XXX

SSFY 30

"What happened?" I asked Uno while we are sitting in the sofa. He was holding my hand and playing with my fingers. Nakayuko lang siya at mukhang malalim ang iniisip.

I can hear him every time he sighs, nakailang buntong hininga na siya. Nakailang tanong na rin ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot pero okay lang naman. Kung kailan siya ready ay saka niya sabihin sa akin.

"If ever there will be a time that you need to go against with your own family, would you do it?" Tumingin siya sa akin nang itanong niya iyon. I was taken aback sa bigla niyang pagtatanong pero napaisip din naman ako kung sa paanong paraan ako magiging against kay Papa.

"Depends upon the reason, why?" Muli niyang itinuon ang tingin sa kamay ko na nasa lap niya kaya nakayuko siyang muli ngayon kasabay nang muli niyang pagbuntong hinga.

"You know what, I gave up a lot of things to satisfy my family but I guess they never saw me as their son." Uno's still looking down. Ayaw niya akong tignan, maybe because he's vulnerable right now and he doesn't want me to see it.

"I feel like a fucking investment." He scoffed. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko so that I could place his head on my shoulder.

"Did something happened where you need to go against your family?" He slightly nodded.

"We needed to do it, I told my parents about it but they gave me a good scolding tapos sinumbatan nila ako."

"We?" I asked as I played with his hair

"Yeah, it has something to do with Dos," he answered.

"Dos is your family, too." I told him. I sighed, hindi ko alam kung ano ba ang tama kong sabihin lalo na hindi ko naman alam ang nangyayari.

"That makes it more complicated." He bitterly laughed. I feel like kaya mas naging busy siya this time ay dahil sa family problem niya. Medyo naguilty tuloy ako na wala man lang akong magawa para sa kaniya.

"Kung ano ang tama doon ka dapat lagi, hindi porket kamag-anak mo o ano, kasi if you don't go against someone who you knew is in the wrong side para mo na ring sinabi sa kanila na okay lang 'yung ginagawa nila," I explained though it's just from my point of view for now, iba pa rin kasi kapag ikaw 'yung nasa situation e.

Iba kapag first hand.

"I'm glad that I have you," he said in a relieved tone and it made me smile.

"Gasgas na linya na 'to but I swear nandito lang ako para sa'yo. " Inalis niya ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa balikat ko para tignan ako.

I smiled at him. "Palagi," dugtong ko pa.

Maybe I was gone for years in his life, I wasn't able to be there whenever he can't deal with something, but now, I promise he can lean on me and that I will be his great support when life throw him rocks.

A month passed by and Uno's staying already in my condo, sakto lang rin pala kasi he can't go home to his uncle's house na rin. I also learned about the situation they are in-- him, Dos, and Tres.

It was messy to be honest but I am proud of them, they've endured a lot so I'm just waiting for them to ask me for help because I will gladly help. I might ask my father about it kapag kailangan na talaga.

It's really the hardest if you have to go against your own family, it is too emotional and personal but then again if it's needed to be done then so be it.

You don't tolerate someone's wrong doings just because you love them. You can always love them without tolerating them, it will be hard but for sure it will be worth it even though it comes with a great sacrifice.

Ty corporation project's construction is already on-going which made me busy also, iyon na ata ang site na laging kong pinupuntahan at mino-monitor bukod sa ayaw ko mapahiya kay Mr. Ty ay siyempre andoon rin kasi si Uno lagi kaya okay lang din na lagi akong nandoon.

"Nagkaproblema sa piping pero I consulted the industrial engineer about it already," pag-e-explain ni Uno habang umiikot kami sa site.

Wala pa namang gaanong ganap doon but since malaking structure iyon talagang madaming linya ng tubig at kuryente ang kailangan pero 'yong mga engineer naman ang punong abala sa pagpaplano noon.

Nang matapos kami sumandal lang ako sa sasakyan ko habang hawak ang hard hat na suot ko kanina. Dumating si Uno at binigyan niya ako ng bottled water kaya ininuman ko iyon. Tumabi siya sa akin at pareho lang kaming nakatingin sa construction site.

