XI
SSFY 11
Napaawang ang labi ni Uno while he's fighting the urge to smile, he's still holding my forearms para alalayan ako.
"Say that again when you're already sober," he said before siya mag-start maglakad habang nakahawak pa rin sa akin. Paatras tuloy ang paglakad ko samantalang siya tuloy lang sa paglalakad nang diretso.
Nang makabalik kami sa table iinumin ko na sana ang natira sa baso pero pinigilan ako ni Uno at nagbigay ng tubig sa akin
"Finish that," utos niya at wala na rin ako sa wisyo para kumontra pa kaya ininom ko na lang rin ang tubig.
Pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari basta nagising na lang ako nasa condo na ako. Ang sakit ng ulo ko at parang umiikot pa rin ang paligid ko, nakita ko na may nakahandang baso ng tubig sa side table ko.
Inom ka daw tubig tsaka gamot -Papa
Ininom ko ang tubig bago ako nagdecide na maligo dahil hindi man lang ako nakapagbihis kagabi o kaya naman hilamos at toothbrush man lang.
Nagsuot lang ako ng pajama kahit hindi naman ako matutulog para lang kumportable ako dahil ang sakit talaga ng ulo ko.
Habang nag-b-breakfast ako, tumawag si Rae sa GC kaya sinagot ko agad.
"How are you Ada?" bungad na tanong niya nang sagutin ko ang tawag.
"Ang sakit ng ulo ko." Nakarinig ako ng tawa mula sa kaniya at sakto sinagot na rin ni Winona ang tawag.
"Wala akong maalala, did I do something embarassing?" I asked them dahil curious ako dahil wala na talaga akong maalala at first time ko malasing kaya hindi ko pa alam paano ako kapag may tama.
"Wala, you just passed out minutes after you drank water," sagot ni Rae kaya nakahinga ako ng maluwag because I had a dream telling Uno that I like him baka masiraan ako ng bait if totoo iyon.
As I was drinking my hot chocolate napaisip ako bakit ko sinabi sa panaginip ko na gusto ko si Uno? Did I actually like him?
Or baka dahil lang sa kakaasar nila at sa kakabugaw nila sa akin kaya siguro feeling ko gusto ko siya or what? I feel like I won't look at Uno the same way as before dahil lang sa naiisip kong 'to.
Nagkwentuhan lang kami about sa ganap kagabi and what they did when I passed out, they even sent me videos ng mga kalokohan ni Rye at Winona and also me while sleeping soundly with Uno at my side just drinking beer.
Nang matapos ang call humiga lang ako sa kama ko ulit because I feel a bit sick pero thankful naman ako na hindi ako nasusuka because I hate the feeling of vomiting.
Nagphone lang ako as usual since wala naman akong kailangan gawin, besides it's Saturday.
Uno De Franco: Did you drink your meds?
Nagulat ako sa bigla niyang pag-cha-chat sumabay pa ang kabog ng dibdib ko. Naiinis ako bakit may ganito na siyang effect sa akin dati naman wala.
Adria Chung: What meds?
Napatingin ako sa side table ko, and nabasa ko ulit ang note ni Papa, did they met each other?
Galing ba sa kaniya 'tong gamot dito? Kaya ba may nakalagay na baso ng tubig sa tabi ko?
Uno De Franco: For hangover
Adria Chung: Galing sayo to?
Uno De Franco: Yes, why?
Napaawang ang labi ko nang makita ang chat niya sa akin. This guy is really something bakit ba siya ganito?
Adria Chung: You met my dad?
Uno De Franco: Yup but I didn't tell him that I'm your grab driver. I told him I'm your friend.
Natawa ako sa reply niya, he just remembers everything that I say or do.
Adria Chung: Okay I'll drink the meds na
Uno De Franco: K drink lots of water
Hindi na ako nagreply pagkatapos noon at ginawa na lang kung anong sinabi niya bago ako nakatulog ulit.
