Chapter Fifteen

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay isang linggo mag-Christmas Break na. Nakaipon na rin ako ng sapat na pera mula sa mga tutorial sessions ko sa mga kaibigan nila Patrice at Anjeli.

Nakilala ko rin sila Penelope and Wendy na kapwa kaklase nila Patrice at silang apat ay parehong Math at Science ang mga asignaturang nahihirapan sila.

"Drew! Wait!" Rinig kong may tumatawag sa akin at pilit kong inignora ito.

Hindi ko pa rin matanggap ang mga nalaman ko nitong nakaraan.

Oo, naging mas malapit na kami sa isa't isa ng babaeng lihim kong sinisinta.

Ang babaeng nahihirapan akong abutin kahit pa sabihin nila o ng kahit sino na hindi hadlang ang hirap ng buhay sa mga taong nagmamahalan.

Nakalampas ako ng covered court at ngayon ay patungo sa quadrangle.

"Andrew Carlisle!" Sigaw niya dahilan para lumingon ang mga tao sa aming dalawa.

Napapikit ako ng mariin sa hindi inaasahang ginawa niyang iyon.

Matapos kong huminga ng malalim at huminto sa paglalakad ay nilingon ko siya, ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtantong nasa likod ko na pala siya.

"Aaahhh!" Tili niya nang matapilok siya sa sariling paa at eksakto namang nasalo ko siya at nahiga kami sa school grounds.

"Bawal yan!" Sigaw ng kaibigan naming si Alex kasama sina Jessica, Avon at Celine. "Ma'am oh—"

"— napakamalisyoso mo!" Paghahampas sa kanya ni Jessica at tinulungan akong itayo si Melissa mula sa aking ibabaw.

"Aray!" Hiyaw ni Mel habang hawak ang kanyang paa. "Napilayan yata ako." Ngiwi niya nang subukan niyang ihakbang ito.

"Aish!" Yamot na sabi ko at walang pagdadalawang-isip na binuhat siya. Napahawak siya sa batok ko sa gulat.

Nang magtama ang mga mata namin ay ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ko.

Eto na naman po kami.

"Sana lahat!" Mga mapanuring tingin at pang-aasar ang natanggap namin ni Mel habang papunta kami sa clinic na nasa ground floor lang ng paaralan namin.

Pareho kaming pinamulahan ng mukha at mas lalong halos mapugto ang aking paghinga nang ibaon ni Mel ang kanyang mukha sa dibdib ko dahil sa hiya.

"Bakit ba kasi hindi ka lumilingon noong tinatawag kita?" Inis na sambit niya nang malapit na kami sa Clinic.

"Hindi kita narinig." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ano ka, bingi? Ang lakas-lakas ng boses ko tapos hindi mo ako marinig?" Bumuga siya ng hangin.

Mabuti na lamang at may papalabas na estudyante at hindi ako mahihirapang buksan ang pinto ng clinic dahil buhat ko siya. Diretso kong ibinaba sa bakanteng kama si Mel at hinarap namin si Nurse Dorothy.

"Anong nangyari sa'yo, Mel?" Tanong nito at ako na ang nagmabuting nagpaliwanag sa kanya.

"Natapilok po siya, Nurse." Simpleng wika ko sa kanya.

"Nako. Sige. Tingnan ko ha." Saad niya kay Mel na nakatingin sa ankle niya.

Nakita ko pa ang ilan sa mga mag-aaral na pauwi at hindi ko alam ang dapat kong maramdaman nang biglang pumasok sa clinic si Yosef Arevalo. Isa sa mga school varsity players.

Hayagan siya sa nararamdaman niya kay Mel at inggit at selos ang naramdaman ko nang ngitian siya ng dalaga.

"Are you alright, Mel?" Tanong niya at nagpakawala ako ng buntong-hininga.

"Mauuna na ako." Sabi ko sa kanila ngunit hindi na yata ako nila narinig.

Sa selos ko ay mabilis akong lumabas ng clinic habang hinayaan sila doon.

"Oh, nasaan na si Mel?" Hinihintay pala ako nila Alex pero hindi ko ito pinansin at dumiretso sa sakayan ng jeep sa labas ng paaralan.

"Hala siya! Iniwan si Mel?" Rinig ko ang pagtataka sa boses ni Avon pero nakasakay na ako ng jeep pauwi.

Saka ko na iisipin ang nangyari kapag humupa na ang selos ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top