XXVII
SSFY 27
“Good Morning.” I opened my eyes just to see Uno’s face na gising na pero nakaharap pa rin siya hanggang ngayon sa akin at hindi man lang siya bumangon na para magprepare pumasok.
“Good Morning,” sagot ko. Napatingin ako sa oras, later than the usual ang gising ko ngayon. Pinag-iisipan ko kung gusto ko na bang bumangon kung ganito ba naman ang kaharap ko.
In fairness lakas makagood mood kapag nagising kang mukha ni Uno ang bubungad sa’yo.
Parang naramdaman ko talagang anak ako ng Diyos dahil ang swerte ko.
“Kanina ka pa gising?” I asked in a low voice, medyo paos pa ako dahil bagong gising ako.
Ang lapit ng mga mukha namin hindi ko tuloy masyado mabuka bibig ko dahil sa morning breath.
“Hmm,” tanging sagot niya habang tinatanggal ang kaunting hibla ng buhok sa mukha ko.
Do workmates do this? Nakakaloka.
“Dapat ginising mo 'ko, I still have to go to work,” natatawang sabi ko pero umiling siya.
“I'm making the most out of this situation,” sagot niya habang nakatingin pa rin sa mukha ko.
“What situation?” tanong ko. Imbis na sumagot agad ay yinakap niya ako papalapit sa kaniya kaya dibdib niya na tuloy ang kaharap ko.
“This one,” he whispered in a low voice, napangiti na lang ako sa ginagawa niya.
“Ahhh! Feels good.” I chuckled while my face is still buried on his chest. Ang cute niya kasi nang sabihin niya iyon.
We cuddled for I don’t know how long before we got up and prepare for our own works.
I took a shower and paglabas ko, nagluluto si Uno sa may kitchen kaya pinuntahan ko siya, hindi na dapat ako kakain dahil late na talaga ako but minsan lang naman ‘to, mag-o-overtime na lang ako mamaya.
Magrereklamo sana ako na sana hindi na siya nagluto kaso ayaw nga ni Uno na hindi ako kumakain. Hindi siya naniniwala na kumakain naman talaga ako hangga’t hindi niya nakikita with his own eyes.
Nakasuot lang siya ng undershirt and slacks, hindi niya pa suot ang dress shirt niya na nakita kong nakahanger sa may kwarto ko.
Hinainan niya ako ng fried rice, corned beef na may patatas at maraming onions tsaka fried egg.
“Wow thanks.” Hindi ako heavy eater kapag umaga kasi wala pa akong gana, pero this time parang natakam talaga ako sa pagkain plus maganda rin kasi ang gising ko, though late na nga ako.
“Eat a lot.” He smiled at sinabayan ako kumain, nilagyan niya rin ng tubig ang baso ko. Grabe alagang-alaga naman ako kapag nandito siya. Nakakawala ng pagod tsaka lungkot.
“Why are you smiling?” nagtatakang tanong niya, hindi ko tuloy napansin na nakangiti pala ako.
“Hmm naisip ko lang na i-consider ang advice mo sa akin.” Kimunot ang noo niya na parang hindi niya maalala ang sinasabi ko, sinubo niya muna ang pagkain sa kutsara niya bago sumagot sa akin.
“What advice?” he asked after drinking water.
“Na I should get a boyfriend already, feels good to have someone taking care of me,” natatawang sagot ko. Halatang pinipigilan niya ang ngiti niya but he failed. The side of his lips rose as he let out a laugh.
“I told you,” mayabang na sabi niya. Napailing na lang ako, feeling ko kahit isang araw lang naman siya nagstay dito maaalala ko na siya sa bawat sulok ng condo ko.
Pagkatapos mag-almusal, ako na ang naghugas kahit na ayaw niya dahil nakabihis na nga ako ng pang-office pero hindi naman ako masyado nabasa kaya okay lang.
Nagsuot lang ako ng beige pantsuit at black bandeau na panloob.
“I might be busy, don’t forget to eat dinner,” paalala niya bago kami maghiwalay sa parking para sumakay sa kaniya-kaniyang sasakyan.
As usual pumunta na ako ng firm “Architect, breakfast?” Ngumiti ako at umiling, busog na busog ako kung alam niya lang.
“Good mood ka Architect ah, success pagbisita mo kay Engineer?” Ilalayo ko na talaga si Haley kay Kairo, malapit na silang magkapareho ng pang-uusisa sa akin.
