XVII

SSFY 17

May tama na ako pero nandito pa rin kami sa may beach, medyo pula na rin ang tenga ni Uno, feeling ko medyo lasing na rin siya pero alam ko na mas matino pa siya sa akin.

"Lasing ka na ba?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya sabay inom sa bote ng beer.

May ilang bote pa ng beer sa pail sa may table namin kaya hindi pa kami aalis dahil nga uubusin daw namin 'yon.

Nagsusulat ako sa forearm ni Uno gamit ang daliri ko at pinapahulaan ko sa kaniya. Tawang-tawa ako kahit wala namang nakakatawa dahil lang siguro sa tama ng alak sa akin.

"Ano 'yon? Intsik ka ba?" reklamo niya nang hindi maintindihan ang sinusulat ko sa balat niya.

"Oo! ¼ !" sagot ko sa kaniya, seryoso naman ako doon kaya nga Chung apelyido ko pero inirapan niya lang ako.

Tawang-tawa nanaman ako sa itsura niya dahil kunot na kunot nanaman ang noo niya habang inaalam ang sinusulat ko.

"Ako naman! Wala na akong maintindihan sa sinusulat mo," reklamo niya. Nilapag ko ang forearm ko sa table at hinatak niya iyon palapit sa kaniya.

I chuckled when I felt his finger on my skin, para akong nakikiliti na nakukuryente, alcohol does wonders talaga.

"Isa pa, hindi ko gets." Ako naman ang nagrereklamo ngayon at inulit naman niya talaga at pilit kong binubuo ang salita sa isip ko.

"May word bang ganiyan?" tanong ko dahil walang sense ang nabuo kong word sa utak ko.

Tinawanan niya naman ako dahil hindi ko makuha ang sinusulat niya, kinuha na lang niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko habang nakasalumbaba ako gamit ang kabilang kamay ko.

"Lasing ka," tawang-tawa kong sabi habang nakatingin lang sa kaniya. He wrinkled his nose and chuckled a bit dahil sa kakulitan ko.

After 30 minutes siguro nagdecide na kaming bumalik na sa hotel, we're walking along the seashore holding each other's hand. I even swayed our hands while walking.

I feel so light and at peace, para kong nakalimutan lahat ng galit na nararamdaman ko kanina, akala ko kapag uminom ako at nalasing doon ko masasabi lahat ng hinanakit ko at baka nga umiyak pa ako pero hindi ko nagawa because Uno made me feel at peace and I'm thankful for that, nakakasawa na rin 'tong issue ko sa buhay. Ang hirap i-let go, maybe I expected too much from my mom that I refuse to see the reality that she's never coming back.

"I'm glad that you're happy," Uno almost whispered those words but I clearly heard him.

"I'm glad that you're with me," I answered and as I look at him he smiled and nodded looking satisfied.

Nang makabalik sa kwarto, I washed my face and brushed my teeth tapos diretso na ako sa kama since wala rin naman na akong ibang damit na pwede ipalit, unless matutulog akong naka-robe lang.

I drank the water on the side table that made me sober up a bit. Nakatingin lang ako sa ceiling, I don't know what to feel right now. It feels like my heart wants to burst dahil sa dami ng naramdaman niya sa isang araw lang.

I got my phone and searched kung naibalita na ba na kinasal na si Mama tsaka 'yung actor, and it is. Bumangon ako at chineck ang mga articles and pictures.

She's smiling brightly on the pictures na parang hindi niya nakita anak niya na pinanood siya while walking down the aisle.

Should I text Papa? For sure alam na niya pero hindi ko lang sure kung alam niya na 'yon ang pinuntahan namin nila Uno.

I was just staring on the pictures attached to the article with a caption "Alessandra Silvestre tied the knot today with Frederick Alcaraz"

I searched for my Mom's Instagram account, I refuse to stalk her nor follow her before kasi nga galit ako sa kaniya but this time I wanted to see how her life has been ever since she left us baka marealize ko na leaving us was for the better naman talaga.

I saw her latest post which is from their pre-nuptial photos with a caption of her saying her gratitude to those who congratulated them and how she is so happy for everyone that's been part of their journey together.

@adrchung: Best wishes :)

My hands are shaking as I commented that on the picture, I don't even know if she will notice it, ang dami daming fans ang bumati sa kaniya e sino lang ba ako 'di ba? Does my comment ever mattered to her?

But I wish she would notice, that at least I still wish the best for her, that I hope she would find happiness that she didn't find in us and that finally she would never have to leave and cry everyday because of regret.

