Chapter Fifteen
NANDITO kami sa rooftop na pagmamay-ari daw ng kaibigan ni Tito, Daddy ni Chelsea. I'm not very sure with the details. Gabi na kaya kitang-kita mula rito sa taas ang night lights sa ibaba. Hindi pa naman masyadong late, eight PM pa e. Dumating kami dito kanina mga five na, tapos may dalang pagkain si Chelsea at Cielo.
"Kayo ngayon tapos kami naman sa susunod," imik ni Chelsea.
Imbes na mainis ay nagtaka ang mukha ni Cielo. She didn't pick what Chelsea had said. I could only sigh because of her innocence.
"Slow. Graduate kayo kahapon, tapos kami naman ni Rayzeah ga-graduate sa susunod," irap ni Chelsea. "My goodness ha, napaka-slow."
Nanatili akong tahimik habang nag-uusap naman ang dalawa, more on bangayan pala. Maya-maya pa ay umilaw ang cellphone ko sa tabi. Kinuha ko iyon at tinignan, si Alzien, papunta na. Akala ko wala siyang balak pumunta. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ni Alzien sa buhay niya, ni hindi ko nga alam kung saan siya pumupunta at wala rin naman akong balak alamin.
I waited for a couple of minutes. Alzien sent me another text telling me that he's downstairs. Napatingin silang dalawa sa akin nang tumayo ako bigla.
"Gaga ka! Bigla-bigla ka nalang tumatayo, kinakabahan ako sa 'yo." Chelsea's lips parted after saying those words.
I didn't acknowledge what she said. Wala ako sa mood magsalita at makipagbangayan ngayon.
"May kukunin lang ako sa baba."
The building is full of light especially the hallways. Piling palapag lang ang walang ilaw. It's not eerie out there so I'll be fine. Hindi rin naman ako matatakutin.
"Ha? Gabi na, Ate Rayzeah. Tayo lang tao dito, sure ka ayos lang sa 'yo mag-isa sa elevator?" paninigurado ni Cielo.
Tumango ako.
"May guard naman sa baba, 'di ba? Mamayang twelve pa ang uwi no'n. I'll be fine."
Chelsea moved a few things. I groaned. She lit up the mini stove that we brought earlier and started heating up the pan. Baka pagbalik ko ay marami na siyang naluto.
"Sige, balik ka agad. Bili ka nga din pala soju, salamat!" bilin ni Chelsea.
Iinom siya? Akala ko ba kwentuhan at midnight snack lang?
"Ayoko ng kaibigan na umiinom," blangkong ani ko.
Chelsea let out a nervous chuckle. It was a joke. She can do whatever she wants.
"Ito naman, joke lang e. Bili ka maraming mogu-mogu sa malapit na store."
"Pera?" nilebel ko sa mukha niya iyong kamay ko.
Napatitig siya si kamay ko. It lasted for a couple of seconds. Her face went from calm to sarcastic.
"Ano ka sinuswerte? Paghatian natin oy! Wala rin akong pera, gipit era muna ako ngayon!" sigaw nito at naglapag ng singkwenta sa kamay ko, maging si Cielo narin.
Pwede na, hihingi din ako ng fifty pesos kay Alzien tapos fifty din sa akin, two hundred na agad. Lumabas ako ng rooftop at pumasok sa elevator. Hindi naman nakakatakot dito sa elevator, nakakatuwa nga kasi may LED lights dito at party lights, ngayon lang ako nakakita ng elevator na ganito ang design. Maganda sa paningin.
"Kanina ka pa? Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko kay Alzien nang madatnan itong nakasimangot at nakaupo.
"Ayaw ako papasukin ng guard. Suntukin ko sana e, kaso baka magalit ka," sagot nito.
Lumingon ako sa guard. I totally understand. Hindi ko rin nasabi na may lalaking dadating. Partly my fault and I totally... damn understand.
"Akala ko kasi magnanakaw, Ma'am. Manghihinayang nga sana ako kasi ang gwapo naman tapos magnanakaw lang. Pasensya na ho."
Wala namang kaso sa akin iyon. He's doing his job right.
"Prevention is better than cure nga, Manong. Ayos lang. Ikaw, pumasok ka na doon," turo ko sa loob.
Alzien pouted a little. I can only see half of his face because of the light coming from the lamppost.
"Madilim."
Humalakhak siya at ngumisi. Namewang siya sa harap ko at sinubukang hawakan ang braso ko gamit ang isang kamay.
"Ano naman? Huwag mong sabihin na natatakot ka?" nagsalubong ang kilay ko.
I stepped back, not wanting his touch. He pouted even more.
"Hindi, nagsasabi lang."
I motioned the door with my hand.
"Pumasok ka na. Saglit, pahingi fifty."
"Fifty lang?" he asked. "For what? Pwede kong dagdagan?"
"Hati tayong lahat sa inumin, pahingi na. Fifty lang."
Nagbigay naman agad ito pero hindi fifty, five hundred.
"Fifty nga," pilit ko.
He frowned. Binuksan ang wallet na naglalaman ng yellow at blue bills. A few cards was there, too. And a picture of himself.
