Chapter Twelve
Kumurap ako ng naramdaman kong mahuhulog na ako sa kinauupuan. Ngayon ay ang asignaturang Physics na ang dinidiscuss ni Sir Ignacio at nararapat lang na makinig akong mabuti pero sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong inantok.
Huling subject na ito ngayong araw at ganoon na lang ang pananabik kong umuwi. Nais ko na lang humiga sa kama ng mga oras na ito.
Mabuti na lang at patapos na ang klase.
"Goodbye, class." Sambit ni Sir Ignacio at kami ay dinismiss na.
Umugong ang maiingay na usapan sa klase at isinukbit ko ang strap ng backpack ko sa aking balikat. Pagkalabas ko ng silid-aralan namin ay sinalubong ako agad ni Patrice Martinez. Isa siya sa mga regular tutees ko noong nakaraang taon.
"Hello, Kuya Drew!" Masayang bati nito sa akin at tipid na ngiti naman ang ginawad ko sa kanya. May inabot siyang papel sa akin at alanganing kinuha ko iyon kasabay ng pagkunot ng aking noo sa kanya, "iyan po ang sched ko ngayong taon. Sabi ni mama kung pwede pong i-tutor mo po ako ulit sa Math. Kahit po, tuwing Sabado lang kada buwan?"
"Ah. Oo nga pala. Sige. Aayusin ko muna ang sched ko ngayong taon. Balitaan kita kapag na-iset ko na ang atin." Sambit ko at siya ay tumango bago nagpaalam kasama ang kaibigan niyang si Anjeli.
"Tibay mo, tol! Panay kayod ah! Daig mo pa may pamilya!" Usal ni Noel habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Hindi naman." Natatawang saad ko habang tinitiklop at sinilid ko sa bulsa ko sa uniporme ang schedule ni Patrice. "May pinag-iipunan lang ako."
"Bilib pa rin ako sa iyo, pre. Ang tiyaga mo." Iiling-iling na sabi niya. Narating namin ang harapan ng eskwelahan at nagdagsa ang mga sundo ng mga estudyanteng panghapon. May panggabing mga klase ang ilan dito kaya ganoon din ang dating ng mga mag-aaral para sa susunod na shift.
Nais ko ng umuwi ngunit naagaw ng pamilyar na babaeng may kausap sa telepono ang pansin ko.
"Quit bugging me! I don't need you so back off!" Inis na sigaw niya sabay binabaan ng telepono. Agad niyang inilagay ito sa loob ng shoulder bag niya at pinunasan ang mga luhang lumabas sa kanyang mga mata.
Hindi inaasahang nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya. Pilit na inalis niya ang mga luhang patuloy na umaagos mula rito ang binigyan ako ng pilit na ngiti.
"H-hey, Drew. Going home?" Tanong niya at tumango ako bilang kasagutan. "Gusto mong sumabay pauwi? Along the way ka naman—"
"—hindi na. May pupuntahan pa ako. Salamat sa alok mo." Usal ko sa kanya. Nagtagal pa ng ilang minuto ang tinginan naming iyon bago dumating ang kanyang sundo.
"S-sige. Ingat ka." Sabi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Nakilala ako ng drayber nila at kinawayan ako nito bago sila humarurot paalis.
Isang hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsimulang maglakad pauwi.
Sa ilalim ng init ng araw, pinili kong maglakad at unti-unting isipin ang mga nangyari nitong nakaraan. Simula sa una naming pagkikita at pagkilala sa bahay namin, hanggang maging tour guide niya ako at pati na rin rito sa eskwelahan.
Gusto kong isiping nagkataon lang ang lahat pero hindi ko maiwasang kabahan at manabik sa tuwing nakikita ko siya. Andon ang mga paruparo sa tiyan ko na tila ba biglang nagpapabilis sa tibok ng puso ko sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.
Sa mga mata niyang hindi mo maipagkakailang maganda at tila ba hinahalina ka papatungo sa kanya. Yung tipong inaanyaya kang mas mapalapit pa kayo sa isa't isa.
Iyon ang mga nararamdaman ko sa kanyang presensya. Naguguluhan man ay andoon ang pagnanais kong masilayan siya sa araw-araw. Kaya ganoon na lang ang gulat at saya ko nang malaman kong magiging kaklase ko siya sa buong taon. Sa huling taon ko sa high school.
Nangingiting tinahak ko ang daan pauwi sa amin ng makarating ako s bahay nila. Nang lumabas siya sa sasakyan ay agad akong nagtago sa isang puno at sinilip siya nang salubungin siya ng kanyang mga magulang.
Ngunit mas ikinagulat at pinagtaka ko nang makita ko si Kuya Drome na katawanan ng tatay ni Mel. Tila ba napakakomportable nila sa isa't isa na aakalain mo ay matagal na silang magkakilala.
Kunot-noo akong lumabas sa tinataguan kong puno at natural na naglakad sa daan. Nararamdaman ko na ang sakit ng mga paa at binti ko na hindi ko naman naramdaman noong mga nakaraang taong naglakad ako pauwi.
Nakaramdam ako ng inis at pagseselos na kahit kailan ay hindi ko inasahang maratamdaman ko. Inis dahil tila ba walang pag-aalinlangan ang pagtanggap kay Kuya Drome ng pamilya ni Mel. Selos dahil gusto ko ring maranasang magustuhan ako ng mga magulang ng taong gusto ko.
Pero alam ko wala akong karapatan sa mga bagay na iyon. Wala pa akong maibubuga. Walang-wala pa ako sa kalingkingan ni Kuya Drome. Siya ay malapit ng makapagtapos sa kolehiyo samantalang ako ay magsisimula pa lang. Ilang oras na lang at makakapag-umpisa na siyang abutin ang mga pangarap niya. Ako ay bumubuo pa lamang ng pangarap.
Saan ako kumpara kay Kuya? Sino ba naman ako para magustuhan ni Melissa?
Napabuntung-hininga ako at nangako sa sariling mas pagbubutihan ko pa sa pag-aaral ngayon. Lalo na at nakakita na ako ng inspirasyon sa araw-araw.
Tama. Hindi ako titigil mangarap.
Maaabot ko rin ang lahat ng ito.
Maging ang puso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top