XX

SSFY 20

Tinanong ako ni Attorney Loyola kung okay lang ba na andoon rin si Uno, wala naman akong choice dahil kasama rin naman si Uno talaga sa project so I nodded, Uno sat beside me.

Parang naging limitado ang galaw ko na akala mo nasa militar ako at kalkulado ang mga galaw ko.

“We could discuss the project later on,” sabi ni Attorney so I nodded.

Kumain na lang kaming tatlo, nag-uusap silang dalawa sa mga bagay na hindi ako maka-relate, may mga tao kasi silang pinaguusapan, madalas kilalang mga tao. About pa rin naman sa work kaya hindi naman ako nainis.

“I didn’t know kinuha ka ulit ni Mr. Ty.” They’re talking about the project now. Sakto rin naman kasi talaga na andito si Uno para makapag-usap na kaming tatlo since wala si Attorney Loyola sa Friday.

Binigay ko ang mga folders kay Attorney. “As I was saying you should also take care of the property investigation and acquisition.” Tumango-tango naman siya at mukhang alam na rin naman niya ang gagawin niya bago pa niya ako puntahan.

Nag-explain din si Uno ng mga gagawin regarding sa environmental clean up and the likes kaya baka hindi magtagal mag-h-hire na talaga kami ng iba pang mga engineers.

“Excuse me, I have to take this call.” Umalis si Attorney Loyola kaya naiwan kaming dalawa ni Uno, ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin para hindi kami awkward.

Nagstart na lang tuloy ako sumagot ng mga e-mails gamit ang phone ko para lang kunwari ay busy ako.

“Why were you with Attorney Loyola?” nag-aalangang tanong niya, kanina pa namin dini-discuss ang tungkol sa mga requirements for the feasibility pero hindi niya alam kung bakit?

“I mean dinner at this hour,” dugtong niya before he cleared his throat at tumingin sa malayo.

“We wanted to talk about the legalities over dinner medyo late na rin kasi siya pumunta sa office,” I casually explained. Mas okay na rin ‘to kaysa hindi kami nag-uusap, para akong malalagutan ng hininga e.

“Ikaw? Are you supposed to have dinner alone? Wala ka man lang kasama?” Iniwas niya ang tingin sa kung saan-saan na medyo mukha siyang nagpapanic.

“I—I was about to buy take out for my dinner.” I nodded and continued checking the e-mails I received.

Hindi nagtagal bumalik na si Atty. Loyola at mukhang nagmamadali na siya.

“I’m sorry I need to go Engineer, Architect Chung is it okay if we go already?” aya niya dahil supposedly ihahatid niya pa pala ako pabalik sa office e kaso mukhang nagmamadali siya.

“It’s okay Attorney, I’ll just take a grab.” Mukhang nag-aalangan siya pero at the same time nagmamadali siya kaya tumango siya at nagpaalam sa aming dalawa ni Uno.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko para makaalis na rin ang dami ko pang gagawin, baka sa office ko na lang gawin lahat para pag-uwi ko matutulog na lang ako agad.

“I’ll see you on Friday, Engineer,” paalam ko kay Uno at nagbrowse sa phone ko para makapagbook na ng grab.

“Babalik ka pa ng firm?” tanong niya habang naglalakad kami palabas ng restaurant.

“Uhmm...mm.” Busy ako sa paghahanap ng ma-b-book kaya hindi ko siya masagot nang ayos.

“I’ll give you a ride then,” he offered, mukha naman palang hindi na siya galit sa akin, baka na awkward lang.

I accepted his offer kasi gusto ko rin naman ma-feel niya na ayos lang kaming dalawa, na wala na kaming issues, na wala dapat dahilan para maging awkward kami.

Hindi na kami bata, hindi na dapat kami nagtatanim ng sama ng loob sa isa’t isa lalo na’t maayos naman na ang mga buhay namin.

“What time are we going to the site?” tanong niya sa akin habang nasa loob ng sasakyan.

“Siguro mga 1, I have an appointment at 7 pm so I have to finish work early,” I explained. Hindi lang naman kasi pagbisita sa site ang ginagawa ko sa buong araw ko.

“Sure, I’ll free my time.” nahiya tuloy ako bigla sa sinabi niya, parang siya pa ang nag-adjust para sa akin, sa Friday na rin kasi ang engagement party ni Paula tapos ang mapapangasawa niya pala ay politician kaya formal iyong party.

I don’t want to go there looking so haggard from work, malay mo may mga potential clients akong makita sa party na ‘yon malamang madaming big names ang pupunta.

“I’m checking the CVs tonight so I’ll send the e-mail tonight also,” pag-iinform ko sa kaniya.

“Kahit tomorrow morning na lang, have some rest, Adria.” Parang kumabog ng mabilis ang puso ko nang marinig ko ang sarili kong pangalan mula sa bibig niya.

