XII

SSFY 12

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at wala akong balak gawin ang kahit ano na kahit buksan ang cellphone ko hindi ko magawa.

Iniisip ko lang ang sinabi ni Uno sa akin kanina. Ano kayang sinabi ko sa kaniya na hindi ko maalala?

Imposible naman na 'yong I like you dahil hindi ko naman 'yon nakalimutan sadiyang alam kong panaginip lang 'yon.

Buong magkasama kami ni Uno kanina kinukulit ko lang siya na sabihin sa akin kung anong kalokohan ang sinabi ko sa kaniya pero ayaw naman niya sabihin, ako raw ang magsabi sa kaniya.

Kinakabahan tuloy ako baka kung ano ang sinabi ko or more like baka similar sa panaginip ko ang sinabi ko kaya ko napanaginipan ang gano'ng bagay.

Masama nga yata talaga ang uminom at malasing, I better not do it again. Si Uno lang din naman ang dahilan bakit bigla akong napainom.

I immediately called Lyrae, but no'ng napindot ko na ang call at sinabing nag-ri-ring na, I decided na huwag na lang siya kasi kilalang kilala ako no'n so I decided na tawagan si Kairo.

Thankfully he answered agad. "What's up Ada, miss mo 'ko?" bungad niya kaya natawa ako at napaisip kung tama rin ba na siya ang tinawagan ko.

"My friend needs an honest opinion right now." I started.

"Your friend huh?" he suspiciously ask and I breathed heavily since magsisinungaling nanaman ako.

"Yup," I answered so he began to ask what's my friend's problem.

"She said she dreamed about herself telling this one guy that she likes him." Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa phone and he's still on the line so I continued.

"E lasing daw siya during that time so she wasn't sure if it was really a dream or maybe it is really a dream pero she did something similar to that in reality too," I explained carefully baka madulas ako na ako iyong tinutukoy ko.

"So what's the question?" Kai asked.

"Does she like him? Parang it's weird to have a dream like that 'di ba?"

"You want an honest opinion?" tanong niya ulit and I answered yes immediately dahil sasabog na ang ulo ko kakaisip.

"Then be honest with me also." Rinig na rinig ko ang pagkapilyo sa tono niya kaya napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Sobrang halata ko ba? Hindi kasi talaga ako magaling magsinungaling eh.

"Tell me first that it wasn't for a friend, that it's for you," he chuckled at napapikit na lang ako nang mariin.

"Okay fine, so ano na nga do I like the person?" I said in defeated tone at mas lalong siyang humalakhak. I'm desperate for answer to the point na I called for help already.

"Bakit ako tinatanong mo sa feelings mo Ada?" Gusto ko mainis sa kaniya dahil tinatanong ko nga ang opinyon niya tapos hindi naman niya ako sasagutin but he got a point so I fight the urge to be mad.

"Kasi nga 'di ko alam," I just simply answered.

"From what I'm seeing, I think you like him," he finally answered my question, tatanungin ko pa lang siya kung anong meaning ng what he's seeing dahil 'di naman niya alam kung sino tinutukoy ko pero bigla siyang nagsalita ulit

"You like Uno." Nanlaki ang mga mata ko nang idugtong niya iyon.

Napaawang ang labi ko at hindi ko alam ang sasabihin ko, literal na na- speechless ako at mukhang narealize niya 'yon kaya humalakhak na siya ulit.

"I just know Adria," sabi niya habang tumatawa pa rin hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya binabaan ko na siya ng phone.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko, do I really like him?

But first of all I don't believe in feelings because I saw with my own eyes that it actually fades so I guess it doesn't really matter whether I like Uno or not.

I don't see Uno everyday nor talk to him often so I know I will be fine and this will all pass.

Pagkatapos ng realizations ko, itinulog ko na lang lahat iyon, wala rin naman sa plans ko to catch feelings for someone.

Ilang araw ang lumipas and like what I said hindi na rin kami nagkita o nag-usap ni Uno pero parusa pa rin dahil madalas kong makita si Kairo.

"Bakit ba lagi kang andito sa school konti na lang units mo ah," sabi ko sa kaniya, I'm not usually mean pero pagdating kay Kairo I can always be mean pero tinatawanan niya lang kasi ako dahil hindi raw bagay sa akin ang maging maldita.

I'm in the cafeteria, Lyrae is not here pati si Rye bale si Winona lang ang kasama ko pero kinakabahan pa rin ako dahil baka kung anong sabihin niya at marinig pa ni Win.

"Graduating na nga ako tapos ayaw mo pa ako makita," sabi niya pero hindi ko na pinansin dahil biglang nasamid si Winona.

"CR lang ako," paalam niya habang naubo ubo pa bago siya tumayo at naglakad paalis.

Nakatingin lang kaming dalawa ni Kairo sa kaniya habang paalis siya. I saw Kairo looking weirdly at Win while she's walking away, mukhang bumalik na sa realidad si Kai at bigla na lang tumingin sa akin at tumawa na hindi ko alam bakit.

