XXI
SSFY 21
Friday came, maaga ako sa office para madami akong matapos na trabaho dahil nga may pupuntahan pa ako mamayang gabi
"I'll send it to you tonight or maybe tomorrow morning." Kausap ko sa phone si Atty. Loyola ininform ko kasi siya na pupunta na kami ngayon sa site para i-check ang parameters tsaka zoning para maumpishan ko na ang massing.
"Okay, no pressure, Architect," natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako bago kami nagpaalam sa isa't isa. Kasama pala siya ni Mr. Ty sa Cebu para sa isang business conference kaya wala siya for almost a week.
"Can you please get me lunch, kahit ano na." Haley smiled and nodded at me.
"Thank you." I smiled at her also. Ang precious niya lang talaga, naalala ko sarili ko noon sa kaniya kaya siguro tinanggap ko pa rin siya kahit na palpak siya no'ng una.
Buti binigyan ko pa siya ng isang linggo pa para patunayan ang sarili niya, and thankfully hindi naman ako nagkamali.
After ng lunch kinuha ko na ang mga gamit ko, nagdala na rin ako ng flats para hindi ako mahirapan sa site.
I drove papunta doon sa property ng mga Ty, tinawagan ko rin si Uno para lang alam niya na on the way na ako.
"All right, I'll see you. Drive safely," paalala niya bago niya ibinaba ang tawag. Mabilis lang naman ay nakarating na rin ako at nakita siya na nakasandal sa sasakyan niya habang hinihintay ako.
Kaming dalawa lang ang narito dahil ang titignan lang naman ng iba ay kapag ginawa ko na sa computer ang massing ng lugar.
Pinag-usapan lang namin ang mga kakailanganin namin i-consider, 'yung parking tsaka mga landscape and such.
Tinignan namin ang kabuuan ng lupa, pati 'yung size no'n, kung saan siya malapit at kung ano 'yung mga main na daanan na nakapalibot sa kaniya.
I have my sketchpad with me, iniisip ko kung ano ang mga bawal at pwede kong ilagay.
"You put it on this side, para hindi makita," suggestion niya habang nakatingin sa sketchpad na hawak ko.
Ang lapit niya kaya amoy na amoy ko siya, bakit kahit mainit amoy bagong ligo siya? Naconscious tuloy ako baka naaamoy niya rin ako.
"Ah pwede rin, possible kaya na mapush 'to?" tanong ko habang may certain spot ako na binibilugan kaya tinignan niya iyon.
"We'll see, finish your pre-design and we'll discuss it," sagot niya. Napatingin na lang ako sa sketch ko.
"I just want to know your thoughts," sabi ko habang pareho na kaming nakatanaw sa kabuuan ng lupa na iyon.
"Why? Why does an architect wants my thoughts about her own design?" Nakahalukipkip siya habang nakatanaw sa malayo.
"Wala, baka sabihin mo nanaman nightmare niyo ang mga design namin," I seriously said. Naalala ko lang kasi 'yung nilagay niya sa IG story niya noon and I really searched for that quote at meron ngang lumabas na 'An Architect's dream is a Civil Engineer's nightmare'
Matagal na 'yon pero tumatak talaga sa isip ko 'yong quote na iyon dahil noong nagrereklamo rin si Kairo na masyadong out of this world daw ang mga ni-re-review niyang mga designs pero at the end of the day nagagawa naman din niya at ng team niya.
He chuckled at what I said kaya napatingin ako sa kaniya. "Tawa ka diyan?" pagtatanong ko
"That was 7 years ago, Ada, na-revise na 'yon." Kumunot ang noo ko. Ano nanamang quote na sasabihin niya this time?
"Oh e ano na 'yung updated version? Enlighten me, Engineer." Tumingin siya sa akin and the side of his lips rose.
"A Civil Engineer's dream is the Architect itself." Napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon na titig na titig pa sa akin.
Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa mga sasakyan namin at naiwan lang ako na nakatayo kaya lumingon siya sa akin.
"Ada let's go, akala ko ba may appointment ka?" Naglalakad na siya ngayon patalikod kaya naglakad na rin ako pabalik.
Pasakay na ako ng sasakyan nang tawagin ko siya. "Uno." He looked at me and raised a brow.
"Are you perhaps going to Tagaytay?" Kumunot ang noo niya at tinagilid ang ulo.
"How did you know?" Umiling lang ako as I wave my hand at pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
So invited din pala siya sa engagement party ni Paula, baka hindi niya alam na ako rin dahil nga never naman kaming naging friends no'n.
Quota na ako sa presensiya ni Uno, wala ba akong karapatan para huminga ng maluwag?
Makikita ko nanaman siya mamaya, tapos kasama ko pa si Kairo e napakagulo no'n lalo na kapag nakikita niya kaming dalawa ni Uno.
Nagdrive na ako pabalik sa condo dahil mag-aayos pa ako, madaming mga business tycoon, politician at iba pang famous na tao ang nandoon mamaya.
