XXV

SSFY 25

"What?" tanong ko kay Uno habang tinutulak ko ang cart papunta sa isang aisle sa may grocery.

Kanina pa kasi siya patingin tingin sa akin, na-we-weirduhan na ako sa kaniya at medyo na-co-conscious.

Ngumiti siya at yumuko bago umiling, hindi ko alam tuloy kung anong bibilhin ko dahil biglaan lang naman 'tong pa-grocery ko.

Nagtitingin ako kung anong kape ang kukuhanin ko nang magsalita siya.

"You still have coffee, hindi mo nga ata binabawasan," he commented, kaya napahinto ako sa pagtitingin doon sa iba't ibang brand ng kape.

"Umuwi ka na nga," nahihiyang sabi ko sa kaniya, feeling ko matatagalan pa kasi ako dito dahil nga wala naman talaga akong balak gawin 'tong maggrocery pero namiss ko din nga lang, parang ilang buwan nang umiikot ang buhay ko sa site at office.

Nakakasawa rin pala, natawa siya at kumuha bigla ng isang pack ng kape sa shelf.  "Ayoko nga," malokong sabi niya bago niya kinuha sa akin ang cart at siya na ang nagtulak no'n.

Kumuha siya ng kung anu-ano na hindi ko naman alam kung ano ba ang mga iyon. "Kung anu-ano na lang nilalagay mo sa cart ko," reklamo ko sa kaniya kaya tumawa naman siya.

"That's the things you don't have in your condo." Isang gabi lang naman siya natulog doon pero bakit alam na alam niya agad kung ano ang kulang at kung anong mayroon sa condo ko.

"Nagsurprise inspection ka ba sa condo ko habang tulog ako?" I asked at casual pa siyang tumango.

"I was wondering if you have a lot of food because you eat a lot or you have a lot of food because you don't eat a lot," kwento niya sa akin.

"None of the above." I laughed. Tinignan niya naman ako saglit bago itinuon ang tingin sa isang product, tinitignan niya ata ang nutrition facts or ingredients.

"I have a lot of food in the condo because I always eat at the office tapos may nag-su-supply pa ng dinner ko," I joked na nakapagpangisi sa kaniya.

Totoo naman iyon actually, pag-uwi ko tuloy hindi na ako kumakain kasi nagdinner na ako tapos madalas late na ako nagigising hindi na tuloy ako nakakapagbreakfast.

"Hindi ka papasok ngayon?" he asked me. Kanina ko pa nga pinag-iisipan kung papasok pa ba ako o huwag na lang, sa condo na lang muna ako magtatrabaho.

"Hindi na siguro." Tinatamad na rin ako mag-ayos. Tinawagan ko na rin naman si Haley kanina na baka hindi na ako pumasok dahil may hangover ako.

"How about you?" Umiling naman siya at binubusisi bawat kuha niya sa mga items.

"Uhm tissue paper hmm..." Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-iisip siya ng mga bibilhin niya. Natatawa tuloy ako kasi ang cute niya, nakaturo pa ang daliri niya sa shelf habang hinahanp ang tissue paper.

Minemorize niya ba talaga lahat ng wala sa condo ko na essentials? Nakakaloka.

"Huwag ka na masyado mag-effort diyan, halos 8 hours lang naman ako araw-araw sa condo." Kung pwede lang hindi umuwi baka hindi na lang din ako umuwi, hindi rin naman ako excited umuwi. Matulog oo, pero the fact na uuwi ako, hindi masyado.

Tinutulugan ko lang naman ang condo or pinagpapatuloy ko lang ang trabaho ko roon so parang wala lang din.

"Why? You're too workaholic," kumento niya nang hindi man lang ako tinitignan dahil iniisa-isa niya pa yata ang mga tissue paper doon. Pinag-co-compare pa ata niya ang iba't ibang brands para ma-narrow down niya sa pinakamaganda.

"Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan, wala rin akong ibang gagawin."

"Na-bo-bored lang ako sa condo, nalulungkot gano'n," pagpapatuloy ko habang busy siya doon sa pag-go-grocery niya ng mga bagay na ako rin naman ang makikinabang.

