VIII
SSFY 8
"Ready na ba? Start na tayo in five," aligagang sabi ni Kai sa akin kaya I gave him thumbs up dahil nag-final check na kami no'ng isa pa naming member kanina.
Super aligaga rin ako dahil ginawa ba naman akong runner ng mga ito, kanina pa kung sino-sino ang pinapahanap sa akin pero hindi naman ako nagrereklamo ayos lang naman.
Nasa back stage lang ako habang pinapanood na i-brief ang mga kasali sa pre-pageant, though nagawa naman na nila iyon no'ng nag-general practice sila.
After nito, wala na kaming gagawin kung hindi ang panoorin sila, hindi rin kami pwede umalis kasi baka may mangyari at kailanganin kami.
"Ada, paki escort si dean dito sa backstage," utos sa akin no'ng isa pa sa member ng SC. Kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at hinanap ang dean namin sa crowd.
Tinignan ko ang unang row ng upuan kung saan sila dapat nakaupo pero wala doon ang dean kaya nagpanic ako kung saan siya hahanapin, napakadami pa namang tao.
Tumakbo na ako palabas habang kino-contact ko si Kai para itanong kung nasa office pa ba si dean.
"Wala pa ba dito?" stressed na tanong niya.
"Tinignan ko sa first row wala, paki double check na lang din baka nagkasalisi." Pumayag siya at ibinaba na ang tawag.
Halos sampung minuto rin akong nagtakbo-takbo papunta sa building namin at paaakyat mahanap lang si dean buti na lang tumawag sa akin si Kai na andoon na raw sa upuan and tapos na rin kausapin no'ng nag-utos sa akin kanina.
Pagod na pagod tuloy ako nang makababa sa first floor ng building namin pero tumakbo ako ulit pabalik sa grounds dahil nagsimula na ang first event ng week na 'to.
Umupo ako sa gilid malapit sa stage nang tabihan ako ni Uno, kanina pa kami nag-pe-prepare pero ngayon ko na lang siya nakita sa sobrang busy namin. Inabutan niya ako ng tubig at tinanggap ko naman iyon agad dahil hinihingal hingal pa ako.
"You're working so hard," kumento niya. Mukha ngang ako lang ang haggard sa aming dalawa, parang chill na chill lang siyang nanunuod sa tabi ko.
Buong araw magkasama lang kami ni Uno na naka standby lang sa event, dahil opening ng event siyempre mas may ganap ngayon pero sa mga susunod na araw hindi na masyado kaya matapos lang ang araw na ito, okay na ako.
Let's eat," aya ko kay Uno. Gutom na gutom na ako pero pinipigilan ko lang kasi hindi pa tapos 'yong first part ng event kanina.
He nodded and stood up. Agad kaming nakipagsiksikan sa mga tao, may nakaapak pa nga ng paa ko at ang sakit no'n pero siyempre hindi ko na alam kung sino pa ang umapak kaya hinayaan ko na, sana masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon. Nauna na si Uno dahil ang dali lang niyang nakasiksik sa mga tao.
Hirap na hirap ako pero ayoko naman manulak, ang dami kasing pasaway, nilagyan na nga namin ng harang para may dadaanan ang mga tao pero wala e doon pa rin nagsitayo.
Nakita ko si Uno pabalik sa kung nasaan ako at agad niya akong inakbayan at sinama sa kaniya habang hinahawi niya ang mga tao.
"Bagal mo," reklamo niya at sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa pagrereklamo niya e hirap na hirap na nga ako.
"Inapakan kaya nila paa ko," reklamo ko rin sa kaniya habang tinataas ko pa ang paa ko para ipakita sa kaniya.
Ang magaling na Uno ay tinawanan lang ako. "Tingin nga," pang-aasar niya pa.
"Parang wala naman," natatawang dugtong niya. Ayan ata talaga ang kasiyahan ni Uno, masaya siya kapag alam niyang napipikon ako.
Pero pabirong pikon lang naman hindi naman ako naiinis sa kaniya, never pa nga ata akong nainis kay Uno nang totoo kasi sa totoo lang kahit na mataray siya at nakakatakot, thoughtful naman siya, lowkey nga lang parang may sarili siyang way.
Habang nakain ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Lyrae. "Asaan ka nanaman?" bungad niya nang sagutin ko iyon.
"Nakain sa canteen why?" Hindi ko pa sila nakikita ever since nagstart ang event or kahit kaninang nag-aayos kami dahil nga 'di ba sobrang busy.
"Puntahan ka namin," sabi niya at umokay lang ako. "Ingay naman punyemas!" Rinig ko pang reklamo ni Rye kaya natawa ako nang malala kasi malamang nasa event siya talagang maingay.
