XIX
SSFY 19
Nang makarating ako sa board room thankfully wala pa si Mr. Ty doon, nakakahiya kasi kung nauna pa siyang dumating kaysa sa akin.
Binasa ko muli ang mga kailangan ko i-discuss sa kanila, mga proseso na kailangan namin gawin para sa site analysis. Ang daming kailangan asikasuhin dahil big project iyon.
Sampung minuto ang nakalipas bago dumating si Mr. Ty kaya nagsitayo kami bilang paggalang sa kaniya.
I’m seated beside Uno and with another engineer, hindi ko lang alam kung anong klaseng engineer siya. We haven’t formally introduced to each other or maybe hindi lang ako nag-effort dahil lang nalaman ko na si Uno ang civil engineer.
Nagstart na ang meeting, I started presenting na rin.
“First we have to check the parameters and the zoning,” I explained some technical terms pero siyempre kailangan i-explain ko mabuti sa kanila kung ano bang pinagsasabi ko dahil hindi naman lahat iyon maiintindihan nila.
I focused on the topics I needed to present and to explain kaya iniiwasan kong tignan si Uno at ang rekasyon niya.
“For the feasibility team, I would need a civil engineer and a lawyer,” I said as I’m nearing the end of the presentation.
“But in the long run I might be needing landscape architect, MEP engineer, geotech engineer and structural engineer.” I looked at Mr. Ty nang matapos ako magpresent.
“Hire everyone you need Architect but I wanted Engineer De Franco to be in this team.” Tumango naman ako agad, siya naman talaga dapat since siya naman ang naka-assign.
“I’ll talk to Atty. Loyola about this,” muling sabi ni Mr. Ty, siguro iyon ang company lawyer nila.
Nagtanong pa ang iba ng kung anu-ano about sa gagawin, I was actually waiting for Uno to ask something pero he’s just busy looking at me while he’s playing with the ballpen, ni hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
“Meeting adjourned.” Nagsilabasan na ang mga tao sa board room, inayos ko na rin ang mga gamit ko at mga folders na kakailanganin ko pa sa pagtagal.
“Let’s check the site next Friday,” biglang sabi ni Uno kaya tumango ako, I don’t even know my schedule that day kaya hindi ko alam bakit pumayag naman agad ako.
“I’ll be needing your help, I need recommendations for the engineers that we need.” Sa team na binuo ni Mr. Ty limitadong klase lang ng engineers ang mga iyon, kaya kakailanganin pa rin namin maghanap.
“I’ll take care of it, I’ll send it to your e-mail.” I got my calling card sa wallet ko and gave it to him, nagmamadali na ako dahil may dinner meeting pa ako.
“That’s my email, we’ll discuss this further but for now I’m sorry I need to go,” tuloy-tuloy na sabi ko habang nilalagay sa folder ang mga papel.
Bigla pang tumawag si Kairo. “I’m on my way Engineer Esquivel, you better be there already.” Inipit ko sa tainga at balikat ko ang phone at naglakad na palabas ng board room leaving Uno behind.
Mayroon kaming dinner meeting with a client, ang sabi ni Kairo VIP daw iyon at talagang sinadiya kaming dalawa na gumawa ng bahay niya, I’m not yet accepting the offer kasi ang dami ko talagang ginagawa ngayon.
“Sorry I’m late, I’m from a meeting.” Nilapag ko ang gamit ko sa upuan at tinignan ang client na sinasabi ni Kairo.
Napaawang ang bibig ko nang makita siya. “It’s been years Architect Chung,” she smiled at me and I gave her a small smile.
“Indeed, Engineer Peralta.” I never thought that I’ll see Paula again after college, hindi naman kami naging magkaibigan para magkeep in touch. May galit pa rin ba siya sa akin ngayon at talagang gusto niya ako pa ang architect ng bahay niya?
Umupo ako at agad tinignan si Kairo na parang nangungusap kung bakit ako andito ngayon.
“I know I’ve done a lot of things to you but I’m really glad of what you become Ada.” The way she speaks is so professional and mature hindi katulad noon na parang feeling mean girl siya.
“It’s been years but I really wanted to ask you, bakit ba naging gano’n ka sa’kin?” Agad na nasamid sa iniinom niyang tubig si Kairo kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ayos ka lang?” tanong ko at tumango-tango naman siya at iniwas ang tingin sa amin.
Tumawa naman si Paula sa harapan ko kaya napunta na sa kaniya ang atensyon ko. “I’m really sorry for everything Ada, I mean it. I might be super late but still I'm sorry.” Tumango ako, hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. No'ng hindi ko na soya nakikita sa school, nawalan na rin ako ng pake sa kaniya since sobrang busy ko noon.
Sa SC lang naman kasi kami nagkakasama noon and no’ng natapos na ang duty namin wala na rin naman, putol na rin ang mga ugnayan namin.
Pero siguro siya ‘tong hindi natahimik, siguro narealize niya na wala naman akong ginawang masama before.
