VII
SSFY 7
"What did you do? Bakit wala si Paula?" pang-uusisa ko kay Kairo, siya kasi ang huling kausap ni Paula pagkatapos niya akong itulak.
Tawa siya nang tawa habang binibitbit na namin ang mga gawa namin dahil naka-set up na ang stage sa grounds
"Wala akong ginagawa ah." Obvious naman na may nangyari pero ewan ko bakit siya tuwang tuwa, natatawa rin tuloy ako sa tawa niya.
Biglang may humablot sa bitbit ko at nakita si Uno na ang sama ng tingin sa akin. "Bakit galit ka nanaman?" curious na tanong ko. Itinaas niya ang bitbit niya na inagaw niya sa akin
"'Yung kamay mo baka lumala," sabi niya bago ako tinalikuran. Napatingin ako kay Kairo na napailing na lang at inaya na akong bumaba.
"Pagka-set up ng stage, may gagawin pa ba tayo?" tanong ko kay Kairo habang nag-aantay kami sa may elevator.
Nag-isip siya saglit "Hmm wala na, ginawa mo na pati program diba?" tumango ako.
Sobrang all around ko na dahil kay Paula, kung ano-ano ba naman pinapagawa sa akin no'n.
"Wala na bang meeting bukas?" tanong ko ulit. Balak ko kasi na bumawi kila Win kasi nga sobrang nabusy ako this whole month.
"Mayroon pero finishing touches na lang." Tumango ako.
Nag-aayos na kami sa may stage pati ang mga ilaw chine-check na namin dahil may mag-ge-general practice pa roon bukas.
Habang inaayos ko ang backdrop nahihirapan ako dahil hindi ko maabot at ayaw niyang mag-stay put sa pwesto. Kukuha na sana ako ng tungtungan nang lumapit si Uno at siya ang nag-ayos.
"Ako na nga," sabi niya. Napatingin na lang tuloy ako habang ginagawa niya 'yon. Mr. Perfectionist talaga ang isang 'to kaya siguro madalas inis siya sa akin, lutang kasi ako at clumsy madalas.
Mabilis lang niya iyon nagawa dahil matangkad siya. "Good job," sabi ko sa kaniya at tinignan niya naman ako nang nakakunot ang noo na para bang na-we-weirduhan siya sa akin.
Kinuha ko muna ang ilang pang design na nasa lapag at nagsimulang ayusin iyon bago ako nagsalita.
"Kapag kasi nag-thank you ako ayaw mo kaya good job na lang," natatawang paliwanag ko. Napailing na lang siya na parang wala siyang magawa sa kaweirduhan ko pero totoo naman ang sinabi ko baka kapag nag-thank you ako sabihin niya 'wag ako mag-thank you dahil ginawa niya lang 'yon dahil ang bagal ko kasi hindi ko maabot.
Hindi siya umalis sa tabi ko, kumuha lang din siya ng kung ano sa lapag at inayos niya rin.
"Ayaw mo ba sa polite words?" Tumingin siya sa akin na para bang ang stupid ng tanong ko pero hindi ko na minasama kasi he's Uno, normal na iyan sa kaniya.
"Anong sinasabi mo?" he shot back.
I continued what I'm doing and decided to answer him kahit baka mairita siya sa akin. "Ayaw mo na nag-t-thank you ako, ayaw mo rin na nag so-sorry ako." Hindi siya sumagot, tahimik lang siya sa tabi ko habang busy na busy sa ginagawa pero alam ko naman na narinig niya ako baka nag-re-reflect siya or baka hindi niya napansin na gano'n siya.
"Ano lang tinatanggap mo?" pangungulit ko.
Hindi niya pa rin ako sinasagot but okay lang at least hindi pa siya naalis sa tabi ko kahit gusto na niya siguro akong layasan at nakukulitan na sa akin.
"Good morning? Good night? O baka naman I love you?" Agad siyang napatingin sa akin kaya nagkasalubong ang mga mata namin.
I smiled a little bago ko iniwas ang mata ko sa kaniya kasi medyo naiilang ako kung paano niya ako tignan baka gusto na niya akong patayin sa isip niya.
"Just finish that, ang dami mong alam," he said after ilang seconds na nakatingin lang siya sa akin. Tumawa na lang ako nang kaunti before continuing what I was doing.
