X
SSFY 10
"Si Uno 'yon ah." Tinignan ako ng kakaiba ni Rae nang makita niya na hinatid ako ni Uno hanggang sa room tapos dala niya pa ang plates ko.
"Ah oo nakasabay lang." I don't even know if this is a lie pero kasabay ko naman talaga siya kasi same building lang naman kami.
"Sus." Ngumiti siya ng kakaiba bago siya bumalik sa pag pho-phone niya.
Buti na lang at hindi nakita ni Winona at Ryezelle na nasa likod ng upuan namin kung hindi mas malala ang aabutin ko lalo na kay Ryezelle na ang dami atang baon na pang-aasar lagi.
Nang maipasa namin ang major plate namin ay parang nabunutan nanaman kami ng tinik sa dibdib. May mga exams pa kami pero mas madali naman na iyon kaysa naman sa pag-d-drawing magdamag.
"After midterms ituloy na natin 'yung inom ah!" aya ni Ryezelle at sinamaan naman siya ng tingin ni Winona.
"Matutuloy na 'yan basta 'wag ka ng biglang pupunta doon sa bebe boy mo." Inirapan ni Rye si Lyrae dahil sa sinabing 'yon ni Rae.
"Minsan lang niya ako tawagan aba dapat lang puntahan ko siya agad." Hindi ko kilala kung sino ang pinag-uusapan nila basta ang alam ko isa siyang biktima ni Ryzelle.
"Hoy Ada! Wala ng SC ah," pagbabanta sa akin ni Win kaya tumango ako agad. Willing naman ako sumama sa kanila kahit na magdamag silang iinom.
Pag-uwi ko wala si Papa pero nag-iwan siya ng note na nasa pintuan na nagsasabi na may pinuntahan siyang meeting sa BGC at may niluto raw siya, kinuha ko iyon at dumiretso na sa kwarto para maligo bago ako kumain at mag-aral.
Siyempre bago pa ako maghugas ng pinagkainan ko ay nagphone muna ako at nakitang finollow ako ni Uno sa instagram.
Mayroon pala siyang instagram, napa-stalk tuloy ako nang wala sa oras. Tatlo lang pictures na andoon, isang silhouette niya tapos may sunset tapos 'yung next is plate niya pero matagal na, first year pa ata siya tapos 'yung last, picture niya kasama ang dalawa pang lalake.
Finollow back ko siya bago ko tinignan ang story niya baka kasi malaman niya na inii-stalk ko siya.
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang nag-iisang story niya ngayong araw. Picture iyon ng board ko kanina tapos kita ang likod ko habang naglalakad tapos may caption na "An Architect's dream is a Civil Engineer's nightmare lol" nagreply tuloy ako sa story niya agad.
@adrchung: Paano 'yung "lol" tingin nga!
@UnoDF: Asa ka
@adrchung: Hater ka
@UnoDF: 'Di ah galing nga e
Natawa ako kasi damang-dama ko iyong pagka-sarcastic niya kahit sa DM lang grabe ang impact niya.
@adrchung: Kapag naging architect ako 'di kita kukunin na engineer
@UnoDF: Ayaw ko rin baka sumakit lang ulo ko
@adrchung: Sige ok lang sana masarap pa rin ulam mo kahit ganiyan ka
@UnoDF: Wala ka bang exams?
@adrchung: Meron. Aaral na ako byeee
Pagtapos no'n ay hindi na rin siya nagreply siguro ay mag-aaral na rin siya para sa exams.
Medyo mas maaga naman ako nakatulog that day kumpara kapag may mga plates ako na sabay sabay ang deadlines.
"Hoy 8 pm teh ah," pagpapaalala ni Rye sa amin dahil nga tapos na ang midterms kailangan na matuloy ng hang out namin pero dahil mga naka-uniform pa kami ay uuwi pa kami para magpalit ng damit.
Saglit lang ay nakauwi na ako agad, medyo inaantok na nga ako pero ayaw ko pa naman maitakwil ni Winona dahil lagi ko siyang tinuturn down noon.
