Chapter Five
BINUKSAN ko ang pintuan ng apartment ko. Bukas ko na siya pagbabayarin sa may-ari, nasa kalagitnaan na ng gabi. Ang creepy naman kung kakatok kami. Siguro ay bulyaw ang isasalubong ng landlady sa amin.
"Sofa bed 'yan, diyan ka matutulog," sabi ko.
Isinabit ko sa rack stand ang bag ko pati na rin 'yong kaniya. Tinanggal ko na rin ang sapatos ko at napansin ko namang ginawa niya rin ang ginawa ko. He even put his shoes beside mine.
"Hindi ako marunong magluto, kumakain ka ba ng de lata?" tanong ko.
"Hindi ka marunong magluto?" nagtatakang tanong niya.
Umiling ako bilang sagot. Marunong ako no'ng mga basic, prito-prito lang. Busy ako sa school at work kaya wala akong time para mag-aral paano magluto, wala rin kasing nagtuturo sa 'kin. Tuwing nasa pinagtatrabahuan ako at sa kitchen ay tumutulong lang ako sa paghuhugas at minsan ay doon lang ako sa food section, nag-aayos ng mga labels.
"You lived alone yet you don't know how to cook." Tumayo ito at lumapit sa 'kin.
Mas matangkad nga siya sa 'kin. Isang high school student na mas matangkad sa college student. Normal 'yon. Mas matangkad talaga mga lalaki kaysa sa babae. He's tall and broad. He's a teen, right? How is that possible? Or was it because he's a mix? He looked so good with his messy hair and emotionless orbs.
"Marunong naman, 'yong mga basics lang," I answered softly, still mesmerized with his physique.
"I'll cook."
Tumabi ako at hinayaan siya. Binuksan niya ang mini-ref ko at inilabas roon ang karne na kakabili ko lang kahapon.
"Are you sure? Kaya ko naman. I know how to fry," I reluctantly said.
"Hm," he nodded.
Inabot ko ang apron at binigay sa kaniya iyon. Seryoso lang ang mukha nito nang inabot niya iyon sa 'kin. It didn't even reach his knees when he wore it. Nagmukhang bitin ang apron sa katawan niya.
"May tee shirt ako. Baka madumihan 'yang long-sleeve mo."
"Kanino galing?" nag-angat siya ng tingin sa 'kin.
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ba halata na mahilig ako sa mga tee shirt?
"Akin. Kanino naman manggagaling 'yon?"
"Akin na." Tumigil siya sa ginagawang paghiwa at naghugas ng kamay. Flex na flex ang malaki at maugat na kamay. My lips formed into thin line as I turned my back on him, unable to utter any word.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha iyong malaking tee shirt ko na abot hanggang ibaba ng tuhod ko. Mukha nga akong naka-duster kapag sinusuot ko ito. But it's comfortable.
"Heto. Ito lang ang maipapahiram ko, wala na akong ibang spare shirt na ganiyan kalaki."
Walang alinlangan na hinubad niya iyong suot niyang damit sa harap ko. Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Pasimple akong naglakad palayo at bumalik sa kwarto. Umupo ako sa kama at habol ang hininga. Anong nangyari? Diyos ko po. Ang laki ng tinapay, halatang matigas. Iyong biceps niyang nakakapanghina— oh, my God! What are you thinking, Rayzeah? Umayos ka. High school student 'yon.
Tumayo ako at muling lumabas. Nakatalikod ito mula sa 'kin at nagp-prito. Ang laki niyang tao. Parang ang liit lang tignan ng kusina ko sa laki niya.
"Wala akong shorts na maipapahiram sa 'yo. Isang gabi ka lang naman dito 'di ba?" tanong ko.
Humarap siya sa 'kin bitbit 'yong frying pan. "Hindi ko alam."
Agad akong umalma. "Anong hindi mo alam? Hindi ka pwedeng magtagal dito. Tatawagan ko si Cielo bukas. Doon ka na lang muna sa kanila manatili. You're not alllowed here and my place is too small for two people."