Nang matapos kami tuwang-tuwa kami dahil grabe rin ang pagod namin dahil sa event na ito, sana talaga mag-enjoy lahat sa department namin.
Hindi lang naman kasi stage design ang ginawa namin, naglakad pa kami ng proposals, programs tapos posters and other stuff.
"Dinner tayo!" sabi ng isa sa mga member ng SC at agad naman umagree ang iba. Tumingin sa akin si Kairo na parang pinapakiramdaman kung sasama ako o kaya parang nagpapaalam kaya natawa ako.
"Sumama ka kung gusto mo bakit ka ganiyan makatingin?" Pinisil niya ang pisngi ko at tumawa lang, hindi man lang sinagot ang tanong ko.
"Will you go?" bulong ni Uno sa akin habang nakatayo siya sa tabi ko.
Minsan lang naman mangyari 'to tsaka wala naman si Paula so walang magagalit sa akin if ever sumama ako plus deserve naman namin 'to.
"Oo naman." He smiled a little and then nodded.
"Let's go together?" tanong ko sa kaniya mukha naman siyang nabigla sa tanong ko na hindi ko alam bakit then he scratch the bridge of his nose and nodded.
Naglakad na kami papuntang parking at nagtaka si Kai kung bakit humiwalay kami ng daan ni Uno dahil papunta kaming parking lot.
"Sabay kami," sabi ko sa kaniya medyo kumunot ang noo niya pero agad din namang tumango.
"Sabay din ako Uno," masigla niyang sabi medyo nagulat ako sa kaniya pero mas nagulat si Uno.
"Why?" iritableng tanong ni Uno.
Ngumiti ng pilyo si Kai. "Bakit? Same lang naman tayo ng pupuntahan, dali na pre!" sabi niya pa kaya naptingin naman ako kay Uno at inantay siya sumagot pero tumingin lang siya sa akin na parang nag-aalangan.
I nodded and tumango na lang din siya kaya naglakad na kami papunta sa sasakyan ni Uno.
Papunta sana ako sa front seat nang pumunta si Kai roon nabigla ako dahil sobrang bilis ng pangyayari pero pumasok na lang din ako sa back seat dahil wala namang kaso sa akin kahit saan ako.
"Astig ng sasakyan mo pre no?" comment ni Kairo nang makapasok na rin si Uno.
Hindi siya pinansin ni Uno, sumulyap nang kaunti si Uno sa akin gamit ang rear view mirror and I smiled a little, napansin ata ni Kairo iyon.
"Nag-d-date ba kayo?" Nanlaki ang mata ko at halata na maski si Uno nabigla buti na lang nacontrol niya ang pag-d-drive niya.
"Huh?" nagtatakang tanong ko at tawa naman nang tawa si Kai. Napakulit talaga, kung anu-anong naiisip itanong.
"Oh mga kabado!" pang-aasar niya pa. Napailing na lang ako at natawa ng kaunti dahil sa tawa niya, mayroong mga times talaga na hindi ko alam minsan bakit tuwang tuwa siya sa mga nangyayari.
"Gusto mong bumaba?" masungit na tanong ni Uno sa kaniya kaya nagpeace sign na lang siya at nanahimik.
Nakarating kami sa isang resto bar, garden type siya pero may indoor din naman pero since madami kami, sa may garden kami pumwesto.
Umupo ako sa tabi ni Kairo at sa kabilang tabi ko naman si Uno.
Nagkwentuhan lang kami habang nakain hanggang sa mapagdesisyunan nila na uminom na rin ng beer pero siyempre hindi ako nag-order.
"Of course you don't drink, bakit ba nagulat pa ako," tumatango-tangong sabi ni Kairo na akala mo kilalang-kilala niya ako simula pagkabata.
"Uy! Magrequest kayo kanta dali," sabi ng isa sa mga kasama namin dahil pwede magrequest ng kanta doon sa banda.
Nagsulat sila ng kanta sa tissue at ibinigay nila sa harap, ako wala naman akong gusto i-request kaya hindi ako nagsulat.
"Is there anyone who'd like to jam with us?" tanong no'ng singer na nakakuha naman ng maraming reaksyon.