Malay mo in the future magpagawa sila sa akin kaya kailangan matino ako tignan.
Naligo ako agad baka kasi amoy araw pa ako dahil buong hapon kaming nasa site, ang sabi ni Kairo kahit anong formal na dress at kahit anong kulay pero 'wag na lang din daw ako magputi para safe.
I wore a maroon spaghetti strap cowl neck dress na lagpas lang ng kaunti sa tuhod ko then black strappy heels.
Nagmake up ako nang kaunti pero bold color ang inilagay ko sa labi ko para bumagay sa damit ko, I have no time para ikulot pa ang buhok ko kaya plinantsa ko na lang para mas bagsak.
I finished my look with simple dangling earrings, necklace with small diamond then I sprayed my perfume.
I-te-text ko na sana si Kairo na sabay kami pumunta pero text ni Uno ang nakita ko.
Fr: Engineer De Franco
Let's go together.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko, bakit parang naramdaman ko na 'to noon? Tsaka paano niya alam na pupunta ako?
Why does Uno make me feel a familiar feeling again, okay na ako e bakit heto nanaman ako?
Kinakabahan ako sa nararamdaman ko pero hindi ko alam bakit ako umokay sa text niya.
I-te-text ko na sana si Kairo na hindi na kami sabay nang tumawag siya.
"Hoy una na ako tagal mo," bungad niya sa akin at sasagot pa lang ako pero binabaan na niya ko ng tawag.
Tignan mo 'tong lalaking 'to napakaayos kausap talaga.
Sinagot ko na lang ang panibagong text ni Uno at iyon ay kung same pa rin ba ang condo ko.
Same pa rin naman ng building pero lumipat ako ng mas malaking unit kasi gusto ko ng mas malaking working space at walk in closet.
Pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ko habang inaantay ang tawag ni Uno, ganito pala 'yong laging sinasabi ni Ryezelle kay Winona.
Ganito pala kapag marupok ka, iniisip ko tuloy kung bakit hindi man lang ako nagdalawang isip bago ako pumayag kay Uno. Gusto kong guluhin ang buhok ko sa frustration pero pinigilan ko dahil sayang ang effort ko na plantsahin iyon.
Sa kakaisip ko ay nagulat tuloy ako nang tumawag na si Uno at sabing nasa baba na raw siya kaya bumaba na rin ako.
"Hi, again," pagbati niya at ngumiti lang ako, hindi ko siya matitigan dahil nakaka-distract ang itsura niya.
"How did you know that I'm coming?" curious na tanong ko, he swiftly turn the steering wheel bago ako sinagot.
"I just know kasi tinanong mo ako plus you have an appointment at 7 so I assumed." Hindi na lang ako sumagot.
"Nag-usap na pala kayo ni Paula?" he asked nang matahimik kaming dalawa.
"Oo, last week lang," he nodded at focus lang siya sa pag-d-drive.
"How?"
"He contacted Engineer Esquivel, kasi magpapagawa sila ng bahay and he recommended me to design it." Hindi na siya sumagot at nagtanong after no'n.
Pasulyap-sulyap ako sa kaniya habang nag-d-drive siya, ganito na ba siya kagwapo dati pa o sadiyang matagal na kaming hindi nagkita kaya ganito na lang pagkamangha ko sa itsura niya? He looked the same though parang hindi tumanda medyo mas strong lang ang features niya ngayon kaysa noon na soft lang ang features niya but all in all he looked the same.
"What?" tanong niya nang mapansin siguro ang pagtingin-tingin ko sa kaniya. Nakasuot siya ng white dress shirt na nakabukas ang ilang butones at light gray coat plus dark gray pants.
"Wala, wala." Inilipat ko na lang ang tingin ko sa bintana kahit na natawa siya ng kaunti sa akin.
Mag-se-seven na kami nakarating dahil hindi biro ang traffic sa Tagaytay, akalain mo 'yon wala ka na sa Maynila pero traffic pa rin.
Binigay ni Uno sa valet ang susi at sabay kaming pumasok sa magarbong function hall, nakahawak si Uno sa likod ko pero ramdam ko na hindi niya totally nilapat ang kamay niya.
"Name please." Maraming guard sa labas na akala mo may presidente sa loob.
"Engineer Uno De Franco & Architect Adria Chung." Si Uno ang sumagot para sa aming dalawa habang hinahanap ang mga pangalan namin sa guest list.
Nang makita na iyon ay pinapasok na kami. Maraming tao, parang naging social gathering ito ng mga kilalang tao kaysa sa engagement party.
Nakita ko agad si Kairo na kausap ang mga member ng SC no'ng batch namin, nakita rin niya kami nang pumasok kami sa hall kaya itinaas niya ang kamay niya kaya lumapit na kami ni Uno.
"Pasalamat ka sa'kin," bulong ni Kairo bago ngumuso ng bahagya kung nasaan si Uno kaya siniko ko siya, kararating ko pa lang nang aasar na siya.