"How's Dos?" tanong ko sa kaniya. Huling kita ko sa kaniya ay parang nanibago rin ako kasi parang hindi siya 'yon kasi sobrang seryoso na niya e dati hindi naman ganoon. Pero hindi ko naman siya masisisi mahirap din naman talaga pinagdaanan niya.

"He's getting better but you know he's still waiting." He looked at me and I nodded, gets ko naman kung ano ang sinasabi niya.

"Ada, I was thinking." Napatingin ako sa kaniya mang magsimula siyang magsalita ulit.

"if you want to stay in the condo or would you want to live in a house?" I was speechless when he asked me about that. Hindi ko lang naisip na kino-consider niya na pala 'yon.

"Anywhere is fine as long as you live with me," I joked which made him laugh at napailing na lang siya sa sinabi ko.

"Bakit kapag sinabi kong bahay, ibibili mo ako ng bahay?" tanong ko sa kaniya at agad niya akong sinimangutan at umiling.

"Ambagan," he hissed. Nagtawanan na lang kaming dalawa sa kalokohan namin.

"Okay sa condo na lang," I told him. Ayos pa naman ako sa condo, I mean I don't need a house as of the moment tapos dalawa lang naman kaming titira tsaka busy pa kami para asikasuhin iyon.

Hahanap pa ng lupa, mag-de-design pa tapos construction pa, hindi pa naman siya priority so I'm okay with living sa condo.

"Anyway, I got to go. Babalik pa ako sa office," pagpapaalam ko sa kaniya and he nodded.

I opened the door of my car at akmang papasok na sa loob ng sasakyan but he held my arm kaya napalingon ako sa kaniya then he lift my head using his other hand which held my chin up and kissed me on lips. I can feel his smiles while kissing me kaya nangiti rin ako at pabiro siyang hinampas siya para bumitiw na siya sa halik.

"Tsk makita ka ng mga trabahador mo," sabi ko na lang at lumingon siya sa kung saan ang mga trabahador and he just shrugged.

"Bye na nga, 'to na talaga," I said at pumasok na sa loob ng sasakyan. He just waved at me as a goodbye.


"Uno, nasaan nanaman 'yung nail cutter?!" sigaw ko mula sa kwarto. Today is Saturday, we both don't have a work.

"I honestly can't remember where I left it." He scratch the bridge of his nose while walking towards me. Pinaningkitan ko siya ng mata kaya agad niyang iniwas ang tingin siya sa akin.

"Hay!" Nasira kasi 'yung kuko ko kaya tutuluyan ko na sana gupitin kaso nawawala nga 'yung nail cutter namin.

"Don't be upset, I'll buy you two sa convenience store." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Bilib na bilib ako sa memory ni Uno talaga pero kapag sa ganitong bagay talaga hindi gumagana.

"Sabi ko kasi sa'yo ibalik mo dito," sabi ko sabay angat no'ng box kung saan nakalagay lahat ng panglinis ng kuko.

"All right, I'm sorry," sabi niya sabay lapit sa akin at nilagay ang kamay sa balikat ko at minasahe sabay halik sa pisngi ko.

"Ayan diyan siya magaling," naiiling na sabi ko sa sarili ko pero tinawanan lang ako no'ng isa.

"Hey we're one and a half year already and we barely fight, don't let the nail cutter be the reason for our first one." Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

Sa totoo lang hindi talaga kami nag-aaway kahit na medyo matagal na kami, hindi ko nga alam kung normal ba kaming dalawa e. Parang minsan gusto ko na siyang tanungin kung may gusto ba siyang pag-awayan, sabi kasi nila normal lamg naman daw iyon sa relasyon kaya nakakapagtaka na hindi kami nag-aaway.

Ganiyan lang kami mag-away, dahil lang sa maliliit na bagay actually parang hindi nga away 'yan e kasi minsan pinagsasabihan ko siya kapag may hindi ako nagugustuhan na gawain niya pero gano'n din siya sa akin, pinapagsabihan niya ako kapag may ayaw siyang madalas kong gawin pero hindi nauuwi sa away. Katulad ngayon nagsorry lang siya sa akin at sinabing bibilhan ako ng dalawang nail cutter tapos ayan okay na kami.