Ibinaba ko ang tawag at nakatingin si Uno sa akin. "Who's that? Kairo?" Nakakunot ang noo niya habang pinaglalaruan ang metal straw na nasa baso.
Oo, meron siyang metal straw sa bag niya, iba pa iyong nasa kotse. Save the turtles ang motto niya sa buhay.
Ilang minuto lang at dumating na ang tatlo at agad naningkit ang mata ni Lyrae at ang nang-aasar na tingin ni Ryezelle nang makita si Uno na kasama ko.
Tumabi si Winona sa akin at nagcling sa braso ko tapos umupo sa tabi ni Uno si Ryezelle at si Lyrae naman nakatayo lang sa gilid. Mukhang naguguluhan naman si Uno sa nangyayari dahil 'di niya alam sino ba itong mga 'to.
"Hoy Rae makatingin to!" saway ni Rye at tumatawa pa dahil sa tingin ni Rae kay Uno.
"You look familiar," sabi ni Rae kay Uno. Napatingin naman si Uno kay Rae dahil sa sinabi nito.
Sasagot na sana si Uno nang unahan siya ni Ryezelle. "Duh siya 'yong nasa story ni Ada." Kinuha ni Rye ang softdrinks na nasa gilid ko at uminom siya doon.
"Ahh doon ba?" Napaisip si Rae bago siya tumango at umupo sa kabilang tabi ko.
Si Uno naman ngayon ang napatingin sa akin, siyempre hindi niya alam na ini-story ko siya dahil hindi naman niya ako fino-follow, ni hindi ko nga alam kung mayroon ba siyang instagram.
"Uhm Rye, Rae, and Win, si Uno kasama ko sa SC," pagpapakilala ko sa kanila. Si Winona nakipagkamay pa kay Uno.
"Shocks ang pogi nito ah," bulong niya sa akin at agad siyang inabot ni Lyrae para hampasin.
"Nakakahiya ka narinig ka niya," saway ni Rae habang si Uno hindi alam paano mag-re-react kaya uminom na lang siya sa shake niya.
Si Ryezelle busy lang kakatext baka may bagong biktima nanaman siya. Tinapos lang namin ang pag kain at nagpaalam na rin kami sa kanilang tatlo dahil babalik pa kami sa grounds.
"They're all from archi?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik. Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya.
"By the way, can I see the story Rye's talking about?" Nanlaki ang mata ko. Akala ko pa naman hindi na niya i-o-open pa 'yon at nakalimutan na niya.
"Wala na 'yon e 24 hours lang naman tumatagal ang story," sabi ko. Wala namang kakaiba doon sa story, it's just him singing. Ni hindi nga ako naglagay ng caption, hindi ko rin kasi alam ang best words to describe him that night.
"There's archive." He smiled. Okay, I accept defeat, kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko and opened my story archives and let him watch himself.
"Why did you post that?" tanong niya nang maibalik sa akin ang phone.
"Hmm, parang you belong to the stage tsaka ang galing mo e," I honestly answered. He was so immersed that time na alam mo talagang passionate siya.
He just smiled at what I said.
Sa mga susunod na araw ng week na 'to, we became less busy kasi okay naman na ang lahat, mga participants na lang sa bawat event ang hinihintay namin.
Paula's back na rin pero dahil wala naman na kami sa iisang room katulad noon ay hindi na rin siya lumalapit.
I wanted to talk to her pero naalala ko ang sinabi ni Uno sa akin na why do I make Paula feel like what she's doing is okay kaya parang deserve ko naman siguro na siya ang mag-approach sa akin to say sorry and sabihin kung ano ba talagang problema niya sa akin.
Friday came at ito na ang closing ng event at ang pinakainaabangan ng mga estudyante. Even I, dito ako pinakaexcited, sa concert na gaganapin sa gabi.
Umuwi ako para magpalit ng damit, I don't wanna wear uniform sa concert. Gano'n din naman ang sabi sa akin nila Win na magpalit daw ako kasi mag-pi-picture daw kami mamaya.
I wore black halter top tapos white high waisted shorts and then over sized pink wind breaker na nakabukas lang maman and a pair of white chunky shoes. I let my mid-length hair down tapos nag-lip and cheek tint lang ako. If I know uutos-utusan lang rin naman ako that's why hindi ako masyado nagtodo ng make up besides it's just for Winona's instax if I know.
Naggrab na lang ako pabalik sa school dahil ayoko rin magcommute na ganito ang itsura tapos gabi pa kasi ang daming trash sa paligid na babastusin ka tapos ikaw pa sisisihin dahil sa suot mo. Ang gross lang ng mentality, it's really a horror for women everyday dahil sa kanila.
When I got back to school tinawagan ko na agad sila Winona so we could take our picture before kami mahaggard sa dami ng tao sa grounds.