"I don't have fifty pesos. Iyan lang mayroon ako bukod sa tig-iisang libo," nagsalubong na rin ang kilay nito.
"Pumasok ka na, ibabalik ko sa 'yo iyong sukli mamaya."
Hindi siya gumalaw. He held my pulse firmly. Napatingin ako roon. Mainit ang kamay niya.
"Wait, where are you going?" nalilitong tanong nito.
Nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko iyong pera at tumingin sa kaniya.
"Bibili ng inumin," sagot ko.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya napatingin ulit ako roon. I don't care if we're making a scene here. I don't even care if the guard is still there. Ang pokus ko ay nasa hawak niya.
"Sasama ako."
But what about the other two upstairs?
"Walang kasama 'yong dalawa sa taas, puntahan mo. Help them for awhile, I'll be back."
He doesn't seem pleased with it. So persistent. Matigas talaga ang ulo.
"Ayoko, sa 'yo ako sasama."
Hindi na ako umapela at hinayaan nalang itong sumama sa 'kin. Pagdating sa may malapit na store ay dumiretso ako sa may ref para kumuha ng maiinom doon. Kumuha ako ng mogu-mogu at chuckie.
"Ibili mo lahat."
Naramdaman ko siya sa likod ko. I thought he'd move next to me but did not. Nanatili siya sa likod ko. I feel extra weird.
"Wala tayong pera," pigil ko.
"May pera ako."
Ikaw na ang mayaman.
"Huwag kang gastos ng gastos, Alzien. Dadating ang panahon na mangangailangan ka ng pera lalo na at may posibilidad nga na hindi ka tustusan ng mga magulang mo sa pag-aaral," litanya ko habang binabalik iyong iba sa kaniyang mga kinuha.
I realize I care too much about his studies. Maybe because I don't want him to end up like my position. Na pinapaaral at tinutustusan ang sarili. I am still doubting if he could do it.
"Ibibigay ko sa 'yo lahat ng pera ko, para hindi ko magastos," katwiran niya.
Umawang ang aking labi at natigil sa ginagawa. He's not serious about it. He shouldn't be. I'm asking myself why does he trust me that much?
"Itatakbo ko lahat ng pera mo, sige ka," biro ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagpili sa mga bilihin. It's not that much but I'm keeping myself a company so we can talk longer.
"You're not that obsessed with money, you're not a gold digger either. Oh, and I trust you with all my life."
Hah! Hindi niya lang alam. I need a lot of money so bad. Pero hindi naman to the point na magnanakaw ako. I'd rather work my ass off.
"Kahit gaano pa kalaki ang pera, mauubos at mauubos pa rin 'yan. Money is happiness, but not permanent."
It's a cliche saying. Permanente ang kasiyahan ko kapag marami akong pera. Money can't buy happiness, yes, but it can be the cause of happiness.
"I know. I'll try... not to spend much. But seriously—"
Before he could finish, I cut him off.
"Hindi, ayoko. Bahala ka sa pera mo, huwag mo lang gastusin ng gastusin sa mga hindi naman importanteng bagay. Mag-ipon ka nga," naiinis na sabi ko.
Mahinang tumawa ito. Lumingon ako sa kaniya para tingnan ang kaniyang reaksyon. He looked amused huh? What's so amusing about that?
"Hm, I will."
Hinuli ko ang hawakan ng cart. I gently pushed it towards the counter.
"Tama na ang mga ito, halika na."
Nagbayad na kami sa counter at bumalik. Pagdating sa rooftop ay natagpuan namin ang dalawa na naglalaro ng baraha. We didn't get the chance to tell the guard but we made sure to give him few of what we bought from the store. Para may makain ito habang nagpa-patrol.
"Saan niyo nakuha 'yan?" tanong ko.
"Diyan lang sa tabi, may mga yosi nga e. Try natin?" parang batang sabi ni Chelsea. "Hi, Alzien! Nandito ka na pala."
Hanggang ngayon hindi pa rin nalalaman ni Chelsea na nakikitulog sa apartment ko si Alzien, nakaka-guilty minsan.
"Anong binili niyo? Knowing Alzien, panigurado may alak diyan," puna ni Cielo at kinuha ang plastic na bitbit ni Alzien.
Nanlaki ang mga mata niya nang buksan ang plastic. She gasped and her lips parted.
"Unbelievable! Bakit walang alak dito? Hindi ka iinom, Dela Rama? Ano, healthy lifestyle ka na, gano'n?" tanong ni Cielo.
Umiinom siya? I've never seen him drinking one. Not even a beer.
"College na ako after two months, it's better for me to be responsible and do better," matigas na sabi ni Alzien.
Lihim na ngumiti ako. Tumalikod ako sa kanila upang ilagay sa tamang lagayan ang mga pinamili. I sat next to Chelsea after.
"Anong nakain mo?" tawa ni Cielo.
Hindi umimik si Alzien. Napaatras ako kaunti nang makita ko si Alzien, may bitbit na upuan. Nilapag niya iyon sa tabi ng upuan ko at umupo roon.