Nagising ako ng gabi na, mag-se-seven na kaya bumangon ako para paglutuan ang sarili ko ng dinner dahil wala akong kain kaninang lunch.
Nakita ko si Papa sa swivel chair ko may ginagawa sa laptop niya, napatingin siya sa akin bago pinatong ang laptop sa drafting table ko at tumayo.
"Masakit ba ulo mo?" tanong niya at naglakad papunta sa kusina para maghain ng pagkain. Ang sarap talaga kapag andito si Papa nakakamiss umuwi ng Ilocos.
"Hindi na po," sagot ko na lang bago ako umupo at inantay siya matapos maghain dahil ayaw naman niya na tumulong ako.
"Kumusta experience uminom anak?" mapanlokong tanong niya sa akin and I crinkled my nose.
"Hindi naman masaya e! Nakakahilo," pabirong sagot ko sa kaniya at tinawanan lang ako ni Papa hanggang sa umupo siya sa tapat ko.
"Aba'y siyempre unang beses pa lang naman," paliwanag niya at nilagyan niya ng kanin ang plato ko pati na rin ng ulam.
"Nak, sino nga pala iyong kasama niyong lalaki? 'Yung nagbuhat sa'yo?" Napatigil ako sa pagnguya at hindi agad siya nasagot.
"Gwapo! tapos ang tikas parang ako noong kabataan ko," pagbibiro niya pa kaya natawa ako at napainom ng tubig.
"'Di mo sure pa," biro ko rin sa kaniya pero nang tignan ko siya mukhang nag-aantay siya ng sagot mula sa akin.
"Kaibigan namin, nakanta kasi siya doon sa pinuntahan namin kaya kasama namin siya." Hindi ko alam kung nagtunog defensive ba ako o ano pero hinayaan ko na lang, totoo naman lahat ng sinabi ko.
"Ahh kumakanta." Tumatango tango pa siya kaya napatitig lang ako kay papa at sa reaksiyon niya.
"Bitter siya oh," natatawang sabi ko na lang dahil alam ko ang naiisip niya pero agad napailing si papa.
"Wala akong sinasabi ah kumain ka na diyan," bigla niyang sabi. Napangiti na lang ako at napailing.
Ilang araw ang lumipas at siyempre ganoon pa rin ang ginagawa ko, papasok tapos aantayin umuwi tapos papasok ulit. Nakakaumay pero ito talaga ang realidad. Mas lalo lang akong naumay dahil umuwi na si Papa sa Ilocos, gusto kong sumama pero hindi ko pa bakasyon at napakatagal pa ng byahe.
Maaga ako pumasok para mag-aral sa library, medyo madali lang naman ang aaralin ko kaya lang mahaba kaya mas okay kung sa library ako para hindi ako tawagin ng kama ko o kaya ng couch para matulog.
Bago pumuntang school bumili muna ako ng kape sa starbucks dahil antok na antok ako at naubusan na ako ng mansanas sa bahay. Sa katagalan parang nasasarapan na rin ako sa kape na minsan kahit hindi ko kailangan magpuyat ay nag-c-crave na ako sa kaniya.
"May nakaupo?" Napatingala ako habang nagkakape sandali sa Starbucks.
"Uy!" Bumungad sa akin ang pilyong ngiti ni Kairo, ang tagal na rin noong huli ko siyang nakita, busy rin siguro siya dahil graduating na siya .
Umupo siya sa tapat ko. "Sana lahat graduating na." Pabiro niya akong inirapan. "Huwag mo nang batiin dahil hindi pa sure." Natawa ako sa kaniya, finals na lang at thesis at tapos na siya, ewan ko nga lang kung kailan ang immersion or ojt nila.
Sa amin kasi wala kaming ojt within school year, pagkagraduate namin saka pa lang kami kukuha ng experience for 2 years bago kami magboard. Ang hassle pero may sweldo naman na 'yon.
