XXVI

SSFY 26

"May appointment pa ba ako?" I asked Haley nang makatapos ako ng trabaho. Hindi pa rin ako makapagdecide kung pupunta ako sa site nila Uno o ano.

Kakakita ko lang naman sa kaniya kaya medyo hindi ko naman siya namimiss.

Teka? Bakit ko siya mamimiss? Napakagulo na talaga ng utak ko kapag si Uno ang usapan, parang hindi siya healthy para sa akin.

"Ahh wala na po, hindi naman po nagsabi si Engineer De Franco." Dahan dahan na banggit ni Haley sa akin na parang nag-iingat na baka magalit ako sa lowkey pang-aasar niya sa akin kay Uno.

"Should I go to him instead?" Mukhang nabigla si Haley sa tanong ko sa kaniya. Madaldal siya I can say pero I treat her as a friend na rin naman. She genuinely cares for me and she knows what I want.

"Sino po? Si Engineer De Franco po ba?" Dahan dahan niya ulit na pagsasalita, natawa tuloy ako ng bahagya ang cute niya lang talaga.

"Yes," tipid na sagot ko, mukhang nag-sip naman siya bago siya tumango.

"Opo, lagi pong siya ang nagpupunta dito e, baka kaya po hindi na siya nagpapa-appointment kasi gusto niya ikaw naman. Opinyon ko lang 'yan architect ah walang personalan." Lalo akong natawa sa pagdepensa niya pero tumayo na ako at inayos ang mga gamit sa desk ko.

"Pupuntahan niyo nga Architect?" I smiled at her before nodding.

Bahala nang magkasawaan kami sa mukha ng isa't isa kaysa nakatingin lang siya kay Architect Hernandez na ang ganda ganda.

Nagpaalam na ako kay Haley at sinabihan siya na umuwi na rin. Maaga pa pero tapos na rin naman ang trabaho ko for today kaya okay lang din na umuwi na si Haley.

Nagdrive na ako papunta sa Antipolo, halfway parang nagdadalawang isip pa ako, pero ang ending pumunta pa rin ako.

Bumili na lang ako ng merienda tsaka softdrinks para sa workers nila, nakakahiya naman kung eepal ako doon tapos wala naman akong kahit anong dala.

Nasa tapat na ako ng site nila, hindi ko nakikita si Uno, puro construction worker ang nandoon kaya parang nahiya ako bumaba sa sasakyan.

Hindi ko rin nakikita kahit saan si Architect Hernandez, baka magkasama sila somewhere. Sabi na dapat hindi na ako pumunta. Kumuha ako ng isa sa donut na dala ko at kumain.

"Ako na lang kakain," bulong ko sa sarili ko sabay kagat sa donut.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Uno roon. Sinagot ko iyon agad.

"Why?" Hindi ko mawari kung nasa site siya o ano base sa tunog ng background niya sa call.

"Punta ka sa site?" Napasimangot ako sa sagot niya, mukhang wala nga siya rito. Kasi 'di ba dapat ang tanong niya 'Punta ka ba dito?'

"Hindi, busy ako," seryosong sabi ko pero halakhak lang niya ang narinig ko pabalik.

"Ahh umasa pa naman ako." Hindi ko siya nakikita pero pakiramdam ko may pilyong ngiti sa labi niya ngayon dahil sa tono ng pananalita niya.

"Bakit? Wala naman akong sinabi na pupunta ako ah?" I said in monotone, while quietly munching on the donut I'm holding.

"Because I'm seeing a white lexus sa tapat ng site." Sure akong alam niyang sasakyan ko talaga ang nakikita niya dahil sa pang-asar na tawa niya.

Binuksan ko ang bintana at idinungaw ang ulo ko mula roon, nakita ko siya sa second floor ng structure, hawak ang phone niya habang nakasuot ng hard hat at nakatingin sa sasakyan ko.

Agad akong napasimangot, huling-huli pa ang pagsisinungaling ko kaya wala na akong nagawa kung hindi bumaba na ng sasakyan ko.

He waved habang may pilyong ngiti sa labi habang ako nakasimangot lang dahil nahuli ako.

Mukhang bumaba siya dahil umalis na siya sa pwesto niya kanina sa may second floor. Habang hinihintay siya, sumandal lang ako sa sasakyan ko.