Bigla siyang napatingin sa akin. "Bakit?" ito talaga bigla bigla na lang tumitingin nang kakaiba.

Umiling naman siya. "I just thought you should get a boyfriend already." agad ako napahalakhak sa sinabi niya, mukhang hiyang hiya pa siya sa sinabi niya sa akin.

Siguro kasi alam niya na hindi naman ako nag-co-committ dahil hindi ako naniniwala sa gano'n.

"Bakit may irereto ka ba diyan?" I joked and he chuckled. Nilapit niya ang mukha niya sa akin and he even lowered himself para magkalevel kami.

"Mayroon, gusto mo makilala?" I just playfully rolled my eyes. Minsan hindi ko rin in-e-expect ang mga kaharutan niya, hindi ko alam kung natural na bang gano'n siya kasi ang suplado kaya niya as a person.

Natapos na kami maggrocery, Uno wanted to pay for the things dahil siya naman daw ang kumuha pero hindi ako pumayag. Ako naman ang uubos at gagamit no'n so ako ang magbabayad, siya na nga ang nag-effort mamili ng mga bibilhin e.

Naglunch na rin kami pagkatapos dahil iyon nga ang usapan namin kahapon para daw i-congratulate ako, ni hindi ko nga alam para saan ang congratulations na iyon dahil lahat naman kami ang naghirap para doon and besides 'yun naman talaga ang trabaho ko, bayad ako roon.

"You sure you want me to go home already?" pang-aasar niya nang matapos kaming ilapag ang mga paper bag at box ng groceries sa condo ko.

"Oo nga! Kapag wala na akong stocks I'll call you don't worry," sagot ko sa kaniya which made him laugh.

"Okay, Architect, see you sa site." He got his keys bago lumabas ng condo ko.

Napaupo na lang ako sa reclining chair ko at napatingala sa taas.

"Lord, ano ba kasi talagang gusto ko?!" I ruffled my own hair, I was really happy but a little confused.

Si Uno lang talaga ang may kayang gumulo sa utak ko palagi, mas ginulo niya pa utak ko kaysa sa mga project na hawak ko e.

Lumipas ang araw na nagtrabaho lang ako kahit na nasa bahay lang ako, I even ate some food from the pantry. I made sure na binawasan ko ang mga iyon maski ang mga kung anu-ano sa fridge.

"Good Morning Architect, kumusta po?" bati sa akin ni Haley kinabukasan. I told her I have a hangover kahapon kaya hindi ako nakapasok kaya ayan ang bungad niya sa akin.

"I'm okay now, don't worry." She smiled sweetly at me, agad rin niyang ipinatong ang isang flat bread at kape sa table ko.

"Nag-abala ka pa, I already ate my breakfast today but anyway I appreciate the effort." Siguro nasanay na siya na for the past few weeks lagi akong walang kain kaya siguro nagkusa na siya ngayon.

Kinuha ko na ang kape kahit na nagkape ako kanina sa condo kahit hindi naman ako stressed, sinusubukan ko na kasing bawas bawasan ang mga stock ko sa condo para wala ng masabi si Uno na kesyo hindi raw ako nakain.

As usual nagtrabaho lang ako, sumagot ng tawag, ng e-mail at nag review ng mga proposal.

"Haley, tell Architect De Guzman to come here in my office now," utos ko kay Haley and she immediately complied.

Mayamaya ay dumating na si Architect De Guzman sa office ko, looking so nervous right now.

Ayoko tuloy siyang pagalitan dahil mukhang natatakot na agad siya dahil pinatawag ko siya rito.

Dalawa lang naman iyan kapag pinatawag ka pagkatapos mo magpasa e, it's either pupuriin ka or pagagalitan ka.

"Get your proposal," utos ko sa kaniya sabay turo sa folder na nasa desk ko, agad naman niyang kinuha iyon.

"Do you think you did a job well done with that?" I asked in my most calm voice para hindi siya matakot kaso parang mas natatakot siya na kalmado lang ako.

Hindi siya makasagot sa akin. "I'm asking you," muli kong sabi at napalunok siya at tumango.

"You think?" ulit ko at mas bumilis ang kaniyang pagtango.