Nagsuot ako ng black bandeau romper tapos oversized na maong jacket na halos lagpas na sa mismong romper na suot ko and then white sneakers lang.
Nang tumatawag na si Winona bumaba na ako dahil nagpasundo ako sa kaniya dahil nga hindi ko rin naman alam saan kami pupunta.
"Naglagay ka ba ng lip tint?" bungad niya nang makita ako kaya saka ko lang naalala na hindi pala, pagkabihis ko wala na akong ibang ginawa kung hindi antayin siya.
Umiling ako sa kaniya kaya napailing na lang siya. "Namumutla ka." Nagdrive na siya paalis para sunduin si Ryezelle. Si Lyrae lang ang hindi namin susunduin dahil may driver naman iyon.
Nakabackless top at highwaist pants si Rye. Nang pumasok siya ng kotse "Swimsuit ba 'yan?" agad na tanong ni Winona.
"Oo, 'di naman kasi ako nagsuswimming e," natatawang sagot ni Rye habang sinusuot niya ang sapatos niya.
Habang nag-uusap sila tinext ko si Papa na may ganap nga kami nila Rye at sinabi ko rin na nag-iwan ako ng note sa condo.
Dahil nga trabaho naman ang ipinunta ng papa ko dito sa Maynila siyempre madalas wala pa rin siya sa condo. Nang makarating kami sa pupuntahan namin agad na pinigilan ako ni Winona nang akmang bababa na ako.
"Lalagyan kita ng make up." Umiling ako kay Winona dahil hindi naman na kailangan dahil kami-kami lang rin naman. Sanay na silang maputla ako.
"Dali na! For me please." Nagpuppy eyes pa siya sa akin. Huminga na lang ako nang malalim at tumango, tinawanan lang kami ni Rye sa backseat.
Nilagyan niya ng concealer ang ilalim ng mata ko tapos blush at mapulang lip stick bago siya nasatisfy sa itsura ko.
Bumaba na kami nang tumawag na si Rae at sinabing andoon na raw siya. Ang sabi ni Winona hindi naman daw ito club, resto bar lang para sa chill nights.
"Iced tea lang ako as usual." Tumango lang si Lyrae dahil siya ang kakausap doon sa waiter. Chill lang talaga sa resto bar na 'to hindi gaano madami ang tao tsaka malawak ang space. Para siyang kasing vibes ng mary grace na cafe pero may maliit na stage sa harap tapos may kumakanta and then madaming fairy lights na yellow tsaka mga bulb na designs.
Habang nag-aantay kami ng order nagkukwentuhan lang kami about sa mga plates na sobrang worst na nagawa namin and doon sa mga profs na hindi namin masyado gusto.
"Ka-text mo nanaman ba 'yang bebe boy mo?" tanong ni Rae kay Ryezelle at ngumiti lang ng nakakaloko si Rye.
"Ang sabi mo ang baby boy pa niyan, baka kung anu-anong gawin mo diyan ha," pagpapaalala ni Rae sa kaniya. Si Rae kasi ang pinakamother like sa amin, lagi niyang kaming inaalala.
"Gusto ko siya no!" Tawang tawa naman si Winona sa sinabi ni Rye. "Ay nako Ryezelle pang 52 ko nang rinig 'yan sa 'yo," pang-aasar ni Winona kaya bumusangot naman si Rye.
"Totoo nga! Hindi ko rin naman alam kung bakit gustong gusto ko siya ilang weeks na pero siya pa rin," sabi niya bago sumalong baba. "Kaya gusto ko talaga siya," pahabol niya sabay ngiti at saktong dumating na ang mga inorder namin.
Nasa kalagitnaan kami nang pag kain nang sikuhin ako ni Lyrae kaya napatingin ako sa kaniya nang nagtataka. Ngumuso siya sa stage at nakita ko doon si Uno na nag-se-set up. Kaya pala puro instrumental na lang ang naririnig ko at hindi na iyong babae na kumakanta kanina.
