XXIV

SSFY 24

“Shot?” Inabutan ako ni Tres ng shot glass at ininom iyon, andito na sa tabi ko si Winona nang mapagod siya magsayaw sa gitna.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa alak kaya hindi ko gusto ang nakikita ko, pilit ko na lang tuloy inaalis ang tingin ko roon, pero pansin na pansin ko na tinitignan ni Dos ang reaksyon ko.

“Si Architect Hernandez ‘yan, architect no’ng isa niyang project,” bulong ni Dos sa akin kahit na hindi ko naman tinatanong.

“I’m not asking, wala akong sinasabi ah.” Mahinahon pero alam kong tunog defensive ang pagkakasabi ko noon kaya sumilay ang pilyong ngiti mula kay Dos.

“Kailan pa kayo nagkita ulit ni Uno?” pag-iiba niya ng topic habang busy mag-usap si Tres at Winona habang nilalagyan ako ng shot.

“Medyo matagal na rin, magkatrabaho kami sa isang project.” Napa "ohh" na lang siya at bahagyang natawa.

“So he wasn’t joking with what he said before.” Hindi ko alam kung kausap niya pa rin ba ako o ano, paano nakatingin siya sa baso niya at tumatango-tango habang nagsasalita.

“What did he said before?” tanong ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako sabay inom sa baso niya at umiling.

Pakiramdam ko tuloy may nangyaring hindi ko alam pero kung ayaw nilang sabihin ay hindi ko naman sila pipilitin as long as hindi iyon nakakaapekto sa akin.

Ini-straight ko ang shot na kalalapag pa lang ni Tres, hindi ko gusto ang lasa noon pero why did it felt so good and akma sa sitwasyon.

“Ada?” Narinig ko na ang boses niya kahit na may tugtog, mukhang tapos na siyang makipag-usap doon sa architect niya.

Napatingin ako sa gawi niya, naririnig ko ang mahinang tawa ni Dos sa tabi ko bago siya lumipat sa tabi no’ng Averie.

“Hey,” he said with a soft voice pagakaupo niya sa tabi ko.

Kumuha lang ako sa pulutan na nasa harapan ko dahil hindi nga maganda ang lasa ng pinapainom sa akin ni Tres.

“Why are you here?” tanong niya, muling naglapag si Tres sa harap ko. Ang bilis naman nilang magshot dalawa! Parang kakainom ko pa lang ako nanaman ulit.

Kinuha ko ang shot glass at ini-straight iyon bago ako tumingin sa kaniya. “Can’t I?” mahinahon kong sagot pero mukhang natunugan niya na may mali sa akin. Hindi ko lang talaga mapigilan mainis at hindi ko alam bakit ako naiinis nang makita ko sila no’ng architect niya, naiinis na rin tuloy ako sa mukha niya.

Baka may side effect ‘tong alak?

“Wait, are you mad? Why?” nagtatakang tanong niya sa akin kaya tumawa naman ako ngayon pero feeling ko halatang peke at sarcastic iyon dahil hindi nga ako magaling magpanggap.

“Huh? Hindi ah!” sagot ko at pinagpatuloy lang ang pag kain ng pulutan na nakahain sa harap.

Nahihilo na ako, pero tuloy tuloy pa rin ang paglapag ni Tres ng shot glass sa harap ko. Hindi ko sure kung nilalasing niya ba ako o ano, ganiyan kasi si Ryzelle noon sa akin para malasing niya ako. Natutuwa kasi sila sa akin kapag ganoon. Minsan lang naman din 'yon mangyari.

“Bakit ako nanaman?! Dinadaya niyo ba ako?” reklamo ko na at tinignan silang dalawa roon. Tawa naman nang tawa si Winona sa akin.

“Ayan lasing na ‘yan, hindi na mabait e,” natatawang sabi niya pa kaya sinimangutan ko agad siya, pinagtitripan nanaman niya ako pero hayaan na kask problemado siya e kung ang lasingin ako ang sagot para gumaan pakiramdam niya edi sige.

“C’mon Ada, let’s dance,” aya niya sa akin bago niya nginitian si Uno sa tabi ko. Hindi pa man din ako nakakasagot ay hinatak na niya ako patayo.

Hindi naman ako marunong sumayaw sa ganitong lugar, ano bang sayaw nila rito?