"Hi, May I ask what are you doing here?" Hindi ko napansin na may dumating pa lang sasakyan at doon bumaba si Architect Hernandez.

"Oh? Are you perhaps Architect Adria Chung?" Hindi pa ako nakakasagot sa una niyang tanong pero dinugtungan na niya.

"Uh, oo," I smiled and she also smiled at me and offered her hand. Bakit ang ganda ganda niya? Dapat nag-artista na lang siya kaysa Architect e.

"Architect Claudette Hernandez." Tinanggap ko ang kamay niya bago itanong sa akin kung anong ginagawa ko roon.

"Ah I'm here fo-" Sasagot pa lang ako nang dumating na si Uno at hinatak ang kamay ko papunta sa kaniya.

Walang manners talaga 'to

"Kanina ka pa?" he asks softly. Kumalabog ang puso ko roon, bakit ang lambing bigla ng boses nito? Samantalang kanina kung tumawa dahil sa pang-aasar sa akin wagas.

"Ah for Uno pala, sige na I'll leave you here. I'll check the changes sa may second floor ha." First name basis sila? Tinapik niya ang braso ni Uno before siya kumuha ng hard hat sa may tabi at umalis na.

"Akala ko ba busy ka?" pang-aasar niya nang makaalis si Architect Hernandez.

Hindi mapakali ang mata ko habang nag-iisip ng sasabihin sa kaniya kaya tinawanan niya ako nang hindi ako makasagot.

"You should've called me na andito ka na, paano kung hindi ko chineck ang balcony?"

"Akala ko kasi wala ka naman," sagot ko, nanlaki ang mata ko nang bahagya sa gulat when he intertwined our fingers habang magkaharap kami at naguusap.

"Paano mo malalaman na andito ako kung hindi ka naman bababa ng sasakyan." Napaisip din ako sa sinabi niya pero nahiya lang kasi ako sa mga tauhan dito.

"May dala nga pala ako." Binuksan ko ang sasakyan ko gamit ang kabila kong kamay, ayaw niya kasing bitawan 'yung isa e.

Kinuha ko ang ilang dozen ng donut doon at inabot sa kaniya, kinuha niya iyon gamit ang isang kamay din tuloy.

Alam mo nahihirapan kaming dalawa dahil sa kaharutan na 'to.

"May softdrinks pa, baka gusto mong bitawan na ako." Napanguso siya at binitawan ang kamay ko at hinawakan na niya ng dalawang kamay ang mga box.

Kinuha ko ang softdrinks at plastic cups at pumunta na kami sa loob ng site.

Inaya niya ang mga trabahador doon para kumain, bumaba na rin si Architect Hernandez. Kumuha siya roon at tinignan niya si Uno na parang may sineseniyas siya gamit ang mga mata niya.

Umiling-iling naman si Uno, napainom na lang ako sa softdrinks na hawak ko. Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit kailangan sila lang ang nagkakaintindihan.

Nag-usap-usap lang kaming tatlo ng tungkol sa field of work namin, tapos bumalik na rin sa trabaho ang mga trabahador nila.

"Uuwi na ako," paalam ko kay Uno, umalis na si Architect Hernandez dahil may tumawag sa kaniya.

"Eh." Parang batang pagkontra niya, totoo talaga 'yong don't judge a book by its cover e. Hindi ko akalain na may side na ganito si Uno noong una ko siyang makilala.

"Magtrabaho ka na nga, sumbong kita sa boss mo e." I laughed. He's holding my hand again at walang balak bitawan iyon. May obsession talaga si Uno sa kamay ko kahit noon pa, he really like holding it.

Huminga siya nang malalim at parang nag-iisip pa ng pwede niyang idahilan sa akin, wala naman kasi akong gagawin dito and for sure hindi naman siya makakapagtrabahao kapag nandito ako.

"Magkikita naman tayo sa weekend," I reminded him na may trip kami papuntang La Union.

He smiled and yumuko siya ng bahagya at napailing. "When in La Union," he whispered.

Natawa ako at napairap na lang, ang lakas rin naman kasi talaga ng timing ni Mr. Ty pati sa lugar swak e.

"Uwi na ako," ulit ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig.

