XV

SSFY 15

Nagbeer lang sila sa veranda at nagkwentuhan kami saglit bago nila napagpasiyahan na bumalik na sa hotel nila. Ipapahatid ko na lang sila sa driver namin dahil kadadating lang ni Papa nang paalis na sila.

“Oh aalis na kayo?” masiglang tanong ni Papa bago lumipat ang tingin niya kay Uno.

“Ikaw ‘yung nagbigay sa'kin ng gamot para kay Ada ‘di ba?” nakangiting tanong ni Papa na halata namang aasarin nanaman niya ako mamaya dahil nakita nanaman niya si Uno.

Ngumiti ng kaunti si Uno bago tumango. “Good evening po sir,” bati niya bago nakipagkamay kay Papa. Ganoon din ang ginawa no’ng tatlo at nagpakilala.

“Sayang naman uuwi na kayo, o siya ingat kayo ah,” paalala ni Papa bago umupo sa sofa sa gilid upang magtanggal ng sapatos.

Hinatid ko na sila hanggang sa may gate. “Aw I want to talk to your dad, he seems cool,” malungkot na sabi ni Thylene habang nakahawak pa sa kamay ko. Ngitian ko siya para hindi siya malungkot. “Marami pa namang next time,” I assured her.

“Tomorrow Ada ha! The wedding!” she reminded me. Oo nga pala muntikan ko na makalimutan.

“Ano isusuot ko?” I asked her dahil wala naman akong proper invitation siyempre hindi ko alam ang details ng wedding.

“Anything pastel, we’ll pick you up tomorrow by 4, oki?” Tumango ako sa kanila bago nagwave si Thy sa akin at sumakay na siya.

Sumakay na rin ang dalawa at naiwan si Uno sa labas.

“I always don’t get to properly greet your father,” nahihiya niyang sabi pero maayos naman niyang binabati si Papa everytime na nagkikita sila.

“Ha? Okay naman ah,” sagot ko sa kaniya. “I always need to go, I kinda like to talk to him like Thylene.” Napatango naman ako.

“Next time na ihatid mo ko na lasing kausapin mo siya,” I joked kaya he chuckled a bit and napailing na lang.

“Don—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya sa akin nang ibaba ni Tres ang bintana ng sasakayan.

“Ang tagal naman mag-ba-bye! Magkikita naman kayo bukas,” pang-aasar ni Tres kaya tinulak ni Uno ang ulo ni Tres papasok sa loob bago siya nagwave sa akin at pumasok na sa loob ng sasakyan.

“Ingat!” sabi ko bago nila tuluyan inangat ang bintana.

Bumalik ako sa loob at nakita si Papa na nakain sa dining habang may laptop na kaharap.

“Pa, kapag kakain, kakain lang,” paalala ko sa kaniya.

“Okay, okay madam ikaw ang masusunod,” natatawang sagot niya bago isara ang laptop niya.

“Kumusta? Nag-enjoy ba kayo ng mga kaibigan mo?” Ngumiti ako at tumango.

“Ay bukas pala may kasal kaming pupuntahan.” Tumango lang siya habang pinagpapatuloy ang pag kain.

“Ikaw kailan ka ikakasal ulit?” pagbibiro ko sa kaniya, hirap akong maniwala sa pagmamahal pero kung pagmamahal lang ang magiging dahilan para sumaya ulit si Papa ay matutuwa ako kung ikakasal siya ulit.

Kaso ang ikinatatakot ko nga lang ay baka iwan nanaman siya, baka hindi na niya kayanin at hindi ko na rin kayanin makita siyang nasasaktan.

“Bakit ako? Ikaw, kailan ka aamin na hindi lang kaibigan ang tingin niyo ni Uno sa isa’t isa?” Napaawang ang labi ko sa diretsong sinabi ni Papa at hindi nakapagsalita na naging dahilan para matawa siya.

“Hindi tayo araw-araw magkasama pero anak kita Adria.” Tumatango-tangong sabi niya, napanguso na lang ako at hindi na nagsalita habang siya ay pinagpatuloy lang ang pag kain niya.

Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos, nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko at iniisip kung anong gagawin ko sa nararamdaman ko kay Uno.

Hindi naman niya sinabi na gusto niya ako, hindi ko rin naman sinabi sa kaniya na gusto ko siya, hindi ko ata kayang gawin ‘yon.

Kahit gaano ko pa isipin na maglalaho rin naman ‘tong nararamdaman ko, pakiramdam ko lalo lang lumalalim ‘to.

Dapat ko bang bigyan ng pagkakataon ang feelings ko?

Nakatulog na lang ako kakaisip pero wala naman akong nakuhang sagot sa sarili ko.

Nagising ako kinabukasan dahil sa tawag ni Thylene, tinignan ko ang oras at 8 pa lang ng umaga.

“Hello?” I said in a hoarse voice, nakapikit pa ako at nakahiga sa kama habang nakapatong ang phone sa tainga ko.