Nagtatatalon lang si Winona sa harap ko kaya ginaya ko na lang rin siya at unti-onti na lang rin akong nagloosen up at sinabayan ang malakas na tugtog sa club.

Ang daming nginingitian ako at lumalapit sa akin pero agad rin naman akong iniiwas ni Winona, hindi niya rin binibitawan ang kamay ko na akala mo para akong bata na mawawala. Nonetheless, thankful naman ako sa ginagawa niya dahil hindi ako sanay sa ganito baka mapano pa ako o baka matulad nanaman 'yung katulad doon sa lalaki kanina.

Feeling ko nga mas bata pa sa akin ang mga narito pero parang mas sanay pa sila kaysa sa akin.

Nang mapagod kami bumalik na lang kami sa couch pero dahil ang dami ko na ring nainom ay naiihi na ako, kaya  pumunta muna ako sa banyo.

Medyo nahihilo ako pero nahanap ko naman ang banyo, hindi yata napansin ni Winona na umalis ako dahil hindi siya nakasunod sa akin, pero iihi lang naman ako, wala naman akong ibang pupuntahan.

I did my business on the comfort room, I even washed my face para mahimasmasan kahit kaunti at inayos ko na rin ang buhok kong medyo gulo na.

Paglabas ko bumungad sa akin ang pagmumukha ni Uno at nakakunot ang noo sa akin habang nakahalukipkip.

“Oh galit nanaman siya.” I feel like I always say my thoughts out loud whenever I’m drunk, hindi ko naman balak sabihin iyon, napansin ko lang na mukha siyang galit.

“Anong ako? Ikaw nga ‘tong galit,” he shot back. He held my arms at imbis na bumalik kami sa couch ay lumabas kami ng club, hindi na rin naman ako nakapalag dahil lasing nga ako at ayoko rin gumawa ng eksena baka bugbugin pa siya ng bouncer, though I didn’t know if they really do that.

“Okay, why are you mad?” agad niyang tanong nang makalabas kami ng club, may ilang tao sa ‘di kalayuan, may mga nag-yo-yosi at ibang nakatamabay lang.

“I said I’m not mad,” sagot ko habang papikit-pikit ang mata ko. I’m getting sleepy, aayain ko na si Winona umuwi mamaya.

“Really? I thought you don’t lie?” sabi niya ulit kaya naiinis na ako lalo, bakit ba lagi niyang ginagamit sa akin 'yan? Mamaya sabihan nanaman niya ako ng liars go to hell.

“Hindi nga ako galit, ayan nagagalit na ako kakaulit-ulit mo” sagot ko sa kaniya, tinignan ko siya at hindi ko mawari kung natatawa ba siya or amused siya o galit din.

“E kung sinasabi mo na kasi sa akin,” mahinahon na sabi niya this time kaya kumunot lalo ang noo ko. Hindi talaga siya papatalo napakakulit ng lahi.

“I don’t know! Maybe I was jealous.” Doon na siya natawa kaya lalo lang akong nainis, hindi ko akalain na dadating sa point na maiinis ako sa mukha niya, like ang gwapo kaya niya, ang hirap mainis pero inis na inis ako ngayon. Maybe the alcohol again.

Tumawa siya ng bahagya pagkatapos ng ilang segundo. Anong nakakatawa sa nagseselos ako?

“Finally Adria, finally,” he said as if he accomplished something as he pat my head at agad kong hinawi ang kamay niya na lalong ikinatawa niya.

“What finally? Why are you even laughing?” I said in monotone. Inaantok na talaga ako to be honest but he’s really pushing this conversation through so pinipigilan kong magpassed out na lang bigla rito.

“You finally said something that’s only for me to hear.” Hindi na naalis ang kunot sa noo ko, hindi ko na siya na-ge-gets. Nakakabobo ata ang alak.

“Bakit mo ba ako kinakausap dito, inaantok na ako oh doon ka na sa architect mo.” Pinipikit ko ang mga mata ko ng mariin para hindi gumalaw-galaw ang mga nakikita ko sa paligid.

“Andito na nga ako sa architect ko.” Sumilay ang pilyo niyang ngiti, for a second feeling ko si Dos ang kausap ko. Ilabas niyo si Uno!