Nginitian ko lang siya at natawa na lang, kaya ngitian na lang rin niya ako at tumango bago sabihin sa akin kung may mga appointments ba ako ngayon.
“Kindly check if Engineer Esquivel is in his office,” utos ko kay Haley. Madalas kasi wala si Kairo. Busy na busy ata siya sa site kaya ganoon.
“Architect, andiyan daw po pero aalis din daw po in 30.” Tumango ako at sinabing papuntahin siya dito dahil may kailangan ako itanong sa kaniya in terms of materials sa isang ni-re-review kong proposal. Ayoko siya puntahan sa office niya, madami kasing matsismis doon sa floor nila kaya mas madalas pinapapunta ko na lang siya dito.
“Architect, may kausap po e, ‘yung babae po noon andoon.” Napaawang ang labi ko at natawa sa narinig ko.
“Sige never mind, pero kindly give him this.” Nagsulat ako sa sticky note at ipinabigay iyon kay Kairo.
Ilang araw na ganoon lang ang ginawa ko, puro trabaho ulit. Minsan ko lang makausap si Uno, pakiramdam ko ay sobrang busy niya ngayon paano pa kaya kapag nagstart na ‘yung kila Mr. Ty baka sobrang mapagod na iyon.
Hindi na nagana ang I’ll make time na linyahan niya ngayon e mukhang ‘di siya makaalis, pero okay lang naman sa akin kasi magkikita naman kami sa weekend.
Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng dinner sa condo ko nang tumawag si Uno. “Hey.” I can sense in his voice na pagod talaga siya.
“Uy ayos ka lang?” tanong ko kaagad, he sighed before answering me. “Ayos lang naman, by the way have you eaten?” Mas priority niya pa rin talaga ang pag kain ko kaysa sa sarili niya.
“I’m eating at the moment, ikaw kumain ka na ba? Nakauwi ka na?” I heard his chuckles. I can’t help but ask questions, I didn’t hear anything from him today not until now.
“I’ll eat already and I’m not yet home.” Anong oras na bakit kaya nasa labas pa siya?
“Why? Where are you?” Alangan namang nasa site pa siya e walang ng trabahador kapag ganitong gabi na.
“I’m at our house.” Agad kumunot ang noo ko at uminom ng tubig, napakagulo nito kausap, mukhang kulang na ata siya sa tulog.
“Ano ba talaga? Sabi mo ‘di ka pa nakauwi?” Halakhak niya ang tanging narinig ko, pinagtitripan ata ako nito.
“I’m already at our house but I’m not yet home kasi wala ako diyan.” Nagtatanong ako nang maayos tapos babanatan ako ng pick up line nito.
“But seriously, it only feels home when I’m with you,” dugtong niya, napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil grabe ang kabog noon.
Magkakasakit yata ako sa puso dahil dito kay Uno. “Still there?” tanong niya nang hindi ako makasagot.
“Kain ka na, sabi mo kakain ka na ‘di ba?” He chuckled nang hindi ko pansinin ang banat niya. “All right, Architect,” sagot niya bago namin ibinaba ang tawag.
It’s time to settle your issues, Adria.
Naging ganoon lang kami ni Uno hanggang sa magweekend, lagi niya lang ako tinatawagan kapag lunch na at dinner pero in between, wala.
Hindi rin kami nagkikita since hindi pa naman start ang construction ng sa Ty corporation e ‘yon lang naman ang dahilan noon kaya nakakapagkita kami.
Maaga ako nagising ng Sabado ng umaga para maghanda papunta ng La Union, nakakahiya naman kay Mr. Ty kung late ako, sagot na nga niya lahat at sabi niya hindi naman daw kami naroon para magtrabaho.
Nagsuot lang ako ng white halter top and wide leg maong pants na high waisted.
Isang duffle bag lang dala-dala ko since overnight lang naman kami roon, we will meet at Ty corporation. Nakakahiya nga kay Mr. Ty makisabay. Dati kapag umuuwi ako ng north, via bus lang tapos ngayon by air na. Iba talaga kapag mayaman.
Sabagay para sa isang businessman na katulad ni Mr. Ty importante talaga ang oras, hindi sila mag-aaksaya ng 7 hours just to travel to La Union.
Nagdrive na ako papunta sa Ty Corporation ng mas maaga para sure na hindi nila ako kailangan antayin.
“Uy hi!” Nagbeso beso kami ni Attorney Loyola, kasama nanaman pala siya sa business trip ni Mr. Ty, mukhang importanteng trip iyon.