Agad prinesinta nila Kairo si Uno at tinuro nang tinuro hangga't sa makuha nila ang atensiyon no'ng banda.
Nag-cheer ang lahat para kay Uno pero patuloy lang ang pagtanggi ni Uno, tumingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng tulong kaya natawa ako.
"Can't you do it for us?" tanong ko sa kaniya tumingin ako sa kaniya na parang nagpapaawa, alam ko na maaasar lang siya sa itsura kong nagpapaawa pero tinry ko pa rin dahil gusto ko rin marinig si Uno na kumanta. Sa pagkakaalala ko nabanggit ni Kai na naggigig si Uno kaya na-curious na rin ako.
Huminga siya nang malalim bago siya tumayo kaya naghiyawan kami at pumalakpak ako kaya sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya at binigyan ng thumbs up.
Pinakita no'ng babaeng singer sa kaniya ang nakalagay sa tissue na isa sa mga request ng customers and I saw him nod.
"Give him around of applause," sabi no'ng babaeng singer bago ibalik ang mic sa may stand at may tinanong kay Uno.
"Okay Uno, the stage is yours." Ang daming pumalakpak at naghiyawan para sa kaniya. Ang ganda ng tama ng ilaw from stage sa kaniya, lalo siyang gumwapo.
Sa totoo lang, ang gwapo gwapo naman talaga ni Uno, hindi niya lang ata alam.
Kapag magkasama kami, madalas pinag-uusapan din siya ng ibang kasama namin sa SC at maraming tumitingin sa kaniya. Medyo nakakaintimidate nga lang ang itsura niya kaya siguro walang nagtatangkang lumapit.
In-adjust niya ang mic stand nang naaayon sa tangkad niya at tumingin sa table namin, sinukbit niya ang gitara kaya naghiyawan kaming lahat but he just glared at us. Galit nanaman siya hay nako.
Nagstart na ang tugtog kaya na-excite ako, he looked calm dahil nga siguro he's doing gig naman talaga kaya hindi na bago sa kaniya ang kumanta habang maraming tao.
When he started singing ang daming naghiyawan na babae and some are taking videos pa. He looked so immersed at what he is doing it felt like passionate talaga siya.
Ang ganda ng boses niya parang calm and a bit husky. Nang magchorus na, I took a video of him also and put it in my instagram story.
Nakatingin lang ako sa kaniya na parang if you saw him, you can't take your eyes off him already. Ang talented lang talaga niya plus the appeal. Feeling ko mag-aaway na 'yong mga nag-d-date dito mamaya dahil instant famous si Uno sa mga babae.
I met his gaze and I smiled at him but he rolled his eyes on me kaya tawang-tawa ako kasi kahit nakanta siya napaka-attitude niya pa rin.
Napatingin tuloy si Kai sa akin. "Tawa ka diyan?" Nakakunot ang noo niya nang tanungin ako.
"Nothing." Tinamad na ako mag-explain kaya hindi ko na sinabi though I lied but hindi naman 'yon big deal, sorry po.
Nang matapos ang kanta agad din naman siyang bumaba pero grabe ang hype ng audiences kahit mukhang wala naman siyang pake. I was wondering tuloy kung bakit hindi na lang siya nag-singer o kaya artista at nagpapakahirap pa siya maging engineer, I mean mahirap din naman maging singer o artista, mukha lang talagang mas passion niya kapag nasa stage siya.
Civil engineering is hard, maybe I would ask him bakit niya 'yon pinili someday kapag medyo mabait na siya sa akin lagi kasi akong tinatarayan nito e.
He sat again beside me and had a sip of beer. "Don't do that face again," he said in a warning tone nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya.
"Huh? What face?" I responded innocently as I ate some of their pulutan, pinapagalitan nga ako ni Kai kasi inuubos ko raw pulutan nila e hindi naman ako umiinom.
Umirap nanaman siya. "Ahhh 'yon ba? Bakit? Nag-work naman sa 'yo ah," pang-aasar ko kaya sinamaan nanaman niya ako ng tingin before drinking his beer.
"Don't drink too much mag-d-drive ka pa," I reminded him before talking to Kairo na kung anu-anong kinukwento dahil medyo may tama na ata siya.