“Ay ewan!” Naglakad na ako papasok sa club para sabihin kay Winona na inaantok na ako.

Naramdaman ko ang hawak ni Uno sa bisig ko dahil inaalalayan niya ako papunta sa couch namin.

“Uwi na tayo.” Ininom ni Winona ang shot niya. “Agad? Later na!” sagot naman niya at mukha siyang nag-e-enjoy pero nararamdaman ko na talagang malapit na ako magpass out.

“Inaantok na ako e,” sagot ko at agad niyang kinurot ang pisngi ko at tinawanan ako.

“Uno, can you drive her home?” kumunot ang noo ko, hindi ba siya sasama? Ayoko naman iwan siya mag-isa kaso ay tumango si Uno sa sinabi niya.

“I’ll be staying with Tres and Dos promise,” sabi ni Winona sa akin pero dahil antok na antok na ako ay pumayag na lang ako.

“Ingat, I love you. Kuhanin ko bukas kotse ko sa'yo,” paalam niya sa akin bago ako nagpahatak kay Uno papunta sa sasakyan niya.

Tinulugan ko lang si Uno buong byahe hanggang sa niyugyog niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nakakainit rin ba ng ulo ang alak?

“What’s your unit number?” Sinabi ko sa kaniya ang number ng bago kong unit at tinulugan siya ulit, narinig ko pa na may sinabi siya at tumawa pero hindi ko na naintindihan dahil mabilis lang rin ako nakatulog ulit.

Nagising na lang ako dahil sa kalansing mula sa kusina pati na rin sa amoy ng sinangag. Napabangon ako bigla at tinignan ang buong paligid.

Condo ko naman nga ito, paano nga ulit ako nakauwi?

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para makita ang isang Uno De Franco na nagsasangag ng kanin.

“Drink water, Adria,” utos niya pagkatapos niyang maramdaman ang presensiya ko.

Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko tuyot rin ang lalamunan ko. Nilabas ko ang pitsel at saka uminom ng tubig sa may counter.

“Uy thanks sa paghatid,” I assumed dahil andito siya e, at hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi so maybe siya ang naghatid sa akin.

“Winona’s right.” Lumingon siya nang kaunti sa akin at ngumisi bago ibinalik ang tingin sa kanin.

“Ha bakit?” tanong ko nang wala pa gaano sa wisyo dahil kagigising ko lang.

“You already sober up, mabait ka na e.” Uminom ako ng tubig mula sa baso bago siya sagutin.

“What? So you mean masama ako kapag nakainom?” I innocently asked and I just got a chuckle from him as an answer, feeling ko naman normal lang ako kapag nakainom ako bukod sa umiikot ng mabilis ang paligid ko.

He placed the fried rice on the table pati na rin ang plato na may tocino at fried egg.

“Bakit ‘di ka pa umuwi?” I asked and umiling naman siya. “Ayoko lang,” maiksing sagot niya.

“Pwede namang mag-iwan ka na lang ng note or text mo na lang sana ako.” If ever may bilin siya na gamot katulad dati or nag-aalala lang siya na sobrang lasing ako or what.

“I just... I needed an excuse to be with you.” He gave me a small smile. Ni hindi ko nga alam ang mararamdaman ko, why is he being so honest with me these days. Pakiramdam ko bumalik nanaman kami sa college.

“Aalis na rin ako mamaya.” Hindi ako sumagot. Kumain na lang ako at ganoon rin siya.

I don’t even know why I trust him so much na wala lang sa akin na nandito siya sa condo ko tapos lasing pa ako kagabi.

It just always feels safe when I'm with Uno, kahit dati pa naman.

Nang matapos kami kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin kahit medyo hilo-hilo pa ako nang kaunti.

Tinawagan ko si Winona kung nakuha na ba niya ang sasakyan niya. Nasa CR ata si Uno, sabi ko kasi kung gusto niya magfreshen up pwede naman siya maligo.

“Nakuha mo na sasakyan mo?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.

“Later, inaantok pa ako e.” Mukhang late na rin sila nagsiuwi kaya antok na antok pa ‘tong si Winona.

“Who drove you home?” hindi siya nagsalita kaya tinignan ko ang phone ko kung naputol na ba ang tawag o ano

“Basta I’m safe,” sagot niya lang after ilang segundo.