Hindi naman ito ang first time na marinig ko pangalan ko but why do I feel like it is?

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang naramdaman ko basta ang alam ko lang ay okay na kaming dalawa dahil first name basis na kami ulit maliban na lang siguro kapag siyempre nasa trabaho, we need to be professionals kahit ba magkakilala kami.

“Okay,” tanging sagot ko. Kahit ilang taon na ang nakalipas thoughtful pa rin naman pala si Uno kahit na nasaktan ko siya. Hindi ako nagkamali nang maisip ko na Uno really has the purest heart, hindi lang niya talaga pinapakita sa iba.

Mabilis lang kaming nakarating sa firm dahil nga lagpas rush hour na pero heto ako magtatrabaho pa rin.

“Thank you, Uno. Ingat ka.” it feels good to call him by his name again, he just nodded and drove off.

Nagtrabaho lang ako nang ilang oras at nang 11 pm na ay saka ko napagpasiyahan na umuwi na.

Kagaya ng sabi ko kay Uno chineck ko ang mga CVs na sinend niya sa akin bago ako matulog at pinili kung kanino ako na impress, i-se-send ko na sana sa kaniya kaso naalala ko sabi niya bukas ng umaga na lang daw.

Kinabukasan late ako for work dahil sobrang pagod ako kagabi kaya sobrang lalim ng tulog ko na hindi ko narinig ang alarm ko.

Naligo ako agad at magpapabili na lang ako kay Haley ng breakfast, panigurado magtatanong naman iyon.

Nagsuot lang ako ng white bell sleeves na top and black slacks at black strappy heels at umalis na.

“Haley, breakfast please,” agad na sabi ko bago ako pumasok sa office ko. Una kong ginawa ay magcheck ng e-mail kaya naalala ko na i-send ang e-mail kay Uno.

I was editing at sketchUp nang bumalik si Haley with coffee and 2 types of flat bread, I thanked her at binasa na niya sa akin ang mga kailangan ko gawin for today.

“Also, Engineer De Franco wants to set an appointment with you 6 pm tonight po.” Kumunot ang noo ko, Friday pa kami magkikita sa site bakit gusto niya magmeet tonight.

“Para saan daw?” I asked while checking e-mails baka sinend siya sa akin, pati inbox ko chineck ko. Talagang nagpa-appointment pa siya e pwede naman niya akong i-text.

“Hindi po sinabi e sabi lang po sabihin ko sa inyo.”

“He contacted you?” Bakit kay Haley pa siya tumawag ? May number naman ako sa kaniya.

“Ay hindi po, he’s here earlier e wala pa po kayo, sabi ko maghintay na lang po siya kaso sabi niya po iyon lang naman daw po sasabihin niya na magmeet po kayo ng 6 pm.” Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya.

To: Engineer De Franco
Saan tayo magkikita?

Itutuloy ko na sana ang pag-e-edit ko nang magreply siya kaagad.

Fr: Engineer De Franco
Your office.

To: Engineer De Franco
Para saan ba?

Kung anong ikinabilis ng reply niya no’ng una, siyang ibinagal ngayon. Mukhang wala na siyang balak sagutin ako kaya hinayaan ko na at mag-aantay na lang ako mag 6 pm

Inubos ko lang lahat ng kailangan kong i-edit for today tsaka mga proposals na kailangan i-review, hindi muna ako bumisita sa mga site since kabibisita ko lang naman baka next week na lang ulit.

Lumabas muna ako para kumain ng lunch kasama si Kairo dahil nauumay na ako sa opisina ko at pagkatapos no’n bumalik na ulit kami sa opisina dahil pareho kaming madaming ginagawa, mas madalas nga lang siya sa site.

Nang mag 6 pm na tinignan ko ang phone ko kung may text ba si Uno pero wala, sumandal na lang ako sa swivel chair ko at pinaikot iyon.

Mga 10 minutes siguro bago kumatok si Haley sa pintuan. “Architect, andito na po si Engineer De Franco.” Tumango lang ako sa kaniya at pinapasok na niya si Uno.

“Upo ka,” sabi ko sa kaniya bago ako tumayo para pumunta sa couch kung saan ko siya pinapaupo.

“What brings you here?” Nilapag niya sa coffee table ang paper bag na dala niya.

“Dinner.” Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi nag-si-sink in ang sinabi niya.

“You look like you’re not eating, I need to have an appointment with you so that you’ll have your time to eat.” Bakit ba biglang pinapakain na lang ako ng lahat ng nakakausap ko.

“I’m eating though,” mahinang depensa ko habang nakatitig sa table habang inaayos niya ang pagkain naming dalawa.

“What? Bread?” he smirked when he said those kaya sinimangutan ko siya which made him chuckle.

