawalan ng trabaho?" inis na tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin, Rayzeah?" nagsalubong ang kilay ni Miss Megan.

"Kapag nakialam po tayo, may malaking posibilidad na madamay itong restaurant. Halata naman sa awra at pananamit nila na may kaya sila sa buhay at kaya tayong tapakan. Maraming kayang gawin ang pera, kahit mali sila at tama tayo, kaya nilang gumawa ng paraan para lang pabagsakin 'to," mahabang litanya ko na ikinaawang ng labi nila.

"Rayzeah's right. Let's not interfere, bumalik na kayo sa mga ginagawa ninyo," buntonghininga ni Miss Megan at binigyan ako ng hilaw na ngiti.

Tumayo ako sa counter kasama iyong nakatoka dito. Nanatili ang titig ko sa gawi ni Alzien. His flat expression is terrifying. Diretso lang ang tingin niya sa tatay niya na nagsasalita. He does not look scared. Nothing.

Maya-maya pa ay umalis na rin ang dalawa. Nanatiling nakaupo si Alzien doon at mukhang malalim ang iniisip. Nakakuyom ang kamao at masama ang tingin sa kung saan.

"I felt sorry for him. Ang laki pa naman ng binayad niya para sa renta ng isang araw tapos gano'n lang ang mangyayari," naawang sabi ni Miss Megan.

"Inaasahan niya na po ang bagay na iyon kaya niya 'yon ginawa," ani ko.

"Ha?"

"Nirentahan niya ho siguro ang restau para walang ibang makakita sa ginawa ng parents niya bukod ho sa atin."

It was just a conclusion of mine though.

"P-Pwede namang sa kanila na lang 'di ba?"

"Hindi ko na ho alam ang bagay na 'yan. That was just my conclusions."

"Hay naku. Maiba tayo. Lagong-lago ang negosyo natin dahil sa 'yo, Rayzeah. Ang laki talaga ng naitulong mo sa 'min ng kapatid ko," nakangiting sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko.

Sincerity is dancing in her eyes. Nakaka-overwhelm. Nanay vibes talaga itong si Miss Megan para sa 'kin. She feels so comfortable.

"Nagt-trabaho lang din ho ako para may pera ako."

"I know. But you're one of the key for this success of ours. Thank you."

"Y-You're welcome, Miss Megan."

Natapos ang shift ko bandang alas dose na ng madaling araw. Matapis magbihis ay lumabas na ako. Nagulat pa ako nang makita ko si Alzien na naka-upo pa rin sa pwesto niya kanina.

"Hindi ka uuwi?" tawag ko sa pansin nito.

Nag-angat ito ng tingin sa 'kin. Dadaanan ko lang naman sana pero parang walang balak umuwi. Nakakaawa ang itsura niya.

"Oh, you're done?"

"Oo. Aalis na kami. Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Hindi pa natapos 'yong renta ko. Sayang sa pera."

Hindi ko siya napansin kanina. Umalis kasi ako at sa kusina namalagi ng ilang oras. Akala ko pa naman umuwi na siya at hinihintay lang ni Miss Megan na malinis ang buong lugar bago kami pauwiin.

"Ah. Sige, mauuna na ako."

Naglakad na ako palabas. Huminto ako sa may waiting shed kung saan dumadaan ang mga taxi. Wala ng bus sa ganitong oras, ten PM ang last trip. Taxi na lang ang mayro'n. Nakakamangha nga e, sobrang hard working ng mga taxi drivers.

"Pwede sumama?"

Napahiyaw ako sa gulat nang may magsalita. Shit na 'yan. First time 'yon. Grabe 'yong tili ko dahil sa kaniya ah. Never pa ako tumili ng gano'n sa tanang buhay ko.

"S-Saan ka sasama?" uutal-utal na tanong ko, hinahabol pa rin ang hininga dahil sa ginawang pagtili.

"Sa inyo."

"Ano?"

"Sasama ako sa 'yo. Ayoko umuwi."

"Dati ka bang baliw? Sasama ka sa hindi mo kilala?" tanong ko.

Mabait naman akong tao pero depende rin.

"Kilala kita. Gandang-ganda mo nga e."

Gago 'to, dinadaan ako sa ganiyan.

"Anong pangalan ko?"hamon kong tanong.

"Rayzeah."

Umismid ako. "Bukod sa pangalan ko, ano pang alam mo?"

"Kaibigan ka ng Ate ni Cielo. Masipag ka. Hindi ka rin mukhang kidnapper. Desente ka tignan. Maganda ka. Sobra."

"Paano kung mamamatay tao ako?"

"You don't look like one," he happily shrugged.

Bipolar. Wala siguro itong trust issues sa buhay, ang daling magtiwala e. A lot of thieves can easily rob him for sure

"Maraming two-faced ngayon."

"Sasama ako. Ayoko umuwi."

"Bakit muna ayaw mo umuwi? Hindi kita pwedeng basta-basta na lang dalhin. Malay ko ba kung ikaw pala ang may masamang balak sa 'kin. Kahit maayos ka sa paningin ko wala pa rin akong tiwala sa 'yo."

"Dad will beat me up. At least I'll escape... for tonight," lumunok ito.

Umiling ako. Hindi talaga pwede. Kapatid pa naman ng step-mom ni Cinderella iyong landlady namin.

"As much as gusto kitang tulungan, hindi ka talaga pwede sa apartment ko. Magagalit ang landlady. Tatawagan ko nalang si Cielo, baka pwede ka sa kanila since malaki naman ang bahay nila. O baka sa mga kaibigan mo, pwede ka sa kanila," litanya ko.

"No. Takot sila kay Dad."

"Kapag tinulungan kita, baka sa 'kin magalit ang Daddy mo. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral, Alzien. Marami pa akong gustong makamit sa buhay kaya pass ako."

"Hindi niya gagawin 'yon. Sasama ako. Gusto kong sumama. Sige na."

"Ang tigas ng ulo mo. Magagalit ang landlady ng apartment na tinutuluyan ko. Pareho tayong mapapalayas."

"I'll pay," lumiwanag ang mukha niya. "Double."

Mapagkakatiwalaan ko naman siguro ang batang 'to. At kapag may ginawa siyang mali, may pulis naman doon. At marami akong matutulis na bagay sa apartment.

"Hindi mo naman sinabi agad. Halika na, may taxi na."

Winagayway ko ang kamay ko. Huminto naman ang taxi sa harap namin kaya hinila ko na siya papasok sa loob. He looked puzzled by my sudden movements. I chuckled and tapped his shoulder.

This is going to be a long night for the both of us. Hindi ako nagpapapasok ng kung sino sa apartment, lalo na kung stranger.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top