“So it's not Tres or Dos?” I asked at shindi ulit siya sumagot, nako naalala ko sabi niya kagabi doon siya sasama sa dalawa e.

“Winona, come on,” sabi ko nang mahinahon, hindi ko naman siya pagagalitan e basta okay na sa akin na maayos ang lagay niya.

“It’s someone who must not be named, ang bilis ng pangyayari biglang ayon he drove me home.” Agad akong napangisi, sabi ko na kunwari pa siyang hindi siya pupunta nang tawagan ko siya kagabi no'ng hindi pa ako lasing.

“Mabuti naman, kaysa sa iba ka pa nagpahatid,” I just said to her.

“E ikaw? Did Uno drove you safely?” she asked

“Uh halata ba?” I joked kaya natawa siya. Ang dami niya pang kinwento na hindi mo aakalain na kanina lang sinabi niya na inaantok pa siya.

“Adria, do you have extra towel?” narinig kong sabi ni Uno, at dahil tahimik sa condo for sure narinig ni Win ang boses niya.

“Sa cabinet diyan sa CR mayroon,” I answered habang nakatakip ang unan sa phone, I don’t even know if it worked. Dapat pala hinold ko na lang, nag-panic kasi ako e.

Pero alam ko naman na na narinig na ni Winona na andito si Uno.

“Uno stayed huh?” nang-aasar na sabi niya, ako naman ngayon ang hindi makasagot. Wala naman akong alam na nag-stay siya dito, peaceful akong natutulong kagabi.

“Yeah, I guess,” awkward na sagot ko sa kaniya at tinawanan naman ako ni Winona.

“You know what Uno’s a great guy Ada kahit noon pa.” Hindi ko alam bakit niya sinasabi sa akin ngayon to but I listened to her.

“I didn’t even know why you didn’t give him a chance, I mean I feel like he wouldn't hurt you pero I understand naman din at some point.” Natigilan ako sa sinabi niya. Alam niya ba ang nangyari noon? Wala naman akong sinabing ganiyan sa kanila noon e.

“How did you know that?” I heard her laugh. “Oops it slip off my tongue,” she answered.

“Matagal na rin naman so maybe I should make kwento na.” So may nangyari? Kaya pala kilala niya pa rin si Uno kahit na minsan lang naman nila nagkita noong college.

“He’s always checking up on you before, he always ask us if you have eaten, nakakatulog ka pa ba or what.” I don’t know what to feel after hearing those stories.

“Tapos when Rye said na bakit hindi na lang ikaw ang tanungin niya he gave us a faint smile and that was the moment we knew something happened.” Parang nasaktan ako  nang marinig iyon but I knew I shouldn’t be too much affected of what happened before kasi tapos na ‘yon e.

“E alam mo naman si Ryezelle hindi papatalo, she needed to know why, so sabi niya we wouldn’t answer his questions about you if he didn’t tell us what happened between you two, kung bakit kayo nag-iiwasan.” Hindi na ako sumagot, a lot were going on my mind, hinayaan ko na lang tuloy siya magkwento.

“And ayon he told us everything, we even know you two went to La Union. Sana all.” She laughed as she kept going on what Uno did back then, noong hindi na kami okay, noong tinigilan na niya ako kasi iyon ang ginusto ko.

Hindi nagtagal natapos ang tawag namin ni Winona and Uno got out of the shower.

He got his car key and wallet tapos nilagay niya sa bulsa niya, mukhang aalis na siya.

“Hey, I’ll go now. Drink the medicine I left if you feel dizzy and lots of water,” paalala niya.

“I need to go to the grocery, want to come with me?” tanong ko, hindi ko rin alam saan nanggaling iyong grocery thing at iyon na lang bigla ang naisip ko. Minsan ko nga lang gawin sa buhay ko iyon dahil minsan lang naman ako sa condo. Ang buhay ko madalas nasa opisina o kaya nasa site.

“Why? I checked your fridge and pantry puno pa naman,” sagot niya at medyo nahiya ako roon medyo gusto ko ng bawiin ang sinabi ko.

Pero hindi lang naman pagkain ang binibili sa grocery ah!

“Uhm I... I needed an excuse to be with you also,” I answered honestly.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top