"Ayoko siyang idamay."
What a reason. Lihim akong napangisi. Parang ano— ahay nae-engot na ako. Kaya naiinis si Chelsea sa 'kin minsan e, kung kani-kanino ko lang kasi naiisipang i-ship si Cielo.
"Ilang taon mo nang kilala si Cielo?" pasimple kong tanong.
"Since elementary."
Matagal na rin pala talaga. It's a good thing. Kilala na nila ang isa't isa, hindi na mahirap I-reto.
"Good friends?" dagdag tanong ko.
"Kinda," he shrugged.
Ako naman ang tumayo at kumuha ng plato at baso. Inilapag ko ang mga iyon sa harapan niya. Nakangising nagsandok ako ng kanin saka iyon nilagay sa mesa. He waited 'til I finished placing everything. Nakamasid lang siya sa ginagawa ko. He pursed his lips and sighed. Hindi yata nakatiis sa katahimikan kaya ibinuka ang bibig.
"Mind if I ask bakit pumayag ka pa rin na isama ako kahit na hindi naman tayo magkakilala?" tanong niya.
I sat on the chair and I motioned him to sit, too. Hindi ako umimik. I closed my eyes and prayed before digging in. It's a hobby and a must. After a couple of minutes, I finally answered.
"Maybe because Cielo knows you? Base na rin sa sinabi mo, matagal na kayong magkaibigan. Isang gabi lang naman. Not to mention you also like a lost pup earlier."
"You trust me now? Paano kung may gawin ako sa 'yong hindi maganda?"
"May kapitbahay akong pulis. Actually, sa tapat lang siya nakatira," blankong sagot ko.
He smirked and let out an amused chuckle. Nagbaba ako ng tingin dahil sa mainit na titig niyang hindi ko matapatan.
"Really huh?" he teased.
"Type mo ba si Cielo?" I bluntly asked.
Nagsalubong ang kilay nito. Nawala na ang kaninang ngisi. "Why?"
"Natanong ko lang. Bakit? Hindi ba?"
Cielo is pretty, friendly, and kind. Hindi mahirap magustuhan ang batang 'yon. If I know...
"Hindi."
I flatly looked at him. Dude got no taste.
"Bakit hindi? Maganda naman si Cielo, mabait," as a matter of fact na sabi ko.
"She's not the kind of girl I'm looking for," direkta niyang sabi. "I date to marry. Wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan. Pero kung dadating, ayos lang, tatanggapin ang pagkatalo."
Napatango-tango ako. Nagpantig ang tainga ko sa date to marry niya. I know a lot of guys who said the same but ended up disappointing me.
"Sabagay. Mag-aral muna kayo, ang babata niyo pa. No'ng kaedaran namin kayo, tustado kami sa dami ng pinapagawa ng mga teachers namin," litanya ko.
Napansin kong pinaglalaruan nito ang kutsara sa kamay at tutok na tutok sa 'kin. Iniisip niya yatang may point ako sa lahat. Ang mga babae, palaging tama, ayon kay Kiko.
"Ilang taon ka na ulit?" napatiim bagang ito na bahagyang ikinagulat ko.
"T-twenty four, bakit?" tanong ko.
"You talk like you're some kind of a thirty year old grandma."
"Mature ang tawag do'n. 'Tsaka wala akong kilala na lola na sa edad na trenta. Tapusin mo na 'yang kinakain mo, may pasok ka bukas 'di ba? One of the reasons why you shouldn't stay here longer."
Tumayo ako bitbit ang pinagkainan ko at inilagay iyon sa sink. I washed my hands and turned to him when he spoke.
"I have spare uniform and some clothes."
Hindi halataang pinaghandaan.
"You saw what happened, right?"
I mean, I'm not blind so...
"Alin?" painosenteng tanong ko.
"The slap and all."
Tumango ako. "Oo."