"Doon ka na nga, bumili ka sa baba!" utos ko dahil nga kailangan ko na gupitin ang sira kong kuko.

"Okay, okay." Humalik siya muli sa pisngi ko bago kinuha ang wallet niya para bumili sa convenience store ng nail cutter. Umalis na siya after no'n.

Natawa na lang ako napailing muli dahil sa kaniya.

"I'll fetch you after your work, let's buy some groceries," Uno said while we are preparing for work.

I just wore my light blue pant suit with white blouse inside tsaka heels then I just let my hair down.

I went to Uno and fix his tie for him, marunong naman siya pero palagi niya kasing pinapalagay sa akin kaya nakasanayan ko na rin ilagay para sa kaniya.

"Okay, I'll text you if ever late ako matapos or mas maaga," I answered while busy fixing his tie for him na inaalis rin naman niya kapag pupunta na siya sa site, madalas sa office at meetings lang siya nakaganiyan.

I even had to practice how to fix a necktie because the first time he asks me to do it for him, hindi ako marunong so inalam ko talaga at nagpractice ako para the next time marunong na ako.

As usual nagtrabaho lang naman ako sa opisina and I just look forward sa time na susunduin na ako ni Uno, ganoon na talaga ako simula nang maging kami at naglive in kami. I'll start the day tapos I'll just look forward to come home para makita siya or I'll look forward on visiting sa site though professional kami madalas sa site, trabaho talaga pinag-uusapan namin doon so at the end of the day going home talaga ang pinakahinihintay ko.

"Hoy!" bungad ni Kairo nang makapasok siya sa opisina ko. May ine-edit akong design sa laptop ko kaya hindi ko siya pinansin at tinuon na lang ang tingin ko sa screen.

"May tanong ako." Pumunta siya sa tabi ng swivel chair ko at nilapag doon ang folder na may project proposal na nakalagay.

"Ano 'yan?" tinignan ko lang saglit ang folder bago ko tinuon ulit ang tingin ko sa screen.

"Dapat ko bang tanggapin 'yan? Tingin mo?" Sinandal ko ang likod ko sa upuan ko bago ko kinuha ang folder sa table ko at tinignan ang laman.

"Looks promising, bakit nagdadalawang isip ka pa?" tanong ko sa kaniya habang in-i-scan ang bawat page.

"Ang architect kasi niyan si Architect Hernandez." Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung anong connect ni Architect Hernandez.

"Oh ano naman? Magaling naman 'yon at maganda pa," tuloy-tuloy na sabi ko. Sumandal siya sa may table ko and he crossed his arms.

"'Yun nga e, maganda kasi siya pagseselosan nanaman 'yan ng bebe ko," problemado niyang sabi kaya hindi ko na napigilan ang mapairap.

"Laki ng problema mo nakakaawa ka," sarcastic na sabi ko bago ko tinuloy ang ginagawa ko sa laptop.

"Pero sige tanggapin ko na," mahinang sabi niya bago siya tumawa nang tumawa, ang loko talaga ng isang 'to.

"Pinagyayabang mo lang ata na may girlfriend ka na ulit, umalis ka na nga," pagtataboy ko sa kaniya, si Kairo lang talag may kayang bwisitin ako ng ganito kabilis.

"Bumabawi lang ako, ikaw nga napakayabang mo noon porket gumigising ka sa umaga na katabi si Uno," panunumbat niya sa akin, so talagang pumunta lang siya dito para bawian ako at talagang nag-isip pa siya ng creative na way ha. If I know kanina niya pa tinanggap ang project na dala-dala niya sadiyang nam-b-bwisit lang siya ngayon. Tsaka for sure hindi naman niya inaalala na maganda si Architect Hernandez, wala namang ibang maganda diyan kung hindi 'yung girlfriend niya.