Bakit ba ang dami niyang alam? Bakit nga ba nagtatanong pa ako e alam ko naman na si Haley ang dahilan.

“Why are you even bothered of what I eat?” I asked as we started eating already.

“You can’t work properly if you are not eating and I don’t want to work with people who can’t work properly,” dire-diretso niyang sabi na akala mo naman talaga ang galing-galing niya sa logic niyang ‘yan.

“Okay fine, Engineer,” sagot ko na lang at ipinagpatuloy ang pag kain dahil wala naman na akong magagawa dahil andito na siya.

“Architect Chung may nasagap ako para sa’y—” Nagulat ako nang pumasok si Kairo ng office ko, siya lang naman kasi ang may lakas ng loob na bulabugin ako bigla nang hindi nagsasabi kay Haley.

“Oh? Mamaya na lang pala,” pahina nang pahina na sabi niya nang makita kami ni Uno na akala mo naman may ginagawa kaming mali.

“Tungkol saan?” Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko, umiling siya habang nakangiti na may pagkapilyo.

“Later na lang, happy eating sana masarap ulam niyo.” Sumipol-sipol pa siya habang naglalakad papuntang pintuan, pero lumingon pa siya ulit.

“Nice seeing you here, Engineer De Franco,” bati niya kay Uno at tuluyan nang lumabas.

“You even work at the same firm huh?” mahinang pagkakasabi ni Uno. Hindi ko alam kung pinaparinig niya ba sa akin o random thoughts lang niya.

“Yes, lumipat siya the same time na nag-apply ako,” I explained

Pinagpatuloy ko na ang pag kain ko at gano’n rin siya at nang matapos kami hindi ko na alam ang sasabihin sa kaniya bukod sa magpasalamat.

“Thanks for the dinner, Engineer.” Alam kong uulanin nanaman ako ng asar ni Kairo oras na lumabas si Uno dito.

“Water.” He gave me another bottle of water which made me chuckle, hindi ko na alam ano bang nangyayari dito kay Uno para nanaman siyang nanay ko.

“Alam mo mag-asawa ka na nga at mag-anak para hindi ako ‘tong ginagawa mong anak mo,” I joked at sinimangutan lang niya ako, kinuha ko pa rin ang bottled water na binigay niya at ininuman iyon para matahimik ang loob niya.

“You don’t work with people who are dehydrated din ba?” I asked na may pilyong ngiti.

“Yes, any problem with that?” pikon na sagot niya bago tumayo at kinuha ang bag gamit niya.

Pinigilan ko ang tawa ko at tumayo na din para ihatid siya hanggang elevator man lang.

“I already sent you an e-mail, nabasa mo na ba?” he nodded as an answer as he walk towards the elevator.

“Good night, Ada.” I smiled and nodded

“Good night, Uno,” I answered

Nang sumara ang elevator parang may demonyong umakbay sa akin at iginiya ako papunta sa opisina ko.

“Ano ba ‘yung nasagap mo? Hilig mo magkalat ng tsismis sa opisina ko.” Hindi niya pinansin ang tanong ko, dumiretso ako papunta sa swivel chair ko at hinayaan siya na tumambay sa opisina ko.

“Bakit naman dito kayo nag-da-date? Para ka namang non-showbiz girlfriend,” pang-aasar ni Kairo sa akin habang tinatapik-tapik ang couch.

“Hindi kami nag-d-date, ano nga ‘yung sasabihin mo?” ulit ko nanaman sa tanong ko, kapag hindi niya pa rin sinagot 'yon paaalisin ko na siya.

“Walang girlfriend si Uno.” Kapag talaga tsismisan unang-una sa listahan 'tong si Rafael Kairo Esquivel.

“Oh e anong gagawin ko?” Walang kagana-ganang sagot ko, wala naman ako dapat kinalaman doon dahil nakaraan naman na ako.

“Sus kunwari pa ‘to,” pang-aasar niya

“Ako rin may sasabihin sa’yo,” panimula ko as the side of my lips rose.

“Hoy anong mukha ‘yan Adria!” pagbabanta niya at tumayo siya mula sa couch at lumipat sa upuan sa harap ng desk ko.

“May bumisita sa opisina niya, engineer na professor pa,” nang-aasar na sabi ko pero dahil close kami ng ex niya siyempre alam ko ‘yon at alam ni Kairo na hindi ako nagsisinungaling.

“Oh e anong gagawin ko?” Natawa ako sa panggagaya niya sa sinabi ko.

Umalis tuloy siya bigla sa opisina ko, mabuti naman, hindi ‘yung ginugulo niya ako para itsismis ang iba.

Pero akala ko pa naman may girlfriend na si Uno, he’s in the ideal age of getting married na rin naman though wala namang oras talaga ang pagpapakasal.

If I wasn’t so afraid before, would Uno thought of marrying me?








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top