"Uwi na tayo," sagot niya sa akin at sinimangutan siya,

"Tapos ka na ba diyan ha?" Tumingala ako sa kaniya na parng naghahamon ng away.

"I can go now actually." Tumango-tango ako sa kaniya nang natatawa.

"O sige uwi ka na rin, uwi na ako." Sumimangot siya sa akin. Hindi ko na alam kung ano bang gusto niya gawin ko.

"Bakit ba?" Natatawang sabi ko habang inisway sway niya ang kamay naming dalawa.

"Can I sleep over?" Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya, he scratched the bridge of his nose at iniwas ang tingin sa akin.

"Nako, namimihasa siya. I'll go now, finish your work and then go home," sabi ko sa kaniya.

"To you?" hopeful na tanong niya sa akin, natawa na lang ako at napailing dahil hindi talaga siya papatalo. Ni hindi ko nga alam ano kami ngayon, at kung ano ba mararamdaman ko na andito nanaman kaming dalawa sa phase na 'to. Mauulit lang ba nangyari sa amin noon?

Ewan ko basta alam ko masaya ako.

"Yes, to me." Lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko at tumango.

"What do you want for dinner?" I asked dahil hindi na maalis ang ngisi sa labi niya.

"You'll cook?" tanong niya at tumango naman ako, mukhang mapapadalas naman na talaga ang pagluluto ko dahil nga pinupuna niya na ang daming laman ng pantry ko dahil hindi ako nakain at workaholic ako.

"Anything you cook will do." I waved at him at saka binitawan na siya.

"Balik na doon, chop chop!" Biro ko pa bago pumasok sa sasakyan ko.

Nang makabalik ako sa condo ko ay nagluto na agad ako, baka kasi biglang umuwi si Uno, napaka-unpredictable pa naman niya minsan, saka kapag gusto niya ginagawa niya talaga.

Nang matapos ako, naligo na ako at nagbihis ng pangbahay. Nakaupo lang ako sa reclining chair ko habang nag-aantay sa kaniya.

Ganito pala feeling na may inaantay kang umuwi. For the past years I'm always alone, na 'pag nakauwi na ako diretso lock na kasi wala naman nang ibang uuwi kung hindi ako. I mean naka-lock pa rin naman ngayon pero, may inaantay pa akong dumating.

Hinahayaan ko nanaman ang sarili ko sa ganitong sitwasyon, I shouldn't make the same mistakes again. I shouldn't lead on Uno kung hindi ko naman kayang panindigan.

So this time I have to be brave for him, I need to settle my issues for real and that is if I really wanted him to come home to me.

And at that moment I heard a knock from the door. This is actually the first time na excited akong tumakbo papunta sa pinto at sumilip sa peephole.

I saw him there kaya agad kong binuksan ang pinto. "Hey." He smiled at me, agad ko naman siyang pinapasok.

Nakita ko na may dala siyang bag. "Wow prepared." Mukha tuloy siyang mag s-sleep over talaga, umuwi pa ata siya sa kanila.

"Kaya ka natagalan?" I asked pero sumilay ang ngiti sa labi niya kaya narealize ko rin ang sinabi ko, nahiya tuloy ako.

"You waited for me huh?" Inilapag na niya ang gamit sa couch, hindi ako sumagot at naglakad na lang papunta sa kusina para maghain ng pagkain.

"Matagal ba ako masyado?" he curiously ask. Natawa tuloy ako, hindi naman tatakbo ang condo ko kaya okay lang kahit matagalan siya.

"I don't know actually, baka excited lang talaga ako." Nadulas na rin lang naman ako edi lubos lubusin ko na.

He looked amused by what I said and obviously he is speechless. Minsan lang siya maging ganito, ako 'yong madalas speechless lagi sa kaniya.

"I never get to experience waiting for someone to come home, you know," dugtong ko pa.

Umupo na kaming dalawa sa dining. "Ah that's why you're workaholic?" Ayan nanaman siya, 'di ko gets bakit lagi niyang sinisingit 'yang pagiging workaholic ko at tumatango-tango pa siya na akala mo gets na niya lahat.

"Yes, kaya nga gusto mo humanap na ako ng boyfriend 'di ba?" I joked. Tapos tumingin siya sa akin, he swallowed the food on his mouth and drank water.

