Chapter Seven

Matapos naming puntahan ang De Vera Gallery and Museums ay dinala ko naman siya sa isang lugar na madalas puntahan ng karamihan, ang Sibal Gardens. Ito ay matatagpuan sa itaas ng isang burol malapit sa gallery.

Wala pang isang oras ay narating na namin iyon at agad na bubungad sayo ang makukulay na mga bulaklak at iba't ibang atraksyong nililok gamit ang mga ito. Andiyan ang isang maliit na picnic table na yari sa mga bulaklak na kinorte rito.
Idagdag pa ang malaking payong na nagsisilbing lilim sa mga turista sa lugar.

Ilang maninipis na alambre na pinalilibutan ng mga bulaklak ang hinulma ayon sa korte nito ang higit na nagpaganda sa lugar. Hindi maipagkakailala na isa ito sa magagandant tanawing dito sa Floridel, sa bayan ng San Agustin.

"Ang ganda naman rito!" Nakangiting sambit ni Melissa na syang nakakuha na naman sa atensyon ko. Kakaiba talaga ang kanyang mga ngiti.

Agad niyang nilabas muli ang kanyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang lugar. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang maliit na pond sa dulo nito.

"Drew, can you snap a couple of pictures of me?" Tanong nyang may paglalambing sa boses.

Bilang isang mabuting tao ay kinuha ko iyon sa kanya at agad syang pumostura sa harapan ng camera. Andun ang kuha nyang nakatalikod na hinahangaan kuno ang paligid. Andyan din ang malaki nyang ngiti na nagpaganda lalo sa tanawin. Meron pa syang stolen shot na hawak at tila inaamoy ang kulay dilaw na bulaklak. Nagwacky rin sya at ako ay natawa na lang sa itsura niya.

"Tawa-tawa ka dyan! Halika, maggroufie tayo!" Hirit nito at hinila ulit ako papalapit sa kanya. Napangiti na lang ako ng tumapat sa mukha namin ang camera.

Ilang beses pa kami naggroufie sa iba't ibang lugar dito sa Sibal Garden at andoon ang maya't mayang tawanan at asaran namin na tila ba ay matagal na kaming magkaibigan.

Wala sa plano ko ito pero habang tumatagal ay nagiging komportable ako sa presensya niya. Unti-unti, nakikita ko ang sarili kong masaya dahil masaya siya. Nakakatakot magkamali at maglaho ang ngiti niyang iyon.

Ano ba naman itong nararamdaman ko? Hindi ba at masyadong maaga para maranasan ko ito sa kanya?
Hindi ba parang ang pangit tingnan na ang isang simpleng taong katulad ko ay tumatabi o kinakausap ng kagaya niya?

Natapos kami sa wakas sa kakakuha ng litrato at napagdesisyunan naming magtanghalian muna sa isang sikat na restaurant sa siyudad malapit sa simbahan.

"Wow! Ang sarap talaga ng barbecue!" Kumikislap ang matang tiningnan ni Melissa ang mga pagkaing nasa harap niya. Andyan ang lahat ng mga inihaw na putahe. Isaw, paa ng manok, betamax, fishballs, squidballs, chicken balls at syempre ang barbecue.

Oo, kasama ito sa mga inihahain na ulam dito. Dito nakilala ang kainan na ito.

"Sinabi mo pa. Kanin, gusto mo?" Tanong ko at siya ay napatango na lang dahil may laman pa ang kanyang bibig. Natawa ako sa itsura niyang iyon dahil may bahid pa ng sarsa sa bibig nya.

"Ang dungis mong kumain." Sambit ko at wala sa isip na pinunasan ang sarsang malapit sa labi niya.

Pareho kaming nagulat sa ginawa kong iyon at ang mga paru-paro sa tiyan ko ay nagsimula na namang maglikot. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Kakaunti lang ang distansya ng aming mga mukha at ramdam ko ang pag-iinit nito. Namula ang kanyang mga pisngi at bigla akong nag-iwas ng tingin.

Kinuha ko ang baso ng tubig sa harapan ko at ininom iyon. Nilagyan ko ulit ito ng tubig galing sa pitsel at tahimik kaming kumain.

Maya't maya ay nagtatama ang aming mga mata at nag-iiwasan din agad. Mabuti na lamang at may magnobyong naki-upo sa amin.

"Tara na? Tapos ka ng kumain?" Binasag ni Melissa ang katahimikan at ako ay tumango.

Nauna siyang tumayo at sinundan ko sya papunta sa sasakyan. Nang makapasok na kami sa loob ay agad kong pinaandar ito.

"Saan ang sunod nating pupuntahan?" Tanong nito na agad ko namang sinagot.

"Sa sentro naman tayo. Magaganda rin doon. May souvenir shops na mura at kalidad." Usal ko sa kanya. "Mga labinlima hanggang bente minutos ay nandoon na tayo."

"Okay. Buksan ko ang radyo ha?" Sabi nya at pumailanlang ang mga kilalang awitin na sinasabayan niya.

"Mukhang paborito mo sila Dua Lipa ha." Nangingiting sabi ko na siya namang sinang-ayunan niya.

"Naman! Ang gaganda kaya ng mga kanta nya!" Magiliw na sambit nito at maya-maya pa ay sinabayan niya ulit ang mga kanta nito.

Nakarating kami sa sentro ng maaga at nagsimula siyang mamili ng pasalubong para sa kanyang mga kaibigan. Wala pang trenta minutos ay bumalik na siya sa sasakyan.

Bago matapos ang araw ay nakabalik kami sa bahay nila. Binati muli ako ng kasambahay nila at ni Tita Melinda.

"Salamat sa pagsama sa anak kong ilibot ang bayan natin." Ngiting sambit ni Tita at ako ay tumango sa kanya.

"Thanks, Drew. I had fun." Melissa smiled at me.

"Wala iyon. Nag-enjoy din akong kasama ka, Mel." Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "Sige po, Tita.. Mel.. Una na ho ako. Nangako ako kay nanay na sasabay ako maghahapunan sa kanila."

"Salamat uli, hijo. Mag-iingat ka pauwi.. Iregarda mo lang ako sa nanay mo ha." Habol nya pa.

Isang ngiti at tango ang iginawad ko at umalis na sa napakalaking bahay nila. Hindi pa ako nakakalabas ng gate ng may humawak sa palapulsuhan ko.

"Thanks again, Drew. Here's a little something for you." Mel said and handed me a small rectangular box. Mula pa ito sa sentro at nakabalot ng magandang uri ng papel.

"Nako. Hindi na kailangan." Sabi ko na pilit ibinabalik sa kanya ang bagay na iyon.

"I insist. Dali na. Magtatampo ako sa iyo nyan." Melissa complained and I sighed.

"Maraming salamat dito, Mel." Sabi ko ng nakatingin diretso sa mga mata niya.

"Ingat ka pauwi. See you around!" Mel said and waved before she closed their gate.

Bumalik ang tingin ko sa regalong hawak ko at napangiti.

Hindi na ako magtataka kung marami ang may gusto sa kanya.

Mabait na, maganda pa.

Napakaswerte ng nobyo niya sa kanya.

Teka, bakit ko ba iniisip yon? Makauwi na nga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top