Chapter Two
Pinanood ko si Kuya Drome kung paano nya dahan-dahang binuhos ang caramelized syrup sa isang 8-inches na baking dish na sinisigurado na ito ay pantay na nakalapat sa ilalim. Itinabi nya ito pansamantala habang sa isang hiwalay na bowl naman ay pinaghalo-halo nya ang mga natitirang sangkap.
Binate nya ang egg yolk, evaporated milk at vanilla extract hanggang magblend ito sa isa't isa. Nang ito ay maisala sa strainer ay binuhos nya ito sa baking dish kung saan mayroong caramelized syrup. Gamit ang dulo ng matulis na kutsilyo, inestima nya ito para walang mga bubbles na mamuo dito. Nang ito ay maging smooth, tinakpan nya ito ng foil at inilagay sa ibabaw ng wire rack sa mas malaking kaserola na may lamang kalahating tubig. Sinet nya ang oven sa 175° F sa loob ng isang oras at hinayaan ito na maluto.
Nginitian ako nito habang hinihintay na matapos. Nasa ikatlong taon na si Kuya Drome sa kolehiyo sa kursong Culinary Arts.
Hindi man ganoon kalaki ang kita nila tatay mula sa pagiging empleyado sa isang law firm at ni nanay sa pagiging tauhan sa convenience, nakitaan si Kuya ng potensyal ng isa sa mga opisyal ng gobyerno dito sa bayan namin.
Nagustuhan nila ang luto ni kuya at inalok siya nitong gawing iskolar upang paghusayan pa ang kanyang galing sa pagluluto ng mga putahe. Buong pusong tinanggap ni kuya lalo na nila nanay ang alok nito.
Mabuting opisyal naman ito at kita sa kanya ang pagiging matulungin pero para sa akin, may hindi ako mapintang pagdududa para dito. O sadyang, nainggit lamang ako?
Napailing na lang ako sa iniisip at nalipat ang atensyon ko sa tambak na mga papel sa harapan ko.
"Uy, tol. Alam ko tapos na klase ha. Bakasyon na di ba? Ano yan?" Tanong ni Kuya Drome sa akin.
Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. Umiling ako at sinabing, "nagtututor ako ngayon, Kuya. Dagdag ipon na din. Nag-aayos lang ng ilang topic para sa tutorial ko sa anak nila Mrs. Domingo."
Tumango sya at ilang minuto lang ay tumunog na ang microwave. Lumipas na pala ang isang oras at natapos na ang leche flan na ginawa nya.
"Ang bango! Matuturuan mo ba akong gumawa nyan, kuya?" Tanong ko na syang sinagot nya ng oo.
Ganoon na lang ang pananabik ko na matuto ng mga putahe at mga panghimagas.
Hilig ko na talagang magluto noon pa. Bukod sa paggigitara, manghang-mangha din ako sa mga masasarap na putaheng niluluto ng mga dakilang ina katulad ni nanay.
Kay nanay ko namana ang pagkaroon ng interes na makagawa ng mga putaheng hahanap-hanapin ng mga tao kada may salu-salo. Especialty ni nanay ang rellenong bangus at buko pandan.
Tuwing kaarawan namin ni Kuya ay hinding-hindi pwedeng mawala ang dalawang iyon.
Sa amin lang tinuro ni nanay ang paggawa nya noon pati na rin ang sikretong sangkap nya dito.
Pero sa buko pandan, ay sa akin nya lamang ito binanggit.
Hindi naman na nagtanong pa si Kuya Drome kung ano pa iyon. Marahil ay nakagawa na sya ng specialty nya.
Kung kay nanay ay relleno at buko pandan, leche flan at adobong manok naman.
Sa ngayon, pinag-aaralan ko pa ang maaari kong gawing recipe para sa ulam at panghimagas.
Gusto ko ay iyong mga pagkaing tatatak sa isipan at puso ng mga makakakain nito. Yung tanging ako lang ang makakagawa.
Tatak Andoy.
Napangiti na lang ako sa aking naiisip at nabuhay na naman ang determinasyon kong makapagtapos sa pag-aaral at makahanap ng trabaho.
Sa pasukan ay ang aking huling taon na sa high school.
Nananabik na akong makapagsimula ulit ng mga pangarap at abutin ito.
Isang taon na lang at magsisimula na ang aking buhay sa kolehiyo.
Umpisa pa lang ay gusto ko na mag-Culinary pero gusto ko ding magtrabaho sa isang hotel kaya sabik akong kuhain ang kursong Hotel and Restaurant Management. Andoon na din ang pangarap na magkaroon ng sariling hotel at restaurant.
Alam kong matayog masyado ang mga pangarap ko at mukhang imposibleng maabot. Pero hanggat kaya ko, gagawin ko.
At sisimulan ko yun sa pag-aaral ng mabuti at pag-iipon ng pera galing sa mga tutorials ko.
"Ang layo na naman ng tingin mo, Doy!" Panunudyo ni Chel at tumabi sa akin.
Napakurap ako ng makita ko sya dito sa aming pamamahay.
Katulad ng dati, andoon pa din ang maganda at maamo nyang mukha. Ang ngiting totoo at walang halong poot.
"Chel! Andito ka pala!" Sagot ko dito at iniligpit ang mga gamit ko.
Tumayo ako papunta sa kwarto para ilagay ang mga papel.
Tumango sya at biglang idinantay ang kanyang ulo sa aking balikat. Kumabog na naman ang puso ko sa ginawa niyang iyon.
"Pangit ba ako?" Bigla niyang tanong na siyang kinakunot ng noo ko.
"Maganda ka, bakit mo naman naisip yan?" Tanong ko at isang buntong hininga ang sagot niya.
Umiling sya at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Wala ito. Nagseself pity na naman siguro ako ng walang dahilan. Wag mo kong pansinin." Humagikgik sya ng parang wala siyang sinabi kanina. "Samahan mo akong manood ng palabas sa Mall, Doy! Walang kwentang ka-bonding mga pinsan ko. Puro inom ang alam!"
Isa sa mga hinahangaan ko sa kanya ay hindi siya katulad ng iba naming kaklase na ginawang libangan ang alak. Oo, siguro kapag may okasyon ay umiinom sya.
Ang mahalaga ay hindi palagi.
Maganda pa ring tingnan sa isang babae ang walang hilig sa alak.
Tumango ako at natuwa sya sa naging tugon ko. Nagpaalam muna ako na maliligo ng mabilis at magbibihis bago kami umalis na sinang-ayunan nya naman.
Mabuti nga sigurong i-enjoy ko muna ang araw na ito tutal Sabado naman at bakasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top