"Nag-aaral ka ba?" tanong niya. Umiling naman ako, mamaya pa ako mag-aaral pagdating ko ng school
"Saan mo balak mag-apply pagtapos mo?" Umiling siya bilang sagot.
"Ayaw ni papa, gusto niya magfocus lang daw ako sa pag-re-review pero may kumukuha naman na sa akin." Tumango na lang ako at ininom ang kape ko.
"Nakita ko magkasama kayo ni Uno last last week ata," bigla niyang sabi buti na lang at nalunok ko na ang kape.
What's with people na puro si Uno ang bukang bibig. "Ahh oo paano mo alam?" tanong ko sa kaniya.
Mukhang hindi niya inexpect ang tanong ko, hindi ako nagstory ng kahit ano that night dahil lasing ako pati na rin si Uno walang post, alam ko dahil tinignan ko baka may kakaibang caption nanaman siya e pero ayun nga wala naman.
"Nakita ko lang kung saan." Mukhang ayaw niya sabihin kaya hindi ko na lang pinilit.
Nagkwentuhan lang kami saglit about sa mga ginagawa niya at inaasikaso pero nagpaalam na rin ako kaagad paalis dahil kailangan ko pa mag-aral sa library.
Habang nasa library ako sinigurado ko na may dala akong tumbler ng tubig, nakasanayan ko na rin dahil lagi akong pinapainom ni Uno ng tubig na akala mo lagi akong may sakit kahit tuloy wala naman siya ay na-apply ko na maski ang paggamit ng metal straw katulad kanina sa starbucks.
Speaking of Uno nagchat siya sa akin after ilang weeks.
Uno De Franco: What time out mo?
Nagtaka ako sa chat niya as always pero sinagot ko na lang rin.
Adria Chung: 2:30 why?
Uno De Franco: Let's go to the hospital
Adria Chung: Ha? Bakit?
Uno De Franco: You said you'll have your check up after midterms.
Adria Chung: Ahh oo nga pala
Adria Chung: Okay
Ang tindi rin talaga ng memory ni Uno, pwede siyang human reminder sa sobrang tindi niya na naalala niya lahat ng sinasabi ko tapos madami siyang na-o-observe. Sana ganiyan din memory ko na pwede magamit sa acads.
As usual nanahimik lang ako sa library pagkatapos ay pumasok na rin ako sa tatlong subject namin na buti na lang nagdiscuss lang at walang ibang pinagawa maliban sa isang quiz na inaral ko kanina.
Nang mag-uwian tinignan ko ang phone ko kung may chat ba si Uno, hindi niya rin naman sinabi saan kami magkikita e.
"Tara na," aya ni Rye nang mag-uwian na kaya tumayo na rin ako at sumabay sa kanila pero walang chat si Uno kaya ako na lang ang nauna mag chat.
Adria Chung: Tapos na class ko saan ka?
Halos malaglag ko ang phone ko nang mapansin naka ngisi si Lyrae nang makita niya ang china-chat ko.
"Kaya pala kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo," bulong niya sa akin, siniko ko siya at lagi na lang siya ang nakakahuli sa akin kapag may kinalaman kay Uno.
"May date kayo?" bulong niya pa ulit kaya umiling agad ako.
"Wala." Hindi naman talaga iyon date kaya okay lang sa akin na sabihing wala dahil hindi naman ako nagsisinungaling.
"Aysus sige na saka mo na lang sabihin 'pag sure na." Kinindatan niya pa ako bago habulin sila Winona na nauuna ng lakad.
Tinignan ko ang phone ko at nakita na nagreply na si Uno na nasa gate 1 daw siya nag-aantay sa may gazeebo.
Kaya doon na ako dumiretso at hindi na nagpaalam sa mga kaibigan ko at winish na sana si Lyrae na ang bahala magpaliwanag bakit umalis na ako.
Ngayon lang ulit kami magkikita ni Uno after noong nalasing ako, medyo hindi na ako naiilang sa kaniya dahil sabi naman nila Ryezelle tulog lang ako noong lasing na ako.