"ikaw nga diyan, sabi mo mag-asawa na ako at mag-anak." Lalo akong natawa nang sabihin niya iyon. Ano pa nga ba ang in-e-expect ko kay Uno, lahat naman yata ng sabihin ko sa kaniya, naaalala niya.

After eating, he washed the dishes tapos nagcheck lang ako ng mga e-mails sa may couch habang inaantay siya.

Sa sobrang focused ko sa mga e-mails hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya kung hindi pa siya nagsalita.

"Hey, take a rest and stop working." Wala naman talaga akong balak magtrabaho ngayon lalo na andito siya kaya lang nasanay kasi ako.

Sinunod ko naman siya at sinarado ang laptop ko, nanood na lang kami ng ilang movie, inabot na kami ng madaling araw bago namin napagpasiyahan matulog.

Ginawa ko lang ang night routine ko sa CR tapos nagpalit na rin ng pajamas. Paglabas ko, nakahiga na si Uno habang nag-pho-phone sa may couch, may unan at kumot na rin siya doon.

I'm torn kung aayain ko ba siya matulog sa kama katabi ko o ako na lang ang matutulog sa couch kaso hindi 'yan papayag for sure.

"Pst 'di ka kasiya diyan, doon ka na sa kwarto." Napatingin siya sa akin. Ang cute niya kasi nakasuot siya ng plain white shirt tapos pajama na blue na stripes. Ang baby.

"Tabi tayo?" he asks, looking hopeful again. Okay lang naman sa akin magkatabi kami, matutulog lang naman pero gusto ko siya asarin.

"Hindi, diyan ako," sagot ko sabay turo sa couch. "Doon ka." Tapos tinuro ko ang kwarto ko.

Umiling naman siya agad. "Edi tabi na lang tayo dito sa couch," sagot niya at talagang umusog pa sa abot ng makakaya niya para magkaspace sa tabi.

"Ewan ko sa'yo." Hinila ko na siya patayo kahit nagpapabigat pa siya. "Tabi na nga tayo doon," sabi ko kasi nahihirapan na ako hilahin siya kasi nagpapabigat siya. Pagkasabi ko na tabi na kami sa kama, mabilis siyang tumayo dala-dala ang unan at nauna pa sa akin.

Nailing na lang ako nang bumalik siya at hilahin ako papunta sa kwarto kasi napansin niyang hindi ako nakasunod sa kaniya.

Nakatalikod ako sa kaniya habang nakayakap at nakadantay sa unan, sanay ako sa gano'ng posisyon, hindi ako nakakatulog nang hindi ganoon.

"Hey, aren't you gonna face me?" reklamo ng katabi ko rito. Kaya humarap ako sa kaniya pero kasama ang unan na dinadantayan ko.

"Bakit ba? Matulog ka na," I answered. Pero nakatingin lang siya sa unan na kung saan ako naka dantay.

"I can't sleep without this," sabi ko agad sa kaniya, mukhang nagtataka kasi siya na kahit saan ako humarap, damay ang unan na iyon.

"You can just hug me," nakasimangot na sabi niya, parang bata talaga.

These past few days, ang baby talaga nito ni Uno parang hindi iyong nakilala ko no'ng college. Kung kailan tumanda saka naging ganito not that I'm complaining.

"Weh?" tanging sagot ko sa kaniya. Nakasimangot lang siya. "Good night na nga," sabi niya at ako naman ang tinalikuran niya.

Pinigilan ko ang tawa ko sa pag-iinarte niya, ano ba 'to teenager ba kami ulit?

Napailing na lang ako at nilagay ang unan sa kabilang side ko at umusog papalapit sa likod niya bago siya yinakap.

"I think I can sleep better like this," sabi ko habang nakayakap sa nakatalikod na Uno.

I felt that he stiffened, naaamoy ko siya dahil sa lapit ko sa kaniya, he smells fresh. Ang bango bango, parang ang linis linis niya. Sabagay itsura pa lang niya ang bango bango na.

Nabigla ako kasi humarap ulit siya sa akin sobrang lapit tuloy ng mukha niya sa akin na gusto ko umatras, pero hindi na ako nagkaroon ng chnace dahil niyakap na niya ako palapit sa kaniya, niyakap ko na lang din siya kahit na ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"No, this is much better," he whispered and kissed the top of my head as he close his eyes.












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top