I cried myself to sleep, nagising na lang ako dahil sa tawag ni Uno sa phone ko, no wonder magkaibigan sila ni Thy.

"What?" I answered in a low voice.

"Bangon na, let's have breakfast," he said and I complied naman agad kahit na antok na antok pa ako.

Medyo nahirapan lang ako buksan mata ko dahil maga iyon pero agad din naman akong pumasok sa CR para maligo, para kahit papaano mawala ang pamamaga ng mata ko.

Sinuot ko ang two piece na pinili ni Uno kagabi pati ang cycling shorts bago ko ipinatong ang yellow na summer dress na binili ko rin kagabi.

I texted Uno na ready na ako and ilang minutes lang I heard a knock sa pintuan kaya lumabas na ako.

I saw Uno leaning on the wall, he's wearing white polo shirt na nakabukas pa ang ilang butones and beige chino shorts, sobrang fresh tignan at ang gwapo kahit simple lang suot.

Gosh what's with De Franco's genes ? Dos and Tres are absolutely good looking also.

He looked at me from head to toe and at ibinalik ang tingin sa mukha ko at biglang kumunot ang noo niya, na conscious agad ako.

"Bakit? Pangit?" tanong ko kaagad, we didn't have the time to pick clothes thoroughly kaya kinuha ko lang kung ano feeling ko maganda nang hindi iniisip kung babagay ba sa akin iyon.

"You cried?" Hindi ako nakasagot agad sa kaniya, 'yon pala ang napansin niya akala ko naman may mali na istura ko. He seems worried nang tignan ko siya.

I just smiled as an answer at hinatak na siya papunta sa elevator, I don't want to discuss it baka I'll end up crying nanaman.

We had our breakfast sa hotel bago kami lumabas at pumunta sa beach proper, ang ganda ng panahon.

"Let's take a picture," aya ko sa kaniya pero umling naman siya agad.

"I'll just take your photo," sagot niya habang may kinakalikot siya sa phone niya binuksan ata niya ang camera.

"Dali! tayo ka doon." Sumimangot ako pero sinunod ko na lang siya, sabi ko kami ang magpicture e bakit naging ako na lang.

Confirmed parang nanay talaga si Uno.

"Smile!" utos niya kaya ngumiti ako at nag pose para sa ilang shot.

"Ikaw naman!" Kinuha ko ang phone niya sa kamay niya at inutusan siya na pumwesto at tinulak-tulak pa siya para lumakad na siya.

Ayaw niya at para siyang napipilitan, mukha siyang nahihiya. "Para nga may maipost ka sa Instagram mo hindi 'yung x-ray ko pinopost mo," pang-aasar ko at agad kong nakita ang pagpula ng tenga niya.

He glared at me nang tawanan ko siya, so tama ngang sa akin ang x-ray na pinost niya, tama lang din palang assumera ako.

Kinuhaan ko na lang siya ng picture kahit hindi niya in-e-effortan dahil gwapo pa rin naman siya at maganda pa ang view so kahit hindi na siya mag-effort talaga ay ang ganda pa rin ng kinalabasan.

Tinitignan ko ang mga kuha namin maski ang ang selfie namin na grabe pa ang effort ko sa pagpilit sa kaniya pero papayag din naman pala sa huli.

I was swiping along the photos when I accidentally tapped the home button and my lips parted when I saw something.

"Why?" he asked nang kumunot ang noo ko. His wallpaper was the picture I sent to him before 'yung nainom ako ng tubig from my tumbler.

He got his phone from my hand dahil bigla niyang na-realize kung ano ang nakita ko, I looked at him at mas nahihiya na siya ngayon, ni hindi niya ako matignan sa mata.

"Of all pictures 'yun talaga?" I chuckled.

Una 'yung x-ray photo tapos sunod 'yung nainom akong tubig, bakit lahat ng picture na ko na meron siya hindi ganoon katino?

"Let's just surf." Hinatak niya na lang ako at hindi pinansin kung ano ang sinasabi ko, I just shrugged at hindi na ginawang big deal iyon.

We are in La Union, just the two of us. Anong palag ng wallpaper lang sa fact na magkasama kami ngayon dito.

We learned how to surf for hours and then tried fighting with the waves

Uno seems experienced, halos pinapanood ko na lang siya kanina mag-surfing, mas gusto ko pa siyang picturan kaysa mag-surf e. Hindi talaga ako athletic na tao, ang hina ko sa mga activities pero medyo okay naman ako nakakatagal naman ako ng 5 seconds sa board.