Nag-usap lang kami ni Attorney sa lobby ng building habang inaantay si Mr. Ty at si Uno. I texted Uno before I left the condo at sabi naman niya papunta na siya so I didn’t have to worry na baka ma-late din siya.
Thankfully nauna dumating si Uno kaysa kay Mr. Ty, pumunta siya sa kung nasaan kaming dalawa ni Attorney Loyola. Nagshake hands silang dalawa and bumeso siya sa akin. “Kanina ka pa?” he asks softly, not minding na andoon si Attorney Loyola sa gilid ko.
“Medyo, but Mr. Ty is not yet around naman,” I answered. He held my hand while standing in front of me at ini-sway sway iyon.
Attorney Loyola cleared his throat. “Ah CR lang ako.” Nginitian ko siya at tumango, natawa na lang ako. Ito kasing si Uno hindi na nahiya e.
I just asked him about how his week went, tapos nagrant lang siya sa akin kung bakit ‘di niya raw ako mapuntahan, kung bakit late na raw siya nakakauwi at sobrang busy niya.
But thank God for Mr. Ty, we could work while we are together, plus this vacation in La Union pa.
Ilang minuto lang ang inantay namin nang dumating na si Mr. Ty. “So glad that the two of you made it today.” He smiled.
Si Mr. Ty ‘yong klase ng boss na palatawa at palangiti pero despite of that may mararamdaman ka pa rin na takot kapag nakikita mo siya.
May separate na van for us papunta kung saan kami sasakay ng plane, private plane pa nga ata iyon.
“Did you sleep well?” I asked, though medyo mapungay ang mata ni Uno kaya feeling ko ay hindi siya nakatulog.
“I’ll just sleep later.” He smiled kaya tumango na lang ako.
Private plane nga ang sinakyan namin, grabe hindi pa rin talaga ako nasasanay sa lifestyle ng mga mayayaman kahit na may mga kliyente talaga na grabe ang pera. Feeling ko hindi na nila minsan alam saan nila gagastusin ang mga pera nila.
Since by air naman kami, mabilis lang kaming nakarating ng La Union, someone has picked us up papunta sa resort ng mga Ty.
Kahit na sabi ni Mr. Ty ay mag-enjoy lang kami at hindi raw iyon trabaho, I can’t help but remind myself to take notes na pwedeng makatulong sa akin.
“Here’s Architect Adria Chung and Engineer Uno De Franco with me, treat them well all right?” bilin ni Mr. Ty sa manager ata ng resort iyon.
The lady smiled pero ang mata niya nakay Uno lang, bakit naman kasi ang gwapo nito? Ang agaw pansin.
He’s just wearing a white long sleeved polo and beige khaki shorts then loafers plus the shades.
Mukhang ‘yung shades niya ang may kasalanan kaya parang extra gwapo siya ngayon.
“This way ma’am and sir.” She lead us to the way papunta sa beach front rooms bago ibinigay ang key card sa amin.
Pagkapasok ko ay tinanong lang niya ko kung may kailangan pa raw ako, tapos umalis na rin siya, baka pinuntahan si Uno.
Ang laki ng kwarto na iyon, tropical ‘yung theme niya with white, brown, and light yellow colors tapos may indoor plants.
Ang lawak rin ng CR, kung ganito ang CR ko sa condo baka mas lalo lang ako tumagal maligo.
Agad kong binuksan ang sliding door sa kabilang side kung saan makikita mo ang infinity pool at ang beach.
Ang ganda, parang ayoko na tuloy umuwi ng Manila, dito na lang ako.
Gusto ko sana ayain si Uno na mag-ikot o magpunta sa dagat kaso naalala ko na wala nga pala siyang matinong tulog, maybe he’s sleeping right now.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nagpicture, for Instagram purposes pati na rin if ever kailangan ko ng references for the project.
Umupo ako sa harap ng parang desk doon at inalala kung ano ang mga napansin kong designs ng resort. Nilista ko agad iyon sa notepad na libre sa room.
Siyempre hindi naman exact na gagayahin ang resort na 'to, kailangan akma pa rin sa kung ano ba ang hilig ng mga nasa Manila.
Pero kung ako nga na sa Manila nakatira gustong gusto ang ganito, for sure magugustuhan rin ng iba if ever makaroon ng ganitong feels sa Manila.
After ko isulat ang mga ideas ko, nakatulog na lang rin ako sa kama dahil maaga rin ako nagising kanina tsaka slightly pagod sa byahe.
