XXIII
SSFY 23
“Architect, si Engineer De Franco po andito,” sambit ni Haley nang isilip niya ang kaniyang ulo sa may pintuan ng opisina ko.
Agad na kumunot ang noo ko, hindi man lang siya nagtext na pupunta siya o kaya sana sinabi niya, nagkikita naman kami madalas dahil nga doon sa feasibility study na kino-conduct namin.
“Papasukin mo na,” I said at inexit muna ang ginagawa ko sa laptop bago tumayo nang pumasok siya.
Lumipat ako sa may couch. “Hey,” bati niya and I just smiled.
“What brings you here?” tanong ko bago kami umupong dalawa sa may couch ng office.
“Dinner,” sagot niya at itinaas ang paper bag na dala niya. I wrinkled my nose, nag-abala pa talaga siya.
“For your information kumakain naman ako ng dinner,” I joked bago ko siya tulungan ihain ang mga dala niya.
“Weh? E bakit sabi ni Attorney Loyola.” Mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin, hindi ko tuloy alam kung pinaparinig niya ba sa akin o hindi.
“That’s just one time, bakit ba obssessed kayo sa pagpapakain sa akin.” Naaalala ko pa rin ang sinabi ni Attorney Loyola noon na dapat kumakain ako dahil tao ako.
Mukha siyang pikon at hindi ko alam bakit. “Hindi ka ba busy? Dinadayo mo pa talaga opisina ko para kumain,” tanong ko. Hindi ko alam bakit niya ‘to ginagawa pero ayoko na rin magtanong, it might just complicate things mukha pa namang medyo okay na kami dahil hindi naman pala siya galit sa akin.
“I told you before and I will tell you again that I am busy but I always make time.” Sumubo na lang ako ng kanin nang sagutin niya ang tanong ko.
“Ay by the way, since andito ka na rin I finished some designs baka gusto mo tignan,” I said at tumango siya bago pinagpatuloy ang pag kain.
“It’s beautiful, I like this one.” Nakaupo ako sa swivel chair ko habang nakatayo siya sa tabi ko. He lowered himself para makita niya ang nasa laptop ko habang nakatungkod ang right hand niya sa table.
“I like that too, ‘yan lang din ang pinakaswak sa massing na ginawa ko few weeks ago,” I said and tumango-tango naman siya.
Nag-usap lang kami ng mga pwede pa namin mamaximize sa lupa at kung anu-ano pang tungkol sa trabaho bago siya nagpaalam na aalis na siya.
“Next time if you’re really busy just text or call me to remind me my dinner susunod ako promise.” I raised my right hand para maniwala siya na kakain talaga ako kapag sinabi niya.
Napangiti at napailing na lang siya bago nagwave sa akin at umalis na. Kasunod nang pag-alis niya ay pumasok naman si Haley.
“Architect, tanong lang naman, jowa mo si Engineer?” Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa pabigla-biglang chismis nito ni Haley.
“Huwag mo masyadong kinakausap si Engineer Esquivel natutulad ka na sa kaniya,” pagpapaalala ko sa kaniya, napahawak na lang siya sa batok niya kaya natawa ako dahil ang cute niya.
“Hindi ko siya jowa okay?” natatawang sagot ko dahil baka akala niya ay galit ako. She bit her lower lip and slowly nodded.
“You can call it a day already, Haley, uuwi na rin ako mayamaya.” Agad lumawak ang ngiti niya nang sabihin ko ‘yon, mukhang may lakad siya.
Madalas kasi kapag pinapauwi ko siya nag-aalangan siya iwan ako pero ngayon ay parang excited siya umuwi. Sana ako rin na-e-excite umuwi, sana may dahilan rin ako para masaya akong uuwi.
Like what I said to Haley umuwi na rin ako agad after no’n, kailangan ko pa matulog nang maaga dahil may meeting kami with the Tys tomorrow.
As usual kahit wala pa akong kain ay nasa office na ako kinabukasan, hindi na naalis ang telepono sa tainga ko, kausap ko rin ang mga engineers na hi-nire namin ni Uno.
Since malapit na matapos ang feasibility na ginagawa namin, pine-prepare na namin lahat ng data na kakailanganin mamaya para sa meeting.
“The good news is yes, it is feasible with the land that you wanted Mr. Ty and we could already start planning on what design would you prefer.” Nagpalakpakan ang mga tao na nasa board room nang tapusin namin ang presentation namin.