“Kaya ka ba magpapagawa ng bahay sa akin?” I joked and then she chuckled.
“You can say that, but it's really because my engineer recommended you to me,” she joked sabay tingin kay Kairo sa tabi ko.
I’m glad Paula and I are okay pero napakadesisyon talaga nitong si Kairo, alam na nga na ang daming kong ginagawa.
“I wanted to accept the offer really, but I’m handling a lot of project right now,” I sadly told her, hindi ko na kasi kakayanin kapag tinanggap ko pa iyon.
“Ang sabi nga nitong si Engineer Esquivel in demand ka raw ngayon.” She smiled, ibang-iba talaga si Paula ngayon mukhang in peace na talaga ang utak niya, baka may issue lang talaga siya noon, hindi ko nga lang alam paano ako nainvolve.
“Just attend my engagement party next Friday, please?” I smiled and nodded kahit na hindi ko alam kung makakapunta ba talaga ako.
“I’ll see you two on Friday.” Nginitian niya kami at tumayo na bago umalis.
“Akala ko ba dinner meeting? Asaan ‘yung dinner? Scam,” reklamo ni Kairo kaya hinampas ko siya, para kasing ewan e.
In the end kami lang ni Kairo ang nagdinner. “Bakit nga galit si Paula sa akin no’ng college?” Alam ko naman na may alam siya e, ‘di ko lang alam bakit ayaw niya sabihin sa akin.
“Kasi crush niya ako,” sagot niya habang nagsasagot ng mga emails sa phone niya.
“Ang ayos mo talaga kausap,” inis na sabi ko at ginaya na lang ang ginagawa niya nagcheck na lang din ako ng mga email.
“Totoo nga, gusto niya ako e medyo crush pa kita noon ayon e may pagkabitchesa kasi talaga ‘yon noon buti nga nagbago e,” natawa ako sa sinabi niya kaya napatingin siya sa akin.
“Oh ngayon tatawa-tawa ka diyan.” Siya naman ngayon ang inis sa akin. Ngayon ko labg nalaman na nagkacrush pala sa akin si Kairo noon, hindi ko naman kasi ramdam.
“Pero ikaw nga gagawa ng bahay niya?” tanong ko at tumango naman siya.
“Engineer naman siya ah bakit nagpapagawa pa siya sa iba?” pagtatanong ko, curious lang naman ako kasi kung ako magpapagawa ng bahay siyempre gusto ko ako ang mag-de-design.
“Dalawa naman kami, pero busy nga kasi siya sa kasal niya tapos buntis ata,” pagpapaliwanag niya at tumango na lang ako. Wow, what does it fees like to build a family? Ngayon lang nag-si-sink in sa akin na 'yung iba sa mga kakilala ko are starting a new chapter sa life nila. Parang dati lang sa school lang kami nagkikita tapos ngayon, magkakapamilya na sila.
“Ano sabay tayo sa Friday?” tanong niya habang hinahain ang mga pagkain namin.
“Hindi ko lang sure kasi may site akong pupuntahan no’n.”
“Ge, text mo na lang ako.”
Nagdaan ang ilang araw na puro lang ako trabaho, madami akong tinatapos sa QC site para pagdating ng Friday ‘yung sa Ty coproration naman ang poproblemahin ko.
Maya’t maya ang mga tawag sa telepono ko kaya hindi na ako magkandaugaga.
“Architect, coffee?” alok ni Haley at tinanguan ko lang siya without even looking at her dahil may inaayos ako sa sketchUp sa laptop ko.
Umilaw ang phone ko at nakitang may unknown number na nagtext sa akin, kinuha ko agad iyon at chineck baka kasi client kaya hindi nakasave sa akin.
Fr: 09*********
I sent an e-mail to you already but it seems like you still haven’t checked it so I just want to give you a heads up, by the way this is Engineer De Franco. I got your number on your business card.
Agad kong in-open ang e-mail ko, ang dami ko pa palang hindi nababasa sa sobrang busy ko. Hinanap ko ang e-mail na galing sa kaniya at naglalaman iyon ng mga curriculum vitae ng mga engineers na kakailanganin namin. Mostly sa mga recommended niya ay halos mga kaedaran niya lang or ni Kairo.
To: Engineer De Franco
Thank you, I’ll get back to you once I studied the CVs already.
“Architect, Dinner?” Napatingin ako sa relo ko nang tanungin ako ni Haley ng dinner na gusto ko.
“It’s getting late Haley, you can go ahead,” I told her. I’ll take care of my own dinner kaya baka sa fastfood na lang or sa convenience store malapit sa condo.
“Sure kayo, Architect?” I gave her a smile and nodded, kaunti na lang din for sure ang mga tao dito sa firm.
Inilatag ko sa may separate table ko ang mga blue prints na kakailanganin ko pa icheck para sa mga nabago.
“Architect—“ Nagulat ako na andito pa rin si Haley pero mukhang paalis na dahil naka-bag na siya at nakasuot ng jacket.
“Take care, Haley.” Akala ko magpapaalam lang siya sa akin pero pumasok pa siya sa office.