I tied my hair into a bun dahil dumidikit na siya sa balat ko dahil nga basa, inaantay ko na lang si Uno na pumunta dito dahil nag-su-surf pa siya, kina-career e.

Pagkatapos niya ay umupo na siya sa tabi ko. "Ang bilis mo mapagod," kumento niya sa akin kaya sinimangutan ko siya.

"Yabang!" Ang sabi niya sa akin first time niya raw pero kung makita niyo lang siya mag-surf hindi niyo iisipin na first time niya. Hindi ko alam kung gusto lang niya mapuri o talagang magaling lang siyang tao.

"Gutom na ako," sabi ko na lang nang tawanan niya ako.

Nagpunta lang kami sa beach front restaurants dahil basa kaming dalawa at mga naka swim wear pa.

Habang kumakain kami walang ginawa si Uno kung hindi asarin ako kung paano niya ako nakita mag-surf kanina, kitang-kita ko nga sila ni kuyang instructor kanina na tinatawanan ako e.

We went back to the beach to watch the sunset. Nakaupo lang kami sa buhanginan at nakaharap sa dagat habang ang araw ay unti-onting lumulubog.

We were quiet for a moment until I decided to talk.

"How did you know?" bigla kong tanong sa kaniya, I looked at him and mukha siyang hindi makapagsalita, alam kong gets niya ang sinasabi ko.

This is the first time I talked about this topic, I avoided it for so long, alam ko naman na gusto magtanong ni Uno.

"I just heard her." Mukhang ayaw niya sabihin in detailed pero gusto ko talagang malaman.

"Heard her what?" I asked as I was holding a stick na ipinangsusulat ko ng unknown figures sa buhangin.

"She needs to change her dress for the reception so she needed to excuse herself, I followed her because I got a feeling of what was happening," he looked at me looking apologetic kahit na wala naman siyang kasalanan sa nangyari.

Hindi ako nagsalita as he sighed and he continued what he was saying. "I heard her talk to someone in the phone." He stopped, mukhang nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya o hindi kasi he looked worried about me, kinabahan tuloy ako sa maririnig ko.

"What did she say?" It was hard for me to speak. What if it is another heartbreak for me? I don't even know what will I do.

"I heard her being mad asking who the hell invited her daughter." Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig 'yon. It's too painful at the same time it made me angry and sad.

So talaga palang ayaw niya lang makita ako, that she didn't have any reasons bakit 'di niya ako binalikan.

"I just assumed it was you as I saw you crying, it was normal for visitors to tear up, but you're not just tearing up that time, you were really crying hard." Pagpapaliwanang niya, ni hindi na siya makatingin sa akin na akala mo kasalanan niya ang lahat.

"She did check kung baka raw may nakakakaalam na media tungkol sa'yo or what, she's panicking when I saw her." I swallowed hard. Dapat tanggapin ko na lang talaga na wala na akong ina dahil wala na akong aasahan sa kaniya.

He looked at me with worries in his eyes, tinignan ko na lang ang papalubog na araw sa harap ko. It's beautiful hindi katulad ng nararamdaman ko.

"She always fail to show me that love does truly exist." Nasabi ko na lang habang tumatango-tango na parang nagkaroon ako ng realization sa buhay.

"There's still other people who could show you that love does exist, Ada." He looks so serious, I could see his adam's apple move while he's looking in front of us as it's slowly getting dark.

"I know," I whispered in a defeated voice because he was right, hindi ko naman dapat inaasa lahat sa nanay ko na iniwan lang ako.

Pero bakit gano'n? Ang daling sabihin pero hindi ko magawa? I feel like may anxiety na ako when it comes to committing to someone. I don't trust anyone's feeling and I do not trust my self either ganoon kalala.

My own mom left me, the person who bear me for 9 months, her blood runs down on me, I was made with her flesh but she still left, how could I trust other person in that case?

"If my own mom had the courage to leave me, ano pa sa ibang tao 'di ba?" I ask him, he didn't look at me at yumuko siya.

"E ano ako?" he whispered but I heard it loud and clear that I almost forgot to breath.

I stood up at sinuot na muli ang yellow summer dress ko, the sun sets already, I feel like it's time to go.

"Let's go home, Uno." I don't know if what I saw through his eyes were true.

But if I'm not mistaken it was pain that I saw as he look up to me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top