Chapter Eight

HINDI ko alam kung anong nangyari, nagising na lang ang diwa ko at kasama ko na itong si Alzien na nakangisi ngayon sa tabi ko. Para siyang bata na turo ng turo, tapos kapag may tumingin sa amin tatahimik at ibabalik ang atensyon sa bitbit na rubik's cube.

"Saan ka galing? Bakit nandito ka?" tanong ko.

"What do you mean? I've been with you the whole time," nagtatakang sagot niya.

No. That's impossible. I was just strolling around. All alone.

"Liar. Magkasama kayo ng kapatid ni Soleste."

"Hindi kami close."

"Magkaibigan nga kayo. Lumayo ka nga sa 'kin, ang tapang ng pabango mo," nababangas na sabi ko at nagmadali ng paglalakad para makalayo sa kaniya.

Siya pinapalayo ko pero ako 'yong lumayo. Hindi bet ng ilong ko ang matapang niyang pabango. Scent picker talaga ang ilong ko. I can't stand strong fragrances, that's why I only use feminine cologne.

"Samahan mo 'ko." Humabol siya sa 'kin.

"Saan? May titignan pa ako, busy ako as you can see."

Hinawakan niya ang laylayan ng damit ko. Ayan na naman siya sa hawak-hawak na 'yan.

"Bibili ng bagong pabango. Sabi mo matapang e."

"Oo, matapang, pero hindi ko sinabing bumili ka ng bagong pabango. Kung gusto mo talagang bumili, matanda ka na, kaya mo na 'yan."

"Saglit lang, please?" ngumuso ito sa harap ko.

Punyeta. Sorry pero ang sagwa tignan. Hindi siya normal sa paningin ko. Para akong nakakita ng pato na pangit. Syempre, hindi ko sasabihin 'yon. Lowk-ey lait lang naman ginagawa ko palagi. Kidding.

"No."

"Please?"

"Still a no. Hindi mo 'ko mauutusan."

"Hindi bagay sa 'yo ang inuutusan, bagay sa 'yo gawing kamahalan," ngisi niya na naging dahilan ng paglabas ng dalawang malalalim niyang biloy. Ngayon ko lang napansin 'yon ah. Ang gwapo niya na naman sa paningin ko.

"Bumalik ka na nga kung saan ka nanggaling. May gagawin pa ako."

"Why can't we just shop together in peace?"

Napairap ako sabay buntong hininga. Dahil sa kaniya tumataas presyon ko. Sa kaniya lang tumataas ah. Batang 'to, Diyos ko. Ginigigil kalamnan ko.

"Perfume lang ba bibilhin mo?" blankong tanong ko.

"No. Bibili ako ng bagong cube, nasira ko 'yong iba, last na 'to," itinaas niya ang bitbit niyang rubik's cube.

"Paanong nasira? Hindi naman masisira 'yan kung iniingatan mo," mataray na sabi ko.

Hindi na niya binitawan ang laylayan ng damit ko. Hindi ko alam kung anong itsura naming dalawa ngayon pero sa tingin ko ang pangit tignan.

"I accidentally stepped on it. 'Yong iba naman binato ni Dad, puro na lang daw kasi ako rubik's. Buti nga 'yong rubik's hindi ako iniiwan e," lumabi ito na parang bata.

"Iniwan ka na? Wow. Well, not rare anymore. Karamihan sa mga high school students ngayon may girlfriend o boyfriend na, 'yong iba naman may anak o 'di kaya ay may pamilya na," litanya ko habang naglalakad kami.

Noong high school ako, uso pa no'n iyong mga selfie sabay edit-edit ng flowers sa ulo, hearts kung saan-saan, gwiyomi diyan, gwiyomi dito, may edit pa nga na tumatagos ang kamay. Dalawang tao ine-edit, pagtatabihin sila tapos 'yong kamay no'ng isa tumatagos sa isa pang tao. That was epic. Wala akong cellphone noon, kaya wala ako masyadong pictures. May pictures ako, nasa bahay ampunan naka-display. Noong elementary, parang wala naman, wala akong maalala na nagka-picture ako. Sa high school, nagka-picture at facebook account ako dahil kay Chelsea. May cellphone kasi siya noon, iyong maliit na touch screen.

"Hindi."

"Anong hindi?"

Sinuklay niya ang kaniyang buhok at namewang. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay bumitiw na siya sa 'kin. Para siyang bata kapag hawak niya ang damit ko.

"I have never been in a romantic relationship with someone."

"Why? You have the looks. Matalino ka rin siguro, malinis tignan, lutang nga lang."

"That's the point. Lutang daw ako, tapos nakakasagabal sa mukha ko itong salamin," turo niya sa mata niya.

He's still unearthly handsome tho. Hindi naging sagabal ang salamin niya. Kapansin-pansin ang angking kagwapuhan nito at bulag lang ang taong hindi makakakita no'n. His wlll-built body is attractive, too. Even the way he walk and talk. His features is too strong for anyone not to noice.

"Wala namang problema sa 'yo, mas bagay lang yata talaga kapag wala kang salamin," tango-tango ko.

"Really? Then should I take this off?" tanong niya.

"Kung gusto mo, pwede naman."

"I want your opinion. Should I?"

"Hindi naman ako pala-desisyon, bahala ka nga. Malaki ka na, kaya mo na mag-desisyon para sa sarili mo."

"Tatanggalin ko."