That was just a short reply but it did make him still. Maya-maya pa ay binigyan ako nito ng maliit na ngiti. That smile is somewhat familiar. Ah, disappointed smile. I know that. I do that a lot. We're alike a lot, huh?
"I was expecting that."
Hindi na ako nagulat dahil sobrang halata naman.
"Halata naman," mahinahong ani ko at sumandal sa sink.
"Mom and Dad always does that whenever they're disappointed. Parang... nakasanayan ko na rin."
I stayed silent. Wala akong masabi. Wala naman akong kinalakihang magulang kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi ko rin kasi ma-imagine ang sarili ko sa sitwasyon niya. Chelsea and Cielo's parents are kind and loving. I never thought there's parents out there na kayang saktan ang anak nila just because of dissapointment. Akala ko sa mga nobela at movies lang ang gano'n.
"They want me to do business. I don't want to. Architecture is the course that I want to pursue. I took ABM strand last year, to do what they desire. I wasn't happy and satisfied about everything so I chose the path that I want. And then shit started happening."
"Anong plano mo? Sinasaktan ka ng Mommy mo physically, while your Dad hurts you emotionally. Trauma at depresyon ang aabutin mo niyan. And it's not good, pwede mong i-report."
He chuckled. "Sweetheart, it's not that easy. I'll stand for the choice I choose. I can work my ass off if they stop giving me allowance and supporting me. I'm old enough to handle myself. I'll be fine."
Akala siguro nito madali ang mamuhay mag-isa. You're alone, yes, but the struggles is giving, too. Marami ang nag-aakala na freedom kung matatawag ang suportahan ang sarili mag-isa. Kapag nakakarinig ako ng gano'n ay natatawa na lang ako.
"It's always the word 'I'm fine' and 'I'll be fine'. Kid, trust me, hindi madaling makahanap ng trabaho. Sige, sabihin na nating natuloy nga iyang sinasabi mo. Naisip mo rin ba na kayang gumawa ng paraan ang mga magulang mo para hindi ka tanggapin ng mga pag-a-applyan mo? You said it yourself, it's not that easy," I said, not minding what he just called me awhile ago.
"If they're that evil then," he shrugged.
Napapantastikuhang pinagmasdan ko ang kabuuan niya. It's either sa pagiging waiter o construction worker ang babagsakan niya kapag nangyari ang sinasabi niya. It's a decent job but given that he's studying in a very fancy school, he might have to stop to earn enough. Napailing ako sa naisip. Pwede siyang maging scholar. It would be hard, too.
"Just hope for the best. Tapos ka na?" puna ko sa kinakain nito.
"Yeah. Thanks for the delicious dinner. So good."
Tumayo ito at naglakad palapit bitbit ang pinagkainan.
"Magpahinga ka na doon, ako na ang maghuhugas," presenta ko.
"Thanks for letting me in, by the way. I promise to repay you someday. Please hold onto that."
"I'm not that glad to help and I have no choice," tango ko.
He gave me a smug look. "Can't bear to see me walking around like a lost pup?"
"Absolutely. Doon ka na. Don't turn on the tv, kalagitnaan ng gabi magm-movie marathon ka pa."
Ngumisi siya at tumango. "I'm not planning to. Can I at least watch YouTube or something? I still need to digest the food I ate, pahihinaan ko ang volume," he groaned like a baby.
Such a kid.
"Go ahead. May load ka?"
"You have wireless fidelity instead? Wala akong load."
Kalma, Rayzeah, bisita mo 'yan. Wi-Fi na nga lang, kinumpleto pa pangalan.
"Pocket Wi-Fi lang mayro'n ako, hindi ko alam password ng Wi-Fi ng landlady namin. Give me your phone."