Nagkita-kita kami sa entrance and did our little photoshoot there na kita ang lights and stage.
"Ang fresh pa rin ng bebe," bati sa akin ni Rye. She's wearing a yellow tube top and black skirt with a lot of overlapping necklaces plus madaming earrings na usual naman na niyang suot and black boots up to her knees.
Nang matapos ang picture taking namin saktong tumawag si Kairo sa akin kaya nagpaalam na rin ako agad sa kanila para pumunta ng back stage.
"Naks!" agad na sabi niya nang makita ako. He's wearing pastel pink na short sleeve polo na nakabukas ang ilang butones and black shorts na hanggang tuhod tapos his hair is fixed neatly.
"Picture tayo," aya niya so I agreed.
He gave his phone sa isa naming ka-member and nagpicture kaming dalawa medyo marami rin iyon kasama na rin ang selfie na kasama 'yung nagpicture sa amin.
We just talked about a few reminders about the concert after pero meron namang mga security personnel dahil hindi rin naman kakayanin ng SC ang crowd buti na lang rin at hindi pwede ang outsiders or from other department dahil sobrang dami if ever.
Hindi ko alam kung sino sa members ng SC ang nakapag-invite sa mga banda na tutugtog ngayon, pero ang galing kasi ang ganda ng line up. I just pray na smooth ang lahat para makapanood din kami.
Prinepare ko na ang tubig para sa mga guest and snacks kapag habang naghihintay sila ng turn nila or kapag tapos na sila.
Hindi makaalis si Kai kasi kailangan niya i-greet ang mga guest kaya sinamahan ko na lang siya since hindi pa naman start.
"Where's Uno?" I asked. Parang hindi ko pa siya nakikita ever since nakabalik ako from school.
"Hindi ko lang alam, pero umuwi rin siya e," I just nodded and inisip kung dapat ko ba siyang i-chat kaso baka tarayan lang ako so antayin ko na lang siya since siya naman ang lagi kong kasama.
We greeted the guest when they came and gave them few reminders and stuff then siyempre nagpapicture din kami ni Kairo sa kanila siyempre minsan lang 'to. Next year hindi na ako part ng student council and si Kai ay ga-graduate na so nilubos-lubos na namin ang chance na 'to.
Nang magstart na ang opening prod doon lang dumating si Uno sa backstage. I blinked thrice as I saw him. He is wearing red sweat shirt, faded jeans and converse. His hair is brushed up and he's wearing a silver necklace.
Napaiwas lang ako ng tingin sa kaniya nang lumapit siya at umupo sa tabi ko. Nakatingin na lang tuloy ako sa gilid ng stage at pinanood kung paano sumabay ang kaunting student na nakikita ko sa kanta.
Usapan first half kami muna ang magbabantay dito at sasamahan ang mga performers tapos second half manonood na kami kaya andito lang tuloy ako kahit gusto ko puntahan sila Rye at maki-jam sa kanila.
Nang matapos na 'yong first and second band inasikaso na muna namin sila, kwentuhan and kumain din sila before sila umalis kasi may booking pa ata silang iba.
Tumayo na ako at sumilip sa stairs sa gilid kasi gusto ko 'yung mga kanta no'ng nag-pe-perform na band right now kaya gusto ko mapanood sila. I even took videos while I was singing din pero mahina lang para marinig pa rin 'yung band. I love them.
"You like them 'di ba?" Biglang sumulpot si Uno sa tabi ko at nakasandal siya sa wall katapat ko.
"Paano mo alam?" I kinda shout din kagaya ng ginawa niya para marinig niya ako, ang lakas kasi ng sounds eh.
"I remember pinatugtog mo 'yung song nila while we were having all nighter sa condo mo." This time he whispered after leaning close to my ear para marinig ko.
Sobrang observant ni Uno and not just observant nag-p-pay attention talaga siya sa lahat ng sinasabi ng mga nakapaligid sa kaniya and parang tina-take note niya sa utak niya.
He held my hand kaya nagulat ako tapos bigla siyang tumakbo kaya napatakbo ako at nagpatangay sa kaniya. Narinig ko pang may sinabi si Kairo pero hindi ko na naintindihan dahil nga natakbo kami.
Tumigil lang siya katatakbo nang nasa crowd na kami. Nakipagsiksikan kami hanggang makahanap ng magandang spot, hindi sobrang harap pero kitang-kita ang nag-pe-perform.
I looked at Uno and smiled as I mouthed thank you kaya napailing siya and urge to fight his smile pero he failed.
I began to sing along with the band and slightly jumping. Napatingin ako kay Uno when he also started singing lumawak lalo ngiti ko nang marinig ko siya, he sounded like a dream.
And as we sing and jump, I realized one thing and that is he's still holding my hand.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top