Tinaas baba ni Rae ang kilay niya sa akin para asarin ako at buti na lang busy sa pag kain 'yung dalawa, siniko ko na lang siya pabalik at tinawanan niya na lang ako at pinagpatuloy ang pag kain niya.
Busy silang mamili ng drinks na oorderin nila nang matapos kami kumain kaya ako napatingin na lang kay Uno na mag-s-start na kumanta.
"Good Evening," bati niya kaya napatingin doon ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam bakit parang kinabahan ako nang marinig ko lang ang boses niya.
"Uy! Si Uno oh Ada," turo ni Winona sa akin. "Gwapo niya talaga," kumento pa ni Winona. Nginitian ko na lang siya.
Nag-start na siya kumanta at nakakuha naman siya agad ng hiyawan sa mga audience. Kapag talaga kumakanta siya parang hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya he really belongs to the stage.
"Teh hindi mo type si Uno?" biglang tanong sa akin ni Rye na naging dahilan para tumawa si Lyrae sa tabi ko.
"Ha?" tanging naisagot ko kahit rinig na rinig ko ang tanong niya. "Oh 'wag kang kabahan tinatanong ko lang," sagot ni Rye bago niya ininuman ang cocktail drink niya.
"Naisip ko lang gwapo siya tapos kumakanta, bagay kayo," dugtong pa niya pero hindi na lang ako umimik.
"Kung 'di mo type akin na lang," sabi naman ni Winona kaya agad siya hinampas ni Lyrae.
"Huwag niyo na nga agawan si Ada." Hindi ko alam bakit bigla na lang nila akong binubugaw kay Uno samantalang isang beses pa lang nila siya nakakausap.
Tahimik kaming nanood sa unang kanta ni Uno, nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa magtama ang tingin namin.
Mukha siyang nabigla nang makita ako pero agad din naman iyong nawala, iniwas ko ang tingin ko saglit pero ibinalik ko rin agad pero pagbalik ko ng tingin sa kaniya nabigla ako dahil nakatingin pa rin siya sa akin tapos bigla niya akong nginitian.
Napainom tuloy ako sa inumin ko bigla. Nang ilapag ko ang baso nakatingin ng weirdo sa akin ang tatlo. "Bakit?" Kumuha ako ng tissue para punasan ang labi ko.
Nakangiti nang nakakaloko si Rye sa akin. "Akala ko ba hindi ka nainom?" malokong tanong ni Rye kaya napatingin ako at andoon ang iced tea ko katabi ng baso na wala ng laman kaya pala iba ang lasa no'ng nainom ko.
"Just tell us you want a drink Ada, I'll gladly get you one," nang-aasar na sabi ni Winona. Kinuha ni Rae ang baso at tinignan. "Bottoms up huh," malokong sabi niya .
"Akala ko sa 'kin," sagot ko na lang bago binawasan ang ice tea na nasa kabilang side ko. Totoo naman kasi, akala ko sa akin.
Kakabugaw nila sa akin kay Uno kung anu-ano na lang nararamdaman ko e. "Two tequila sunrise please," order ulit ni Lyrae.
"Hindi na ako iinom," pangunguna ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako ng nakakaloko. "Loosen up, Adria," advice pa ni Rye.
"Uminom ka na nga ng isa e, wala naman nangyaring masama sa 'yo," parang bumubulong na devil na sabi ni Rye. Ngayon, wala pang nangyayaring masama sa akin paano kapag nalasing ako.
"Don't worry too much, I have my driver," Lyrae assured me bago niya itapat sa akin ang isa sa baso ng tequila sunrise na inorder niya.
I look again at Uno and nakapikit siya habang kumakanta, damang dama niya kung ano man iyon, that makes him more good.
"Hindi mo talaga crush?" bulong ni Lyrae sa akin pero hindi ko siya sinagot at ininuman lang ang baso ko. Napakaweirdo talaga ng mga kaibigan ko kung anu-ano tuloy naiisip ko tsaka nararamdaman ko pati na rin nagagawa ko.
Nagkwentuhan kami after nila ako asar asarin kay Uno at dahil sa biglaang pag-inom ko ng cocktail.