“Hi! Omg nagising ata kita? I was about to remind you about the wedding.” Hindi ko alam kung iba ba talaga ‘yung ikakasal o si Thylene talaga 'yon, sobrang excited niya lang.

“You sound like you’re the bride,” rinig kong reklamo ni Tres sa kaniya.

“E kung pakasalan mo na lang kasi ako? Edi sana ako talaga ang bride,” sagot ni Thylene na nakalimutan niya ata na nandito pa ako.

“Do you have something to wear ba? I’m worried kasi e,” she asked, kaya siguro ang aga aga niyang tumawag.

“Mayroon ata.” I wasn’t sure dahil hindi ko pa nacheck ang closet ko, napabangon tuloy ako nang wala sa oras.

“You’re not sure? I’ll buy you some,” offer niya pero agad akong umiling kahit hindi naman pala niya makikita.

“No, I’ll check my closet. I’ll text you Thy. Thanks for the offer!” I said before patayin ang tawag.

Pumasok ako sa walk in closet ko at naghanap ng pastel buti na lang at mayroon akong nakita, ginamit ko pa 'to noon sa debut ni Winona.

I texted Thylene immediately para hindi na siya aligaga dahil baka kada-minuto tawagan niya ako to make sure na pupunta ako.

Nang 2:30 pm na naligo na ako dahil for sure by 3 tatawag na ulit si Thylene and will remind me about the wedding, gano’n na siguro siya kasawa sa mukha ni Uno, Dos, at Tres.

Nakaupo ako sa may vanity ko at nagskin care plus nagmake up ng slight. I made sure I applied enough blush dahil ayoko maging maputla.

I tried my best to curl my hair mukhang ayos naman siya tapos I put some hairpin sa half ng hair ko para hindi siya napupunta sa mukha ko.

I wore my pastel pink dress, it has a spaghetti strap but it also has an off shoulder style and it’s above the knee.

Nag suot ako ng silver watch, dangling earrings para lang hindi sobrang plain and sprayed a little bit of perfume.

Bumaba na ako habang hawak sa kamay ko ang pouch ko and sa kabila naman ang white na heels ko.

Ganitong-ganito ang suot ko no’ng debut ni Win, I think I should buy clothes already pero hindi ko rin naman masyado kasing nagagamit dahil sa lifestyle ko.

Exactly 4 tumawag si Thylene sa akin “Hey, prepared ka na? Malapit na kami.”

“Stop calling her, you called her for a couple of times already, you even woke her up.” Alam ko na kay Uno ang boses na narinig ko, natawa tuloy ako dahil annoyed nanaman siya.

Feeling ko maagang magkakawrinkles si Uno dahil laging nakakunot ang noo niya buti na lang at gwapo siya.

“Inggit ka lang e! Call her din kasi. You’re on your phone naman palagi pero ‘di ka kumikilos,” annoyed na rin ang boses ni Thylene.

Everyday ata silang ganito, if ever na hindi nagkwento sa akin si Thylene and si Uno I wouldn’t think na may something sila ni Tres kasi pare-pareho lang ang turing niya sa kanilang tatlo.

“Oh Ada sorry ‘bout that, Uno’s annoying me kasi! Pagalitan mo nga,” pagsusumbong niya sa akin pero tumawa lang ako at hindi pinansin ang pagsusumbong niya dahil wala naman akong magagawa.

“Naghihintay na ako dito sa sala, busina na lang kayo kapag andito na kayo,” I just said to her para matahimik na ang loob niya.

Totoong malapit na nga sila dahil ilang minuto lang ay nakarinig na ako ng busina sa labas ng bahay namin. Sinuot ko na ang heels ko at lumabas na ng bahay.

Bumaba si Thylene ng sasakyan when she saw me, nakaawang ang labi niya habang papalapit ako.

“My gosh why do you look like an angel? Kaya pala titig na titig si Uno sa bintana paglabas mo.” Hawak niya na ang kamay ko at hinila ako papunta sa van then pumasok na kmi doon.

Thylene is wearing a spaghetti strap pastel blue dress na medyo mababa ang neckline then her mid length brown hair with some highlights are in soft curls.

“Ang pretty mo bakit gano’n?” she said as she’s observing the way I look.

Nasa unang row kami nakaupo kaya hindi ko masyado nakita si Uno kasi hatak ako ni Thy pag pasok sa van.

“Can’t relate no Thylene?” pang-aasar ni Dos sa kaniya agad naman inabot ni Thylene sa likod si Dos para hampasin kaya lumingon ako sa kanila.

They are wearing almost the same clothes, sa kulay lang nagkatalo. Uno’s extra gwapo with his brushed up hair, he smiled at me kaya nginitian ko rin siya before looking in front dahil baka makita pa kami no’ng tatlo at asar-asarin nanaman kami.

Thylene just talked to me about random stuff sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa private beach kung saan gaganapin ang wedding, this is my first time attending a wedding and I don’t know what to feel.

Parang dapat masaya lahat kasi may couple na sure na sa isa’t isa and ready to commit to each other for life.

Hindi ba naisip ng nanay ko ‘yung pangakong binitawan niya sa wedding ceremony nila ni Papa?