Nagising na lang ako nang magring ang phone ko. “Hello, this is Architect Chung speaking,” paos pa at mababa ang boses ko nang sagutin ko ang tawag pero imbis na sagot ang makuha ko, tawa ni Uno ang natanggap ko.
Hindi ko na kasi nakita ang caller ID dahil sa antok, akala ko tuloy business call. I think I should get different phones for personal calls and business calls para hindi na ako nalilito.
“Hi, this is Engineer De Franco,” panggagaya niya pa sa akin, napabangon tuloy ako.
“Wake up sleepy head, let’s swim,” aya niya sa akin. Napatingin ako sa oras at 2 pa lang naman ng hapon.
“Okay, I’ll just change for a while,” I said still in a low voice, halatang bagong gising.
I just wore a yellow bandeau bikini top tapos high waisted maong shorts, I just let my hair down and put sunscreen and lip tint.
I wenr out and pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Uno, before I could even knock ay bumukas na iyon, medyo nagulat pa siya na nadoon ako.
“Kanina ka pa ba diyan?” umiling naman ako, Uno being Uno siyempre he held my hand immediately, I just let him be because it really feels nice.
Naglakad kami along the beach, wala rin akong balak magsurf at mukhang siya rin naman. Tatawanan lang naman ako niyan kapag nagsurfing kami.
Ang sarap sa tainga ng tunog ng malalakas na alon ng Elyu. Nakakakalma siya sa totoo lang.
Kumain lang kami sa beachside and nagdecide na magswimming na.
Kahit na nag-s-swimming kami nag-uusap pa rin kami ni Uno ng mga napansin namin sa resort. Pati mga ideas na naisip namin, in short nag-b-brain storming kami ngayon pero nasa tubig.
“Matagal mo na bang kilala si Mr. Ty?” I asked. Pansin na pansin ko kasi talaga ang pagkahumaling sa kaniya ni Mr. Ty, parang grabe ‘yung tiwala sa kaniya.
“You heard about their skyline hotel?” he asked me. Iyon ‘yung hotel na sikat na sikat dahil sa buffet and dahil sobrang luxurious.
Iyon ‘yung madalas na pinupuntahan kapag may occasions, as in feeling ko kapag pumunta ka roon kailangan naka-formal attire ka. May fine dining sa pinakataas kung saan kita mo ang city lights.
“Oo naman.” He smiled bago sumandal sa gilid ng infinity pool.
“Me and my team made that.” He looked really proud and I don’t know but I feel really proud of him also.
“That’s why he trusted you so much,” I said while nodding my head upon realization.
“I’m proud of you,” I said looking straight into his eyes so that he could feel that I am sincere.
He smiled at yumuko siya ng bahagya, he looked shy. Wow ha ngayon pa siya nahiya.
We swam papunta sa dulo ng infinity pool to watch the sunset. The last time we watch the sunset together it was a bit unpleasant, hopefully this would turn out better.
"Why did you gave up on your dream?" I asked as my eyes are fixed at the sun that’s slowly setting. Natanong ko lang naman kasi I just noticed na mukhang kuntento na siya sa pagiging engineer niya but still kahit naman civil engineer na siya he could still pursue music basta ba gusto niya e.
Nakakapanghinayang rin kasi, he’s at his best kapag nasa stage siya and performing. He belongs there.
Big or small stage iba talaga ang dating niya kapag nag-pe-perform siya.
He smiled. I know for sure its a genuine one. Uno rarely smile before kaya alam ko whenever genuine iyon or hindi. Naging close rin naman kami kahit papaano. Ngayon medyo palangiti na siya sa akin pero noon hindi kaya alam ko kapag it’s genuine or not.
"Not all dreams are meant to come true, there are dreams that are meant to remain as dreams and it's okay." I understand that not all of us get to have the opportunity to pursue what we want lalo na't iba-iba naman tayo ng buhay but it's just sad to think that there are dreams that only remain to be as dreams.
"Also, it's okay because I have a new dream and it's much better." I tied my hair because it’s getting sticky before looking at him only for me to see that he is looking up on the sky smiling, it is a nice view of him.
He looked happy, maybe his new dream is really much better than before.
"What is your new dream? Share mo naman," I said as I laugh, gusto ko malaman kasi mukhang masaya siya e, mukhang gusto niya talaga kung ano man iyon.
"Not what, Adria. The question is who." He looked at me at saka ngumiti bago siya tumingala ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top