Nagkibit balikat ako saka sumagot. "Ikaw ang bahala."

Iniwan ko siya roon at pumasok sa may perfume section. Maraming iba't-ibang uri ng pabango. Iisang pabango lang ang gamit ko, lavender perfume. Unang gamit ko no'ng nag-fourth year ako sa high school. Nag-try naman ako mag-switch, kaso mas gusto ko talaga 'yong lavender scent. Hanggang sa 'yon na talaga ginagamit kong pabango.

"Paamoy."

Nilapit niya sa 'kin ang palapulsuhan. Inabot ko ang palad niya at inamoy ang pulso. Punyeta! Ang bango. Parang amoy prutas na ang tamis, ewan. Unexplainable. Basta mabango siya. Mas better ito kaysa sa gamit niyang perfume na ang tapang ng amoy, matapang to the point na kaya kang ipaglaban.

"Ang bango. Anong perfume 'to?"

"Creed Aventus Eau de Parfum."

Ano daw?

"Smells like dry, musky, and fruity scent, right?"

Tumango lang ako kahit hindi ko naman talaga gets ang amoy ng pabangong 'yon, basta mabango siya, hindi naiirita ilong ko. Ewan ko ba kung bakit bibili pa siya ng bagong pabango, sinabi ko lang naman na matapang 'yong pabango niya. Abnormal na bata.

"Presyo?" tanong ko.

"Not that much," balewalang sagot niya.

Gano'n? Ang bango kasi, impossibleng hindi mahal.

"Ilan nga?"

"Twenty-five thousand and five hundred."

Punyeta.

"S-Seryoso ka ba?!" singhal ko.

"Hindi ako marunong magbiro."

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa hawak niyang perfume bottle at sa kaniya. Naaka-inosente ng mukha niya at wala man lang bahid ng pagdadalawang isip. Normal ba 'to sa kanila?

"Huwag ka nalang kaya bumili? Pwede ring bilhan na lang kita ng lavender na cologne, tig-t-thirty pesos lang," nanginginig na sabi ko.

"Ill get this, wait here."

Ay, Diyos ko. Ikakabuhay ko na 'yon ng isang buwan. Aabot pa nga ng dalawang buwan. May alam naman kasi akong bilihan ng pabango, 'yong pabango nga lang na cheap kung tatawagin ng ibang mga mayayaman. Honestly, I like cheap things. Cheap kung tawagin ng iba, pero para sa 'kin mahal na 'yon. Ano naman kung cheap 'yong pabango? As long as mabango siya, ayos na 'yon. Period.

Bumalik si Alzien na may dalang maliit na paper bag. Dalawa ang bitbit nito. Nagulat ako nang iabot niya sa 'kin 'yong isang paper bag.

"Anong gagawin ko dito?"

"That's yours, I bought it for you. Amoy baby ka, amoy lavender din. Hula ko lavender scent ang gamit mo kaya 'yon na lang ang binili ko para sa 'yo."

"Ano? Hindi mo na dapat ako binilhan! May pabango ako sa bahay!" singhal ko.

"Shh. Walang refund 'yan, tanggapin mo na lang."

Lugong-lugo ako habang paalis na kami ng botique na iyon. Sigurado ako, mahal 'to. Wala naman akong nakitang price doon na may fifty pesos o 'di kaya one hundred pesos. Kung binigay niya lang sa 'kin 'yong pera, e di nakabili na sana ako ngayon ng mga libro, tapos ibibili ko na lang malapit sa apartment ng perfume na tig-trenta pesos. Ang sayang naman. Nasasayangan ako sa pera.

"Binilhan kita, dalawa. Ivy cube at floppy cube, good for begginers iyan."

"Mukha ba akong marunong mag-rubik's sa 'yo? Kahit gaano pa ka-basic 'yan, maguguluhan pa rin ako."

"Hindi 'yan, trust me. I'll teach you too, so you don't have to worry about anything. I'm a good teacher. And a nice one, I must add." He gave me a wink. A damn wink. "Look at mine. This is called the Constrained Cube Ultimate, this only allows for partial moves to be made on all faces but one. This one is Pitcher Insanity Cube. Looks awesome right?" he chuckled as I nodded. "It looks awesome but this is so challenging. Every move is a shape-shifting and jumbling move so it can be difficult to figure out what you're looking at once it's scrambled. This one, is the Mastermorphix. The centers need to be orientated correctly and edge pieces can be easily placed in the wrong spot and still look solved. This one right here, all white with a touch of black, is called the Ghost Cube. What makes it so difficult is the similarity of pieces and the fact that the layers are offset. This means that you have to partially turn the bottom and top layers before you can even begin scrambling the puzzle."

Sa dami ng sinabi niya, wala akong nakuha ni isa. Nalulula ako habang tinitignan iyong mga pinamili niyang rubik's cube.

"Medyo mahirap lang 'to, wala pa tayo sa exciting part. I'll take a video while solving this, ipapakita ko sa 'yo."

"Sasakit ang ulo ko diyan," mahinang ani ko. "Lumayas ka na sa harapan ko baka mabigla ako at magawan kita ng masama."

"LOL. Right. Solve this two first, saka kita bibilhan ng bago kapag nagawa mo na 'tong dalawa. Let's go?"

I frowned. "Saan na naman?"

"Kung saan ka pupunta. Ako naman ang sasama sa 'yo ngayon. Kung gusto mo pang habang buhay na rin e."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top