Mr. Ty gave me a slow clap as he nodded his head. “I’m very impressed and I’m glad I followed Engineer De Francos recommendation.” Napakunot ang noo ko dahil hindi ko gets ang sinabi niya pero nginitian ko na lang si Mr. Ty.
In 3 days pag-uusapan na ang design na gusto niya pero ibinigay ko na sa kaniya ang mga nagawa ko na mga design baka sakaling magustuhan niya or may peg siya at dadagdagan na lang.
Natapos na ang meeting pero nakikipagusap pa ako sa ilang engineers na kasamahan ko sa team pati na rin kay Attorney Loyola.
“Iba ka talaga Architect,” he smiled at natawa na lang ako sa kaniya. Iyong itsura ni Attorney Loyola nakakaintimidate sobra pero kapag nakausap mo siya mawawala lahat ng iyon.
“It was nice working with you, Attorney, napadali ang buhay ko,” I joked at siya naman ang natawa dahil sa sinabi ko.
“Aba siyempre, hindi ko titiisin na sigaw-sigawan sa law school kung hindi naman pala ako gagaling.” Nagtawanan lang kami hanggang sa kinailangan na rin niya umalis. Siyempre marami naman talagang ginagawa ang mga lawyers sa totoo lang.
Inayos ko na ang mga gamit ko para makabalik na ako sa office, may aayusin pa kasi ako sa QC site dahil may mga changes daw na ginawa ‘yung Engineer dahil daw nagcut bigla ng budget.
Mukhang sasakit nanaman ang ulo ko dahil may napagkasunduan naman na budget at if I’m not mistaken kasama na sa kontrata iyon bakit bigla na lang mag-cu-cut kung kailan nasa kalagitnaan na ng construction.
“Oo, I’ll still look into it, mayroon naman sigurong paraan.” Sinosort ko ang mga papel habang may kausap sa phone, unti-onti na rin nauubos ang mga tao sa board room.
“It’s okay Engineer, basta don’t ever sacrifice the quality kasi tayo rin ang malalagot if ever okay?” Pinatay ko na ang phone at saka ko lang napansin na nakasandal pala si Uno malapit sa pintuan ng board room.
“Bakit andito ka pa?” I asked at isinukbit na ang bag ko.
“I’m going to congratulate you with lunch sana but it looks like you’re busy.” He scratched the bridge of his nose kaya natawa ako. Ang cute talaga ng mannerisms niya na ‘yan palibhasa pointed na pointed ang ilong e.
“Tomorrow, lunch. Libre mo ha!” sabi ko bago ako naglakad palabas at nilagpasan siya dahil nagmamadali na talaga ako.
Nang makarating ako sa office tinignan ko ang mga papeles tungkol sa QC site. Nagcheck na rin ako ng mga alternatives in case malaki ang cut sa budget.
Paalis na ulit sana ako ng office nang pumasok si Kairo. “Nagmamadali ako,” sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako.
“Oo, alam ko pinapapunta nga nila ako doon e.” Agad kumunot ang noo ko, bakit siya pinapapunta doon?
“Bakit? Kasali ka ha?” pang-aasar ko sa kaniya, hindi naman siya ang engineer sa site na iyon e.
“Tinawagan ako ni Engineer Alcantara,.” Agad ko siya sinamaan ng tingin.
“Hala siya judgemental,” reklamo niya. Maganda kasi ‘yon si Engineer Alcantara, pinagselosan din iyon ng girlfriend niya dati.
“'Di ko type ‘yon uy!” Nilagpasan ko na siya papunta sa elevator para makapunta na sa QC site para tignan kung malaki ba ang pagbabago if ever magbago rin ng materials.
“Will this work?” I asked for Kairo’s opinion hanggang sa natapos na kami sa site.
Bumalik ulit ako sa office para ayusin ang design na napagusapan kanina sa site.
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makita si Winona sa couch ng opisina ko.
“Omg! Sa wakas gosh!” sabi niya at tumayo siya para yakapin ako kaya yinakap ko rin siya.
“I miss you, bebe love,” maarteng sabi niya, hindi pa rin siya nagbabago. Lumingon ako sa may pintuan ng office ko bago ko siya itanong.
“Bakit ka andito? Nagkita kayo ni—” Sinamaan niya ako ng tingin at agad sinagot ang tanong ko dahil alam niya na agad sinong tinutukoy ko.
“Hindi! Hindi naman siya ang ipinunta ko.” Napanguso siya at saka umupo sa couch.