Binati ko ang mga nasa table na kakilala namin. "Si Paula?" tanong ko kay Kairo kaya tinuro naman niya, napatingin tuloy si Paula sa kinaroroonan namin.
Nagpaalam siya sa kausap niya at naglakad papunta sa amin.
"Congratulations, Engineer Peralta," bati ko at nakipag beso beso siya sa akin.
Never kong naisip na dadating kami sa ganitong point ni Paula na magbebeso beso kami, iba rin talaga nagagawa ng panahon ano?
Ganoon rin ang ginawa ni Kairo at Uno, binati nila si Paula at nakipagbeso.
"Thanks! Kayo ba? Kailan kayong dalawa ikakasal?" nanlaki ang mata naming dalawa ni Kairo at nagkatinginan nang tanungin niya kaming dalawa.
"Ha?" tanging naisagot ko, akala niya ba nagkatuluyan kami ni Kairo?
Napaubo si Uno ng bahagya at naguluhan naman si Paula sa reaksyon namin. "Sinasabi mo? Kahit kailan fake news ka talaga," reklamo ni Kairo sa kaniya kaya natawa na lang ako.
"Ha? Hindi ba kayo? Nagparaya pa man din ako tapos hindi naman pala kayo," she joked, so totoo palang may gusto siya noon kay Kai kaya naging mean siya sa akin, pero wala naman akong kamalay-malay noon bakit kaipangang ako ang mag-suffer?
"We didn't date and we will never, he's haven't move on yet wit-" Tinakpan na ni Kairo ang bibig ko kaya natawa si Paula.
"Ah oo nga pala! 'Yung architect din?" Paula asked and na-gets niya na rin sino tinutukoy ko.
"Oo, 'yon 'yung gusto ko 'di 'tong si Ada. Mahiya ka naman kay Uno." Napahinga nang malalim si Uno at napahawak sa noo niya dahil sa pinagsasabi ni Kairo.
Napatakip naman sa bibig Paula sa gulat at tinuro-turo kaming dalawa ni Uno, bakit ba love life ko ang balak nilang pag-usapan hindi naman ako ang ikakasal ah!
"You shouldn't believe in this guy," naiiling na sabi ko pero Paula just nodded pero bakas pa rin ang pagdududa niya sa amin ni Uno.
Nag-excuse muna si Paula nang may dumating na iba pang bisita, at umupo naman kaming tatlo. Napatingin na lang ako kay Uno and mouthed sorry, dahil sa kalokohan nito ni Kairo.
Sinamaan ko agad si Kairo ng tingin kaya tawa siya nang tawa. Kasiyahan niya ata talaga na inisin ako, feeling ko nasa bucket list niya talaga galitin ako, kunwari lang 'yan na ayaw niya ako galitin pero gusto talaga niya.
Mag 7:30 na nang magstart ang program, simple lang naman iyon siyempre sinabi nila na they're getting married and they'll have a baby on the way tsaka nagpasalamat sa lahat ng pumunta gano'n.
Nang kalaunan ay nagkainan na rin and then as usual nag-usap na ang mga tao, minsan ay bigla na lang ako pinapakilala ni Kairo o ni Paula kung kani-kanino.
Ilang beses na rin akong naitanong kung bakit hindi pa ako married, ang tanda ko na ba talaga para kailanganin ko nang magpakasal? Nasa 20s pa lang naman ako.
"You should meet my son, I wanted a daughter in law like you." Tumawa na lang ako at hindi sinagot ang pinakilala sa akin ni Paula na congressman ata.
Pagkatapos ay nag-excuse na ako para uminom ng tubig nang hatakin naman ako ni Kairo.
"Mr. Silverio this is Architect Adria Chung." Kinamayan ko siya and he looked at me at tinagilid ang ulo.
"Are you perhaps the daughter of Stefano Chung?" Nagulat ako na kilala niya si Papa pero if ever hotel and restaurants din ang business niya malamang ay kilala niya nga si Papa.
"Ah yes po," I answered
"Why aren't you working for your father's company?" nagtatakang tanong niya, ngumiti lang ako, baka nabanggit kanina ni Kairo na katrabaho niya ako kaya niya alam.
"Bakit ibang kumpaniya ang nakikinabang sa'yo?" dugtong niya pa kaya sinagot ko na lang rin siya.
"I wanted to build my own name without any help from my father." He smiled and nodded as if na impress siya sa akin.
"Send my regards to your father." Tumango ako at akala ko tapos na pero may pahabol pa pala si Mr. Silverio.
"And to your mom pala, I heard she remarried years ago?" I smiled bitterly, wala namang kasalanan si Mr. Silverio, kung kilala niya si Papa malamang alam niya kung sino ang nanay ko.
Not everyone knows na nagkaanak pa si Mama pero hindi naman na iyon sikreto sadiyang pagkapakasal niya kay Papa lumubog ang career niya kaya nawalan ng interest ang mga tao hanggang sa iniwan na lang kami ni Mama at sinikap na buhayin ang career niya nang wala kami.
"I don't have a mom, Sir," I firmly said and excused my self.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top