Chapter Ten
Inayos ko ang suot kong kulay asul na polo shirt at hinawakan ng mahigpit ang regalo ko para kay Richel. Lumipas na ang isang buwan at ngayon nga ay kaarawan na niya.
Hindi ito magarbo pero mararamdaman mo pa rin sa paligid ng kanilang bahay na may karangyaan ang buhay ng mga nakatira rito.
Sa pagpasok ko sa gate nila ay una mong makikita ang malawak na hardin na mayroon sila. Nakilala ako agad ng ilan sa mga pinsan ni Chel at ginawaran ko sila ng ngiti.
"Si Chel ba? Nasa loob. Kanina ka pa niya hinihintay, 'tol!" Sambit na may pang-aasar ni Enrico, ang nakatatandang pinsan nito. Noon pa man ay inaasar na niya kaming dalawa at ani pa nito, ay boto raw siya sa akin.
Mababait at pala-kaibigan ang mga kapamilya ni Richel. Magmula sa mga magulang niya hanggang sa kamag-anak nito.
"Sige 'tol." Tinanguan ko siya at dumiretso sa loob ng kanilang bahay.
Bumungad sa akin ang masayang tawanan ng mga pinsan niya at nila Tita Ophelia. Hagikhikan sila tila ba ay may nakakatawang binanggit ang isa.
"Hijo! Halika, pasok!" Masayang tawag sa akin ni Tita Ophelia. Tumayo pa siya at giniya ako kung nasaan si Richel.
Sa kanilang den o mas kilala bilang 'tambayan' nila rito sa bahay. Dito sa tambayan ay nakalagay ang malalaking speakers at pang-sinehan na laki ng telebisyon.
"Andito na ang hinihintay mo, anak!" Sigaw pa ni Tita Ophelia at biglang lumitaw ang nakangiting si Richel sa akin.
"Doy!" Masayang hiyaw ni Richel at binigyan ako ng mabilis na yakap. "Akala ko hindi ka na makakarating at nakalimutan mo na ang kaarawan ko eh!"
"Ako pa 'ba!" Umiling ako at ginawaran siya ng malambing na ngiti. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang kaarawan ng bestfriend ko, noh!"
"Mabuti naman!" Sambit pa niya sabay hatak sa akin sa bandang gitnang upuan na bakante ng tambayan nila.
Nakilala ko ang ilan sa kanyang mga babaeng pinsan at napakunot ang noo ko sa babaeng may kausap sa telepono.
"Nako! Heto ang pagkain, hala, kumain ka muna at may taong gusto akong makilala mo." Usal niya sabay abot sa akin ng platong punong-puno ng samu't saring pagkain. Nandoon ang spaghetti, tatlong pirasong shanghai at isang slice ng hawaiian pizza.
"Napakarami naman nito, Chel!" Pagrereklamo ko sabay dahan-dahang lapag nito sa maliit na pull-out na lamesa ng upuan nila.
"Heto rin ang juice. Saglit lang ha." Abot niya sa akin ang C2 Apple bago siya mabilis na umalis.
Sinimulan ko ng kumain para makapag-usap ako ng maayos sa mga taong kilala ko sa bahay ni Richel. Ayokong isipin nila na ginagamit ko ang pagkakaibigan namin at iniisnob sila malipas ang ilang buwan na hindi pagkikita.
"Doy! Eto nga pala ang pinakapaborito kong pinsang si Melissa!" Ngiting-ngiting sambit niya na siyang ikinagulat ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Melissa at parehong nanlaki ng makilala ang isa't isa. Bakas ang pagkagulat sa ekspresyon naming dalawa.
"Nice meeting you again, Drew." She smiled as if it isn't surprising at all.
"Hello, Mel." I said trying not to stutter.
Melissa looked pleasant as always. Her pink haltered blouse gave way to her slender arms and fair complexion. Lalo siyang pumuti sa kulay ng damit na suot niya. She was glowing.
"Wow! I can't believe this! Magkakilala na kayo!" Richel exclaimed looking at both of us. "Nakakatuwa naman! Small world!"
"Yes, cuz. He toured me around about two weeks ago." Melissa simply said eyeing me as she sat on the vacant seat beside me.
"Nice! Nice! Sige, just chat away! Tawag lang ako ni Mom. Be back, you two!" Richel said and waved her hand dismissively at us.
Tinuloy ko ang pagkain na para bang hindi ako naiilang na katabi ko siya. Kung kanina ay komportable ako sa tambayan, ngayon ay para bang nahihiya akong kumilos na nandito siya.
"Don't tell me, nahihiya ka?" Melissa chuckled and shook her head. "Ako lang eto, Drew."
"Kamusta ka, Mel? I mean, how are you?" I asked trying to break the awkward silence between us. I can even hear myself chewing the shanghai because of the awkward air enveloping us.
Para bang huminto ang mundo simula ng magkita kami muli. Halos makalimutan ko na ang pakiramdam ng presensya niya.
Nakabalik na sa normal ang tibok ng puso ko noong hindinna kami nagkasama. Ngunit heto na naman siya.
Papahirapan na naman akong matulog ng ilang gabi. Tatatak na naman ang kanyang maamong mukha sa isipan ko.
Mahihirapan na naman akong burahin siya sa alaala ko.
Ang dating pagkagusto ko kay Richel ay naglaho na parang bula simula ng makilala kita.
Natabunan iyon ng lahat ng mga oras na magkasama tayo noong nilibot kita sa lugar namin.
Bakit parang napakadali sa iyong saklubin ang puso at isip ko ng mga memoryang kasama kita?
Wala akong kahit isang larawan sa cellphone ko na kasama ka o kahit solong litrato mo pero daig pa ng utak ko ang pagkabisado sa bawat sulok ng iyong magandang mukha.
Magmula sa maliit na nunal sa bandang tainga mo hanggang sa dimple mo sa pisnge ay tandang-tanda ko pa iyon.
Ano ba kasing mayroon sa iyo, Melissa?
Bakit ba tuwing magkikita tayo, hirap akong kalimutan ka agad?
What have you done to me, Mel?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top