“Okay, chill,” natatawang sabi ko bago umupo katapat niya.
“Kanina ka pa?” Umiling naman siya bilang sagot. “Not really pero andiyan naman si Haley, sinamahan niya ako.” She grinned at me bigla.
“For your information, she told me things.” Agad kumunot ang noo ko, si Haley talaga minsan ang bibig hindi mapigilan.
“What things?” She placed her hands on the coffee table, para tuloy niya akong in-e-enterrogate.
“Engineer De Franco.” She winked at me.
They didn’t knew what happened between Uno and I, ang alam lang nila noon ay close kami at inaasar nila kami sa isa’t isa, they never knew that what we had was real hindi nga lang na push through.
“He’s here because of work,” I answered, gosh! I often lie these days.
She looked unconvinced pero tumango siya. “Ahh, kaya kailangan may dinner na kasama?” My gosh gaano ba karami ang sinabi ng secretary ko sa kaniya.
“Baka gutom? Bakit hindi ka ba niya dinadalhan ng dinner noong magkatrabaho pa kayo?” balik ko sa kaniya kaya naningkit naman ang mata niya.
“Hindi! Ako pa nga nagdadala sa kaniya,” reklamo niya sabay de kwatro. Nawala na tuloy sa isip ko ang dapat kong gawin kanina dahil dito kay Winona.
“Wait bakit ba talaga andito ka? His office is in a different floor namali ka yata.”
“Hindi nga kasi Ada!” Tawang-tawa ako nang mapikon na siya sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago, pikunin pa rin talaga.
“Burned out lang ako, I called Lyrae and she’s busy with their company, Rye’s in Dubai of course alangan namang puntahan ko siya.”
“I know busy ka rin kaya nga ‘di na ako tumawag dumiretso na ako rito agad kasi baka i-reject mo rin ako!” reklamo nanaman niya sa akin.
“Ano ba ‘yun? Why are you burned out?” Kinwento niya sa akin ang mga nangyayari sa kaniya ngayon.
Pinakinggan ko na siya kahit na may gagawin pa dapat ako, it’s always them over work.
I always got their back kahit na hindi na kami nagkikita kita madalas hindi katulad noon na hindi kami mapaghiwalay lahat.
“Naloloka ako talaga, I wanted to drink pero wala akong kasama.” She looked at me with hopeful eyes as she said those words.
“Huwag mo sabihin na hindi ka nainom kasi umiinom ka na!” pinangunahan niya agad ako. Hindi naman na talaga ako umiinom simula nang magtrabaho na ako.
Ang alam kasi nila umiinom na ako, dahil one time noong uminom sila ay uminom rin ako dahil nga iyon ‘yung araw na dinadamdam ko pa ang nangyari sa amin ni Uno. Since hindi nila alam na ‘yon ang dahilan akala nila bumigay na rin ako sa alak.
“Please, Adria!” pagmamakaawa niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang huminga nang malalim at tumango sa kaniya.
Tuwang-tuwa naman siya nang pumayag ako. Pumunta muna ako sa condo at sumama naman siya doon. Iniwan na rin niya ang sasakyan niya doon dahil baka nga kapag lasing na kami hindi na rin naman kami makakapagdrive.
Nagpalit lang ako ng damit, nagsuot na lang ako ng yellow tube top at cargo pants na black tsaka chunky shoes.
Nag grab na lang kaming dalawa papunta sa club, siya ang pinaorder ko dahil hindi ko naman alam kung ano dapat iorder. Lahat naman kasi ng binibigay nila iniinom ko kahit pangit lasa kasi pinipilit naman nila sa akin.
Beer nga napainom sa akin ni Uno e.
Sa tatlong beses kong uminom noong college ako, lahat iyon dahil kay Uno or kasama ko si Uno ngayon lang ata na walang kinalaman sa kaniya ang pag-inom ko.
Sinalinan ako ni Win sa shot glass tapos ibinigay ang lemon sa akin. Amoy pa lang ng alak feeling ko ikamamatay ko na ‘yon.
“Ano ‘yon close na ulit kayo ni Uno?” bigla niyang tanong buti na lang ay nalunok ko na ang shot ko, ‘tong si Winona walang pasintabi e.
In fairness sa memory niya ha 7 years na ang nakalipas kilala niya pa rin si Uno kahit hindi naman sila close at hindi naman naging kami ni Uno.
Baka dahil gwapong gwapo siya kay Uno noon? Kaya siguro alam niya pa rin sino siya.