Hindi ko pa rin alam ang dahilan bakit gano'n ang panaginip ko, kung bakit ko nasabi na gusto ko siya pero naisip ko baka as a person siguro.
Natanaw ko na siya kaya tumayo siya at inantay akong makalapit sa kaniya. "Hi." Tipid siyang ngumiti at nagsimula na siyang maglakad kaya sinabayan ko na siya.
"Hindi mo naman ako kailangan samahan," pagbabasag ko sa katahimikan. Ang tahimik niya kasi though tahimik naman talaga siya on a daily basis.
"I need to, you forget things easily," makahulugan na sabi niya kaya hindi agad ako nakaimik dahil tama naman siya.
Ilang beses ko na nakalimutan na magpacheck up kahit ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na magpapacheck up talaga ako.
Hindi na rin kasi masakit ang pulsuhan ko at ang dami ko ring ginagawa kaya siguro nakalimutan ko. "Hindi ka ba busy?" tanong ko na lang sa kaniya.
"I am." Napatingin ako sa kaniya na nagtataka sa naging sagot niya habang nag-d-drive siya kaya napasulyap siya saglit sa akin.
"But I make time, Adria," dugtong niya pa. Napalunok na lang ako at pinigilan na mapangiti sa sinabi niya.
Nanahimik na lang tuloy ako buong biyahe namin papuntang ospital baka kung ano pa masabi ko o masabi niya.
"She'll have an x-ray sa may wrists niya and then sa likod." Kumunot ang noo ko at napatingala kay Uno habang kinakausap niya 'yung medical personnel nang kuhanin niya ang pangalan ko, umupo na kami sa waiting area.
"Bakit pati likod ko?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Never ko naman sinabi sa kaniya na gusto ko ipacheck ang likod ko.
"I know you have back pains often." Nabanggit ko ba sa kaniya na sumasakit na likod ko madalas?
Never sumagi sa isip ko na ipacheck ang likod ko kahit laging sumasakit kasi feeling ko normal na but now that Uno inisisted parang dapat ko nga ring ipacheck.
"Galing! paano mo alam?" tanong ko na lang habang nakatingin kami sa TV na ang palabas ay mga gag shows.
"I saw you putting a lot of plaster on your back when I slept at your condo," sabi niya habang nakatingala rin sa TV, napatango na lang ako sa sobrang pagkaamaze ko sa kaniya.
Natapos na ako sa x-ray pero hindi pa agad makukuha ang resulta kaya hindi pa ako makakapagpacheck up sa doktor.
"Kain tayo," aya ko kay Uno. Wala na si Papa sa condo kaya ibig sabihin wala nanaman akong uuwian na pagkain sa doon kaya mas mabuting kumain na muna ako sa labas dahil nagugutom na ako.
"I was about to ask you too," he smiled bago kami naglakad papuntang sasakyan niya.
"May bibilhin rin pala ako sa national sama ka?" tanong ko sa kaniya at tumango lang siya.
Pinili namin na sa yellow cab na lang kumain, siya na ang nag-order at nagbigay na lang ako ng pera.
"What are you going to buy at NBS?" tanong niya habang pinaglalaruan ang mga bote ng condements at nag-aantay sa order.
Napaisip ako dahil naisip ko na kanina kung ano bibilhin ko pero nakalimutan ko, dapat pala sa national kami nauna pumunta.
"Ano nga ba? Ano nga ulit?" bulong ko sa sarili ko at agad kong tinanong sila Lyrae sa GC kung may kailangan nga ba kaming bilhin.
"You and your short term memory tsk," pang-aasar ni Uno sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Minsan lang e," sagot ko habang busy makipagchat kila Lyrae.
"Weh?" pang-aasar niya pa lalo habang kinakalikot ang mga nakalagay sa table
"I bet you don't remember what you told me a few weeks ago," he said and I froze at my seat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top