Inabot naman niya sa 'kin ang mamahalin niyang cellphone na nakakatakot hawakan. Binuksan ko ang Wi-Fi icon nito at ikinonek sa pocket Wi-Fi ko. Hindi ios ang cellphone ko kaya hindi ko nav-view ang password ng Wi-Fi ng landlady namin kung saan ako naka-connect. Ang purpose lang naman ng pocket Wi-Fi ko ay nadadala at nagagamit ko siya kahit saan ko dalhin. Very convenient.
"I'll buy you a more bigger and fast Wi-Fi via online shop tomorrow."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. Seryoso ba siya? Ano 'to? Bakit parang ang advance? O baka gift niya 'yon dahil mabait ako sa kaniya.
"No need. Naka-connect rin naman ako sa Wi-Fi ng landlady namin."
"Iba pa rin 'yong may sarili kang Wi-Fi," he argued.
"Wala akong pang-load diyan. Pocket nga lang hirap na ako e, kahit singkwenta lang palagi load."
Dagdag gastusin, naghihirap nga ako. Financially, emotionally, mentally, spiritually, unstable ako sa lahat ng aspect.
"Ako na ang sasagot sa load."
"You're not planning on living in with me right?" kinakabahang tanong ko.
Nangunot ang noo niya at umiling. Doon lang kumalma ang puso ko. Heart attack medyo malala.
"Of course not. I'll ask your proprietress tomorrow if they still have vacant. How much does it cost to live in a single apartment like this?"
"Wala ng bakante, puno na lahat. Sa iba ka nalang maghanap."
Ang totoo niyan, ayaw ko lang talaga siyang makasalamuha araw-araw. Nakakaasiwa siya kasama. Akala ko tahimik, madaldal pala. Nasa loob ang kulo.
"That's fine, as long as I have a place to live."
Bakit kasi hindi nalang umuwi. Ah, 'yong mga magulang niya nga pala ang problema. Stupid me.
"Connected. Doon ka na."
He obliged. Matapos hugasan ang pinagkainan ay lumabas ako ng kusina. Natagpuan ko itong nakaupo sa sofa bed at tutok na tutok sa cellphone nito. May hawak rin itong rubik's cube na hindi synchronize.
"Marunong ka?" hindi napigilang tanong ko.
Gusto ko rin matuto ng gano'n, kaso wala akong oras. Mostly boys ang marunong sa klase namin. They like this kind of entertainment or game.
"Easy peasy," mayabang na sagot niya.
"Ang yabang mong bata ka ah," hindi makapaniwalang sabi ko na ikinatawa niya.
For a split second, the cube was already synchronized. Punyeta. Ang bilis. Hindi ko man lang naklaro kung gumalaw ba talaga ang kamay nito o hindi. Inilapit ko ang mukha ko sa kamay niya na hawak ang rubik's cube. I may look stupid right now but it was fantastic. It was really fast. Ang galing. Napakagaling.
"I've already mastered megamix rubik's cube. I'm aiming for the pentamix."
Ano 'yon?
"Akala ko rubik's cube lang?" mahinang sabi ko.
He cleared his throat. Nanatili ang titig ko doon sa cube. I was taken aback when he removed a few strands of hair in my face. Lumayo ako ng kaunti at inayos ang buhok. Ang weird no'n.
"There's a lot actually. If you want to learn, I can buy some for you. The easiest rubik's cube. Ivy cube, pyraminx dou, gear ball, floppy cube, redi cube, anything. Floppy is the easisest."
Ang daming pera. 'Tsaka wala akong na-gets ni isa sa mga sinabi niya.
"Pass. Marami akong ginagawa. Hindi 'yan kasama sa mga priorities ko as of the moment. Pero ang galing mo ha? Bilib na ako."
"Okay, thanks," he shrugged and went back to what he was doing.
"Pakipatay na lang 'yong ilaw. Good night."
"Night."
Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Maliit lang ang space ng apartment ko pero may living room na may pagka-kitchen, maliit na kwarto at bathroom. Humilata ako sa kama. Hindi ako nakatulog agad dahil iniisip ko si Alzien. The last thing I thought before drifting off to sleep is Alzien. That's new.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top