"So ano na kumusta na puso natin?" he really grabbed the chance na sumagap ng tsismis mula sa akin nang umalis si Win.

"Wala, 'di ko pa siya nakita ulit," I answered as I munch on the chips that I bought earlier.

"Aw bakit parang disappointed ka?" Pilyo siyang ngumiti sa akin at tinaas baba pa ang kilay para mas lalo ako asarin.

"May pagka-annoying ka pala," I casually said to him like out of realization lang that made him laugh out loud, medyo pinagtitinginan na nga kami at gusto ko na lang takpan ang mukha ko at sabihin na hindi ko siya kilala.

"Ooohh feisty I like it!" Uminom lang ako sa coke in can ko at hindi siya pinansin.

"In fairness sa character development mo Ada," he commented that made me look at him.

"Ang dami mong alam." Sinalpakan ko ang bibig niya ng maraming chips na kinain din naman talaga niya habang tumatawa pa.

Nang bumalik si Winona umalis na rin si Kai buti naman at medyo nafeel na niya na hindi siya pwedeng dumaldal habang andiyan ang mga kaibigan ko. Hindi naman sa gusto ko talagang magsikreto sa mga kaibigan ko sadiyang ayoko lang sila magkafalse hope since wala naman akong balak ipursue 'tong feelings ko para kay Uno.

I was doing fine before him so I'm sure na magiging okay lang ako without having anything from him.

And like what I said I was doing fine for the last weeks in terms of my feelings with Uno but in terms of my acads I wasn't really doing fine.

Stress nanaman ako, kailan ba hindi 'di ba? Nasa condo ang iba sa mga kaklase ko kasi gumagawa kami ng scale model ng museum. Hindi ko alam bakit sa dinami dami ng pwede bakit museum pa.

Kagrupo ko si Ryezelle pero the other two ay hindi pero okay lang din because I get along with my blockmates dahil hindi naman sila toxic.

They decided na dito na lang sa condo gumawa dahil wala naman daw akong kasama kaya hindi raw kami makakaistorbo tapos malapit lang rin daw sa school, siyempre pumayag ako dahil mas okay sa akin na may kasama. Nakakasawa kaya mag-isa.

Hinayaan ko na sila sa lapag at ako naman busy lang mag-cutter ng mga pinapa-cut nila na mga bintana.

Sa sobrang dami naming ginagawa minsan lang namin mapagtuunan ng pansin itong scale model kaya ayan cramming kami at walang may balak matulog sa amin, ready na nga ang mga kape nila.

Napansin ko na mag-e-eight na at hindi pa kami kumakain kaya kinuha ko ang pinadeliver namin kanina at inayos sa dining bago tinawag sila para kumain.

Hindi kami kasya sa table dahil maliit lang iyon kaya sa may drafting table ako kumain habang nakaupo sa swivel chair ko.

Nagphone lang ako saglit at nakita ang story ni Rye na nakatag sa akin. Video naming lahat iyon habang may kaniya kaniyang ginagawa at may caption na "all nighters as usual" inadd ko iyon sa story ko bago nagpatuloy sa pag kain.

Nang isa isa na silang bumabalik sa sala ay bumalik ako sa dining para magligpit, since deliver naman konti lang ang huhugasan ko dahil mostly disposable ang ginamit nila.

Nagcheck muna ako ng phone bago bumalik sa sala at nakita ang reply ni Uno sa story ko.

@UnoDF: Drink lots of water :)

I immediately smile when I saw his reply, save the turtles and drink your water talaga ang motto ni Uno in life and I have no complaints.

He makes me hydrated.

Pumunta ako agad sa may ref at kinuha ang tumbler ko para uminom ng tubig and an idea pop in my head.

I took a selfie while drinking and send it to him as a reply.

"Sino 'yan aber? Nangingiti ka diyan." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Rye sa kusina, may hawak hawak pa siyang gunting at acetate.

"I just saw a meme." Napapadalas na talaga ang pagsisinungaling ko. K

Kailangan ko na yata mangumpisal and maybe I should just avoid the questions I don't want to answer instead of telling a lie

Hindi ko na siya inantay magreply at bumalik na ako sa sala para ipagpatuloy ang kina-cut ko roon.

Ilang gabi kaming ganoon, medyo naaawa na rin ako sa mga kagrupo ko na minsan kahit wala sila sa condo tinutuloy ko ang scale model namin dahil hindi lang naman ito ang ginagawa namin pero hindi rin naman siya pwede itigil dahil baka hindi umabot sa deadline.

Uno De Franco: I just want to tell you na pwede na kuhanin results ng x-ray mo.

Uno De Franco: But I know you're busy just chat me when you're free.

Adria Chung: Ok!

Sa kalagayan ko ngayon mas inaalala ko na ang likod ko kaysa sa pulsuhan ko dahil mas masakit ang likod ko, sana naman nothing serious, I don't want to wear brace if ever I have scoliosis.