“Sakto lang,” sagot ko. Inirapan niya lang ako at tumawa.
Magtatanong tapos kapag sinagot hindi naman naniniwala, iba talaga ‘tong si Winona.
“Bakit ba ako ang ginugulo mo e ikaw nga ‘tong problemado.” Hindi niya pinansin ang sinasabi ko at bigla na lang siya tumayo. “Gusto ko sumayaw,” tanging sabi niya.
Dalawa lang naman kami so siyempre hindi ko maiwan ang table naming dalawa pati gamit namin kaya naiwan ako mag-isa at siya nasa dance floor. Okay lang naman na iniwan niya ako dito tutal kailangan niya 'yan dahil problemado siya.
“Hi.” May lumapit na lalaki sa akin at umupo sa couch kung asaan ako.
Nginitian ko lang siya ng awkward, ganito ba talaga dito? Bigla na lang umuupo ‘yung ibang tao sa couch ng hindi naman nila kakilala.
“What’s your name?” Ininom ko lang ang shot sa harap ko, natatakot ako maging rude sa kaniya dahil mag-isa lang ako pero at the same time ayoko rin naman siya i-entertain.
“Oh sige, what university na lang?” natatawang tanong niya. Medyo nilapit niya pa ang mukha niya sa tainga ko kaya napalayo ako.
“I’m not a student already, hindi ako napatol sa bata.” I smiled but he still looked offended when I'm just saying the truth.
Ewan ko bakit marami sa mga lalaki na na-o-offend talaga kapag sinasabihan na ganoon e bata naman talaga sila.
“Ha? Bata? Tignan natin sino tinatawag mong bata.” He scoffed, hahalikan niya sana ako pero may pumigil sa kaniya.
“Walang halikan ng girlfriend.” Napakurap ako ng ilang beses, ginulo niya ang buhok no’ng lalake at tinapik sa balikat at agad namang umalis ang lalaki, mukhang natakot siya.
“Uy Dos! Long time no see,” awkward na bati ko.
“Who are you with? Bakit mag-isa ka?” Tinignan niya ang table ko na may gamit naming dalawa ni Win.
“Ah I’m with a friend.” Tumaas ang kilay niya sa akin na parang tinatanong kung sinong friend kaya natawa ako.
“Relax, it’s just Winona,” I said kaya napailing na lang rin siya at nilingon kung asaan man si Winona ngayon.
“Doon na lang kaya kayo sa couch namin para you can enjoy, tsaka madaming loko loko dito patay tayo kay kumander kapag nagkataon,” he said, hindi ko alam kung he’s just saying his thoughts out loud o ano dahil hindi ko na gets kung bakit kami patay?
Tinawag namin si Winona para sabihin na lilipat kami ng couch at um-okay naman siya bago bumalik sa dance floor.
Nakita ko sa couch si Tres at may isang babae at isang lalaki na hindi ako familiar.
“Hey! Long time no see Ada,” bati niya sa akin. Madalas ko sila makita kahit na hindi kami okay ni Uno noon kasi nga naging kaibigan ko na rin naman sila.
"That's Ave and Quen," pagpapakilala ni Dos sa dalawang nag-iinom kasama nila.
“Si Thylene? Hindi niyo kasama?” tanong ko nang maupo ako sa couch nila. Agad namang nasamid si Dos na kakainom lang ng shot at saka tumawa. Matagal ko na rin hindi nakita si Thylene pero madalas kasi siyang mag-reply sa stories ko kaya nakakapag-usap kami sa IG kahit na hindi kami nagkikita.
“Oh Tres asaan daw si Thylene?” malokong sabi ni Dos at siniko pa niya si Tres kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Tres. May nangyari siguro sa kanilang dalawa, sabagay ang tagal na rin e.
“Ada, saan daw si lbsgrzd?” Hindi na naintindihan ang sasabihin ni Tres dahil sinalpakan siya ni Dos ng pagkain sa bibig.
“Asaan ba si Uno? Matutuwa ‘yon andito ka.” Luminga-linga si Dos sa buong place.
“Ay mukhang natutuwa na siya,” pahina nang pahina na sabi ni Dos kaya sinundan ko ang tingin niya.
Nakita ko sa hindi kalayuan si Uno na may kasamang babae, nakasandal sila pareho sa bar counter habang may hawak na alak tapos nagtatawanan sila.
Napainom na lang ako ng shot and that moment, I knew that I didn’t like what I’m seeing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top