"Kapag last na proposal mo na 'yan sa buong buhay mo ma-pa-proud ka diyan?" I don't tolerate half ass works, ako rin naman kasi ang mapapagalitan kapag tinanong sino ang nag-approve.

"I'm sorry Architect," sambit niya, hindi ko siya pinagtataasan ng boses ayoko naman kasi na mapahiya siya kahit na ako lang naman ang narito.

Ayoko rin mafeel niya na hindi siya magaling dahil lang sa pagkakamali na ito, kasi noon naramdaman ko na iyon e na kung sigaw-sigawan ako ng mga seniors ko noon akala mo sobrang wala akong kwenta na walang alam gawin.

"Architect ka, pumasa ka sa board, you should know well what designs are worth approving." Tumango naman siya agad kahit na nakayuko pa rin siya at hindi ako matignan.

"Revise that, do your best. I don't accept designs na parang hindi pinag-isipan. If you have questions or you need help you can ask me naman," I said and smiled at him bago siya tumango ulit, tumalikod na siya at lumabas.

Kasabay ng pag-alis niya ang pagpasok ni Engineer Esquivel at sinundan pa ng tingin ang palabas na si Architect De Guzman.

"Oh? Napano 'yon? Inaway mo?" agad ako umiling. I tried my best na hindi maging harsh kaso baka kasi umabuso kapag hindi pinagsabihan kahit kaunti, ni hindi ko nga siya tinaasan ng boses kahit na baka magcause siya ng delay e.

"Ay grabe siya! Walang puso!" Dinuro-duro pa ako nitong si Kairo kahit wala pa naman akong sinasabi, napasandal na lang ako sa swivel chair ko at tinignan siya.

"Bakit ka ba narito?" May nilapag siyang folder sa harap ko kaya tinignan ko naman iyon.

"Papaconsult lang sa'yo, alam mo namang the best ka e," sabi niya sabay upo sa upuan sa harap ng desk ko. Natawa naman ako sa sinabi niya, hindi naman siya nag-co-Consult sa akin dahil the best ako, sa akin lang kasi siya kumportable gawin ang bagay na ganito, baka kapag sa ibang architect baka sungitan lang siya at sabihan na hindi alam ang ginagawa niya.

"Okay naman, pero feeling ko mas okay na bricks ang materials sa ganitong klase ng design." Tinignan niya ang tinuturo ko at napaisip siya bago tumango.

Kumuha siya ng lapis sa pen holder ko at ninote ang mga sinabi ko sa kaniya.

"Nga pala may nabalitaan ako ah," panimula ko, sinamaan niya ako ng tingin at itinaas ang kaniyang palad para patigilin ako sa pagsasalita.

"Huwag mo nang simulan, Adria," sambit niya kaya tinawanan ko na lang siya at hindi na siya inasar tutal mukhang busy siya sa mga project niya ngayon.

"Akala mo naman ako walang nabalitaan," pagganti niya sa akin kaya ako naman ang napasimangot at hindi na nagsalita.

Maaga ako natapos sa mga trabaho ko kaya maaga than the usual ako uuwi ngayon, nag-aantay na ako sa elevator nang makatanggap ng text mula kay Uno.

From: Engineer De Franco
Can't have dinner with you tonight, kain na.

Napangiti na lang ako nang mabasa iyon at pumasok na sa loob ng elevator.

Feeling ko busy naman kasi talaga siyang tao, pakiramdam ko nga mas workaholic siya kaysa sa akin mas magaling lang talaga siya maghandle kaya hindi mo masyado mahahalata sa kaniya.

To: Engineer De Franco
Yup, going to have dinner at home. Kain ka na rin.

Hindi ko na nabasa ang reply niya or kung nagreply pa ba siya.

Pag-uwi ko naligo na lang ako at nagdecide na magluto tutal ang dami kong stock dahil kay Uno.

Kinabukasan may meeting kami sa Ty corporation kaya maaga ulit akong nagpunta sa office, wala naman akong kailangan ipresent masyado kaya hindi ako aligaga, pag-uusapan lang naman ang design ng structure.