"Oo na, sige na." Hindi ko alam kung ilang beses ko na sinabi iyan kay Kairo sa dami ng sinasabi niya na hindi ko na magets.
Tawa naman nang tawa ang mga kasama namin dahil lasing na lasing na si Kai.
Some are taking videos of him, nakasandal na ang ulo niya sa balikat ko sa sobrang bigat na raw ng ulo niya.
"What are we gonna do with him?" bulong ko kay Uno. He looked at me and raised his shoulders which indicate na hindi niya rin alam ang gagawin kay Kairo.
Mag 3:00 am na nang mapagpasiyahan nila na umuwi na, sobrang tatapang nga ng mga ito dahil may mga pasok naman sila kinabukasan, feeling ko nga may mga homework pa ang iba sa kanila.
"Where do you live?" Para kaming may batang kausap dahil ni hindi namin alam paano namin iuuwi si Kai na lasing.
"I can go home, trust me," confident na sabi niya.
I looked at Uno and the rest of the members. "Talent niya 'yon Ada," natatawang sabi noong isa.
Ayaw sabihin ni Kai kung saan siya nakatira kaya pinainom ko na lang siya ng tubig bago kami lumabas sa resto bar.
Sinakay namin siya sa bus dahil mag-b-bus daw siya. Pagkaalis ni Kai, naglakad na rin kami on our own directions na.
"Bye! Take care," sabi ko sa kanila bago kami tumawid ulit pabalik kasi doon ang way ko at andoon ang kotse ni Uno.
"Are you sure sober ka?" tinanong ko si Uno habang natawid kami and he just nodded.
"Ingat sa pagdrive." I smiled before walking papunta sa waiting shed pero pinigilan niya ako.
"Saan ka pupunta?" Humarap ako sa kaniya bago ituro ang waiting shed.
"Ihahatid kita, ba't ka pupunta doon?" he looked confused.
"Ahh ihahatid mo ba ako," I said while nodding, hindi ko naman alam kasi hindi naman niya agad sinabi e.
Malay ko kung pagod na siya and that he wanted to go home straight.
"Yup, why would I let you commute at this hour Adria?" he asked. Ayan inis nanaman siya sa akin.
"Tara na nga nagagalit ka nanaman e." Hinila ko na siya papunta kung saan siya nagpark kanina para hindi na siya mainis.
Tahimik lang kami sa sasakyan, medyo inaantok na rin ako pero ayoko naman siya tulugan kaya pinipigilan ko dahil malapit lang naman ang condo ko.
Habang nasa daan may tumawag sa kaniya, naka-connect ang phone niya sa screen sa may dashboard kaya sinagot niya iyon doon at nakita ko kung sino 'yon, hindi niya rin suot ang earpiece kaya rinig ko ang sinasabi no'ng tumawag.
"What now Tres?" he asked the guy nang walang kagana-gana.
Siguro kapatid niya 'yon because he is Uno so baka may Dos tapos si Tres. Cool naman ng parents niya may pattern talaga, paano na lang kapag may fourth na anak ang weird kapag Kwatro ang pangalan niya.
"Are you going home? Para mapick up ko na uniform mo if ever hindi. Mamaya, utusan mo nanaman ako," tanong noong Tres so siya siguro ang naghatid ng uniform ni Uno sa condo kagabi.
"Uuwi ako, how 'bout you?" Uno asked and the guy laughed hard
"No way man! K bye fucker." And the call ended after that.
"Sorry about that." Hindi ko alam para saan 'yon. Ano 'yon? sorry dahil narinig ko?
"Kapatid mo?" He looked at me for a split second before answering, "not really." Anong sagot 'yung not really? Ang gulo kausap nito minsan.
"Medyo lang?" natatawang tanong ko, ayaw ko naman tanungin kung half o ano baka sabihin pa niya ang insensitive ko.
"Cousins but like brothers," he answered before lumiko kung asaan ang tower ng condo.
Nang makatapat na siya sa entrance. "Ahh... ingat." Bubuksan ko na sana ang pinto pero lumingon muna ako sa kaniya.
"Sing more often Uno, if you really don't like me doing that face again." I laughed and he smiled while he fights the urge to laugh saka ako bumaba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top