“Architect, someone’s looking for you,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko, at this hour talaga?
“Sino daw?” Nakapamewang lang ako habang nakatingin doon sa blue prints at iniisip ang mga dapat kong gawin.
“Attorney Juan Sebastian Loyola daw po.” Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Atty. Loyola, hindi pa ako nakakatanggap ng e-mail mula kay Mr. Ty na mag-uusap kami ngayon or maybe I just didn’t get to read the e-mail. E-mail lang ni Uno ang nabasa ko kaninang umaga.
“Let him in, then pwede ka na umuwi.” Nginitian ako ni Haley na nag-aalangan dahil nga may tao pa sa opisina ko.
“It’s okay ako na bahala,” I told her and she nodded before a guy came in.
He’s tall, moreno and yes, handsome. Para siyang haciendero, kulang na lang kabayo but he’s wearing white dress shirt and black slacks and his hair is nicely styled with a leather briefcase in his hand, malayong malayo sa haciendero.
“Good evening, Attorney.” Naglakad ako papalapit sa kaniya mula sa table na may blue print.
“I’m sorry for the sudden visit Architect.” Umiling naman ako agad kahit nabigla talaga ako sa pagdating niya buti na lang pala andito pa ako sa office.
He offered a hand at tinanggap ko iyon bago siya ayain na maupo sa couch.
“Mr. Ty already talked to me but I wouldn’t be always present during the visit on the site.” Naiintindihan ko naman siya kasi company lawyer siya madami rin siyang inaasikaso, hindi rin naman siya madalas kakailanganin sa site.
I could just hire another lawyer but I guess Mr. Ty want someone who he could really trust especially in legal aspects.
Atty. Loyola is somehow younger than what I expected him to be, may katandaan na rin kasi si Mr. Ty and I thought he wouldn’t hire young professionals.
Pero hinire niya ako, si Uno at si Atty. Loyola, he must have some issues with veterans.
“I visited you at this hour kasi I’m out of the town next week, I’m afraid that I couldn’t talk to the team.” Tumango ako, na-appreciate ko ang effort niya na puntahan pa ako rito dahil lang hindi siya pwede sa susunod na mga araw.
“Okay, I’ll discuss the legalities I needed you to take care of.” Tumayo ako at pumunta sa desk para kuhanin ang mga folders ng mga kakailanganin namin for the study.
“Architect,” he called as I was browsing some folders, tumingin ako sa kaniya at inantay ang sasabihin niya.
“It’s kinda late and I heard you haven’t had your dinner yet,” he stated maybe si Haley ang nagsabi, super maalalahanin kasi no’n sa akin and I’m grateful for her baka nang dumating si Attorney sinabihan siya ni Haley na bukas na lang dahil busy ako to the point na ‘di pa ako nag-di-dinner.
“We can just talk about this over dinner if you like.” He waited for my answer and I nodded agad, medyo gutom na rin ako at nahihiya ako sa kaniya na wala man lang akong maioffer kahit kape man lang.
Kinuha ko ang bag ko at binitbit ang mga folders na kailangan ko. “May ginagawa ka pa ata sa table mo before ako dumating?” he asked and I nodded as an answer as we are waiting for the elevator.
“Some changes sa blueprint but it’s okay Attorney if you feel like naistorbo mo ko, I needed the excuse to have some dinner,” I joked.
“Tao ka, dapat nag-di-dinner ka naman talaga why would you need an excuse, Architect?” natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako.
In fairness kay Attorney Loyola magaan naman siya kasama, hindi siya ganoong intimidating kasama kahit na lawyer siya.
“Babalik ka pa ba dito later?” he asked as we are walking sa parking.
“Yes, kukunin ko ‘yung mga blue print.” Tumango siya and looked at me.
“Let’s just ride my car?” Napaisip ako pero in the end tinanggap ko na rin ang offer niya, I’m too hungry and tired to drive, mamayang pauwi na lang.
Hinayaan ko na lang siya pumili ng restaurant na gusto niya, we just talked about our own line of work sa sasakyan niya hanggang sa makarating kami sa Japanese restaurant na napili niya.
I started discussing ‘yung mga legalities na kailangan niya asikasuhin para sa feasibility, in-explain niya rin sa akin paano ang magiging proseso at kung gaano katagal.
“Attorney Loyola.” Narinig ko ang pamilyar na pamilyar na boses sa akin habang nag-uusap kami ni Attorney, napatingin tuloy siya sa kung saan nanggaling ang boses.
“Uy! Engineer De Franco nice seeing you.” Tinignan niya ako na parang nag-e-excuse siya kaya I nodded.
Nagpatuloy lang ako sa pag kain habang nag-ca-catch up silang dalawa, bakit ba lagi na lang sumusulpot si Uno sa mga restaurant, ayoko lumingon baka kasama niya ‘yung sinasabi ni Kairo na babae na kasama rin niya noon.
“I’m actually having a dinner with Architect Chung right now, you want to join us?” Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa narinig ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top