Pagkarating ko sa building, wala pa naman si Mr. Ty dahil kagagaling lang din daw niya sa meeting. Willing to wait naman kaming lahat.

Nasa tabi ko si Uno pero busy siya sa pagsagot ng mga e-mails at mga text, nahagip pa ng mata ko ang contact na Architect Hernandez pero agad ko na lang rin iniwas ang tingin ko doon.

Masama rin naman mangialam at sumilip sa phone nang may phone. Kakaunti lang kami sa board room dahil nga design lang naman ang pag-uusapan pati na rin kung anong feel ba ang gusto i-highlight ni Mr. Ty sa buong hotel.

If ever american style ba na hinahighlight ang casinos and lotteries or tropical ba na pang pamilya or classy ba for functions.

Nang dumating siya ay nagtayuan lang kami saglit at nagproceed na rin sa meeting. Pinakita ko sa kaniya ang mga designs na nagawa ko though naibigay ko na 'to sa kaniya last meeting.

"Engineer De Franco and I personally liked and recommend this design, it fits perfectly at the massing I made," I said. Tumango-tango naman si Mr. Ty habang ang kamay niya ay nasa baba niya na tila nag-iisip ng sasabihin.

"I wanted you two to come with me at La Union." I was caught off guard sa sinabi ni Mr. Ty, hindi ko alam kung mali lang ba ako ng pagkakarinig o ano e.

"Wha-- La Union sir?" bigla kong tanong at tumango naman siya na parang nakapagdecide na siya.

"I have a business trip there, and I wanted you to experience our resort over there so that you could have an idea on how you'll bring that experience here in Manila." I blinked my eyes a couple of times as I looked at Uno, who's not even moved by that, ako lang ba ang gulat dito?

"I'll gladly appreciate it if you clear your schedules this upcoming weekend." Napatango na lang ako, wala naman akong ginagawa tuwing weekend bukod sa matulog magdamag.

"Don't worry all expense paid, you're not there to work, you are there to experience it so you'll know what I'll expect," dugtong pa niya, not bad na rin siguro. Libreng bakasyon naman e, simula nang magtrabaho ako, ni hindi ko na maalala ang huli kong bakasyon.

"Let's decide on the final design after the trip, for now I like that one also," sabi niya sa design na nakaflash sa screen. Wala na akong nasabi kung hindi ang tumango.

Bakit sa dami ng lugar kailangan sa La Union niya pa kami dadalhin, wala na bang ibang Ty corp. na hotel na wala sa La Union?

Nang matapos ang meeting as usual inayos ko ang gamit ko, mukhang busy talaga si Uno these past few days at mukhang siya naman ang nagmamadali ngayon.

"May pupuntanan akong site," sabi niya sa akin, hindi ko alam bakit niya sinasabi sa akin iyon. Hindi ko naman kailangan malaman, dahil lagi naman talaga ang mga engineers sa site.

"Okay?" Hindi ko sigurado kung ano bang in-e-expect niyang response mula sa akin.

"Ingat?" dugtong ko pa kaya tumawa siya habang nililigpit ang gamit niya.

"I'm gonna be with Architect Hernandez." Ah kaya pala magkatext sila kanina, hindi ko naman sinasadiya makita napatingin lang ako saglit. Nakatingin siya sa akin na parang nag-e-expect ng reaksyon mula sa akin.

"I don't get why you're telling me this information, gusto mo ba puntahan kita?" I joked and he laugh bago umiling.

"Hindi naman sa gano'n, pero pwede naman." Sinimangutan ko lang siya, minsan napakastraight forward niya pero minsan hindi ko rin siya maintindihan.

"Saan ba 'yan?" I asked kaya doon na siya talagang tumawa kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit kasi ang ganda ni Architect Hernandez nakakainis tuloy,  I mean hindi siya 'yung nakakainis kundi si Uno kapag kasama siya.

"Antipolo," he answered and he said where it is exactly na para bang in-e-expect niyang pupunta talaga ako. Nang maayos ang gamit niya nagpaalam na siya sa akin.

"See you later. If not, see you in La Union, Architect," malokong sabi niya bago lumabas ng board room.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top