Nakalimang kanta ata si Uno bago niya tinanggal ang gitara sa pagkakasukbit sa kaniya at isinandal iyon sa tabi at bumaba na siya ng stage.
"Uno!" tawag ni Winona kaya napahawak na lang ako sa noo ko, minsan ayaw ko na rin talaga sa kakapalan ng mukha ni Winona e.
Tumingin si Uno nang makita kami saka siya naglakad palapit. "Mas magaling ka kapag live," pagpuri ni Rye kay Uno. He didn't say anything and just scratched the bridge of his nose.
"May gagawin ka pa ba?" tanong ni Lyrae kay Uno. Tumingin sa akin si Uno ng ilang segundo bago siya umiling. Agad hinila ni Lyrae ang upuan mula sa bakanteng table at inilagay iyon sa table namin para makaupo si Uno.
Uminom ako ulit sa baso sa harap ko dahil hindi ko alam paano ako mag-re-react. Umorder sila ng isang bucket ng beer para sa kanila at kay Uno na rin.
Hinahayaan ko lang sila kausapin si Uno at tanungin siya ng kung anu-ano pero pansin ko pa rin ang paminsan minsang sulyap niya sa akin habang pinaglalaruan ko ang mga baso sa harap ko.
Biglang tumayo si Lyrae kaya napatingala ako sa kaniya. "Dito ka na Uno, hiya ka pa. Kanina ka pa tingin nang tingin kay Ada." Napahawak si Uno sa batok niya at kitang kita ko ang pamumula ng tainga niya kaya natawa ako.
Lumipat siya sa tabi ko. "Are you okay?" bulong niya agad sa akin nang makalipat siya.
"Are you drunk?" tanong niya ulit agad naman akong umiling. I don't know the feeling of being drunk pero parang hindi pa naman ako lasing.
Binigay nila sa akin lahat ng cocktail nila kanina dahil mag-be-beer na nga lang daw sila eh ayaw ko ng beer amoy pa lang hindi ko na gusto.
"Nakanta ka pala dito," sabi ko na lang habang iniikot ikot ang baso sa harap ko. Uminom siya mula sa bote ng beer na hawak niya bago tumango. "Minsan kapag may oras."
Nakikinig lang kami sa mga drunk stories ng mga kaibigan ko habang patuloy ko lang iniinom ang mga nasa harap ko. Nakikitawa rin minsan si Uno sa mga kalokohan nila Ryezelle at sa kaartehan ni Winona.
"CR lang ako," pagpapaalam ko pero nang tumayo ako doon ko na na-feel ang hilo buti nakahawak ako sa sandalan ng upuan.
"Teh ayos ka lang?" tanong ni Rye na nakakita sa akin napatingin tuloy silang lahat sa akin
"Uhm..." Hindi ko naman masabi na okay lang dahil umaalon ang paningin ko pero na C-CR na talaga ako.
Tumayo si Uno at inakbayan ako para makontrol niya kung saan lang ako dapat maglakad, agad niya akong sinamahan papunta sa CR bago niya tinanggal ang pagkakaakbay sa akin.
"Humawak ka ha," paalala niya bago ako pumasok sa CR.
Kagaya ng sabi niya humawak nga ako sa kahit saan na pwede kong sandalan o hawakan para hindi matumba, medyo nasusuka na rin ako kaya ginawa ko na lahat para hindi na ako pabalik-balik sa CR mamaya. Hindi na ako iinom pagkatapos nito, ang pangit sa feeling.
Buti na lang at ako lang ang tao sa CR, nagmumog ako at naghugas ng kamay, binura ko na rin ang lipstick ko dahil medyo kumalat na rin iyon.
Lumabas ako na halos nakasandal pa rin sa may pader at hinang-hina sa paghatak ng pintuan. Agad napaayos ng tayo si Uno nang makita ako.
"How are you feeling?" tanong niya agad as he held both of my arms habang nakatayo siya sa harap ko.
"I think..." panimula ko at kumunot ang noo niya habang inaantay ang kasunod na sasabihin ko.
"I think I like you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top