"Edi ikaw na anak ng Diyos," sabi niya pa sabay taas ng dalawang kamay niya. Binato ko siya ng box ng tissue sa tabi ko pero nasalo naman niya. Pinatong niya iyon ulit sa desk ko na medyo malayo sa akin bago niya nagpagdesisyunan na umalis na ng opisina ko at may gagawin pa raw siya. Napakadaming time talaga para mantrip.

Nang mag 5:30 na ng hapon ay tinext ko na si Uno na pwede na niya akong sunduin, nasa office lang ata siya ngayon kaya maaga din siyang makakalabas.

"You're out early, hindi ka busy workaholic girl?" Uno asked nang makapasok ako sa sasakyan niya. I rolled my eyes on him, hindi na kaya ako masyadong workaholic ngayon kasi nga excited na ako umuwi tsaka ayaw niya rin kapag late na nga ako nakauwi tapos mag-uuwi pa ako ng trabaho sa condo.

"Nope, bukas pa ako pupunta sa site ulit, andoon ka ba?" Tumango naman siya.

Sa aming dalawa ni Uno mas abala talaga siya kapag naggogrocery, mas alam niya kung ano ang wala at kung ano ang marami pa. Mas mabusisi rin siya sa brand na bibilhin, binabasa niya talaga 'yung nutrition facts tapos ipag-co-compare niya pa ang presyo.

Alternate din kami kung sino magbabayad pero minsan nakakalimutan namin sino 'yung huling nagbayad kaya at the end naghahati na lang kami.

"Kuha lang ako ng napkin," I told him at tumango lang siya at iniwan ko siya doon sa mga may gulay.

Habang hinahanap ko ang aisle kung nasaan ang mga napkin ay nabangga ako ng isang bata around 5 or 6 years old na ata na babae. Nagtago siya sa likod ko at hinahabol siya ng isa pang batang lalaki naman. Sa sobrang likot nila ay nadapa ang batang babae, nagpanic tuloy ako.

Umupo ako para matapatan ang batang babae at sa may tabi ko naman ang batang lalaki na mukhang na-gui-guilty ang mukha. Mukhang paiyak na ang batang babae. "Hey, it's okay... shh... Strong girl ka 'di ba?" pagpapakalma ko sa batang babae. Pinagpag ko nang kaunti ang tuhod niyang namumula. Tumango naman siya at halatang pinipigilan ang iyak habang nakahawak siya sa kamay ko.

"What will you say to her?" baling ko doon sa batang lalaki na napayuko at parang iiyak na rin. Bakit ba sila nag-iiyakan? Nag-pa-panic tuloy ako.

"Sorry, Ami," sabi ng batang lalaki gamit ang mahinang boses, mukhang genuine naman siya kasi naiiyak na rin siya at na-gui-guilty.

Pinunasan ni Ami ang namumuong luha sa mata niya bago niya nilapitan ang batang lalaki.

"It's okay, I'm okay na strong girl ako e." I smiled as I saw them hug each other ang cute lang.

"Where's your parents? Let's go to them," aya ko sa kanila, Ami held my hand and the little boy did the same sa kabila naman.

Ang sabi ko kukuha lang ako ng napkin pero nagka-instant anak agad ako dito, but anyway ang cute nila kaya okay lang.

"Mom!" sigaw ni Ami, napatingin naman ang babae sa amin. Napatigil ako nang lumingon ang nanay nila patungo sa amin. Tumakbo silang dalawa papunta sa kaniya.

Mukhang nag-k-kwento si Ami sa kaniya dahil tinuturo niya pa ako habang nakaupo ang mama nila para marinig siya ng mabuti.

Nang makabalik ako sa ulirat ko ay tumalikod na ako para umalis pero tinawag ako ng mama nila. "Adria." Napakagat ako sa labi ko bago ako lumingon sa kung nasaan sila.

"Thank you," she uttered. I just nodded and smiled at her, okay na ako.

Seeing her with the kids is already enough for me, maybe she's being a good mom to them and that's good for me already.

Ami waved as a goodbye so I wave back at her before turning my back at them with a smile on my face.

***

Up next: epilogue
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top