Hindi ko naman sinasabi na kapag nagpakasal ka hindi ka na pwede umalis dahil kasal na kayo, alam ko naman kasi na mayroong mga abusive talaga na partners and manipulative tsaka cheaters hindi naman talaga iyon nakikita agad-agad at times but iba kasing case sa parents ko.

My dad loved my mom wholeheartedly, feeling ko nga hanggang ngayon mahal niya pa rin si Mama pero mas mahal ni Mama ang career niya na hindi man lang niya naisip bago niya pinakasalan si Papa.

Parang si Papa pa ang sinisi niya dahil biglang nawala ang pangalan niya sa industriya dahil nagpakasal siya e choice niya rin naman ‘yon, she tried to revive her career pero ayaw na talaga and that’s when it started na umayaw na siya kay Papa.

Papa told me na akala niya lilipas din ‘yung nararamdaman ni Mama, na baka namimiss niya lang kumanta sa stage pero feeling na pala ni Mama sinira ni Papa buhay niya na akala mo hindi sila nagmahalan.

Tapos hindi man lang ako binalikan?

“What are you thinking?” narinig ko ang boses ni Uno habang nakatayo ako sa harap ng dagat at hinahayaan na mabasa ang paa ko habang hawak ko ang sapatos ko.

Maaga pa kasi at kaunti pa lang ang dumadating na bisita, sobrang exclusive daw talaga ng wedding na ‘to kaya nahiya rin ako kung bakit ba ako nandito.

“Wala naman,” I lied, ayoko ikwento sa kaniya kung anong iniisip ko baka maiyak lang kasi ako and I don’t want him to see that.

“Just so you know you’re not a good liar,” he said.

“Siyempre I don’t lie,” sagot ko naman sa kaniya habang nakatingin lang sa paa ko habang inaabot iyon ng tubig.

“But it’s okay if you don’t want to share.” Napangiti tuloy ako sa sinabi niya at tinignan siya.

“Bakit ikaw, what are you thinking?” tanong ko pabalik sa kaniya.

He tilted his head na parang nag-iisip. “Uhm that you look good,” bigla niyang sabi then smiled at me before looking at the water in front of us.

“Huh?” Bakit bigla bigla na lang niya ako kinocompliment

“You asked me anong iniisip ko ‘di ba? That’s it.” He scratched the bridge of his nose, mannerism na ata talaga niya ‘yan which I find cute lalo na dahil ang tangos ng ilong niya.

“Oh? You look good also, lagi naman,” I honestly said as I chuckled.

“Lagi naman?” ulit niya as the side of his lips rose as he ask me.

“Oh laki ulo!” sabi ko agad sa kaniya before walking backwards dahil balak ko na isuot ang sapatos ko. Kumuha ako ng tissue sa pouch ko para punasan ang paa ko before ko sinuot ang heels ko.

“Tara na!” aya ko sa kaniya pero nakatingin pa rin siya sa akin with pilyo smile feeling ko tuloy medyo nagiging si Dos siya kapag ganito siya.

Kasi si Uno it’s either masungit siya or mabait siya most of the time, hindi siya gaano mapang-asar unlike Dos minsan nakakarindi rin siya pero he’s fun to be with kaya it’s okay.

I offered my hand to him ayaw niya kasi umalis kung saan siya nakatayo, natawa na lang siya ng kaunti at napailing before taking my hand.

Naglakad na kami papunta sa venue while holding each other’s hand and I don’t know why it felt like home.

Hulog na hulog na ba ako?

Umupo na kami sa pwesto namin dahil hindi naman kami kasali sa entourage. Ilang minutes na lang daw mag-s-start na, abalang-abala na ang wedding organizer sa mga entourage.

Napansin ko rin na sikat ang singer na kakanta para sa wedding nila, mukhang big time ang ikakasal kaya siguro mas pinili nila na exclusive ang kasal.

Nagstart na ang tunog ng piano at violin, sobrang sarap tuloy pakinggan, nakakamiss tumugtog pero tinalikuran ko na ‘yon kaya dapat hindi ko na iniisip.

Nakangiti lang ako habang tinitignan ang entourage, sikat na artista pala ang groom kaya naman pala may ilang medyo familiar ang mukha na mga bisita.

“Family friend niyo ‘yan?” bulong ko kay Uno and he nodded. Feeling ko tuloy ang yaman yaman nila Uno.

Sobrang cute ng mga bata habang naglalakad, mukhang nag-e-enjoy sila sa paghahagis ng mga petals ng bulaklak.

Naglabasan na ng phone ang ibang bisita kaya feeling ko lalabas na ang bride lumingon ako at nag-abang dahil siya naman talaga ang main event ng entourage.

The song changes also kaya for sure bride na talaga ang sunod. The white mesh curtain opened with the help of the wind na rin kaya ang ganda ng effect.

And then there goes the bride, agad na napaawang ang labi ko nang makita ko ang bride.

She looks very beautiful and very happy, agad na nagtubig ang mga mata ko nang makita siya.

It’s been years, Ma.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top