"Nanliligaw na ba si Hatzis sa 'yo, Chelsea?" tanong ko.
Imposibleng hindi. They've been going out countless times already. I'm curious and I feel like I need to know. Chelsea is my best friend afterall. Dapat alam ko kung sino ang babarilin ko.
"Si Kuya Jehovah? Oo, Ate, nanliligaw na iyon kay Ate Chelsea. Lakas nga ng loob, pormal pa na nagpaalam kay Mommy at Daddy e. Sana all," si Cielo ang sumagot sa tanong ko.
Ngumisi si Chelsea at tumango-tango. Akalain mo nga namang nakabingwit ng matino at matalinong lalaki. Unexpected talaga mga bagay na dumadating sa buhay natin.
"Ikaw na," blangkong sabi ko.
Hindi ako naiinggit, wala pa akong panahon para sa mga ganiyan. Huwag lang sana ma-broken ang isang 'to dahil sa akin iyan lalapit, for sure naman. At bilang isang supportive friend, ibig sabihin kailangan kong linisin ang kalat.
"Speaking of lovelife, ikaw, Ate Rayzeah, may nanliligaw na sa 'yo?" tanong ni Cielo.
I heard Alzien move. I kept my mouth shut. Ano namang sasabihin ko? Wala naman akong manliligaw. At hindi ako tumatanggap ng gano'n.
"Oo nga, naging busy na ako kasi palapit na graduation kaya hindi na kita masyadong namo-monitor. Ano, Rayzeah? Mayroon na ba? Sumagot ka!" sigaw ni Chelsea na parang inaakusahan pa ako.
Nag-iba ang hibla ng mukha ko. It's not right to shout at this late at night.
"Sigaw ng sigaw, nasa tabi mo lang ako," reklamo ko.
She squinted her eyes, smiled without showing her teeth, and gave me a peace sign.
"Ay, sorry. Nakaka-excite kasi. Ano na? Mayro'n na ba? Ano? Ano?" impit na tili nito.
"Mukha ba akong may panahon para diyan?" irap ko.
Nanlumo naman ito agad. That gave her an idea that I am not expecting.
"E ikaw, Alzien? May nililigawan ka 'no? Imposibleng wala. Knowing you, matinik ka sa mga babae," sabi ni Cielo.
Lumingon din ako kay Alzien. Nagpapalit-palit ang tingin niya kay Chelsea at Cielo bago sa akin. Napangisi ito at umiling.
"Wala, ayoko pa. Ayoko muna. Hindi pa handa," sagot nito, sa akin pa rin nakatutok.
Lumihis ako ng tingin. Bakit pakiramdam ko ako ang pinaparinggan niya? Pero ang feeler ko naman kung gano'n. Iba pa naman magmahal ang mga academic achiever. Proven pero hindi pa tested.
"Nagbibiro ka ba?" tanong ni Cielo.
Mabilis ang naging pagsagot ni Alzien.
"Hindi."
God, why do I feel like he meant me? But I have to play dumb until he say it in front of me just in case I'm just being delusional.
"Ikaw ah, baka bigla nalang naming mabalitaan naka-buntis ka na pala!" malakas na tumawa si Cielo, hinampas naman siya ni Chelsea.
Kumuha ako ng chips na hindi pa nabubuksan at binuksan ito. Healthy lifestyle naman ako, sakripisyo muna ako ngayong gabi, ngayon lang naman. Nagsalubong ang kilay ko nang kumuha rin si Alzien doon sa chips na binuksan ko.
"Magbukas ka ng sa 'yo, aba!" pagalit na sabi ko.
Humalakhak ito at nagpatuloy sa pagkuha.
"Ikaw, Alzien, pumapatol ka ba sa mas matanda sa 'yo? Kung oo, ibibigay ko na si Soleste sa 'yo, ayoko sa babaeng iyon, nakakapanliit tumabi. At bagay kayo, mga sosyalin," sabi ni Chelsea.
Alzien flashed a smirk. Kulang na lang ay paglapitin niya ang upuan namin. He's leaning onto my side just to get the chips I am holding. He could open another one. Mas pinili talaga ang mahirap.
"Willing ako, pero sa kaniya ako papatol," nguso niya sa akin.
Act fool. Act fool.
"Ha? Alin?" naguguluhang tanong ko kunyari.
Lumingon ako kay Chelsea na namumula at kay Cielo na malaki ang ngisi. Napahiyaw si Cielo nang kurutin siya ni Chelsea, nanginginig pa ito at sigaw ng sigaw. Chelsea looked so happy in an instant.
"Gusto mo? Ha! Asa ka!" sigaw ni Chelsea at tumawa ulit.
Panay ang hampas niya sa kapatid. Mahina lang naman ang mga iyon. Bumaling ulit siya sa kausap at bahagyang natawa.
"Kailangan mo pa maghintay ng ilang daang taon para diyan, Alzien," ngisi niya.
"For the better future," tango ni Alzien.
Tumawa naman ng malakas si Cielo habang ang Ate niya naman ay tumili ng tumili.
"Ang gulo niyo," sambit ko at nagpatuloy sa pag-kain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top