Uno De Franco: Or I can get the results for you

Adria Chung: Gagawin mo 'yon?

Uno De Franco: I need to fetch Tres from the hospital might as well get it na rin

Adria Chung: What happened to Tres?

Uno De Franco: Nothing serious

Adria Chung: Alright, thank you!

Super thoughtful ni Uno kaya siguro I come to like him. Parang noon lang takot ako sa kaniya tapos parang lagi siyang naiinis dahil ang clumsy ko o 'di kaya feeling niya stupid ako kaya feeling ko bubugahan niya ako ng apoy anytime.

Ganoon pa rin ang aura ni Uno ngayon but I knew better lalo na kapag nakikita ko siyang tumatawa o ngumingiti, tao rin pala siya?

I just don't know when will this feelings of mine fade, I just knew that someday it will. My mom and dad was in love for 7 years and it still faded ano pa kaya 'tong sa akin 'di ba?

I was so busy with the scale model for the next few weeks since finals na rin kaya kailangan din bumawi sa mga subject na on the verge of failing na.

"Just put it in the sink!" sigaw ko para marinig ako ng kagrupo ko kasi tapos na sila kumain at ako nasa drafting table gumagawa ng plates para sa ibang subject.

Pumayag naman sila na huwag na muna ako tumulong dahil tuwing wala sila ako naman ang tumutuloy sa scale model.

Busy lang ako habang nag-wa-water color sa drafting table ko kaya sumasakit nanaman ang likod ko as usual, sana talaga wala namang complications sa likod ko ang hassle kung magsusuot ako ng brace or what.

Para nanaman akong zombie nang pumasok ako kinabukasan. Walang kain, ligo at tulog nanaman, hindi na ako nakakain dahil na-late ako sa paggising dahil sobrang ayaw bumukas ng mata ko kanina sa sobrang antok.

Habang nag-aantay sa may elevator biglang nakita kong padating si Uno na may kasamang babae. Iyon 'yung 2nd year na representative namin no'ng pageant which si Uno ang nagpilit sa kaniya na sumali so baka close talaga sila. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang tingin ko sa kanila kaya napansin nila iyon at napatingin din sa akin.

Lumapit si Uno sa akin at siyempre kasunod niya iyong babae, si Thylene if I'm not mistaken.

"Good morning," bati ko na lang kasi ang awkward dahil lumapit siya pero hindi naman siya nagsalita kahit hi man lang.

"Hi!" cheerful na pagbati ni Thylene sa akin and I smiled at her hindi na rin ako nakapagsalita dahil bumukas na ang elevator.

Sumakay kaming tatlo at ilan pang estudyante. Pipindot na sana ako ng floor pero pumindot na si Uno ng dalawang floor.

Kanina pa siya sulyap nang sulyap sa akin, nakikita ko dahil sa reflection niya sa pinto ng elevator kaya tumingin ako sa kaniya and mouthed, "What?"

"Are you okay?" he finally asked while looking straight at the door.

"Okay naman," sagot ko while I shifted my gaze from him to the door.

"You look pale," bulong niya sa akin.

Napapansin ko rin tuloy ang tingin ni Thylene sa amin hindi tuloy ako nakasagot.

Nang dumating na sa floor namin bumaba kami pareho ni Thylene then she looked at Uno. "See you later sa house." She waved while the elevator door is closing.

Sa house? They must be really close.

I continued walking na lang at hindi na masyado inisip iyon dahil nagkakaroon lang ako ng strange feelings, parang naiinis ako bigla pero baka dahil lang wala akong tulog or baka magkakaroon na ako.

"Bye Ada," she shouted before running on the opposite side.

I never mentioned my name to her or maybe she remembers me since nagroom to room ako before for the event.

Pagdating ko sa room agad akong nag-liptint maybe I looked horrible kaya napatanong si Uno kung okay lang ba ako.

Bakit si Thylene ang fresh niya pa rin? Same naman kaming second year and same naman kaming architecture, posible pala 'yon?

Nang makauwi ako hinubad ko lang ang uniform ko that leaves me in my white sando and cycling shorts tapos natulog na ako agad, hindi ko na kaya para na akong mahihimatay sa antok at hindi rin naman ako pwedeng maligo agad dahil hindi pa ako nakakatulog.

Nagising ako mga 9 na ng gabi, pinag-iisipan ko kung kakain pa ba ako o mag-to-toothbrush na lang tapos tulog na ulit.

Kinuha ko muna ang phone ko dahil baka may mga announcements sa GC dahil medyo matagal din ang tinulog ko. Sa pagkakaalam ko wala naman akong dapat ipasa bukas kaya malakas ang loob ko matulog agad.

Nang wala namang kahit anong new announcements about deadlines nagscroll na lang ako sa social media apps ko.

I watched my friend's my days and IG stories until one post caught my eye at napabangon ako.

It was Uno's post on Instagram, it was an x-ray photo of a hand na nakatapat sa ilaw.

UnoDF: Hers.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top